Uupo Kaya Siya?

Shin Ai (True Love)

 

 

4:00 AM.

6 ½hours na ang nakalipas matapos ang I LAUGH SABADO.

Nagkalat ang halu-halong butil ng sweets at chips sa sahig pati na sa sofa.

May kasama pang konting tapon ng tubig sa center table.

Nakatulog na pala sa sala sina Angellie at Nadine matapos magmovie marathon.

Tulog pa rin sila hanggang………

 

RRRRRIIIIIIINNNNNNGGGG!!!!

 

Hindi yung school bell ang tumunog kundi yung alarm sa kwarto na sinet ni Nadz at approximately 6:00 AM.

Nagising siya.

Papikit-pikit pa yung mata at kakapa-kapa sa cabinet  pero pinatay lang yung alarm, nagtalukbong ng kumot at bumalik ulit sa pagkakatulog.

Si Angellie naman, himbing na himbing pa rin sa pagtulog.

 

After 30 minutes………

Wala naman nag-alarm but nagising na lang si Angellie at ginising niya na rin si Nadine.

Ayun, two and a half hours lang tulog nila. Kailangan kasi gumising ng maaga para maghanda sa pagpasok.

 

♥ ❤ ❥ ❣ ❦ ❧♥ ❤ ❥ ❣ ❦ ❧♥ ❤ ❥ ❣ ❦ ❧

 

Sa classroom………

 

Inaantok pa ang AngelliNadz and they both kept on yawning. Halata naman siguro sa eyebags nila kung ga’no sila ka-late natulog.

However, pumasok na ang kanilang instructor at bigla sila naging attentive. Siyempre, baka pagalitan lang sila pag nalamang inaantok sa klase.

 

Nagdiscuss na ang prof.

Habang nakikinig si Angellie, napansin niya na nakadungaw sa may pintuan si Bob.

He smiled and watched Angellie all throughout.

Oh no!

She was surprised. She suddenly thought of the thing that Bob might be another person who would be pissing her off - aside from Meljohn.

Hindi na lang niya pinagtuunan ng pansin si Bob. She just continued listening to the professor and wrote down notes as if she saw nothing or more like ‘no one.’

 

Afterwards, natapos na rin ang first class of the day.

Maaga sila dinismiss ng prof kaya may time pa sila para magkwentuhan.

Time na rin para lumipat sila ng ibang classroom para sa next subject.

While nagsisilabasan ang ibang estudyante, biglang sumingit si Angellie  habang tinatakpan niya mukha niya ng bag para hindi makita ni Bob kasi nga nakaabang sa pintuan.

“Huy Anj! Wait lang, hintay mo ko!” sigaw ni Nadz na nagmamadaling sumunod kay Angellie. Yung ibang gamit niya hindi na pinasok sa bag, binitbit na lang niya tsaka tumakbo.

Si MJ nakitang nagmamadali ang dalawa. “Ano kayang nangyari sa dalawang yun? Ba’t sila nagmamadali?” Napailing na lang siya ng ulo at inayos ang gamit.

Dumeretso ng ladies restroom si Angellie kasi alam niyang hindi makakapasok dun si Bob.

Kinuha niya ang face powder sa bag at nagretouch na lang.

Si Nadine, hingal na hingal namang nakasunod at napakapit pa sa may frame ng pintuan ng CR. “Angellie naman, ang bilis-bilis mo! Napagod ako dun ah. Bakit ka nga pala tumakbo na lang bigla? Tinatakpan mo pa mukha mo, parang may pinagtataguan,” tumingin sa taas si Nadz at humawak sa baba sabay isip na naman ng kung anu-ano. “Hmmm…Ba’t mo naman papagtaguan si MJ? Wala naman siyang masamang binabalak? Hindi rin naman siya stalker? Sa gwapo niyang yun?”

Pagtakip ni Angellie sa lagayan ng face powder, napalingon siya kay Nadz.

“Yan ka na naman Nadz. Siguro kung ie-express sa Math yang imagination mo, it may be INFINITY,” nakatawa na lang na sagot ni Angellie.

“Eh bakit nga pala?”

Angellie took a deep sigh. “Nadz…...... May bago na naman akong stalker! Eeeeeeee!”

“Huuuwwwaaaattt? Sino naman?”

“Sino pa nga ba, eh di si Bob!”

“Yung mataba?”

“Ikaw na rin nagsabi…”

“Hahaha! Yun? Diba pag hindi maganda itsura, stalker ang tawag tas pag gwapo naman, admirer? Eh di, stalker nga! Hahaha!” tawa nang tawa si Nadz.

“Buti sana kung admirer, eh di okay sana haha!” dagdag pa ni Angellie.

“So………si MJ pala, admirer mo? Uyyyyyyyyy…” asar ni Nadz at siniko pa si Angellie.

“Aray naman, eh isa pa yung stalker eh!”

“Stalker? Helow Anj? Wala naman sigurong nagkulam sa’yo para hindi mo ma-distinguish ang isang cute sa hindi noh?”

“Ha?”

Nadz crossed her arms and said, “Kung ganon na rin lang at kung ako sa’yo, mas gugustuhin kong si MJ na lang stalker ko kaysa kay Bob, haha!”

“Tsk. Labo mo talaga Nadz. Kaya nga dapat tulungan mo na lang ako eh.”

“Tulungan saan?”

“Sa pag-tsugi dun kay Bob…”

“HHHHAAAAA? May balak kang patayin si Bob?” nagtaka si Nadz…Or talagang hindi niya lang na-gets ang kaibigan.

“Hinde noh! Ibig ko sabihin, tulungan mo ko para hindi niya na ko sundan or para hindi na siya mag-stalk sa’kin!”

“Ahhh………Eh ano naman kaya pwede kong gawin? Hmmmm………,” napaisip si Nadz.

“Ano nga ba?.........,” napaisip din si Angellie. “Mamaya na nga lang natin isipin yan. ‘Lika na, dun muna tayo sa canteen tumambay habang hindi pa time.”

“Okay sige.”

 

The two then proceeded to the canteen.

They looked everywhere for available seats.

Maraming tao pero buti na lang may isa pang table na available with two sidebenches on each of the long edge of it.

“Yun Anj oh! Wala pang nakaupo. Tara dali! Baka maunahan tayo,” tinuro ni Nadz ang vacant na table.

“Tara bilis!” reply naman agad ni Angellie.

Unfortunately, habang papalapit sila sa table ay biglang binaba ni MJ ang bag niya sa upuan. Naunahan niya sila Angellie at Nadz. Hindi naman niya napansin ang dalawa kasi nakafocus siya sa bitbit niyang tray ng binili niyang snacks na binaba niya naman sa table.

Napatigil sa paglapit ang dalawa.

“Ha, naunahan tayo ni MJ?” sambit ni Nadz.

“Hay naku, kahit kelan talaga yang lalaking yan!” kumukulo na naman dugo ni Angellie kay Meljohn.

Bigla na lang tumakbo si Nadz papalapit kay MJ.

“Hoy Nadz sandali! Ba’t………” Angellie just gave a loud sigh and followed Nadine afterwards.

“Hi MJ!” bati ni Nadz kay Meljohn.

“Oh, hello Nadz!” greet back ni MJ.

“Wala na kasing available na table eh. Pwede ba dito na lang kami maupo?......... ni Angellie?” tanong ni Nadz.

“Syempre naman. Maluwag pa naman eh, tsaka wala akong kasama. Sabay na tayo magsnacks,” maluwag na pagtanggap ni MJ sa dalawa lalo na’t kasama pa si Angellie.

Umikot si Nadz sa kabilang side ng table at dun umupo banda. Pinaupo niya pati bag niya at habang nakatayo pa si Angellie ay kinuha niya rin yung bag nito para iharang sa buong bench. Nang sa gano’n, hindi dun makaupo si Anj.

However, pilit namang sinisiksik ni Angellie ang sarili sa bench kung saan nakaupo si Nadine kasama yung mga bag.

“Nadz, paupo naman! Urong mo ‘tong mga bag,” bulong ni Angellie kay Nadine habang pinipilit makaupo.

 “Naku Anj! Masikip na dito. Dun ka na lang sa kabila umupo oh, TABI NI MJ,” nag-aalala kunwari si Nadz pero sinasadya niya pala ‘to para magkatabi ang tinagurian niyang ‘MJELLIE.’

Agad kinuha ni MJ yung bag niya sa gilid at inalok si Angellie, “Oo nga Anj, dito ka na lang umupo.”

“Sige na Anj! Diyan ka na umupo." pilit ni Nadz at tinutulak-tulak niya pa ‘to.

 

For Angellie, best enemy niya si Meljohn.

 

Uupo kaya siya?

 

END OF CHAPTER 10

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
JeonJiyoon_
#1
SO DELUSIONAL AHAHAHAHAH
shinnifura #2
should i continue? hehe
shinnifura #3
@frenchsha: ahh, i see.. have u read my story? by the way, tnx 4 d info. :)
frenchsha
#4
Would you believe me if I tell you that Rosalie Van Ginkel came from our school? I'm not spamming and I'm certainly not fooling around. She's from Roxas City, my town. :)