Anong Binigay?

Shin Ai (True Love)

 

After series of examinations and a sort of treatment, Anj had been finally let out of the clinic by the attending nurse.

MJ was still there, guiding and helping her to walk.

On their way out, there was no scolding and reprimands from Anj – different from the usual setting she had with MJ.
She suddenly realized this, so...

“Urghh!,” Anj suddenly voiced out while taking her hands off from MJ’s. “Bakit ba hanggang ngayon andito ka pa rin? Para ba magkaroon ako ng utang na loob sa’yo ha? Ano ka, hilo? Never in your dreams!”

“Ahm...gusto ko lang naman tulungan ka Anj eh. Tsaka.........,” MJ paused for a while. May gusto siyang sabihin pero parang hindi niya masabi. Alam niyang hindi ito ang tamang panahon para sabihin niya kung ano man gusto niya sabihin. Iniisip niya na baka magalit lang lalo si Anj lalo na’t may pilay pa ‘to.

“Tsaka ano? Para magustuhan kita, ganun? Haha! Kawawa ka naman. Alam mong ang jologs-jologs mo, tapos ganyan ka pa makadikit sa’kin! Eeeeewww!” Anj rudely shouted at MJ then went away still struggling on her cripple.

Hindi na tumingin pabalik si Anj.
Padilim na nun kaya si MJ pinagmasdan na lang siya until she became out of sight...

 

♥ ❤ ❥ ❣ ❦ ❧♥ ❤ ❥ ❣ ❦ ❧♥ ❤ ❥ ❣ ❦ ❧

 

Anj threw her things and dropped herself like a log with her back against her bed.
She stared at the ceiling, took a deep gasp and began talking to herself.

“Hayyy..........ba’t ganun? Parang ang sungit-sungit ko naman sa kanya. Laging nakakunot noo ko ‘pag kasama siya. ‘Yan tuloy, nagkaka-wrinkles na ko. Naku! Ang beauty ko masisira. Dapat siguro iwasan ko na lang siya. Oo, tama! Iiwasan ko siya.”

Matapos magmuni-muni si Anj, bigla na lang may kumatok sa pinto.

TOK TOK TOK!

‘Huh? Sino kaya ‘yun? Baka siya.’

Agad siyang tumayo sa pagkakahiga (mukhang excited) at tumingin sa salamin para ayusin ang buhok. Inayos niya pa pati suot niyang damit and she took one last glance before she headed to the door.

‘Pag bukas niya ng pinto..........

“Good evening Miss Angellie. May nagpapabigay po sa inyo nito,” a delivery boy said.

“Ha? Sino namang nagbigay nito?” Anj replied while receiving the bouquet of fragrant flowers and a box of chocolates.

“Sorry po pero ayaw niya pong ipasabi eh. Sige po, aalis na ko.”

“Ah ganun ba? Sige salamat.”

Umalis na ‘yung delivery boy.
Anj closed the door and took some time in the sala.

Wala man lang nakalagay na note or konting sulat sa mga tinanggap niya pero may suspect agad siya kung sino nagbigay nung mga ‘yun. She knew it was MJ who gave them to her.

‘Ba’t niya ko binigyan ng mga ‘to? Ang mahal nito ah, eh alam ko wala naman siyang pera pambili? Pero in fairness, ang sweet niya ah. Hehe!’ sabi ni Anj sa isip niya while smelling the flowers.

She put away the wrapper and got the flowers then laid them one by one on a vase set above the center table.
How happy was she when she saw those beautiful flowers.

 

♥ ❤ ❥ ❣ ❦ ❧♥ ❤ ❥ ❣ ❦ ❧♥ ❤ ❥ ❣ ❦ ❧

 

9:00 na ng gabi.

Nanonood pa ng tv si Anj habang kumakain ng chocolates na binigay sa kanya.

“Anj, andito na ko,” Nadz greeted upon entering the room.

“Uy Nadz! Sa’n ka galing? ‘Di mo man lang sinabi kung sa’n ka pupunta kanina ah.”

“Pasensya na ah, medyo nagmamadali kasi ako eh. Hinatid kasi namin ng mga pinsan ko ‘yung mommy ko. She went abroad na, sa Singapore.”

“Talaga? Siguro mamimiss mo ‘yung mommy mo ‘pag nagtagal.”

“Kaya nga eh.”

“Siya nga pala, gusto mo ng chocolates?” Anj told Nadz offering her chocolates.

“Wow, sa’n galing ‘yan? Patikim nga,” Nadz took one piece then bit it about a half.

“Anong ‘SAN’ galing, ‘KANINO’ galing kamo.”

“May nagbigay sa’yo? Uyyyyy, sino naman ‘yang sweet person na ‘yan?” Nadz .

“’Yun nga malaking question eh, kung sino nagbigay ehe!”

“Alam mo Anj, feeling ko..........si MJ nagbigay nyan sa’yo eh. Mukha namang may gusto sa’yo ‘yun! Tsaka, why not? Gwapo, matalino, mabait at sweet! Sa’n ka pa? Oh ‘diba?”

“’Kaw talaga Nadz! Eh alam mo namang hindi ko type ang mga jologs at manyakis noh! Haha!” Anj defended.

“Manyakis? Ba’t mo naman nasabi ‘yan? Na-manyak ka ba niya?” Nadz curiously asked. “Teka..........’wag mo sabihing...”

“Mismo!” Hindi pa nakakatapos magsalita si Nadz ay sumagot agad si Angellie. “Siya nga ‘yung biglang yumakap sa’kin nun, ‘yung nakabungguan ko.”

“Ha?!”

“Kaya ganun ko siya ka-hate, haha!”

“Aaaaaaaaaa!” Bigla na lang nagtitili si Nadz.

“Oh? Ba’t parang ang saya-saya mo pa Nadz?”

“Grabe girl! Biro mo, niyakap ka ng isang campus cutie! Ang swerte-swerte mo naman! Buti ka pa!”

“Hayyyy..........wala kong paki dun, kung ano man siya dito sa campus. Basta ayoko sa kanya.”

“Sige ka Anj, ‘kaw rin. Baka siya na pala ‘yung Mr. Right mo.”

Napatingin na lang si Angellie kay Nadz, walang ng nasabi pa.

 

♥ ❤ ❥ ❣ ❦ ❧♥ ❤ ❥ ❣ ❦ ❧♥ ❤ ❥ ❣ ❦ ❧

 

Klase na naman.

Dali-daling naghanda sa pagpasok si Anj.
Siyempre, hindi niya kinalimutang kumain kahit isang piraso lang ng chocolate at inamoy niya pa ang flowers bago siya umalis.

Pagdating niya sa hallway na daanan papuntang classroom, natanaw niya sa malayo na parating si MJ.
Balak niya kasing pasalamatan si MJ sa pagtulong nito nung napilay siya at sa pagbigay na rin sa kanya ng chocolates at flowers.

When they are a meter apart..........

“Ahm, MJ!” Anj got MJ’s attention.

“Good morning Anj. May kailangan ka ba?” replied MJ.

“Sala..........” Anj didn’t finish her gratitude. Out of nowhere na lang niya naalala na ang taong kaharap niya ngayon ay ang pinakakinaiinisan niya. Why would she thank him?

MJ was just waiting for what Angellie had to say. “Yes Anj?”

“..........SALAhat ng taong nakilala ko, ikaw ang pinakabaduy! At...dun sa mga binigay mo kahapon, sa’n ka kumuha ng pambili? Pinadeliver mo pa! Nagnakaw ka ba? Bakit kita papasalamatan?! Excuse me!” pasigaw na namang sinabi ni Anj while she passed by MJ’s side, hitting off his shoulder.

Ang harsh naman yata ni Anj.

Nagtaka si MJ kung ano ‘yung pinagsasabi ni Anj, eh wala pa naman siyang binibigay kahit ano. Kung meron man, ang naaalala niya lang ay hindi materyal na bagay kundi ‘yung pagtulong niya lang.

‘Yun lang at wala ng iba.

 

END OF CHAPTER 5

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
JeonJiyoon_
#1
SO DELUSIONAL AHAHAHAHAH
shinnifura #2
should i continue? hehe
shinnifura #3
@frenchsha: ahh, i see.. have u read my story? by the way, tnx 4 d info. :)
frenchsha
#4
Would you believe me if I tell you that Rosalie Van Ginkel came from our school? I'm not spamming and I'm certainly not fooling around. She's from Roxas City, my town. :)