Tambalan

Katha
TAMBALAN
 
-UDD

 

Sino nga bang makakapagsabi

Namamagitan sa ating mga labi

 

“Naku, parang timang naman Win eh!”

 

“Ning ayoko nga sumama, bahala ka dyan.”

 

“Nalaman mo lang kasama si Ate Rina, nag-iinarte ka na.”

 

Talaga nga naman, inirapan ka pa ng bruha.

 

“Bakit kasi dinadamay nyo pa kong magjowa, edi magBaguio kayo bat kailangan isama pa ko?”

 

“Eh kung isipin mo nalang magBabaguio rin kayo ni Ate Rina...... as friends...hahaha”

 

Letse tinawanan ka pa ng loka. Hinampas mo nga.

 

“Bwiset ka!”

 

 

“Winterrrrr!”

 

“Hmm? Tawag mo ba ko?”

 

“Yes po...”

 

“Bakit?”

 

“What are you thinking ba? Kanina ka pa tahimik, kahit nung nandito pa sina Aeri...”

 

Karina slowly loop her arms around your waist mula sa likod while you continue looking ahead sa malaking window ng condo nya.

 

Kitang-kita nyong dalawa yung buwan na para bang napakalapit lang ito.

 

Maaring angkinin, sungkitin at kunin.

 

“What’s the matter?”

 

Ramdam mo yung pagsiksik ng sarili nya lalo sayo, somehow making sure na nararamdaman mong hindi ka nag-iisa.

 

“Bigla ko lang kasi naisip yung pinapagawang project sa amin nung prof ko sa finance..”

 

“Talaga?”

 

Hindi mo na kinailangang lumingon pa sa likuran mo, you know for sure nakataas ang isang kilay nito sayo probably not buying what you just reasoned out.

 

“Fine... I’m just a bit overwhelmed, I think?”

 

“Hey..”

 

Pukaw nito sayo habang sinusubukang iharap ka sa kanya. When she succeeded, pinaangat nito ang iyong tingin sa naghihintay nyang mga mata.

 

Parang totoo yata yung sinasabi nila, “galaxy in her eyes”, paanong kaya nagkasya yun?

 

All you knew was getting pulled in sa mga titig nya.

 

“I’m sorry baby... please do know na Ningie and Aeri mean no harm, okay? They’re just like that, maligalig and very happy para sa atin...”

 

“I know, babe... masaya ako to meet them at naging reaksyon nila about us... I’m just too happy siguro..”

 

You can’t help but sunk deeper sa yakap nya para di mo makita yang nakakatunaw nyang tingin sayo.

 

“Believe me, Win... they really like you...a lot”

 

She kissed the top of your head. Nahihiya ka kaya lalong napahigpit ang kapit mo sa kanya.

 

“And also, baby... you can just kiss me, I saw you leaning in kanina haha...”

 

Sheeeet, nakita nya pala yon.

 

Madaya, may kasamang basbas ng mundo.

 

“Hindi ah!”

 

Mariin mong tanggi kahit namumula ka na.

 

“Oh edi ako nalang..”

 

 

Gusto mo talagang kalbuhin sina Giselle. Lalo na nung narinig mo pa ang pagsabay ni Ningning sa kanta.

 

Unti-unti ng UDD

 

Yung boses nya at yung kanta lang sa music player ang nangingibabaw dito sa backseat na kasalukuyang kinauupan nyo ni Karina.

 

Oo, ni Karina!

 

Si Karina yung ex mong sobrang ganda sa suot nyang light blue floral dress na tanging bags lang pagitan ninyo.

 

PUTANGINAAAAAAAA

 

Favorite song nyo kasi yan dalawa. Nung una, ikaw lang but somehow Karina took a liking don sa kanta dahil nga pinapatugtog mo to everytime sa car nya pagsinusundo ka nito.

 

Pilit mo ngang iniiwas yung tingin mo sa kanya, malayo pa byahe nyo pero ramdam mong magkakastiff neck ka ng malala kakaiwas mo sa side nya.

 

At punyeta talaga yung magjowa sa harap, kitang-kita mo yung nangingisng pagmumukha nila habang inaasar ka.

 

“Hey Gi, palit tayo later sa pagdadrive para hindi ka mapagod.”

 

“Sa pag-uwi nalang sa Tuesday, Rina.. Besides, you pulled an all nighter kasi exam nyo kahapon diba?”

 

“Yeah, nagtake kami kanina nung finals namin for a major subject.”

 

“Kaya na ni babe ‘to, Ate Rina.. pahinga ka nalang ate mukhang pagodang-pagoda ka, diba Win? Tignan mo, parang lalim ng eyebags ni ate no?”

 

Ningning, ikaw ba ang black mamba?

 

Pinanlakihan mo nga ng mata nang binaggit ka nito.

 

Kita mo sa peripheral vision how your ex turned sayo.

 

“Ah ano.. o-oo you look like you need a rest.”

 

Memasabi lang talaga Winter Salazar haruyyyy...

 

“Okay then... I’ll sleep for a while but can I borrow your pillow? If you don’t mind lang naman, looks like nailagay ko yung sa akin don sa isang bag eh...”

 

“O-oh sure... eto..”

 

Inaabot mo sa kanya, she leaned on it and pumikit na rin while muttering a soft thanks.

 

Ngayong di ka na nya nakikita, ilang segundo ring napako ang tingin mo sa kanya.

 

Why is it so easy for her?

 

Hindi na ba sya galit sayo?

 

Parang ang dali nalang para sa kanya to be around you, hindi man lang nauutal.

 

Ang tanong na walang sagot,

luha ang nadudulot

sa ating mga mata

 

Talaga nga naman sinabayan na ulit ni Ningning yung kanta.

 

Inirapan mo, kaasar.

 

—-

 

“What do you think? Bagay ba?”

 

Nakailang labas at palit na ng damit si Karina mula sa panglimang shop na binisita nyo.

 

Gusto mo na lang sumabog at magsabi ng.... magagandang words. Eh kasi naman lahat nang itry nya eh bagay na bagay na bagay sa kanya!

 

Nung una mo kaya sya nakilala napagkamlan mo pang model kasi nga sobrang ganda at tangkad nya.

 

Ang ganda-ganda nya pramis!

 

Kung kasing yaman ka lang ni Anne Curtis bibilhin mo talaga lahat ng damit sa shop na ito, bagay kasi talaga sa jowa mo lahat ng nandito.

 

Ayun heto ka na naman at natulala na sa kagandahan nya kaya di ka kaagad nakasagot.

 

“Win?”

 

Napalunok ka.

 

“Uh y-yes po..”

 

Agad kang nag-iwas ng tingin. Medyo low-cut kasi kaya ayon, be respectful na lang, Winter.

 

Tamang paala lang sa sarili mo kahit pa she’s already your girlfriend.

 

“Should I buy this na ba or yung I’ll try one more pa?”

 

Kung may isa pa baka lagutan ka na ng hininga tsaka namamanhid na yung pwet mo sa pagkakaupo mo.

 

“Ikaw po?

 

“Ikaw kaya tinatanong ko!”

 

“Eh kasi ano eh bagay naman sayo lahat...”

 

“Okay, I’ll get this one.”

 

After nya yon bilhin napagdesisyunan nyong pumila sa isang fast food. Magdidinner lang sana kayo sa labas kasi tinatamad ka na magluto.

 

May namataan kang parang kilala mo.

 

Si Ate Dahyun ba yon? !

 

Agad mong hinila si Karina palabas.

 

“Win? Hey...”

 

“Sorry uhmm.. ano.. parang nagbago na isip ko, gusto ko yata ng pizza.. Padeliver nalang tayo sa condo mo.”

 

“Oh.. I thought di ka magsleepover?”

 

“joke lang kasi yon hehe...”

 

“Hmm.. okay, at least I’ll spend more time with you.”

 

She kissed you on your lips nung nakasakay na kayo sa car nya.

 

“Maybe, I’ll try that dress again later for you babe.”

 

Iba talaga pagmay sapi ang jowa mo, hindi mo kinakaya.

 

 

Isang masigabong PUTANGINAAAAAAAAAAA sa magjowang NingSelle na halata namang plinano ang lahat!

 

HINDI! Hindi talaga dapat!

 

“Ma’am, yun po talaga kasi yung nakabook.”

 

Pinapakita yung monitor na naglalaman ng room details na binook nina Giselle.

 

Nabudol ka na naman.

 

“Ate, willing ako magbayad! Ples lang.....”

 

“Eh ma’am—“

 

“Dodoblehin ko!”

 

“Kaso nga lang Ma’am, wala na rin pong available room fully booked na po kami.”

 

Bagsak ang balikat mong bumalik sa kwarto niyo ni Karina.

 

She just spared you a glance mula sa nag-iisang kama sa kwarto.

 

“Winter, pareho tayong napagod sa byahe. I’m sure gusto mo na rin magpahinga and you only have two choices itong kama or sahig”

 

Napabuntong-hininga ka.

 

“C’mon, Win stop arguing with the staffs. Out of their control na ito. Plus, didn’t everyone say na when exes don’t go along well it means na may feelings pa yung isa for the other?”

 

Hindi mo nagugustuhan kung saan ito papunta. Dinig na dinig mo yung suspense background music sa isip mo.

 

“Do you perhaps, still have feelings for me?”

 

==

 

a. Oo

 

b. Oo

 

c. nOoooo

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Walis-
Thanks sa pagbabasa at paghihintay! SANA TALAGA MATAPOS KO NA YUNG MPM AT NANGANGAMBA! Ilang years na di makamove on si MPM Winter hahahaha 🤣🤣🤣🤣

Comments

You must be logged in to comment
CincoYoo
#1
Chapter 40: miss u tor🥹
minjeongflakes
#2
Chapter 39: otor kailan ko sunod na chapter ng mpm 😭
ohyo_ohyo319
#3
Chapter 33: Huhuhu wa pa po ba kasunod yubg kung ayaw mo sa'kin 😭😭
TYTFshipper
274 streak #4
Chapter 48: Hala tor you are ano. Buhay pa. CHAR 😭
seulreneislife #5
Chapter 26: pakshet, ge okay lang naman🙂 hanggang dito ba naman pinagpalit sa may etits si win. EMEE
bat ngayon ko lang nadiscover tooo gonna read all the stories heree
seulreneislife #6
Chapter 31: Chapter 31: Chapter 31: AUTHOR NAMAN feel na feel ko na yung mga salitaan ni Rina tapos biglang may nasamang a/n sa kalagitnaan😭
btw tangina netong aff bat may chap48 sa comsec boset hirap tuloy malamn anong chap pinepertain ng commments
Gungdaengie
67 streak #7
Chapter 31: Jusko apaka engot ni winter dito😭 sana naman suyuin niya si karina potek
babbyoink #8
Chapter 48: HahahA. funny mo author.. bini fan here.
ryujinie__
711 streak #9
Chapter 48: CUTEEE KDHSJSJ
yhielswift013
#10
Chapter 48: mesherep 🤭
Ni ways, I like A Little Bit din po, take your time lang tor 😁