Chapter 1

KAKA-BLIND DATE MO 'YAN!
Please Subscribe to read the full chapter

Nagising ka sa napakalakas na alarm na ginawa mo last year. Sa sobrang antukin mo kasi, kung hindi malakas na tunog ng busina ng tren ang alarm mo, hindi ka magigising. Hindi ka makareklamo dahil bukod sa ikaw nga ang bumuo ng alarm clock na ‘yan, kasalanan mo rin naman bakit tinatamad kang bumangon - alam mong maaga kang gigising pero uminom ka pa ng tatlong lata ng beer kagabi. 

 

“Putangina,” ang bungad mo sa umaga. May tatlong oras ka pa para maghanda sa blind date na sinet-up ng buong tropa mo. Tatlong taon ka na raw kasing hindi nakikipag-date, baka naman pwedeng lumandi na ulit kahit kaunti. Nagpakulo ka ng tubig sabay diretso sa CR mong syempre, dinesign mo rin. Binuksan mo ang jacuzzi dahil medyo matagal ito iprepare. Bobonggahan mo ang ligo mo, mga isang oras, para relaxed at mabango ka mamaya. Pagkabukas mo ng jacuzzi, tapos na kumulo ang tubig, naghanda ka ngayon ng kape. Sana mawala na ‘yung beer sa sistema mo, hindi ka naman nalasing, pero ang bigat ng pakiramdam mo. Kinuha mo na rin yung tinapay at nilagay sa toaster, magpapalaman ka na lang ng jam. Light lang naman ang kakainin mo dahil kakain ka rin naman doon sa date maya-maya. 

 

Hindi mo ugaling mag-check ng messages tuwing umaga on a weekend, kaya kung nag-message man sila Byul, wala kang pakialam. Ang instructions sa’yo ni Byul ay ganito: ito ang number niya, magtetext ka lang ‘pag nandoon ka na sa resto. Hindi niya rin alam itsura mo, kaya masusurprise na lang din siya. Alam niya rin number mo, just in case. Enjoy ah. 

 

Oh ‘di ba, talagang blind date - never nagkita, never nag-usap, never nag-landian. Si Yeri talaga nag-reto nitong date mo, kaklase niya sa masters niya abroad pero nauna na umuwi rito. Si Yeri kasi lumalandi pa kaya hindi muna umuwi, ineenjoy ang freedom niya roon. Bukod sa maganda at matalino ‘tong kaklase niya, napakayaman daw kaya set na raw kayo for life. Ayaw mo. Wala kang pake. Kinulit tuloy ni Yeri ang tropa niyo, si Byul matic pumayag dahil sabi niya “putangina pre, NAPAKAGANDA, parang hindi tao ‘yon.” Hindi ka masyado naconvince, minsan kasi napaka-OA niyang tropa mo. Si Joy, na jowa ng bestfriend mong si Wendy, nagulat ka na nangulit din. Siya nag-suggest na blind date, para genuine daw ang interaction niyo sa isa’t isa, bigyan mo raw ng chance kasi minsan lang naman. Idiniin pa sa’yo na ikaw lang ang single sa barkada. Pero ang highlight at hindi mo natiis ay nung si Wendy na ang nangulit, sayang daw palipasin maka-meet ng isang taong katulad nung idedate mo, oh ‘di ba pati pangalan hindi ibinigay. Interesting daw na tao at mukhang magcocomplement kayo. Isang date lang daw, that’s it, ikaw na raw ang bahala sa next step. Hindi naman daw masama magbabad sa trabaho, alam niyang passion mo ‘yun, pero sana naman hindi lang silang friends mo at workmates mo ang kilala mo sa mundo, baka naman daw pwedeng bumuo ka rin ng iba pang cliques. 

 

May magagawa ka pa ba? Naplano na nilang lahat, eh. ‘Yung oo mo na lang ang kulang. Heto ka na nga ngayon, tapos na mag-almusal at magbababad na sa jacuzzi. Napapaligiran ng salamin ang CR mo, just the way you like it. Nagmumukhang maluwang at kitang-kita mo ang sarili mo. Pumasok ka sa jacuzzi at tumingin sa reflection mo. Orange ang buhok mo ngayon. Bigla mong na-realize na noong kayo pa ni Tzuyu, blonde ka. Noong kayo naman ni Krystal, red ang buhok mo. Kinabahan ka nang kaunti, paano kaya kung ngayong orange ang buhok mo, magkakajowa ka ulit? What a pattern. 

 

Natapos ka rin maligo, once magbihis ka, wala nang atrasan - Kang Seulgi, first date in three years. Alam mo pa ba kung paano? Sana hindi mo siya ma-bore. Simple lang suot mo, casual, para naman makita ng date mo na chill lang ‘yung vibe. Polo shirt at loose lang na pantalon tapos sneakers. Easy lang. 15 minutes away ka lang sa resto, actually, diner nga ‘yun eh, pero aalis ka na kahit meron ka pang 30 minutes. Keri na ‘yun. 

 

Hab

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
yokonalangmagtalk
Hello! Kunwari may nagaanticipate ng bagong chap hahaha posting this to pressure myself na mag-update, may mga ganap na for the next chapter pero hindi pa ako satisfied. Sorry kung may naghihintay! Pero promise, gusto ko talaga matapos ‘to. Any, I hope ure all doing well. Thank you sa mga nagbabasa!

Comments

You must be logged in to comment
turtlenaut_ #1
Chapter 9: otornim 2am na kinikilig pa din ako, pero team jenseul pa din ako for today hahaha
baconpancakesss
#2
Chapter 9: this is so cute aaa. gusto q lahat ng ships tuloy, they just have that chemistry.. lowkey rooting for jenseul pero mukhang downbad pareho sina arki at attorney sa isa't isa.

sana matuloy to since i really like the plot of the story !!
iana013
#3
Chapter 9: attorney be "i am speed"😂😂😂
kang_ddeul
#4
Chapter 9: wahhh kakilig talagaaaa! hahaha mapapangiti ka na lang sa pagbabasa uwu 🤩🥰 thank you po sa ud otor-nim! :)))
Softtacos #5
Chapter 9: Ang manok ko speeeddddd
milley #6
Chapter 9: ang S sa seulrene ay speed pero pwede na rin scripted hahahahaha. Nakaka kilig naman this chapter!
AYN147
#7
Chapter 9: Luh ang speed! Sana magtagal hahaha
future_mrs_liu #8
Chapter 8: Hahaha. Shet. Ang benta. Hulog na agad si Seul di pa nga nagsisimula. Lol. Ayan blind date pa more
Gomdeulgi
#9
Chapter 8: UGH TRY NYO BASAHIN WHILE LISTENING TO THE SONG IT MAKES THE WHOLE CHAPTER 10x BETTER!!
AYN147
#10
Chapter 8: Nakangiti lang ako buong chapter hahahaha ang cute nilang dalawa huhu