Chapter 5.2

KAKA-BLIND DATE MO 'YAN!
Please Subscribe to read the full chapter

Friday - huling grind tapos weekend na. Tuwang tuwa ka ngayon, naunahan mo ang alarm clock mo ng 5 minutes. Feel na feel mong today’s gonna be a good day. Nilagay mo ang kantang “September” ng Earth, Wind, & Fire sa speakers. Pak na pak ngayon si Kang Seulgi, parang walang kaba sa presentation mamaya. Feel na feel mo ang sarili mo, pasayaw-sayaw ka pa sabay ng kanta. Nag-slide ka pa nga papuntang kusina, natulog ka kasing naka-medyas. Nagluto ka ng pancakes, bacon, tsaka eggs. Nag-timpla ka na rin ng kape at nang makita mo ang reflection mo sa may bintana, napangiti ka. Kinindatan mo pa ang sarili mo sabay sabing, “galingan mo mamaya ah!” Patuloy pa rin ang tugtog, alive na alive ka talaga. Hinain mo na ang almusal mo sa lamesa. 

 

Ba-dee-ya, dee-ya, dee-ya, pag-sabay mo sa kanta, kasabay ng kaunting body sway kahit pa punong-puno ng pagkain ang bibig mo. Habang kumakain ka vinivisualize mo lang ang mangyayari mamaya, papalakpakan ka ng lahat dahil ang galing galing mo. Kakamayan ka ni Jennie kasi bilib na bilib siya sa’yo. Napapikit ka na dahil sa sarap ng bacon at kaka-imagine ng napakaraming magazines, TV shows, at radio shows na mag-iimbita sa’yo. Kang Seulgi, the woman that you are….puta, iba na siya oh! 

 

Ayun lang, hindi mo napatay ang pesteng alarm clock mo. Napakalakas na naman ng tunog. Natigil ka tuloy sa daydream mo, peste, bulong mo, sabay slide papuntang kwarto para patayin ito. Akala naman ng alarm mo matatabunan niya ang energy mo? Ulol niya noh, next song naman tayo. Plinay mo naman ang Run the World ni Beyoncé, on repeat. 

 

Who run the world? 

 

Natapos kang magligpit at maligo, sinuot mo ang paborito mong suit and tie. Bale, ang drama mo mamaya, luluwagan mo ‘yung tie ‘pag malapit na matapos ang office hours. Gawain ng mga pogi. Pero in fairness naman, magsusuot ka ng heels, ganda rin ‘yan eh. Girl power, ganern. Your duality nga naman. 

 

Maaga ka ng isang oras sa office mo, ‘pag usapang trabaho talaga ibang tao ka. Last minute check ka ng mga bagay-bagay sabay pep talk na rin sa sarili. “Sisiw lang ‘to sa’yo!” bulong mo, sabay tapik sa balikat mo. Ayos ‘yan!

 

Nagsoscroll ka lang sa social media nang may kumatok sa pinto mo, pinapasok mo naman. Si Jennie pala. “You look sharp and happy today,” bungad niya sa’yo. “That’s nice,” dagdag pa niya. Napangiti ka lang at sinabing excited ka kasi para mamaya. Umupo siya sa may desk mo tapos tinanong ka niya kung busy ka ba after office hours, sabi mo naman, hindi. Dinner daw kayo mamaya, night shift daw kasi si Jisoo, si Rosé may flight, at si Lisa busy sa restaurant. Ayos lang naman daw siya mag-dinner mag-isa pero naisip ka na rin niyang yayain. Pumayag ka, libre mo pa nga. “Gusto mo talaga ako ilibre, noh?” sabi ni Jennie sabay poke sa pisngi mo. Tumango ka. Sabi niya, “fine, dadamihan ko kumain.” Natuwa ka naman dahil finally pumayag siya. Sabay na kayong naglakad papuntang conference room, natuwa si Jennie sa outfit mo. Girlboss daw, naamoy niya rin ang pabango mo, nahiya ka sa compliment niya. Siya kasi, as usual, naka-Chanel. White jacket na nilagyan niya ng belt along with her Chanel purse. Siya talaga pinakamaganda at pinaka-stylish sa office, sa totoo lang. Pinaupo ka niya sa tabi niya, kapag presentation mo na, of course, pupunta ka sa harapan. Hindi mo alam bakit wala kang kaba na nararamdaman pero hyped na hyped ka.

 

After ilang minutes, nagsidatingan na ang mga iba’t ibang department heads ng project. Lahat ng pangalan na sinendan mo ng e-mail kahapon, ayan na sila. Ningitian ka ni Jennie, “you got this!” bulong niya sa’yo. Tumayo ka na sa harap at nag-simulang mag-present. Ang swabe mo lang, pati powerpoint mo ang ganda ng design. Inexplain mo bawat detalye, specialty mo ang mga bagay na nagtatransform - ‘yung stage na dinesign mo? Magmumukhang bumper ng sasakyan after ng performance. ‘Yung mga car na ieexhibit ay makakagalaw gamit itong pinauso mong mechanism, may mural na ikaw mismo ang magpapaint, at syempre, ang over-all look ay mukhang nasa loob kayo ng isang F1 car. Inexplain mo kung paano ang lahat ng ‘to ay posible sa timeline na binigay sa’yo. Mukhang lahat naman sila ay na-impress. Napaayos ka ng suit mo bigla. Swabe Seul nga naman. 

 

Sumenyas si Jennie, stop na raw muna at lunchbreak na. 

 

“Be back in 2 hours guys, let her presentation sink in. Prepare some questions. Eat well, ever

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
yokonalangmagtalk
Hello! Kunwari may nagaanticipate ng bagong chap hahaha posting this to pressure myself na mag-update, may mga ganap na for the next chapter pero hindi pa ako satisfied. Sorry kung may naghihintay! Pero promise, gusto ko talaga matapos ‘to. Any, I hope ure all doing well. Thank you sa mga nagbabasa!

Comments

You must be logged in to comment
turtlenaut_ #1
Chapter 9: otornim 2am na kinikilig pa din ako, pero team jenseul pa din ako for today hahaha
baconpancakesss
#2
Chapter 9: this is so cute aaa. gusto q lahat ng ships tuloy, they just have that chemistry.. lowkey rooting for jenseul pero mukhang downbad pareho sina arki at attorney sa isa't isa.

sana matuloy to since i really like the plot of the story !!
iana013
#3
Chapter 9: attorney be "i am speed"😂😂😂
kang_ddeul
#4
Chapter 9: wahhh kakilig talagaaaa! hahaha mapapangiti ka na lang sa pagbabasa uwu 🤩🥰 thank you po sa ud otor-nim! :)))
Softtacos #5
Chapter 9: Ang manok ko speeeddddd
milley #6
Chapter 9: ang S sa seulrene ay speed pero pwede na rin scripted hahahahaha. Nakaka kilig naman this chapter!
AYN147
#7
Chapter 9: Luh ang speed! Sana magtagal hahaha
future_mrs_liu #8
Chapter 8: Hahaha. Shet. Ang benta. Hulog na agad si Seul di pa nga nagsisimula. Lol. Ayan blind date pa more
Gomdeulgi
#9
Chapter 8: UGH TRY NYO BASAHIN WHILE LISTENING TO THE SONG IT MAKES THE WHOLE CHAPTER 10x BETTER!!
AYN147
#10
Chapter 8: Nakangiti lang ako buong chapter hahahaha ang cute nilang dalawa huhu