Chapter 5.4

KAKA-BLIND DATE MO 'YAN!
Please Subscribe to read the full chapter

“Katy talaga tawag kay Yeri sa England, swear,” kwento ni Irene  - ni Attorney sa’yo habang iniiwan niyo ang mga gamit niyo sa may baggage counter sa entrance. Nagtataka ka bakit Katy ang pangalan ni Yeri, ano na naman ang pakulo niya? Yun pala, nag-iba siya ng pangalan para raw hindi masyadong unique at maalala kapag recitation. Ayaw niya raw ma-label as “the girl with a weird name,” na surebol matatawag sa recit dahil siya lang ang may ganoong pangalan. Ang tropa mo talaga, hindi lang pala sa ambagan nakakalusot. 

 

Kabisado ni Attorney ang bawat sulok ng museum, konti na lang iisipin mong siya ang may-ari. Progressive daw ang artist na may-ari ng place na ‘to. Kaya pala niya naging favorite, match sa ideals niya. Pagpasok pa lang, dama mo na na over-all theme ng museum ay ang pagshoshowcase ng iba’t ibang protest art. Inexplain ni Attorney bawat isa, dama mong from the heart talaga ang pagsasalita niya. Hindi lang mata mo ang natuwa dahil sa ganda ng mga artworks dito, marami ka pang natutunan sa kanya. 

 

“Huy, nakikinig ka ba? Or medyo baduy ba mga ganitong topic…?” biglang tanong niya sa’yo.

 

“Oo naman! Nakikinig po ako. Ang galing mo kaya magsalita!” sagot mo naman.

 

“Nakatulala ka kasi, sorry,” sabi niya.

 

Eh sinong hindi matutulala sa ganda niyang ‘yan, noh? 

 

“Nakikinig ako, promise,” sabi mo na lang sabay taas ng kanang kamay na parang nanunumpa. 

 

Ngumiti siya. Ikaw din. 

 

“Tara, picturan kita kasama ang mga favorite pieces ko!” yaya niya, sabay hatak sa braso mo. 

 

Syempre hindi ka pumayag na pipicturan ka lang niya, pinicturan mo rin siya, para quits. Maipagmayabang mo man lang ang photography skills mo. 

 

Nalibot niyo na ang buong museum at maraming kayong pictures na nakuha. 

 

“Wait, tayo ka dian, picturan kita. Last na, promise!” sabi niya.

 

Mukhang last nga, kasi malapit na kayo sa exit. Nagtataka ka kasi red cloth lang naman ang background, tatlong beses ka ata nag-pose. Sinabi niya rin na picturan mo rin siya, sa red cloth din sa tapat nito. Doon mo na-realize na kahit tumayo lang siya at tumingin sa camera, pwede na ilagay sa magazine. Grabe talaga ang mukha niya, walang angle na pangit.

 

“Make sure na kita ‘yung taas ah!” sabi niya.

 

Napatingin ka tuloy. Ah, gets mo na, may silhouette pala ng mga letters sa taas. HIndi masyadong kita unless titigan. Na-amaze ka naman. Ang taba ng utak ng gumawa nito! Babalik ka talaga rito malamang. Pasalamat ka talaga kay attorney na dinala ka niya rito. 

 

Tinignan niya ang kuha mo, nagpasalamat siya sa’yo kasi ang galing mo kumuha ng pictures. Ipopost niya raw sa Instagram ‘yun, sigurado. 

 

Habang naglalakad papuntang exit, hatak-hatak ka niya sa braso dahil tinitignan mo ang mga pictures sa phone mo. Nire-ready mo na rin kung ano ang ia-airdrop mo sa kanya. Nagpalit-palit kasi kayo ng phone kanina. 

 

Nakasulat pala sa red cloth kung saan siya nag-pose ay, “Pula ang Kulay ng Pakikibaka,” kaya siguro sa isang pose ay naka-taas kamao siya. 

 

Tinignan mo tuloy kung ano ang nakasulat sa red cloth mo, “Pula ang Kulay ng Pag-ibig.”

 

Pati ng pisngi mo. 

 

Habang kinukuha ang mga gamit niyo sa baggage counter, tinanong mo siya kung may lakad pa siya. 

 

“Wala, itong date lang talaga natin,” sagot niya. 

 

Gusto mo pa siyang makasama kaya naisipan mong yayain siya sa park malapit dito. Kita naman sa laki ng ngiti niya na natuwa siyang nagyaya ka at sasama siya sa’yo. Pumayag ang staff ng restaurant na doon na lang i-park ang mga sasakyan niyo, kilala naman kasi nila si attorney. Iniwan ni attorney sa kotse niya ang flowers na bigay mo, baka raw kasi makaabala sa mga trip niyong gawin sa park, ayaw niya rin daw na kung saan-saan ipatong ‘yung bigay mo. 

 

“Hindi ‘yan malalanta, promise!” pag-assure niya sa’yo. 


 

Tumango ka lang sa kanya. Peugeot ang sasakyan ni Attorney, at oo, color red. Parang siya lang din ang kilala mo na ganito ang sasakyan, hindi naman kasi go-to car ng mga taga-rito ‘yan. Nag-isip ka tuloy paano niya natripan bumili. At ‘yon na nga ang topic niyo habang naglalakad papunta sa park. Bagong bukas daw ang Peugeot at malapit sa condo niya that time kaya ‘yun ang napili niyang bilhin. Reward niya raw sa sarili dahil naipanalo niya ang una niyang case. Pula raw ang kulay kasi syempre, “pula ang kulay ng pakikibaka, pula ang kulay ng pag-ibig,” sabay kindat sa’yo. Aba, mas swabe ata siya sa’yo? Huwag kang papatalo.  

 

Naisip mo tuloy, bakit kaya hindi siya nag-pula? Naka-off shoulder kasi na stripes si Attorney tsaka jeans. Pinoint-out mo nga sa kanya na baka magka-sunburn siya sa paglalakad. Hindi naman daw dahil naka-sunblock siya at hapon na rin. 

 

Mga 20 minute walk din bago kayo nakarating, para raw kayong nag-exercise sabi ni Attorney sa’yo. 


 

“Hindi ‘yun reklamo ah, I’m having fun,” sabi ni Attorney. Buti na lang nagsalita siya, kung hindi, io-overthink mo ito nang malala. 


 

Lumapit ka agad sa food stall na nakita mo at bumili ng tubig, iniabot mo agad kay Attorney. 

 

“Ay, hala. Thank you!” sagot niya sabay inom, halos maubos niya na. 

 

“Attorney, may gusto ka pa ba?” tanong mo sa kanya sabay turo sa mga food stalls, mukhang iba’t iba ‘yung mga tinda, abangan mo na lang siya mamili. 

 

Para siyang bata na lumapit isa-isa sa stalls para tingnan bawat isa, at lahat ng nagustuhan niya, nilibre mo. Merong blue lemonade, waffles, at kwek-kwek. Bumili ka rin ng mga trip mong kainin. Napangiti ka nang makita mong nanlaki ang mga mata niya sa kuya na nagtitinda ng cotton candy, favorite niya siguro. 

 

“Anong kulay gusto mo, Attorney?” tanong mo sa kanya.

 

“Purple! Please!” excited niyang sagot sabay jog papunta kay kuya. 

 

Inabot mo na ang bayad, nirequest niya kay kuya na bagong gawa ‘yung kanya, gusto niya kasing panooring mabuo ‘yung cotton candy. Pumayag si kuya, ikaw, tuwang-tuwa sa kanya dahil para siyang batang aliw na aliw. Gusto mo siyang kurutin sa pisngi, ang adorbs eh. 

 

Habang busy siyang panoorin si kuya sa paggawa, sneaky moves kang lumayo nang konti para bumili ng balloon. Patapos na si kuyang ilagay sa plastic ang cotton candy nang makabalik ka, hindi man lang namalayan ni Attorney na umalis ka saglit. 

“Umalis ka pala?” gulat niyang sabi sabay tingin sa balloons na hawak mo. Isang bear at isang bunny. Nakatali na sa wrist mo ang bear na balloon. “Cute ba?” tanong mo sa kanya. Tumango siyang nakangiti sa’yo, hinawakan mo ang wrist niya at itinali ang bunny na balloon. 

 

“Hindi ba masyadong mahigpit?” tanong mo, nagkatitigan kayo for a while. Matutunaw ka na pero ayaw mo matapos ang moment. Umiling siya, “hindi, sakto lang. Thank you for this,” hindi umaalis ang tingin niya sa’yo. 

 

Malulunod na kayo sa titig ng isa’t isa pero, “ito na po ang cotton candy niyo, ma’am.” sabi ni kuya at iniabot ang cotton candy sa inyo. Akala mo magkikiss na noh? Hindi mo nga mahawakan sa kamay, kiss pa kaya? Asa ka. 

 

“Nandito po ba kayo para sa bagong flower garden?” pahabol na tanong ni kuya. 

 

“Ano po ‘yun?” tanong naman sa kanya ni Attorney. 

 

“Ah mga ma’am akala ko ‘

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
yokonalangmagtalk
Hello! Kunwari may nagaanticipate ng bagong chap hahaha posting this to pressure myself na mag-update, may mga ganap na for the next chapter pero hindi pa ako satisfied. Sorry kung may naghihintay! Pero promise, gusto ko talaga matapos ‘to. Any, I hope ure all doing well. Thank you sa mga nagbabasa!

Comments

You must be logged in to comment
turtlenaut_ #1
Chapter 9: otornim 2am na kinikilig pa din ako, pero team jenseul pa din ako for today hahaha
baconpancakesss
#2
Chapter 9: this is so cute aaa. gusto q lahat ng ships tuloy, they just have that chemistry.. lowkey rooting for jenseul pero mukhang downbad pareho sina arki at attorney sa isa't isa.

sana matuloy to since i really like the plot of the story !!
iana013
#3
Chapter 9: attorney be "i am speed"😂😂😂
kang_ddeul
#4
Chapter 9: wahhh kakilig talagaaaa! hahaha mapapangiti ka na lang sa pagbabasa uwu 🤩🥰 thank you po sa ud otor-nim! :)))
Softtacos #5
Chapter 9: Ang manok ko speeeddddd
milley #6
Chapter 9: ang S sa seulrene ay speed pero pwede na rin scripted hahahahaha. Nakaka kilig naman this chapter!
AYN147
#7
Chapter 9: Luh ang speed! Sana magtagal hahaha
future_mrs_liu #8
Chapter 8: Hahaha. Shet. Ang benta. Hulog na agad si Seul di pa nga nagsisimula. Lol. Ayan blind date pa more
Gomdeulgi
#9
Chapter 8: UGH TRY NYO BASAHIN WHILE LISTENING TO THE SONG IT MAKES THE WHOLE CHAPTER 10x BETTER!!
AYN147
#10
Chapter 8: Nakangiti lang ako buong chapter hahahaha ang cute nilang dalawa huhu