1-New Hires

Pseudo Relationship

No proofreading, pero sana maenjoy niyo.

 

 

 

Trabaho, inom at tulog.

 

Diyan lang naman umiikot ang takbo ng buhay ko. Masaya naman, yung tipong walang iisipin kun’di ang sarili ko.

 

Ilang taon na din kasi ng humiwalay ako sa parents ko. Pagka graduate na pagkagraduate ay naghanap agad ako ng trabaho, naka ilang kumpanya din ako bago lumipat dito sa kasalukuyan kong pinapasukan. Kung hindi ako nagkakamali ay pagkatungtong ko ng dalawang taon sa kumpanya ay dun na ako nagsabi saamin na magrerenta nalang ako ng apartment.

 

Hindi naman ako magisa, dahil may kasama akong rerenta para hindi din masyado mabigat para sakin/samin. Pumayag din naman si mama kalaunan. Akala ko nga ay hindi ako papakawalan ni mama, dahil sobra talagang higpit nito.

 

Sobrang saya ko lang nung pumayag siya. Syempre magagawa ko na mga gusto ko ng hindi na kailangan magpaalam. Matitikman ko na din ang salitang kalayaan.

 

 

 

Sa wakas.

 

 

 

 

 

 

 

Marunong maglaba kahit wala sa itsura

'Di na n'ya rin kailangan pa pumostura

At kahit na kanino mo dalhin at 'pakilala

Na-G-GV ang lahat sa galing n'ya makisama

 

Winter Ikaw na ikaw  sana yang sa kanta. Kakaibabe ka na sana kaso Mabisyo ka.” Biglang sambit ni Ate Lisa habang kami’y naglalakad sa smoking area.

 

Natawa ako sa sinabi niya, “ganyan ba talaga pag gurang na? Ang daming ebas?” Rebat ko sakanya. 

 

Nagtawanan ang mga kasama naming naglalakad patungo ng smoking area. “Hoy kala mo naman! 5 taon lang tanda ko sayo neneng B.” Sagot niya bago isindi ang sigarilyong hawak.

 

Hindi na ako sumagot at sinimulan ko na ding sindahan ang sigarilyong hawak ko. Smoke buddy ko si Ate Lisa, magkaibang department kami dito sa trabaho, at lagi lang natetyempuhan na sabay palagi ang aming break. Tatlo kasi ang break time dito sa kumpanyang pinapasukan namin. Kahit na malaki ang pantry, di parin mapapagkakasya ang lahat ng empleyado kapag sabay sabay pinagbreak lahat ng empleyado.

 

Tahimik lang akong nakikinig sa mga kwentuhan nila ate Lisa habang hinihipak ang usok ng sigarilyo. Sa totoo lang di ko alam kung kailan din ako natuto nito, basta nalang siguro, dahil na din sa siguro sa stress na dala ng trabaho.

 

Isa akong planner sa isang kumpanya dito sa Pampanga. Magaapat na taon na din akong nagtatrabaho dito, at nakahanap na din ng mga matitinong kaibigan, sa totoo lang sila yung sole reason kung bakit hindi din ako makaalis dito.

 

Dont get me wrong maayos naman ang kumpanyang pinapasukan ko, ang mga boss lang talaga ang toxic. Napaisip naman din ako, dahil hindi na rin siguro mawawala ang mga ganitong eksena sa lahat ng kumpanya.

 

Simula kasi ng magtrabaho ako, namulat ako sa katotohanan. Dito mo makikita ang ibat ibang klaseng ugali ng tao.

 

Siguro alam niyo naman ang tinutukoy ko.

 

Maraming plastic, maraming sumasabay lang sa agos. Maraming mga malalandi at higit sa lahat may makikita ka din namang mga totoo. Yun nga lang mangilan ngilan lang.

 

Sa totoo lang yan ang laman ng isip ko. Kung paano makisama sa mga taong to, kasi kailangan kong gawin yun, being a planner is not an easy task. To be honest kailangan mong pakiusapan ang mga tao para lang masunod ang planong ginagawa mo.

 

Iba na kasi ang mindset ng mga tao sa production line at iba na din ang mindset ng mga mismong boss lang nila.

 

Naiintindihan ko naman kung saan nanggagaling ang hugot ng mga Production Specialist. Hindi na nila alam kung anong uunahin nila. Dahil may required quota din naman sila, Plus ang presure na binibigay saknila ng mga bosss ay di mo na marereach, minsan nga gusto ko silang balatan buhay tapos ibabad sa kalamansi, dahil sa sobrang gago ang mga boss. Lets be honest here. Napakadalang mong makakita ng matinong nakakataas sayo.

 

 

 

 

 

Napalingon ako ng biglang dumating si ate Byul habang tumatakbo. “Putangina sampong minuto nalang tapos na break ko.” Sabay sindi ng sigarilyo. “O.B (Over Break) nanaman ako neto. Natagalan ako sa pila paksyet. Ang dami palang new hire.” Tuloy niya sa sinasabi niya pagkatapos ibuga ang usok.

 

 

Natawa kami ni ate Lisa. “May chika babes ba?” Tanong ni ate Lisa habang nakangisi.

 

“Ayy Ate Lis, magmomove on ka na?” Natawa kami ni ate Byul dahil biglang ang sama ng tingin samin ni ate Lisa.

 

“Nakoo Winter, dapat na siyang magmove on, may bago na si Mina.” Napabuntong hininga naman si ate Lis, bakas sa mukha nito ang lungkot.

 

“Gagu ka Byul.” Sagot nito. “Pero paksyet, bilis niya. Sila na daw ni Chaeyoung.”

 

Nagtuloy tuloy ang pageemote ni Ate Lisa saamin ni Ate Byul. Hindi ko din naman siya masisisi kung bakit affected parin siya. Pitong buwan din niyang niligawan si ate Mina. Kung tutuusin Label nalang ang kulang sakanilang dalawa.

 

Tapos biglang ganon. Nalipat kasi ng shift si ate Mina. Kinailangan nitong isupport ang team ng pang gabi, so nag night shift siya, dun niya nakilala si ate Chae, yung bansot na cute na kamukha nung don sa Goin’ Bulilit. Natatawa parin ako pag naiisip ko si Cha Cha kasi kamukha niya talaga.

 

Pero ayun nga, naiwan sa ere si ate Lisa. Wala man lang babala. As in Okay sila. Tapos biglang may puputok na ganoong balita. Ano nga naman bang magagawa ng ni ate Lisa? Hinayaan nalang niya ang nangyari kaya eto balik panchichix siya. Gustong gusto niya nga kausapin si ate Mina, pero pinigilan namin ni ate Byul dahil masyado pang patok ang issue, nakakatawa dahil para kang nasa showbiz dito sa trabaho. Mabilis kumalat ang balita.

 

 

Sa totoo lang usong uso ang ganoong set up dito sa trabaho. Hindi ko alam kung sa lahat ng kumpanya ganon, pero dito kaliwat kanan ang ganitong sitwasyon.

 

Yung iba nga may asawa pa. Isipin mo naman yun? Kawawa ang mga pamilya nilang naiiwan sa bahay. Hindi ko alam kung paano naaatim ng sikmura nila ang manloko.

 

Napailing ako habang naglalakad pabalik sa station ko.

 

Grabe, hindi ko maisip na mapapasok ako sa ganoong sitwasyon. Sa loob ng halos  apat na taon na pag tatrabaho ko dito, marami na ding sumubok lumandi sakin. Syempre maganda din naman ako no. Pero echos nila. Di nila ako makukuha sa mga pambobola nila ng basta basta. Kaya hanggang ngayon single parin ako.

 

Di ko naman sinasabi na wala akong nagustuhan sa lahat ng yun, yes lahat dahil madami silanpumila. Merong dalawng tao na nakadate ko. Pero hindi talaga. Parang hindi kaya ng sikmura kong sumubok, nagustuhan ko sila oo. Pero parang hangang duon nalang yun at di na lalalim pa. 

 

Plus ayokong magkaroon ng involvement sa mga taong nagtatrabaho dito pag dating sa mga ganoong issue. Kung tutuusin nainvolve na nga ako nung pumayag akong makipagdate dun sa dalawa, pero hanggang ganun nalang talaga yun.

 

 

 

 

 

Umupo ako sa station ko at inabot ang pouch na nakapatong sa table. Naglalaman ito ng sabon, toothbrush at toothpaste. Dadaan pa akong CR para maalis ang amoy ng sigrilyo sa bibig ko. Nakakahiya naman kung umaalingasaw yung amoy ng yosi sa katawan ko diba?

 

May meeting pa naman kami mamayang two thirty.

 

“Win, brush ka na. Pagbalik mo andito na mga New hire.” Sabi ni Ryujin habang pumipita ng keyboard sa laptop sa kabilang station.

 

“Sige may fifteen minutes pa naman ako.”

 

“Ge ssob balik ako.” Natawa ito sa sagot ko.

 

Nauna sakin si Ryujin sa company ng isang taon. Siya na din nagBuddy sakin, kung baga sakanya ako nagshodow while I was undergoing the training. Siya na din nagturo sakin ng mga do’s and dont’s ang mga tricks para mas mapadali yung mga gagawin namin. Isa siya sa mga nakakasama ko in and out sa company. Hindi ko lang siya nabanggit kanina dahil hindi kami pwedeng magsabay mag break.

 

Tatlo lang kasi kami sa shift namin.

 

(May four shifts sa company namin.

 

Day shift is Eight AM to Five PM

Morning shift is Six AM to Three PM

Mid Shift Three PM TO Eleven PM

Night Shift Eleven PM to Six AM)


 

Naka Day shift kami ngayon, kasi kami yung mga naka task to train yung mga New Hires. Actually nung monday pa sila. Pero kasi ngayon palang sila madidispatch para maendorse samin. Thursday na ngayon.  Gusto ko ng mapailing dahil panigurado mag aaya nanaman si Ryujin uminom.

 

Di naman ako makatanggi dahil bukod sa wala naman akong gagawin sa apartment, mas gusto ko nlang din uminom kesa mag browse ng mag browse sa cellphone.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

“Akala ko ba Two Thirty pa ididispatch? Ba’t napaaga yata?” Tanong ko kay Ryujin.

 

“Hindi ko din alam, nagemail lang si Boss Jennie para mabigay na din natin yung shifts nila.” Tumango lang ako habang nakasunod sakanyang naglalakad.

 

 

Sa totoo lang nagtataka din ako bakit kailangan dalawa pa kami ni Ryujin ang naatasan dito, kungtutuusin kayang kaya na niya, may ipepresent lang namang isang power point then magbibigay na ng shift sakanila.

 

Binuksan ni Ryujin ang pintuan at magkasunod kaming pumasok sa training room kung nasaan ang mga New Hires.

 

 

Nagulat pa ako dahil apat lang pala sila. Nakakunot ang nuo kong ibinaba ang laptop at mga papers na ipapamigay namin sakanila. Naiinis ako, expected people ko ay walo. Dahil kulang na kulang din kami sa man power  dahil sa sobrang daming pumapasok na trabaho for the past few months.

 

Hindi ko pa din kasi nakikita ang latest email ni boss Jennie kaya nagulat talaga ako.

 

Pinagmasdan ko silang apat, tahimik ang mga ito at nagaabang lang kung ano ang sasabihin namin ng Buddy ko.

 

Ang isa ay pinapaikot ang ballpen sa kanyang kamay yung dalawa ay parang takot na biglang nagiwas ng tingin sakin, at yung isa ay all smile na nakaharap saamin na parang excited na excited na.

 

Hindi naman nagtagal ay nagpakilala na si Ryujin. Tumikhim pa ito bago nagsalita.  Ngiting ngiti pa si gago. “Hi, I’m Ryujin and this is my Buddy—“ 

 

 

Napakunot nanaman ang nuo kong nagaabang na ipakilala niya ako, pero bigla niya akong siniko. Napatingin ako sakanya, nagtataka. Tumingin ito sakin at pinanglakihan pa ako ng mata, at alam ko ang iniisip niya. ‘Sabihin mo pangalan mo tanga.’

 

Napailing nalang ako at nagsalita. “Winter”

 

Wala sa loob na napangiti ang apat sa harap namin. Sanay naman ako sa mga ganito, pero normally kasi talaga ay magisa lang ako. Ngayon lan talaga nangyari na dalawa pa kaming nagpresent. Buong akala ko ay siya na din magpapakilala para saakin.

 

Isa isa na din silang nagpakilala. Si Ning ning, Hyunjin, Giselle at yung nagiisang lalaki na si Renjun.

 

Si ning ning yung all smile kanina.

 

Natatawa ako sakanya dahil ang hyper niya. Bagay na bagay yung pangalan niya sakanya dahil parang laging nagshishine yung mata niya sa excitement. Feeling ko ay makakasundo namin to ni Ryujin.

 

Saktong sakto pa at sa shift namin siya mapupunta.

 

Napatingin ako kay Ryujin ng sabihing kashift din namin si Giselle. Nagkibit balikat ito at patuloy nagsalita.

 

 

 

 

“—Renjun and Hyunjin, same time parin ang pasok niyo for tom. Then on monday start na ang shift niyo for Mid and Morning. While Giselle here and Ning-ning will be stuck saamin for the rest of their lives na.” Natatawang sabi ko.

 

 

 

Four Thirty na din at binigay na namin sakanila ang free time nila. At kami ni Ryujin at nagchecheck na ng emails ulit.

 

May bagong Email si Boss Jennie, binasa ko ito at nanlaki ang mata ko. Nagkatinginan kami ni Ryujin at napangiti. Putangina may Lima padaw na dadating para sa deptartment namin but they arent New hires daw. They’re from Baguio site, na nagvolunteer pumunta dito sa pampanga to help and give us some trainings din daw sabi Boss Jennie.

 

 

“Mukhang dininig na ni bathala yung panalangin natin, syeeet!”

 

 

 

 

 

 

 

____
PS: slow update ahead.

 

but please leave comments kahit wala ng upvote😂 pang encourage lang din to continue. Thank you!!

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
EzraSeige
#1
Chapter 3: 🥰🥰🥰💙❄
Gwapako987
#2
Chapter 3: Kung ako makakakita ng ganyan ka ganda sa trabaho hinding hindi ako aabsent at palagi akong mag oover time😇
Soneforever2
#3
Chapter 1: <span class='smalltext text--lighter'>Comment on <a href='/story/view/1514124/1'>Prologue</a></span>
Poor Winter, she is going through so much heartbreak and also madly in love with someone who doesn’t reply her back with same love and affection. Hopefully things will get better between these two because right now it’s looking hopeless.