2 - The volunteers

Pseudo Relationship

 

Hindi nga ako nagkamali, nakasundo namin si Ningning at pati na din si Giselle. Sumama sila saamin ni Ryujin uminom nung Friday. Actually niyaya na din sila uminom ni Ryu nung Thursday, pero tumanggi sila at nagsabing sa Friday nalang daw sila sasama.

 

Kaedad lang din pala namin si Ning and Giselle, at magkakilala na pala talaga sila dahil same school sila nag grad nung college.

 

Nagkahiwalay lang daw talaga sila nung nagwork na sila. Napagusapan daw talaga nilang sabay magwork apply dito sa kumpanya dahil marami daw nagsabing maganda nga ang benifits.

 

Hindi naman sila nagkamali sa mga narinig nila, dahil maganda nga naman ang benifits dito sa kumapanya. Yung sahod is so so lang. Pero depende din naman din kasi ang magiging sahod mo sa magiging performance mo over the year. Per hour ang rate dito, plus the every year appraisal.

 

Sa apag na taon kong naglalagi dito ay pinaka matas kong nagising appraisal is 50 pesos per hr. Bali parang 8000 per month yun. Di na rin masama. Ang pinaka mataas kasi is 80 pesos.

 

Pero depende din yung sa lebel ng trabaho mo. In my position masasabi kong swerte na yun, at malaki laking increase na yun.

 

 

 

 

Inayos ko ang bag ko at nagreready ng bumaba sa kotse ng biglang may magpark sa tabi ng kotse ko. Wala namang masama, pero parang nagmamadali kasi ito. Medyo nasagad niya pa yung sa right lane dahil maliwag dito sa side kung san ako bababa.

 

Lumabas ako ng kotse at narinig ko ang bagsak ng pinto ng dumating. Dali dali itong kumaripas ng takbo. Napakunot nuo ko, kasi maaga pa naman para magmadali siya. Infact 40 minutes early pa nga before ang start ng shift.

 

Napansin ko ang mahaba nitong buhok na sumasabay sa bawat galaw nito. Parang ang lambot naman ng buhok niya.

 

Natawa pa ako kasi parang biglang nagplay sa utak ko yung kanta ni Sandara Park yung commercial niya sa rejoice. 

 

 

🎵Wag lalaki ang ulo

Sa sasabihin ko

Alam mo bang mas okey ka

Kaysa dun sa dati ko

 

Mula ng makasama ka

Kayraming nagbago

Kasi ang hinahanap ko

Ay isang katulad mo

 

Walang Sabit—🎵

 

 

 

 

 

 

 

 

“Hooooy!”

 

“Ay puke.” Gulantang kong sambit.

 

Tinignan ko ng masama si Ningning ng marealize kong siya ang nang gulat. Kasama nito si Ryujin at Giselle na tawang tawa lang sa gilid ko.

 

“Para kang tanga Ning.” Naiinis kong sabi sakanya. Tumingin ako sa paligid buti nalang wala pang gaanong tao, kundi nakakahiya tabas ng dila ko.

 

Sa dinami dami ba naman kasi ng mababanggit ko bakit yun pa!

 

“Tigang much Winter?” Natatawa paring tanong ni Ryujin. 

 

Hinampas ko siya sa braso. “Yang bunganga mo hinaan mo nga, baka ano isipin ng mga makakarinig!” Padabog kong sabi. Hmp

 

“Kaya pala di mo sinasagot mga suitors mo, pepe din pala hanap mo!” Sabi ni Ning Nagtawanan nanaman silang tatlo.

 

Nung friday kasi halos ikwento ni Ryujin yung buhay namin dito sa trabaho. Binalaan din niya ang dalawa sa mga posibities na may maglandi sakanial. Di naman na nakakapagtaka kung mangyari yun dahil di naman maitatnggi na maganda ang dalawang bagong empleyado.

 

Napabuntong hininga nalang ako, di na natapos ang asaran hanggang sa makarating kami sa knya knya naming station.

 

Napatingin ako sa relo ko at may 20minutes pa. Oo 20 minutes kami naglalakad dahil sa kaingayan ng 3 na to. Kulang nalang ay silaban ko mga bibig nila para manahimik.

 

Si Ryujin naman parang tatakbo ng konsehal, bawat kakilalang masalubong hihinto para bumati at makipag chikahan. Wala naman kaming magawang tatlo at hinintay nalang namin siya.

 

Pinakilala niya din naman niya ang dalawa sa mga nakakasalubong namin.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Dahil may 20 minutes pa ay umakyat kami sa level 3. Andun kasi yung pantry.

 

Busy sa pagkuda yung 3. Iniwan ko sila sa table at pumila ako sa vendo machine para bumili ng coffee.

 

Habang nakapila ay napansin kong naglalakad si Boss Jennie kasama si Ate Lisa at may 2 pa itong kasama. Hindi pamilyar dalawang nakatalikod na ksama nila.

 

Nagulat ako.

 

Yung babae sa parking na tumatkbo kasama ni Boss Jen. Isa ba siy sa mga volunteers?

 

Di maalis ang tingin ko sakanila.

 

Kapansin pansin kasi ang buhok nitong nakasunod sa bawat galaw niyo, ano kayang shampoo niya?

 

Baka rejoice nga.

 

Meron pa ba nun? Parang wala na akong nakikitang rejoice pag nag gogrocery ako para sa toiletries ko.

 

Nakabalik ako sa table namin. Patpos ng magbreakfast yung tatlo, at ako naman ay sinalin na yung coffee sa tumbler ko. 5 minutes nalang din kasi at start na ng shift namin.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Nagshashadow ngayon sakin si Gi, tapos si Ning naman kay Ryujin. Naturuan ko naman na si Gi ng isang task nung friday. For now binibigyan ko siya ng paunti unti para mafamiliarize siya sa ginagawa namin.

 

Before niya isubmit ichecheck ko muna. Mas okay ng sigurado dahil on going pa qualification niya per task.

 

Gamit niya pa yung badge ko, so incase magkaroon ng discrepancy sakin parin ksi yung bagsak dahil ako yung nagbu buddy sakanya.

 

 

Mabilis naman turuan si Gi, nakatulong din siguro na May background na siya dahil sa previous work niya.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Dumating ang lunch time, sabay sabay kaming pumila sa counter para magorder ng food. Ng mapansin naming lumabas sa elevator si Boss Jennie. May sumunod sakanyang dalawang babae.

 

 

“Luuuh, ang ganda!” Rinig kong bulalas ni Ningning. Natawa naman si Gi at Ryujin.

 

“Kateam kaya natin yan?” Tanong ni G.

 

“Siguro yan na yung volunteers na sinasabi ni Boss Jen.” Masayang ngiti ni Ryujin, di na naalis yung tingin niya dun sa isa. “Ang sarap pumasok sa araw araw kung yan makikita mo.” Dagdag pa nito.

 

 

Natawa ako. Umiral nanaman pagka babaero ng kaibigan ko. “Yang ngiti mo mukhang may binabalak na karumaldumal.” Nagtawanan si Gi at Ning.

 

“Asan na yung sinabi mo nung Friday? Ano nga ulit yung Ning?” Pangaasar ni Gi.

 

Bigla kaming tumawa ni Ning ng malakas. Halos di kami makahinga kakatawa. Nalasing kasi si Ryujin nung byernes. Kung ano ano na lumalabas sa bunganga. Actually di naman skandalosa mga lumalabas sa bibig niya.

 

Pero ang nakakatawang part ay yung sinamahan namin siya magCR dun sa labas ng KTV na nirent namin, sa sobrang kalasingan ni tanga nagslide siya papasok ng toilet tapos naitukod ni tanga yung kamay dun sa toilet bowl! Lalu siyang nagmukhang basang sisiw sa kaitsurahan niya nung friday.

 

 

Napasimangot na si Ryujin ng mapagtanto niyang yun ang pumasok sa isip namin ni Ning nung mabanggit ni Gi yung nangyari nung Friday ng gabi.

 

 

 

 

 

 

 

 

Tapos na kaming lahat kumain, pero naunang bumababa sa level 1 si Ning at Gi dahil magaasikasuhin daw sila sa HR.

 

Tumingin ako sa orasan. Hindi na siguro ako magyoyosi, ang layo kasi ng smoking area. Nakakatamad bumaba, kailangan mo pa kasing maglakad ng almost 15minutes para lang makarating sa smoking area. Sinadya na din siguro ng kumpanya yun, para na din sa kalusugan ng mga empleyado.

 

 

 

 

Pumwesto naman kami ni Ryujin sa gilid malapit sa hagdan. Mula kasi dito ay kita ang mga taong lumalabas sa elevator. Gawain na namin to ni Ryujin everytime nagbebreak kaming magkasabay.

 

Inaabangan namin yung mga taong lumalabas sa elevator para magsipat ng mga magaganda oh gwapo tapos irarate namin, tapos magtatwanan kami. Mukha kaming nga tanga.

 

Masyadong malaki ang kumpanya kasi hindi talaga lahat ng empleyado ay magkakakilala.

 

Sobrang dami paring mga unfamiliar faces sa araw araw na ginawa ng dyos lalu na pag nag change shift na yung mga shifting schedules.

 

 

Nakita namin yung dalawang kasama ni boss Jen kanina. Pumila sa Vending machine grabe sobrang ganda naman nitong si ate girl. Siniko ko si Ryujin. “Kung magjojowa akong babae ganyan kaganda gusto ko.” Biro ko sakanya.

 

Natawa si Ryujin. “Ito ba ang way of coming out mo sakin Win?” Natatawang sagot nito.

 

“Tanga hindi!” Natatawa kong sagot. “Pero ganda niya no? Mukha pang mabango.”

 

Weakness ko kasi yun. Yung mabango. Siguro kahit nga panget ka basta mabango ka pupudpudin ko leeg mo ng amoy.

 

Wala namang malisya kasi halos lhat ng friends ko ginagawa ko yun. Maliban sa mga lalake.

 

“Pila ka dali. Habang wala pang nakapila sa likod niya. Kunyari bili ka! Try mo check kung mabango!” Natatawang sabi nito. Tinulak akong patyo ni Ryujin.

 

Wala sa loob namang sumunod nalang ako. Grabe matangkad pala ito. Tapos yung buhok niya ang kapal, ang shiney pa. Parang ang sarap hawakan, parang wala talagang sabit.

 

Gusto ko tuloy ulit kantahin yung kanta ni Sandara Park.

 

🎵Walang sabit di gaya ng dati ko.🎵

 

Nakatitig lang ako sa likod ni ate Rejoice, hindi ko alam pero parang may humihila sakin papalapit sakanya, wala sa loob na humakbang pa ako papalapit sakanya, nagsimulang pumaloob sa ilong ko ang mabangong amoy, parang amoy bulaklak. Di ko alam basta ang bango bango niya.

 

Parang ang sarap magbabad sa leeg niya. Huhu

 

 Nagulat ako ng biglang tumulak sakin dahilan para masubsob ako sa likod ng babae sa harapan. “Luuh gago!” Bulong ko, napatingin ako dun sa tumulak sakin.

 

Pinanlakihan ko ng mata si Ryujin! Parang gago talaga to! Humanda ka sakin mamaya leche ka!! Tinaas ko pa yung kamao ko, inaambaan ko ito ng suntok. Gago talaga.

 

Naalala ko na nasubsob pala ako sa babaeng nasa harapan ko, kaya inangat ko ang aking mukha para mang hingi ng pasensya,. Sira ulo kasi tong si Ryujin e.

 

“Ahm Miss Sorry po pala.”

 

Mahina kong sabi.

 

Hindi ito lumingon kaya tumikhim ako. Kakalbitin ko sana ito ng bigla itong humarap sakin. Tumingin siya sakin at bahagyang ngumiti. “It’s okay.” Nakangiti nitong sagot, at bumalik na ang tingin sa harap.

 

 

Naiwan akong tulala, tanginh buhok nalang nito ang nakatambad sakin pero putcha bat ang ganda niya!

 

 

Hindi na ako nakahakbang paabante. Para akong naestatwa sa nangyari.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Inaasar ako ni Ryujin hanggang sa makabalik na kami sa station. Kahit habang nagtotoothbrush kami kanina ay hindi ito tumigil. Si Giselle at Ning naman ay tawa lang ng tawa.

 

 

Hindi ako mapakali, yung kaba ng puso ko ng makita ko yung ngiti niya hindi na naalis. Tapos yung nunal niya sa ibaba ng labi, nakaka distract.

 

Ala una na din ng hapon ng tumigil sa pangaasar sakin yung tatlo. Busy na kami ulit dahil sobrang dami nanaman email. Madami pa nga akong hindi nababasa, grabe lang tong araw na to.

 

Napabuntong hininga nalang ako dahil parang ang sakit na ng batok at mata ko kakatitig sa Laptop ko. Busy parin ako sa pagtipa at pagsesend ng update sa mga naassign saking task. Kailangan ko tong tapusin kasi need ko pumunta ng linya mamayang Four. Magpapa expidite ako ng lote. Sobrang aging na nung lote di pa nila inaasikaso kasi sobrang baba ng quantity at matagal pa yung process.

 

 

Biglang may kumatok sa labas ng cube ko. Hindi pa ako nakakalingon dahil may isesend pa akong email kay boss Jen mayayari ako neto dahil ilang aging lot na natengga.

 

“Ning wait lang wag kang katok ng katok diyan, baka mabigwasan kita.” Napakamot pa ako ng ulo. Huminto na din si Ning sa pagkatok.

 

“Is that how you welcome me now Winter?” Bigla akong napatayo sakinauupuan ako sabay tingin kay boss Jen.

 

“Sorry boss kala ko kasi si Ning.” Nakakahiya. Close ko naman si Boss Jen, ang kaso kasi para akong barumbada sa sagot ko kanina. Akala ko talaga si Ning.

 

 

Mas lalong namula ang mukha ko ng makita ko si ate Rejoice tsaka yung isa pang babae sa likod niya. Halatang nagpipigil ng tawa yung dalawa. “I was just kidding beb, ikaw naman di na mabiro.” Tumatawang sagot ni Boss. “Sunod ka sa room 205.”

 

Tumango lang ako at sinundan sil ng tingin.

 

 

 

 

 

 

“And that would be all.” Pagtatapos ni Boss Jen sa meeting namin.

 

3:30 na, saktong sakto lang para makapagbreak kami ng 15 minutes. Napabuntong hininga ako. Gusto ko magyosi, kaso kulang ang oras sa paglalakad palang. Mamaya nalang siguro bago umuwi.

 

Napakilala na pala ni Boss Jen si Ate Rejoice at yung isa.

 

 

Karina pala name ni ate Rejoice, tas yung isa si Yeji. Pinakilala samin kanina. Kasama din kasj namin yung pang morning shift sa meeting, para formally na mapakilala si Karina at Yeji.

 

Si Ryujin ang laki ng ngiti ng makita si Yeji. Napapailing ako dahil naiisip ko na ang binabalak nito.

 

 

 

Siniko ako ni Ryujin sabay bulong. “Matunaw yn tanga.” Tinignan ko ito ng masama.

 

Bigla namang lumapit si Ning. “Crush mo na? Jojowain?” Tanong pa niyo.

 

“Timigil nga kayo, tsaka di naman ako nakatingin sakanya. May iniisip lang ako.” Pagpapalusot ko.

 

 

Nakakainis di ko din talaga alam bat di matnggal tingin ko sakanya. Nadidistract talaga ako sa nunal niya sa ilalim ng lips. Tsaka sa shiney black hair niya.

 

 

“Nagpapalusot ka pa. Tanggap kita kahit ano ka pa. Welcome to the club!” Sagot ni Ryujin.

 

“Haha! Funny!” Sarkastiko kong sagot.

 

 

Buti nalang at tumahimik na din sila. At wala sa loob na sinundan ko ng tingin si Ate Rejoice, este Karina na lumabas na ng meeting room.

 

Nagult pa ako ng lumingon siya samin bago maisara ang pinto. Nagtama ang ang aming mga tama.

 

 

Ngumiti ito.

 

 

 

Gagu ang ganda!

 

 

_______
Please leave some comments and let me know what you think so far. Hehe

-K

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
EzraSeige
#1
Chapter 3: 🥰🥰🥰💙❄
Gwapako987
#2
Chapter 3: Kung ako makakakita ng ganyan ka ganda sa trabaho hinding hindi ako aabsent at palagi akong mag oover time😇
Soneforever2
#3
Chapter 1: <span class='smalltext text--lighter'>Comment on <a href='/story/view/1514124/1'>Prologue</a></span>
Poor Winter, she is going through so much heartbreak and also madly in love with someone who doesn’t reply her back with same love and affection. Hopefully things will get better between these two because right now it’s looking hopeless.