How it started

Fake relationship
Please Subscribe to read the full chapter
"Ning, bored na ako." bagot na sabi ko habang nakatitig sa kawalan. Di pa naman matagal bago kami tumambay dito sa condo ni Ning. Sa katunayan nga eh halos kararating lang namin galing school. Maaga nga dapat kami kung hindi lang nagkagulo kanina.   "Ano naman kung bored ka?" napairap ako sa sagot nitong best friend ko. Talagang wala man lang pagmamalasakit sa'kin.   "Ning naman eh!" pag-whine ko.   Bored na talaga ako. Sana pala hindi nalang natapos nang maaga yung class namin.   Tumigil sya sa ginagawa nya sa laptop nya at tinignan ako.   "Parang bata Rinrin. Katapos lang nga nating makipag-away kanina bored ka na naman agad."   May nakaaway kasi kami kaninang arki student sa school. Napaka bastos ng ugali eh. Yan yung dahilan kung ba't natagalan kami kanina sa carpark.   "Wag mo nga akong matawag-tawag sa ganyang nickname. Naalala ko yung panget kong ex." pagalit na sabi ko sa kanya.   Ikaw ba naman tawagin sa napaka panget na nickname na binigay sayo ng loko-loko mong ex.   "Excuse me, hindi pa sya pumayag na makipag break so technically hindi mo pa sya ex." pagko-korek nya sa'kin. Sumama lalo ang tingin ko sa kanya.   "Alam mo? Mas nakaka-bwiset ka pa kesa sa kanya." I scoffed.   "Ikr." napaflip pa sya ng hair. Parang compliment pa sa kanya yung sinabi ko. "Pero wala paring kakabog sayo. Nakita mo na ngang nagcheat sayo si Jeno pero di mo parin nagawang makipag-break. Mas nakaka-bwiset ka."   "Nakipag-break nga ako Ning! Eh sa ayaw nga pumayag."   "Eh di kabog ka talaga, gaga! Pagkasabing ayaw nya napa whatever ka nalang. Yan tuloy nangungulit parin sayo."   Napatahimik ako kasi totoo. Eh sa naiinis na talaga ako nun kaya napa whatever nalang ako. Ang kapal naman kasi ng pagmumukha ng lalakeng yun. Sa ganda kong to nakuha pa akong lokohin? The f. Tapos sya pa itong ayaw tanggapin yung break-up.   "Kung ako sayo girl isampal mo kay Jeno yung break-up. Wag kang magtanga-tangahan porket gwapo sya at sikat sa campus."   "Oh eh, ano namang gagawin ko?"   Hinarap nya muna yung laptop nya at clinose ito tapos tinignan nya ulit ako.   "Gumala tayo. Maghanap ka agad ng bago. Ipakita mo kung sino ka."   Napangisi ako sa sinabi nya. May pagka-loka loka rin tong best friend ko eh.   Tumayo na sya mula sa bed nya at inilahad ang kamay nya na nakangiti ko namang inabot.   "Kaninong car?" tanong nya.   "Yung sayo nalang Ning. Kakagas ko lang eh." pacute kong sabi.   Umirap muna sya. "My god! Let's go na nga."   Pareho kaming napangiti bago tuluyang lumabas ng kwarto nya.   My name is Katarina Louise Yoo. My friends called me Karina. Taking up political science sa LUV University. Ang babaeng kasama ko ngayon ay ang best friend kong si Ningning Yizhou isang comm arts student. We were lucky enough na same kami ng university na pinapasukan. Ready na kasi sana akong pabalikin ng family ko sa states. Buti nalang talaga at naipasa ko yung college entrance exam ko dito sa Philippines kaya naman pinagstay nalang ako rito.   "Bilisan mo na Rina!"   "Coming!"                 Nakarating na kami ng SM at agad na nag-aya si Ning na mag sb. Pagkarating namin ng sb halos wala ng maupuan sa loob. Puno ito ng mga estudyante ngayon. Wala kaming choice kundi kunin nalang yung bakanteng table sa labas.   "Ako nalang ooder. Yung usual parin ba sayo?" tanong nya habang nakatingin sa pila sa loob.   "Oo. Antayin nalang kita rito."   Pumasok na sya sa loob habang ako naman ay umupo na sa table namin. Patingin-tingin lang ako sa paligid. Magse-settle na sana ako ng tingin sa kung nasaan si Ning ng mahagip ng mga mata ko yung jerk kong ex.   Aba lang kung makipaglandian sa babaeng kasama nya. Ang panget panget naman nung girl.   Nainis ako bigla. Sino namang di maiinis sa ganyan? Kung hahanap ka narin ng magiging kabet make sure mo naman yung mas maganda pa sa'kin hindi yung mukhang bulok na isda.   Tumayo ako at diretsong lumapit sa kanila.   Gulat na gulat si Jeno nang makita ako. Agad nya ring inalis yung pagkaka-akbay sa babaeng kasama nya.   "Ri—rinrin..." kinakabahang sambit nya.   "Wag mo nga akong matawag-tawag nang ganyan. Kung dati natitiis ko yan kasi tayo pa pwes ngayon hindi na." tinignan ko yung babaeng kasama nya na tinataasan ako ng kilay.   Ang panget mo girl.   "Gagawa ka na nga lang ng kabet yung panget pa." sabi ko. Umasim pa lalo ang mukha ng babae nya. May iaasim pa pala ang mukhang yan?   "Anong panget!"   "Rinrin naman..." parang nagmamakaawa na yung itsura ni Jeno.   "Sabing wag mo nga akong tawagin ng ganyan." inis na sabi ko. "Mukhang hindi parin klaro sayo na break na tayo kaya kaklaruhin ko ulit sayo. We're over Jeno and stop pestering me sa campus dahil baka magalit bago ko."   "What!? Anong
Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
yellowjeong
Hi! I'm new here. It's my first time writing a fic. I hope you will like it ^_________^

Comments

You must be logged in to comment
Kannakobayashi09 #1
Chapter 3: Hahahahaha I love it laging asar si rinrin kay win hahaha 😂
Kannakobayashi09 #2
Chapter 2: Hahahahaha she's really enjoying it 😂
howdoyouknowmee
555 streak #3
UPVOTED