She's enjoying it

Fake relationship
Please Subscribe to read the full chapter
Kanina pa ako paikot-ikot dito sa loob ng forever 21 pero wala naman sya rito. Asan na ba ang babaeng yun?   I tried calling her pero di naman sumasagot. Sana di nalang sya nagdala ng phone.   Lumabas na ako sa shop ng forever 21. Baka pumasok na naman yun sa kung saang clothing shop dito.   Papasok na sana ako ng Guess ng makasalubong ko na naman yung siraulong si Jeno.   Mabilis akong nag-iba ng direksyon.   Ano ba naman itong nangyayari sa buhay ko ngayon?   Nasaan na ba yung si Winter? Sabi nya she'll see me around tapos wala naman.   Teka lang. Ba't naman sya yung iniisip at hinahanap ko ngayon?   "Rina!"   Binilisan ko na yung paglalakad ng marinig ko ang pagsigaw ni Jeno.   "Rina, wait."   Bwiset talaga. Ano ba ang meron ngayon at minamalas ako?   "Bitiwan mo nga ako Jeno." I said. He's holding my wrist a little too tight.   "Nasaan na yung girlfriend mo?"   Ano ba naman to. Mukhang mabubuking pa ako. Sa laki ba naman kasi nitong mall nakuha ko paring makasalubong ang jerk na to.   Nasaan ka na ba kasi Winter?   "Bitiwan mo nga sya." nagulat ako ng may magsalita sa may likuran ko. Mabilis ko itong nilingon.   Yung guy friend ni Winter. Yung may cute smile.   "Bakit mo ba patuloy na hinaharass ang girlfriend ng friend ko? Gusto mo bang tumawag ako ng pulis?" banta nito na syang ikinaputla ni Jeno.   Binitiwan nya na yung kamay ko at galit na naglakad palayo sa'min.   "Are you okay? What's with that guy?" kaagad na tanong nya.   "Okay lang ako. And don't mind that . Hindi lang kasi nun matanggap na break na kami kaya hanggang ngayon ginugulo ako." mahabang paliwanag ko.   "Well he better be careful. Kapag ginulo ka ulit nun don't hesitate to tell it kay Winter." he said tapos ay ngumiti sa'kin.   "Thank you pala. Mabuti at nakita mo ako."   "Oh no, hinahanap ka talaga namin. Winter wanted to talk to you kaya lang hindi mo raw dala phone mo."   Pilit na ngumiti ako. Ang galing nya namang mang-uto ng kaibigan.   "Nasan ba sya?" I asked nung magsimula na kaming maglakad.   "Nasa tapat daw sya ng ministop." sagot nya habang may tinatype sa cellphone nya. Baka kausap nya si Winter.   "What's your name pala?"   "I'm Soobin." ngumiti sya. "Right hindi pala kami nakapagpakilala sayo kanina. "Yung isang guy na kasama namin ay si Yoshi tapos yung girl naman ay si Aeri."   Ang wiweird naman ng mga name nila.   "She's there." tinignan ko yung tinuturo ni Soobin.   Nakatayo si Winter di kalayuan sa'min. Her eyes are on her phone bago ito umangat at tumingin sa kung nasaan kami. She waved her hand dito yata sa kasama ko.   "Puntahan mo na sya."   "Huh? Bakit ikaw di ka ba sasama?" takang tanong ko.   "Nope." nakangiti lang nitong sabi tapos ay kumaway ulit sya kay Winter.   Bakit kasi ako lang yung kailangan lumapit? Ano namang kailangan nito sa'kin?   Napalakad nalang ako palapit sa kanya habang iniisip si Ning. Nasaan na ba kasi yun? Wala man lang reply o kahit tawag mula sa kanya. Wag nya namang sabihin na nakalimutan nyang may kasama syang kaibigan dito.   "Ang bagal bagal mo naman." inis na sabi nito nang magkaharap na kami.   "Bakit ba kasi?" masungit na tanong ko.   "Umayos ka nga. Kung ganyan ka sa'kin makipag-usap others might think na we're not dating."   "Eh hindi naman talaga." mabilis kong sabi na ikinasalubong ng kilay nya.   "You started it kaya umayos ka. Give me your number." utos nya.   Confused na tinignan ko sya. Ba't naman nya kailangan ang number ko?   "Ano namang gagawin mo sa number ko?" tanong ko sa kanya.   She rolled her eyes. "For contacts you idiot. Akin na."   "Anong idiot!? Bahala ka nga dyan. Hindi ko ibibigay number ko no."   Ang kapal naman ng mukha nyang tawagin akong idiot. Akala ko pa naman mabait sya kasi cute sya pero ang panget pala ng ugali.   "Ibigay mo na nga para makaalis na ako." pagalit na sabi nya. Natakot tuloy ako. Para kasing ibabalibag nya na ako at any minute kapag hindi ko pa sinunod yung gusto nya.   "Oo na!"   Inabot ko yung phone nya at mabilis na tinype yung number ko.   "Ayan, okay na?"   Tinignan nyang mabuti yung tinype ko.   "Totoo ba to? Baka mamaya hindi to real number mo?" paninigurado nya.   Napairap ako. Talagang pinagdududahan nya pa ako.   "Eh di tawagan mo nang makasiguro ka." annoyed na sagot ko. Hindi na sya sumagot pa at nag-focus nalang sa phone na hawak nya.   "What's your full name?"   Pati ba naman full name kailangan nya pa? Aangal na sana ako ng tignan nya ako nang masama.   "Katarina Louise Yoo." sabi ko nalang. "Ikaw, what'
Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
yellowjeong
Hi! I'm new here. It's my first time writing a fic. I hope you will like it ^_________^

Comments

You must be logged in to comment
Kannakobayashi09 #1
Chapter 3: Hahahahaha I love it laging asar si rinrin kay win hahaha 😂
Kannakobayashi09 #2
Chapter 2: Hahahahaha she's really enjoying it 😂
howdoyouknowmee
555 streak #3
UPVOTED