Fakers

Fake relationship
Please Subscribe to read the full chapter
I checked myself sa side mirror ng kotse. Wala namang nagbago sa mukha ko. Maganda parin naman ako. I think okay naman ang suot ko.   Tinignan ko ulit ang mga student na nagkalat sa carpark.   Bakit nakatingin sa'kin mga to? Tsaka bakit parang nagbubulungan sila about me?   Kunot noong naglakad nalang ako papasok ng campus. Mas na confused lang ako kasi pagkapasok ko ng gate automatic yung tingin sa'kin ng mga estudyante.   Ano ba meron?   I shrugged it off at naglakad nalang ulit. Chin up lang. Maganda naman ako. Bahala na kayo kung anong chismis pinaguusapan nyo about me. Kung tungkol yan sa'min ni Jeno, wala akong pake.   Nasa hallway na ako nung may lumapit sa'kin na guy.   "Karina totoo bang m—may girlfriend ka?" parang maiiyak na tanong nito.   Nilibot ko ang paningin sa mga estudyanteng nakatambay dito na parang nakaabang sa isasagot ko.   Ibig bang sabihin nito...kaya nila ako pinagtitinginan at pinagbubulungan...   Bumilog yung dalawang mata ko.   Pano naman nakarating sa kanila ang bagay na to?   Hindi ko sinagot yung guy at nagmadali akong umakyat ng second floor at pumunta ng room ko.   I saw Prances and yung group of marites nya near my chair. May pinaguusapan yata sila ng makita ako. They immediately stopped.   I went to my seat at nilagay ang bag ko. Uupo na sana ako when I heard Winter's name sa usapan nila Prances.   "Kilala nyo si Winter? Winter Kim?" I asked them.   Nilingon ako nung tatlo.   "Of course." sagot ni Prances with her 'duh' tone. "She's your girlfriend right?"   Lumapit ako sa kanila.   "Anong alam nyo kay Winter Kim?"   "Huh? Diba girlfriend mo yun? Ba't ka nagtatanong sa'min nyan?" I rolled my eyes at her response.   "Just tell me anong alam nyo kay Winter Kim." pagcommand ko.   Gusto ko malaman ba't nila kilala ang girl na yun. Tsaka bakit sinasabi nilang girlfriend ko sya?   "Uhm...member sya ng basketball team sa KFC University. Tapos vp sya ng sc dun."   Napatango-tango ako sa sinabi ni Prances.   "May klase ba tayo ngayon kay prof Batman?"   "Ang alam ko wala eh. Naka leave parin yata si Sir."   Nakangiting tinalikuran ko sila.   Basketball player ka pala ah. Tapos vp pa. This is good. Wala akong class ngayon tapos bakante rin ako hangang 10 am.   Napangisi ako habang inaayos gamit ko. Dahil inasar mo ako kahapon Winter Kim humanda ka sa'kin ngayon.   Humanda ka talaga dahil bored ako ngayon.   Mabilis akong umalis ng room namin at bumaba. Ano ba naman kung bisitahin ko yung napapabalita kong girlfriend sa campus nila? I don't see any problem with that.   Malapit na ako sa carpark ng harangin ako ni Jeno.   Not again!   I groaned ng hinawakan nito ang kamay ko. I immediately pulled it away at unatras sa kanya.   "Rinrin hindi ako pumapayag sa break-up." sabi nya.   Inirapan ko sya. "Wala akong pake. Basta para sa'kin break na tayo. Wag mo na nga akong guguluhin Jeno. Baka gusto mong ipasugod kita rito sa girlfriend ko at mga friends nya?" natigilan sya sa sinabi ko kaya naglakad na ako ulit at hinayaan sya.   "Karina!"   What the f! Ano ba trip ng jerk na to?! Aga aga he's into my nerves.   "Umalis ka nga dyan! Pag hindi ka umalis sasagasaan talaga kita. I'm serious Jeno." banta ko sa kanya. Napalunok sya at umatras na sa pagkakaharang sa harap ng car ko.   What a total jerk.   Pinaandar ko na yung car ko. Habang palabas ng gate I dialed Ning's number to check up on her. Wala kasi akong narinig sa kanya kaninang umaga. Usually kasi nagme-message sya sa'kin ng kung ano-ano tapos magtatanong if papasok ba ako. Pero walang message sa'kin ang esa.   "Good morning sayo Rinrin. Sana masaya kang masira ang maganda kong tulog." garalgal pa yung boses nya halatang kakagising lang.   I mentally rolled my eyes. Babaeng talaga to. May klase kaya sya ngayong umaga tapos kakagising nya lang. Kung hindi pa ako tumawag baka di pa sya nagising.   "I'm really happy don't worry. May klase ka kaya ba't natutulog ka pa?" tanong ko looking sideways palabas ng school.   "I gave up to my morning class. I need sleep girl. Magulo rito sa bahay kagabi." narinig ko ang paghikab nya.   "Na naman? Eh di sana pumunta ka sa bahay."   Lasing na naman siguro ang Dad nya. Mabait naman si Tito, iba lang talaga ito paglasing. He could be too much to handle. Hindi naman sya yung nananakit or nagsasalita ng masama once na nalasing. Nagiging madaldal lang. Like literal na madaldal. Tsaka makulit.   "I tried kaya lang kawawa naman si Mother kaya di na ako tumuloy. Anyways bye na. Matutulog pa ako eh."   "Ning wait may sasa—" binabaan na ako ni gaga.   Binaba ko na rin phone ko at nag-focus sa pagda-drive.   Napangiti ako.   Akalain mo nga namang medyo sinwerte pala ako sa pagkakahila ko sa Winter Kim na yun. She's quite popular pala. Kilala ba naman sya ng mga tao sa campus.   Pagkarating ko
Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
yellowjeong
Hi! I'm new here. It's my first time writing a fic. I hope you will like it ^_________^

Comments

You must be logged in to comment
Kannakobayashi09 #1
Chapter 3: Hahahahaha I love it laging asar si rinrin kay win hahaha 😂
Kannakobayashi09 #2
Chapter 2: Hahahahaha she's really enjoying it 😂
howdoyouknowmee
555 streak #3
UPVOTED