Chapter 11

OOML
Please log in to read the full chapter

[Terrence’s POV]

 

#NP: Weak by Seether

No more love to purchase

I've invested in myself

You know nothing about me

Keep opinions to yourself-#

 

I glanced at my phone on the bedside. "Zoe Soon-To-Be Reid Fuentes" was written across the Caller ID. I ignored the call but did not reject it. She would kill me.

 

#No more obligations

There's nothing more to tell#

 

I let the song drift to my room until the song cut-off midway to the chorus leaving an empty echo in the wall-closed room.

 

Zoe. Arkzleyn's girl. My girl best friend.

 

A smile tugged at one corner of my lips. Childish, wild and happy-go-lucky Zoe. She had a huge crush on Arkz and used to stalk him around. Until he finally noticed her last year. They were together now for nine months and everything was fine. Until Arkzleyn decided to kiss a girl who was Zoe's total opposite. Shy, timid and snarky Name Dense Viniel.

 

Damn it, he wasn't supposed to like someone.

A weary sigh escaped my lips and I ran a hand through my hair. And then a scream pierced through the night. Sharp and earsplitting.

 

", what the hell?!"

 

I cursed and raced to the window.

 

[Name’s POV]

 

Kahiya talaga 'tong si Cassy. Isinigaw pa talaga sa buong cafeteria =///=

 

Malapit na rin ako sa gym. Hay naku, lumalakas na 'yung heartbeat ko. Kelan ba titigil 'tong puso ko? Ay hindi naman sa gusto ko ng mamatay pero...

 

"Name." May tumawag sa likuran ko. Kilala ko 'yung boses pero hindi pamilyar 'yung pangalan na binanggit niya.

 

Para ako'ng binuhusan ng malamig na tubig. Hindi na rin malakas ang pintig ng puso ko. Nilingon ko siya. Hindi ko mabasa 'yung expression niya. Para'ng pagod na pikon.

 

Wala'ng imik na binigay niya 'yung maliit na black na bag sa akin. Tinitigan ko lang 'yun. Kapag tinanggap ko na agad 'to, aalis na siya ng wala pa ring imik...

 

"Sorry if I bothered you this late. Here." This time, pinahawak na niya sa akin 'yun.

 

Wala na ako'ng nararamdaman.

 

"At least nabalik na 'yung cam. Thanks pala." Narinig ko'ng sabi ko nang wala'ng emosyon. Bago pa siya makasagot ay naglakad na ako sa direksyon pabalik sa dorm namin.

 

"Na--... Dense!" Tawag niya. Hindi ko siya pinansin at sa halip ay tumakbo lang ng tumakbo. Palayo sa kanya.

 

[Chesel’s POV]

 

Sinabi ko na nga ba na epic fail 'tong mission na 'to eh. Kung hindi lang sana ako sumigaw kanina nang mahulog 'yung sapatos ko, edi sana nakapasok na ako sa kwarto. Hay naku, pag minamalas ka nga naman. At mukhang galit pa talaga si Chinito.

 

"Three seconds. Tell me what the are you doing on that damn tree." Galit na utos niya. Nag isip-isip pa ako ng sagot nang biglang may tumunog mula sa loob ng kwarto niya

 

Hmm... Pamilyar ata ah...

 

"Wait! Weak 'yan diba?! By Seether?" Tanong ko with fake excitement. Sabagay, ang ganda ng taste ni manong ng music. Isa 'yan sa Top 100 favorite songs ko eh.

 

"Don't. Go." Mariin niya'ng sabi sabay alis sa bintana. Malamang para sagutin 'yung tumatawag. Ang sweet na sana ng sinabi niya kung hindi lang siya galit.

 

"Don't go my ! Ano ako, tanga? Tsk tsk." Kaya naman gumapang na uli ako pababa ng apple tree na ito. May nakita rin ako'ng nakabitin na apple kaya pinitas ko rin.

"Miss, mahuhulog ka!"

 

Aba, may lalake sa baba. Akala siguro niya, suicidal ako. Nag wave ako sakanya para sabihing okay lang ako pero parang 'di niya naintindihan.

 

"Teka, miss! Sasaluin kita, okay? Teka lang..." Saka nag position siya sa baba ng kahoy para saluin ako. Naka outstretched 'yung mga braso niya sa akin. Nag facepalm ako. Ang tigas ng ulo ni kuya.

 

"Okay lang po ako!" Sigaw ko pero 'di pa rin siya natitinag. Edi wow.

 

Biglang sumilip si Chinito sa bintana, nakahawak pa siya ng phone sa tenga niya. Nag shoo wave siya sa lalake sa baba.

 

"Leave her alone!" Sigaw ni Chinito. "Don't let her get away-- no, Zoe. I'm not talking to you... I sai- SHUT UP FOR A MINUTE!" And then binaba na niya 'yung phone. Napaka rude na Chinito.

 

"Miss, boyfriend mo ba siya?" Tanong ng lalake sa baba. Aba, gwapo naman pala 'to. Kaso 'di ko type good boy.

 

"Oo! Sinasaktan niya ako!" Drama ko kay kuya stranger.

 

"Ano/What?!" Sabay na tanong nila'ng dalawa.

 

"Talon ka miss, sasaluin kita!" Kuya stranger. Sweet ni Kuya. Parang kanta ni Justin Bieber sa Fall, "I will catch you if you fall".

 

"No, you motherf*cking son of a b*tch! Go away!!!" Galit na talaga si Chinito. Dami'ng sensored.

Patay! Nagsisimula ng umakyat palabas ng bintana si Chinito. Tiningnan ko si Kuya stranger. Mukhang na bad mood siya sa colorful words ni Chinito at para'ng aalis na siya.

 

No way.

 

"Teka Kuya!" Lumingon siya. "Catch me!!!" Sigaw ko sabay talon sakanya.

 

"No--!" Chinito.

 

Hangin. Hangin. Saka isang malakas na THUD!

 

Aba, na catch ako ni Kuya. Siya 'yung nag cushion ng landing ko. Agad-agad ako'ng tumayo saka pinulot 'yung nahulog ko'ng sapatos. Paglingon ko, nakahiga pa rin siya sa damuhan. Si Chinito naman ay para'ng tatalon na.

 

"Thaaaank youuu!" Sabi ko kay kuya saka takbo habang sinusuot 'yung sapatos ko.

 

"Don't let her!" Sigaw ni Chinito.

 

Ako: *takbo takbo takbo*

 

BUMP!

 

"Ay Peter Torres Tomlinson!" Napasigaw ako ng biglang may bumangga sa akin. Isang babae..? "Namie?"

 

Hala... Si Namie nga.

 

"Oyy! Anyare--"

 

Naputol ako sa pagsasalita nang bigla niya ako'ng niyakap. Ilang segundo ang lumipas tapos umiiyak na siya. Hindi 'yung iyak na pandalaga kundi 'yung para'ng bata na nadapa. 'Yung uri ng iyak na ginagawa mo kapag nasasaktan ka talaga.

 

Naramdaman ko na din 'yung pag-init ng mga mata ko kahit hindi naman ako 'yung nasasaktan. Hinaplos ko 'yung likod niya at hinayaan siya'ng umiyak. Wala rin naman ako'ng masasabi.

 

[Cassy’s POV]

 

~Sa Dorm~

 

"Hala Sel. Ang tagal nina Chesel at Bobot. Asan na kaya ang mga 'yun? Malapit nang mag curfew oh." Sabi ko kay Selene habang nakahiga sa kama ko. Double deck 'yung amin at kami ni Name 'yung nagshe-share. Ako sa taas at siya sa ilalim. Si Selene at si Chesel naman sa isa pa'ng double deck. Si Ches sa taas habang si Selene naman ang sa ilalim.

 

Hindi umimik si Selene.

 

O.o

 

"Tulog ka na ba?" Tanong ko.

 

"Hindi pa." Malumnay na sagot ni Selene. "Gusto ko lang mag sleepover sa gym."

 

"Sira ka talaga. Bawal 'yun noh." Sagot ko pero naisip ko rin naman 'yun noon. Parang ang cool pag nangyari. Ang kaso, baka pagising namin kinaumagahan ay ma expel kami. Ayoko nun.

 

"Hala..!" Biglang sigaw ni Selene. Sinilip ko siya. Hawak niya 'yung phone niya.

 

"Baki--" Biglang nag vibrate 'yung phone ko. Kinuha ko 'yun saka binasa. Si Name pala.

 

"Guix , andito kami sa ... middle of nowhere . umiiyak si Namie . baka matagalan kami ."

 

Obvious naman na si Chesel 'yung nag text.

 

"Middle of nowhere?" Tanong ko.

 

"Wow, Cass. 'Yan ang una mo'ng napansin? Bakit umiiyak si Name?" Nag-aalalang tanong ni Selene.

 

Hindi ko sinagot si Selene at sa halip ay binasa uli 'yung message ni Chesel. Umiiyak si Bobot. Ibig sabihin, hindi maganda 'yung naging takbo nang usapan nila ni Arkzleyn. Naku naman. Ang hirap pa naman ma heartbroken. Kagaya ko ngayon.

 

Napabuntong-hininga naman ako ng malalim doon.

 

"Cassy~~ yohooo. Earth to Cassy." Napalingon ako sa boses ni Selene. Nag roll eyes siya. "Ay salamat. Ano, susundan ba natin sila?" Tanong niya. Haaa?? Ba't namin sila susundan eh wala nga kami'ng alam kung asan sila.

Please log in to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet