(Pilot Episode): The Art of WinNing: Bawal Ang Talunan!

Basta, Ewan, Kahit Ano: The Podcast
Please Subscribe to read the full chapter

Episode 1

(Pilot Episode) The Art of Winning: Bawal Ang Talunan!


 

Biyernes na. 


 

Ilang beses nang nagawan ng iba't-ibang bersyon ng pelikula ni Winter sa kanyang isipan kung paano niya gustong simulan ang kanyang umaga. Pero sa dinami-rami ng bersyon na dumaan, kapansin-pansin ang istilo ng bawat eksena.


 

Mabagal, tahimik, payapa.


 

Kasama ang paborito niyang timpla ng kape—'yung hindi masyadong matamis at hindi rin kinulang sa tapang, habang taimtim na nagmamasid sa dahan-dahang pagsilay ng araw sa langit. 


 

Salungat sa ragasa ng agos ng buhay ng isang ordinaryong Pilipinong naninirahan sa kalakhang Maynila.


 

Sana pwedeng ganito na lang palagi.


 

Pero tanggap naman niya ang katotohanan na hindi sa lahat ng pagkakataon ay napagbibigyan tayo sa mga bagay na gusto natin. 


 

Tulad ngayon. 


 

Isang malakas na sigaw mula sa sala ang bumasag sa mahimbing na tulog niya. Sayang, ang ganda pa naman ng panaginip niya. 


 

Light-sleeper si Winter. Sensitibo ang pandinig niya. Konting kaluskos lang, nagigising na siya. Kaya himala na kung ituring ang mga pagkakataong nakatutulog siya nang diretso at hindi naiistorbo. 


 

Pero may mga pagkakataon talagang hindi siya napagbibibigyan. 


 

Tulad ngayon. 


 

Agad siyang bumangon at nagmadaling pumunta sa pinanggalingan ng sigaw. May halong inis siyang naglakad papunta sa sala. Dahil kahit sa pagtulog, kilalang-kilala niya kung sino ang may-ari ng boses na 'yun. 


 

“OH. MY. GOD.”


 

Naabutan ni Winter ang kanyang partner in life, crime (na wala pa naman, pero maganda lang pakinggan kaya isinama niya na lang), and everything in between na nakaawang ang bibig habang ang mga mata'y nakapako sa kanyang cellphone. 


 

Si Ning. 


 

Si Ning, na hanggang ngayon ay mistulang naging statwa sa gitna ng kanilang sala. 


 

“Ning? Anong nangyari?” Bakas sa mukha ni Winter ang pag-aalala. Nang hindi siya nakakuha ng sagot, lumapit siya rito at marahang inalog ang balikat nito. 


 

“Huy. Okay ka lang ba?”


 

“WINTER.”


 

Sa wakas, nagtama na rin ang kanilang mga mata. 


 

“Anong meron?” Nguso ni Winter sa cellphone ng kaharap. 


 

“iPad…”


 

“iPad?” Napahilig naman ang ulo ni Winter sa narinig. “Bakit? Hihiramin mo ba 'yung akin? Okay lang, di ko naman gagamitin ngay—”


 

“Nanalo ako ng iPad…”


 

“Congrats?” alanganing sabi ni Winter. 


 

Pero bakit ganyan ang itsura niya? 


 

Hindi ba kapag nanalo ka, dapat masaya ka? Lalong nagsalubong ang mga kilay ni Winter. Hindi na rin siya sigurado kung paano kausapin si Ning dahil hindi pa rin ito nakaka-recover mula sa kung anuman ang nabasa nito sa cellphone niya. 


 

“Tsaka ano…”


 

“Ano?” 


 

Napansin naman ni Winter na nanginginig ang mga daliring naka-angkla sa cellphone ng kasama. Dahan-dahan niyang hinawakan ang mga ito upang pakalmahin. 


 

“Ano 'yun?” pag-uulit ni Winter. 


 

Hindi na ulit nagsalita si Ning at sa halip ay ngumuso na lang ito sa kanyang screen. Lumapit pa lalo si Winter para makisilip dito. 


 

Hindi na nag-aksaya pa ng oras si Winter para alamin kung anong klaseng mensahe ba ang nagpasigaw kay Ning sa ganap na alas-otso ng umaga at sumira ng magandang panaginip niya. 


 

Ah, email lang pala. 


 

Nakaramdam ng pag-alala si Winter nang maalalang uso pa naman ang mga iba't-ibang uri ng scam at phishing ngayon. Pero nang mabasa niya ang pangalan ng sender at subject ng email, nakahinga na siya nang maluwag.


 

Okay, safe naman pala. 


 

From: [email protected]

To: [email protected]

Subject: BEKA: The Podcast Anniversary Special Winners

 

Greetings, Ms. Ning!

 

Congratulations for being one of the lucky winners of our Anniversary Special! Aside from the promised iPad Pro, Rina and Gigi have specifically chosen you to guest in our first ever video feature. 

 

Please keep your communication lines open as our team will be in contact with you soon for further discussion of details. 

 

We can’t wait to meet you!

 

All the best,

BEKA Podcast Team

 

 

“So…magiging guest ka nila?” maingat na tanong ni Winter sa kanya. Kahit siya ay naguguluhan na rin sa inaakto ni Ning. Ganito ba siya kapag sobrang saya? Parang nakakatakot naman pala. 


 

“Oo.”


 

“Pumayag ka na?”


 

“Sino naman ako para magmaganda at humindi,” mabilis na sagot ni Ning. Sa wakas ay gumalaw na rin ito at lumingon kay Winter, “Pero wait, pwedeng sumigaw ulit?”


 

“Ning, baka i-report na tayo sa guard sa baba—” 


 

“AHHHHHHH!” 


 

Napatakip ng tenga si Winter. Ulit, sensitibo nga ang pandinig niya. Pero sino ba naman siya para maging hadlang sa kasiyahan ng iba, lalo na kung para naman sa taong pinakamahalaga sa kanya?


 

“Okay, game na. Okay na ko. Shet, Winter. Guest ako. Ng BEKA. Narinig mo 'yun? BEKA. Wait, di pa rin ako okay. Di ako makapaniwala. Totoo ba talaga 'to? Shet talaga. Ang ganda ko. Ang ganda ko lang.”


 

“Nabasa ko nga. Mukhang legit naman? Congrats sa bagong iPad mo pati na rin sa…guesting.”


 

Tinignan siya nang masama ni Ning. “Bakit parang hindi ka masaya?” 


 

Napahalukipkip naman si Winter. Humugot siya ng isang malalim na hininga bago simulan ang litanyang kanina niya pang na-rehearse sa utak niya.


 

“Una, sinira mo tulog ko. Pangalawa, ang sakit ng tenga ko sa sigaw mo. At hindi lang isa, talagang dalawang beses mo pang ginawa. Pangatlo, 'yung mukha mo ngayon. Mukha ng may hihinging pabor sakin.”


 

“Galing mo talaga. Hay, Winter. You really know me so well.” Mahinang pinagbangga ni Ning ang kanilang mga balikat. “Mas tumpak pa sa tumpak!”


 

“So, ano 'yung kailangan mo sakin?” tanong ni Winter sa kanya. 


 

“Hatid mo ko sa café?” pa-cute na sabi ni Ning sa kanya. Pabiro namang pinisil ni Winter ang nguso nito. Agad itong napalayo sa kanya. 


 

Buti nga.


 

“Aray ko naman!” reklamo ni Ning habang hinihimas ang kanyang labi. Mapang-asar na tawa lang naman ang naging sukli ni Winter sa kanya.

 

 

“Lagi naman kitang hinahatid ah? Hindi mo na kailangang magtanong. And more importantly, hindi mo na kailangang magpa-cute.”


 

“Kasi cute na ako?” mayabang na hamon ni Ning sa kanya. 


 

“Kasi nasisira umaga ko.”


 

Bago pa man makaisip ng pambawi si Ning, agad nang kumaripas ng takbo si Winter pabalik sa kanyang kwarto. 


 

Wala nang nagawa si Ning kung hindi tiisin na lang ang mapang-alaskang tawa nito. 


 

*****


 

“All set?” tanong ni Winter sa kasama niyang kanina pa siyang iniirapan sa passenger seat. 


 

Mukhang dinamdam nito ang pang-aasar niya kanina. Ito rin kasi ang hirap kay Ning. Sobrang galing mang-asar. Pero kapag ibinalik mo na sa kanya, napakabilis namang mapikon. 


 

Ika nga’y push the wrong button, and she’d let you know. 


 

She’d really let you know kung paano siya susuyuin sa paraang gusto niya. 


 

“Ning, sorry na kanina. Joke lang ‘yun.” Sinubukan ni Winter na pabirong tusukin ang tagiliran ng katabi pero agad naman siyang pinandilatan nito.


 

“Isa.”


 

“Okay, titigil na,” natatawang sabi ni Winter bago tuluyang humarap sa kasama. “Sabihin mo na lang sakin how can I make it up to you.”


 

Napalingon naman si Ning sa kanya. “Sure ka na sa tanong mo?”


 

“May rason ba para maging hindi sigurado?”


 

“Okay, madali naman akong kausap,” kibit-balikat na sabi ni Ning. “I can request one favor from you, tapos hindi ka pwedeng humindi.”


 

Natigilan si Winter sa narinig. Bakit parang lumamig ata sa sasakyan niya?


 

Dahil ba bagong linis at mas fresh pa sa kahit anong air freshener ang aircon niya? O dahil ba sa mapanghamong tingin ni Ning sa kanya? 


 

Hindi niya na rin alam. 


 

Kung may traffic lights siguro sa harap ni Winter, kumikislap na siguro ito ng dilaw. Sapat na siguro ito bilang warning sign para huminto at magpahinga saglit. 


 

Dahil baka hindi mo rin lang magustuhan ang mangyari kapag tuluyan mo pang ipinilit. 


 

Pero wala namang traffic lights sa harap ni Winter ngayon. Malaya niyang binabagtas ang kahabaan ng kalsada at malayo ang agwat niya sa iba pang mga motori

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
krnmuse
Thank you po sa promotion! Grabe na kayo. ☹️

Comments

You must be logged in to comment
Yashbread
#1
miss u T---T
franzii
#2
Chapter 20: it’s 5am, i’m wide awake, and squealing sa kilig. grabe. kinda hate myself from putting off reading this for so long huhu but definitely worth the wait! everything just feels so real and romantic. the characterization is spot on. the slow burn is slow burning. i love the pace. feel mo talaga yung development ng relationship and feelings nila to one another. from being so shy and unsure, to being confident and secure… grabe ;_; i love this so much. thank you for writing and i hope you still continue this when you can hehe i’m so invested na and reading this on rina’s birthday definitely makes the day more special! happy rina day 💙
hiver_pogi
#3
i miss u, balik ka na 😔
lesyeuxderj #4
Chapter 19: miss na po final answer
dork_seulgi_k
876 streak #5
Chapter 20: 🥺
gok3_d
#6
Chapter 20: tinapos ko talaga basahin kahit ano na yun na nga
Eybrelros #7
Chapter 20: Nakakamiss naman na dto. Mag 1yr na silang ldr haba naman ng trial card kelan ba mag expired yan😔
kwinter
#8
Chapter 3: help im still at the restaurant
arisse_ #9
miss u po
kwinter
#10
hello po