Winter’s Party Needs

Basta, Ewan, Kahit Ano: The Podcast
Please Subscribe to read the full chapter

Episode 14

Winter’s Party Needs

 

Masyado nang nasasanay si Winter. 


 

Simula noong gabing pinuntahan niya si Rina sa kanyang unit, mas lalo lang niyang naramdaman ang presensya nito sa buhay niya sa paglipas ng mga araw. 


 

Pero hindi naman siya nagrereklamo. 


 

Mas naging madalas na rin ang pagpapalitan nila ng mga messages. Masaya naman siya dahil kahit papaano'y naging daan ang gabing iyon para mas maging kumportable sila sa presensya ng isa’t-isa. 


 

Kahit hindi naman niya hinihingi, updated na rin siya sa mga latest na ganap sa buhay ni Rina. Noong isang araw nga lang, nag-send ito ng selfie sa kanya. 


 

Selfie ni Rina kasama ang kanyang laptop, isang mug ng kape sa gilid, at isang bagong notebook na kanyang hawak. 


 

Mas lalo lang namang napangiti si Winter nang mabasa ang message ni Rina na kalakip ng selfie na ito: “Look who's gonna start writing again! :)” 


 

Masaya si Winter dahil matapos ang ilang araw ng taimtim na pag-iisip ay nakahantong na rin si Rina sa isang desisyon. 


 

Syempre, updated din naman si Rina sa mga ganap niya sa buhay. Bukod sa laging tinatanong ni Rina kung kamusta ang naging araw niya, minsan ay hindi niya na rin napipigilan ang sariling magkwento kay Rina. 


 

Alam ni Rina na nasa isang maikling “work break” sila Winter ngayon. Nakahinga na rin siya nang maluwag dahil on time nilang na-isumite ang mga deliverables nila noong isang linggo.


 

At syempre, hindi lang sila ang masaya. Si Seulgi rin. Kaya naman binigyan sila nito ng ilang linggong pahinga bago muling ipadala sa kanilang bagong assignment para sa ikalawang phase ng kanilang proyekto. 


 

Kaya naman balik na ulit siya sa kanyang dating gawi—ang maging tambay ng café ni Ning. 


 

Kakarating lang nila ni Ning sa café nang makatanggap siya ng text mula kay Rina. Kung balak man kamustahin ni Rina ang buhay niya sa mga susunod na araw, baka magsawa lang ito sa mga isasagot niya. Wala naman kasi siyang ibang planong gawin pa kundi ang magpahinga. 


 

From: Rina

(12:19 PM) hey, winter. i saw the photo ning sent sa gc. you're in the café again??

 

(12:20 PM) wait for me na lang pala, i’ll go there :)

 

From: Winter

(12:22 PM) Ano naman kung nasa café ako? Bakit ka pupunta dito? 


 

Hindi na siya nakatanggap ng reply mula kay Rina. Mukhang nagmamaneho na ata. 

 

In any case, wala naman siyang balak umalis. Wala rin naman kasi siyang iba pang balak na puntahan.


 

Naisip niya na lang na gawing pampalipas oras ang paglilinis ng kanyang personal drive. Bilang paparating na ang kanyang pangalawang assignment, sigurado ay madadagdagan na naman ito ng laman. 


 

Umangat ang tingin ni Winter nang marinig ang pamilyar na tunog ng chimes sa entrance ng café. Wala talagang makakatalo sa paborito niyang pwesto.


 

Napangiti si Winter nang makita ang dahan-dahang pagpasok ni Rina na naka-simpleng puting blouse at jeans. Naalala niya tuloy ‘yung unang beses na pagbisita ni Rina sa café. Tulad noon, marami-rami pa rin ang napatigil at napatingin kung nasaan siya. 


 

Lagi namang maganda si Rina, may bago pa ba?


 

Pero hindi niya rin naman sila masisisi. Hindi naman nila pwedeng makita si Rina para masilayan kung gaano ito kaganda kung kailan nila gusto. 


 

Hindi tulad niya. At nina Ning at Gigi rin pala.


 

Lalo lang namang lumawak ang ngiti ni Winter nang mapansin ang keychain na nakasabit sa bag na dala ni Rina. Talagang pinanindigan ni Rina ang sinabi niyang, “I’ll bring it everywhere I go.”


 

Hindi tuloy mapigilang mag-isip ni Winter. Does Rina like it that much?


 

Dumiretso si Rina sa counter para batiin si Ning. As usual, may pagbeso pa silang nalalaman. Pagkatapos ng kanilang maikling chikahan, nagsimula nang maglakad si Rina papunta sa mga mesa. Mukha siyang may hinahanap. Alam naman ni Winter na siya ‘yun. Siya naman ang pinunta ni Rina rito.


 

Naisip niya tuloy na pahirapan ito nang kaunti. Nagtago siya sa likod ng kanyang laptop screen at paminsan-minsang sumisilip para tingnan kung nahuli na siya nito. Natatawa na siya dahil kada silip na gagawin niya, lalo lang lumalalim ang simangot sa mukha ni Rina.


 

Nang sa wakas ay magtama ang kanilang mga mata, inirapan lang siya ni Rina bago patakbong pumunta sa kanya.


 

“You know I’ll find you anyway,” nakangiting bati ni Rina sa kanya nang makalapit na ito sa table niya.


 

“Hello rin sa’yo,” Winter greets Rina back before standing up to pull a seat for her.


 

Nang nakaupo na si Rina, tinanong ulit ito ni Winter. “Bakit ka pala napadaan? Is everything okay?”


 

Hindi na kasi nasagot ni Rina ang message niya kanina. 


 

Ever since that night at Rina’s unit, it has been an unconscious habit for Winter to make sure Rina’s okay. 


 

“Yeah. Everything's going well for me lately.” Rina smiles. “I just want to talk to you about something lang.”


 

“Ano ‘yun?” tanong ni Winter. Inusog niya ang mga gamit na nasa table papunta lalo sa side niya para magkaroon ng mas malawak na space si Rina.


 

“How do you usually celebrate Ning’s birthday?”


 

Oo nga pala. 


 

Birthday na ni Ning sa Biyernes. Hindi naman ito nakalimutan ni Winter dahil isa ito sa mga araw na markado na sa kalendaryo niya.


 

“Sa mismong birthday niya, usually umuuwi siya sa kanila eh. She celebrates it with her family. Tapos kami naman, we celebrate sa ibang araw na lang. Kain sa labas tapos libre niya. Tapos nood ng movie sa unit namin pagkauwi na choice niya rin kung ano.”


 

Tumango lang naman si Rina. Mukha rin itong may malalim na iniisip.


 

“Bakit mo pala natanong?” dagdag na tanong ni Winter nang hindi na ulit nagsalita si Rina.


 

“No, I was just thinking…kasi Gigi’s birthday comes exactly a week after Ning’s.”


 

Isa pang araw na markado na rin sa kalendaryo ni Winter. 


 

“Yeah, oo nga. May plans ba kayo?” 


 

“We haven’t talked about it yet, but we usually eat lang din outside. Gigi celebrates her birthday with her family, too.”


 

“I see.” Winter nodded. “Pero hindi mo naman sinagot ‘yung tanong ko kanina.”


 

Napataas naman ang kilay ni Rina. “Which is?”


 

“Bakit ka pumunta dito?”


 

“Oh, that one.” Nginitian lang siya ni Rina. “Wala naman. I wanted to see you lang.”


 

Natigilan naman si Winter. Ano ba ‘tong si Rina, nambibigla!


 

“Funny ka ah.” Winter scoffed. “Nagamit ko na ‘yan last time. Gasgas na ‘yan. So bakit nga?”


 

Natawa naman si Rina sa masungit na mukha ni Winter. “Pikon.”


 

“Wow ha.” Winter glared at her. “Ano na nga?”


 

“If you don’t believe me, bahala ka.” Rina then leaned her body on the table and asked Winter to come closer to her. 


 

Napakunot naman ang noo ni Winter. “Bakit na naman?”


 

“Ning might hear us kasi. This is confidential,” Rina said in a hushed tone before asking Winter to come closer again. “Dali na.”


 

Ano na naman kayang trip nito? 


 

Ang layo-layo ng counter! At most likely naman ay nasa opisina niya sa likod si Ning. Imposible namang marinig nito ang pinag-uusapan nila maliban na lang kung lalapit talaga siya.


 

Pero hindi na rin siya naka-angal pa dahil sa talim ng tingin ni Rina sa kanya. Nilapit niya ang sarili para marinig ang sasabihin ni Rina sa kanya.


 

“Let’s surprise them,” bulong ni Rina. 


 

“Birthday party?” nagtatakang bulong ni Winter pabalik.


 

Natatawa na ring lumayo si Rina sa kanya. Baka naisip niya ring mukha silang ewan na nagbubulungan dito. Mas mukha kayang kahina-hinala!


 

“It doesn’t have to be grand naman,” Rina started explaining. “I’m thinking of preparing food for them, buying them gifts, mga ganun. Like we do the stuff that we usually do with them on their birthdays, but this time we’ll do it together. What do you think?”


 

Napaisip si Winter. Mukhang okay naman ang suggestion ni Rina. Kung sakali, ito rin ang magiging unang beses na magkakaroon ng birthday celebration si Ning na hindi silang dalawa lang. 


 

She knows that Ning would love even just the mere idea of celebrating it with Gigi and Rina.


 

At ‘yun naman ang mahalaga. Kaya wala na siyang dapat na isipin pang iba.


 

“Okay,” sang-ayon ni Winter. “Pero kailan pala? Birthday na Ning sa Friday.”


 

“I’m thinking of this weekend. Will Ning be around though? Gigi won’t probably be available next weekend kasi. She’s gonna go home to her family.”


 

“Hmm,” saglit na napaisip si Winter kung may nabanggit bang plano si Ning sa kanya. “Mukhang free naman si Ning. This Saturday niya ko niyayang lumabas eh, so probably Friday na siya mismo mag-celebrate sa kanila.”


 

“Good!” Rina’s face brightens. “Then that leaves me with making sure Gigi’s free this weekend…without sounding suspicious.”


 

Winter laughs. “Kaya mo na ‘yan. Pero saan pala natin gagawin? Parang ang alanganin na mag-book ng place if sa Saturday na.”


 

“Right,” Rina agrees. “We can’t use your unit because Ning will know…so I guess that leaves us with mine?”


 

“Okay lang sa’yo?”


 

“Why wouldn’t it be?” Rina asks her in confusion. “I suggested it anyway.” 


 

“Just wanted to make sure.”


 

“You’re being weird ha.” Pinanliitan lang naman siya ng mata ni Rina. “Anyway, I really just wanted to know if you’re up for it. Now that you agreed, I can leave na.”


 

Aalis na siya?


 

“Hindi ka na kakain?” Winter internally scolded herself for sounding a little disappointed. She knows Rina’s ready to come at her the moment the question was thrown out in the open.


 

“Aww,” Rina mirrors Winter’s pout teasingly. “I’d love to have lunch with you, Winter, but Gigi’s probably cursing me for being late na. We have some BEKA stuff to do today.”


 

Sabi na eh.


 

Bigla namang sumama ang mukha ni Winter. “Tinanong ko lang kung hindi ka na ba kakain. Hindi ko naman sinabing kasama ako.”


 

“Oh really? I thought I heard something else.”


 

Inirapan lang naman siya ni Winter. “Alis ka na nga.”


 

Rina laughs. “Okay. I’ll go na. Let’s talk about it more tomorrow. Are you free ba?”


 

“I can make time,” sabi ni Winter kahit wala naman talaga siyang ganap sa buhay at mas maganda lang itong pakinggan kaysa sa simpleng “Oo.”


 

“Ikaw ba?” dagdag na tanong ni Winter. 


 

“In the evening. Let’s meet at the studio tomorrow. Will that be okay?”


 

“Sure, Rina.”


 

Nginitian siya ni Rina bago ito tumayo at nagpaalam para umalis. Nagulat naman ito nang tumayo rin si Winter at sumunod sa kanya. 


 

“I'll go with you.” 


 

“Wow,” hindi makapaniwalang sabi ni Rina nang maabutan siya ni Winter sa paglalakad. “I didn't know you are this clingy.”


 

“Feeling ka.” Inirapan siya ni Winter. “May kukunin ako sa sasakyan ko.”


 

“Oh really? Good thing I parked beside your car then.”


 

Magkatabi silang naglakad hanggang makarating sa parking lot. Nagsisi tuloy si Winter dahil hindi niya nabitbit ang payong na panlaban sana nila sa tirik na araw ng katanghaliang tapat. 


 

“Ang init,” reklamo ni Winter pagkarating nila sa magkatabi nilang sasakyan. “Sakay ka na.”


 

Agad namang sumakay si Rina sa kanyang sasakyan. Pinaandar niya na rin ang makina nito bago magsuot ng seat belt. 


 

“Winter,” tawag ni Rina. 


 

“Yup?” 


 

“I meant what I said kanina.”


 

“Marami kang sinabi. Alin?” 


 

Hindi kinakaya ni Winter ang paligoy-ligoy ni Rina ngayon. Napakainit pa naman! 


 

“You just want me to tell you again. You’re unbelievable.” Nakatanggap siya ng irap mula kay Rina. 


 

“Hindi ko nga kasi alam.” 


 

“I meant it when I said that I wanted to see you today.”


 

Ayan na naman siya.


 

Napatango na lang si Winter dahil naguguluhan na rin siya sa trip ni Rina ngayong araw. “Okay ka na?” 


 

“I am. I saw you na eh.” 


 

“Ewan ko sa’yo.”


 

Rina leaned her head on her car window to get a closer look of Winter. “You told me last time na you want to make sure that I’m always okay.”


 

Winter nodded again, recalling the memory. “Oh bakit nasingit ‘yan?” 


 

“Then I guess I should see you more often.” Rina smiles at her playfully before waving goodbye to her. 


 

Winter struggled to find the right words to say to Rina, because how do you even reply to something like that? 


 

Winter’s not sure what’s more blinding to her right now. She wonders if it is because of the more obvious reason—maybe it’s just the light from the afternoon sun. Or maybe because of a deeper one, something she finds herself welcoming more lately—the smile of someone who, without even trying, has undeniably made her past few days brighter. 


 

Winter knows that she has to figure out the answer to that soon. But for now, maybe returning that smile would be enough. 


 

“Alis ka na.” Pabirong tinapik ni Winter ang pinto ng sasakyan ni Rina. “Yari ka na talaga kay Gigi. Late ka na.”


 

Rina chuckles. “If you say so. See you tomorrow, Winter.”


 

“I'll see you rin. Ingat sa pag-drive.”


 

After a few more goodbyes, Rina finally closed her window and maneuvered her way out of the parking lot. 


 

Winter smiles at the memory of their last conversation. 


 

Parang ewan naman kasi.


 

Then she laughs at herself when she's about to open her car door and realizes the situation she got herself into. 


 

Wala naman kasi siyang dalang susi. 


 

*****


 

Kakarating lang ni Winter sa parking lot ng opisina ng BEKA. Laking gulat niya rin nang tanggapin lang ni Ning nang walang additional pang tanong noong nagsabi siya rito na kailangan niyang kitain sila Yeji ngayong gabi para sa isang “work” dinner.


 

Ayaw na ayaw niya pa naman ang magsinungaling dahil pakiramdam niya ay sisingilin siya ng mundo pabalik sa tuwing ginagawa niya ito. 


 

Kaya naman itinatak na niya sa kanyang utak na kailangan niyang ilibre sila Yeji sa susunod nilang pagkikita para makaiwas sa masamang karma. 


 

Pero ngayong gabi, pasensya na lang muna sa kanila.


 

Umilaw na rin sa wakas ang cellphone niya mula sa center console, hudyat na dumating na ang kaisa-isang message na hinihintay niya.


 

From: Rina

(6:38 PM) we just finished, please wait for me. :( tatakas lang ako from gigi!!


 

Ibang klase rin ‘tong si Rina eh. Gusto niyang gawing sikreto ang pinaplano nilang surpresa mula kay Gigi, tapos magpapasundo naman sa opisina nila mismo?


 

From: Winter 

(6:41 PM) Hahaha it’s okay. Dito lang ako.


 

Nagkausap na sila ni Rina sa tawag kanina bago pa man siya magmaneho papunta rito. Sinabi na rin naman ni Rina sa kanya kung saan niya gustong kumain ngayong gabi. 


 

The place Rina chose is a fifteen minute drive from BEKA’s office. According to Rina, they serve authentic Japanese food  “sulit enough” for the price. 


 

Nag-send din si Rina ng ilang mga photos mula sa IG account ng restaurant Lalo lang namang natakam si Winter sa nakita. Hindi na siya makapaghintay. Gutom na rin naman siya.


 

Tulad ng dati, suggestion pa rin ni Winter na mag-isang sasakyan na lang sila dahil malapit lang naman ang pupuntahan nila. Nag-offer na rin siyang ihatid na lang si Rina pabalik sa office pagkatapos nila sa agenda nila ngayong gabi. 


 

Pagkarating nila sa restaurant, mabilis lang din silang nakakuha ng table kahit na wala naman silang ginawang reservation beforehand. Dahil nga may pagka-“lowkey” lang ang lugar na ito, hindi ito masyadong puntahan ng mga tao. 


 

Hindi naman nagkamali si Rina sa kanyang naging recommendation. Kaya nakaramdam si Winter ng panghihinayang dahil sa tingin niya ay deserve naman ng restaurant na ito ang makilala pa ng mas maraming tao. 


 

Napangiti si Winter nang sa wakas ay dumating na ang mga orders nila. Parang kailan lang. 


 

'Yung cup noodles nila noon, ramen na ngayon. 


 

“You're smiling.” 


 

Agad na ibinalik ni Winter ang seryoso niyang mukha. “Hindi ah.”


 

“I know why naman.” 


 

“Bakit?” tanong ni Winter kahit may ideya naman na siya kung saan ito papunta. 


 

“Because you're having dinner with me,” Rina said confidently. 


 

Pabirong nilapag ni Winter ang chopsticks niya sa bowl at nagkunwaring nag-aayos ng kanyang gamit. “Alis na nga ako.”


 

Mahina namang natawa si Rina sa inakto ni Winter. “I know you won’t do that.”


 

Natatawa na rin si Winter dahil hindi niya kayang panindigan ang pag-arte niya sa harap ni Rina kaya bumalik na rin siya sa dati niyang pwesto. 


 

“Anyway, I just realized something pala.” 


 

Napatigil si Winter sa paghigop ng sabaw. “Ano ‘yun?”


 

“We always have noodle-based food when we eat together.” Nagsimulang magbilang si Rina gamit ang kamay niya. “Udon when I gave you my autograph, cup noodles when you went to my unit, and now, ramen.”


 

Oo nga. Hindi niya ‘yun napansin. Talo siya ni Rina sa pagiging observant pagdating sa bagay na 'yun. 


 

“Anong next? Lomi?” Pabirong tiningnan ni Winter ang kanyang kaharap.


 

Sinalubong naman siya ng mapaglarong ngiti sa labi ni Rina. “The fact that you're thinking of the next one means that you like having dinner with me.”


 

Agad namang nag-iwas ng tingin si Winter. “Uhm…‘yung birthday.”


 

“Right.” Rina chuckled lightly. “We have something to plan nga pala. So we have to talk about the food, the dec—”


 

“Wait,” putol sa kanya ni Winter. 


 

“Why?” Nagtataka lang naman siyang tiningnan ni Rina.


 

Niligpit ni Winter ang mga gamit na nilang bowl at itinabi ang mga ito sa gilid. Nginitian niya saglit si Rina bago ilabas ang laptop mula sa kanyang bag. Nilapag niya ito sa mesa at iniharap ang screen sa kasama.


 

“Bakit ka tumatawa?” masungit na sabi ni Winter nang makitang nakatingin na si Rina sa screen niya. 


 

“God, I can’t believe this.” Kahit na matalim na ang tingin ni Winter kay Rina, hindi pa rin ito tumitigil sa kakatawa. “You’re so…I don’t know what do with you.”


 

Winter’s Party Needs


 

Naghanda si Winter ng sariling PowerPoint presentation para sa pagpaplano nila ngayong gabi. Naalala niya kasi ‘yung unang beses na kinailangan nilang magplano ni Rina nang magkasama at ayaw niya nang maulit ang nangyari noon. 


 

Hindi pwedeng panay ganda lang ang ambag niya, dapat may substance din!


 

“Talo kita today, hindi ka prepared,” mayabang na sabi ni Winter kay Rina.


 

“I know.” Magaan ang ngiting ibinigay ni Rina sa kanya. “You keep surprising me.”


 

“Game na.” Inilipat ni Winter ang presentation papunta sa next slide. “First things first. Venue?”


 

“I thought we agreed na it’s gonna be in my unit na?”


 

“Okay.” Winter nodded. “Just confirming. Baka nagbago isip mo overnight eh.”


 

“I’m not like that kaya,” depensa ni Rina sa sarili. “Anyway, what’s next on the list?” 


 

“Bawal pangunahan ang may presentation,” mataray na sabi ni Winter. “Next up: food. I can say naman na confident ako sa cooking skills ko. Kabisado ko rin gawin mga paboritong pagkain ni Ning. Ikaw ba, kaya mong lutuin ‘yung kay Gigi?”


 

Rina looks at her with an uneasy expression.


 

“Never mind, alam ko na ‘yung sagot just by looking at your face.”


 

“You're so annoying!” malakas na reklamo ni Rina na dahilan ng pagtawa ni Winter. “I was just thinking about what to cook among Gigi’s favorites. Anyway, I can cook naman…with proper guidance.”


 

“Which is another way of saying na hindi ka marunong.”


 

“I want to shut your laptop down so badly.” Rina glares at her. “May presentation ka lang napakayabang mo na!”


 

“Not my fault,” kibit-balikat na sagot ni Winter sa kanya. “At least I have the decency to come in prepared. Unlike you.”


Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
krnmuse
Thank you po sa promotion! Grabe na kayo. ☹️

Comments

You must be logged in to comment
Yashbread
#1
miss u T---T
franzii
#2
Chapter 20: it’s 5am, i’m wide awake, and squealing sa kilig. grabe. kinda hate myself from putting off reading this for so long huhu but definitely worth the wait! everything just feels so real and romantic. the characterization is spot on. the slow burn is slow burning. i love the pace. feel mo talaga yung development ng relationship and feelings nila to one another. from being so shy and unsure, to being confident and secure… grabe ;_; i love this so much. thank you for writing and i hope you still continue this when you can hehe i’m so invested na and reading this on rina’s birthday definitely makes the day more special! happy rina day 💙
hiver_pogi
#3
i miss u, balik ka na 😔
lesyeuxderj #4
Chapter 19: miss na po final answer
dork_seulgi_k
876 streak #5
Chapter 20: 🥺
gok3_d
#6
Chapter 20: tinapos ko talaga basahin kahit ano na yun na nga
Eybrelros #7
Chapter 20: Nakakamiss naman na dto. Mag 1yr na silang ldr haba naman ng trial card kelan ba mag expired yan😔
kwinter
#8
Chapter 3: help im still at the restaurant
arisse_ #9
miss u po
kwinter
#10
hello po