LDR Trial Card

Basta, Ewan, Kahit Ano: The Podcast
Please Subscribe to read the full chapter

Episode 20

LDR Trial Card

 

Winter’s used to saying goodbyes. 


 

“Kasama naman ‘yun sa buhay na pinili ko,” halos pabulong na niyang sagot kay Ning habang nakapako ang kanyang tingin sa malamig na bote ng beer na nasa kamay niya. 


 

Ngayon ang unang gabi nila sa kanilang bagong unit. Nakakalat pa ang mga kahon na puno ng kanilang mga gamit sa sala na karamihan ay hindi pa nila nasisimulang buksan at ayusin. 


 

Katwiran nga ni Ning kanina, may bukas pa naman. Mas mahalaga raw na kahit papaano ay ma-celebrate nila ang kanilang life milestone ngayong araw. 


 

Kahit na kung tutuusin, pareho naman silang nagpaalam. 


 

Si Winter, na nagpaalam sa buhay na nakasanayan niya, at si Ning na nagsumite ng kanyang ilang buwan nang nakahandang resignation letter kanina. 


 

Dahil kasabay ng kanilang desisyon na lumipat sa pinakadulong unit ng ika-siyam na palapag ng condominium na napili nila ang pagbubukas ng bagong oportunidad para kay Winter sa larangang napili niya, at ang pagtitibay sa naging desisyon ni Ning para simulan ang buhay na ilang taon niya na ring pinangarap. 


 

“Anong iniisip mo?” tanong ni Winter nang mapansing kanina pa tahimik si Ning. Malayong-malayo ito sa nakasanayan niya tuwing magkasama silang dalawa. 


 

“Basta.”


 

Pabiro siyang inirapan ni Winter. “Ano nga?” 


 

“Wala naman…pero ang dami lang talagang nangyari the past few days. Ang bilis ng lahat. Parang kailan lang nag-iimpake lang tayo, tapos…tapos nandito na tayo.” Malokong pinatunog ni Ning ang susi ng unit na nakasabit sa shorts niya. 


 

“Tapos aalis ka na ulit…tapos sisimulan ko na ‘yung café…at oo nga pala, mamimiss din pala kita kahit hindi halata.”


 

“May tama ka na ba?” natatawang tanong ni Winter. Napa-iling siya bago ipatong ang boteng hawak niya sa isang kahon na ginawa nilang pansamantalang mesa. 


 

Nakaka-isang bote pa lang naman sila. 


 

“Ewan,” kibit-balikat na sagot ni Ning bago siya malokong tignan. “Pero okay lang naman palang umalis ka kung may pasalubong ka naman lagi para sakin.”


 

Mahinang napatawa si Winter. Kahit naman kasi hindi ‘yun sabihin sa kanya ni Ning, gagawin niya pa rin. 


 

Tumatanggap kaya ng buhangin si Ning? 


 

“Sige nga,” mapang-hamon siyang tiningnan ni Winter. “Ano bang gusto mong i-uwi ko para sa’yo?” 


 

“Kahit ano,” mabilis na sagot ni Ning. “Pwede namang ikaw lang, basta umuwi ka nang buo.”


 

“Tama na nga, hindi bagay satin mag-drama.” Tumayo na si Winter para magsimulang magligpit. 


 

“Pero uy, Winter?”


 

Napatigil siya sa pagkakamada ng mga boteng ininuman nila para harapin si Ning. “Yup?”


 

“Promise mo sakin na nasa opening ka ah.”


 

“Of course,” determinadong sagot ni Winter.


 

“Sure? Promise talaga ha?” 


 

Pabirong ginulo ni Winter ang buhok ni Ning na naging dahilan ng mabilis na pag-iwas nito sa kanya. “Oo nga. Kahit ako pa mismo magpalipad ng eroplano.”


 

Because, really, how can she ever miss that? 


 

“Proud of you though.” Isang malawak na ngiti ang ibinigay sa kanya ni Ning bago pagbanggain ang kanilang mga balikat. “We made it this far. Who would have thought diba? Pakawala lang tayo noong college.”


 

“Excuse me, ikaw lang! Maayos ako mag-aral!” depensa ni Winter sa sarili. “Pero ako rin. Proud of myself. Proud of you. Proud of us both.”


 

Since then, Winter’s life became a map drawn from places visited but never stayed, and people met but never known long enough. 


 

Her life became a series of goodbyes. 


 

Some of which are temporary, sealed with the breakable promise of probably seeing each other again sometime soon. 


 

While some, of course, lasted longer. And she found out that they hurt much more. 


 

It took her quite a while, but time helped her learn to accept that everything that comes in her life comes in passing. 


 

And it’s probably for the best to keep the remaining spaces empty. 


 

Winter learned that goodbyes hurt less when things are kept that way. And enduring the cycle over and over makes every goodbye that comes hurt a little less than the last. 


 

But the inevitable consequence that comes with the life she chose still lingers—she’s never going to be in the same place for a long time. 


 

*****


 

Winter’s leaving for work in three days.


 

Simula noong nagkaroon ng delay sa pag-usad ng project nila nitong mga nakaraang buwan, hindi na mapalagay ang loob ni Winter.


 

Maybe because she feels a bigger sense of responsibility since she’s leading her own team now.


 

And a huge part of it is because she can’t fail them. She can’t fail the people who believed in them. And most certainly, she can’t fail herself.


 

Pero kung babalikan niya naman ang mga kaganapan sa buhay niya nitong mga nakaraang buwan, hindi na rin naman siguro siya talo. 


 

Dahil sa hindi nila inaasahang delay, nagkaroon siya ng mas mahabang panahon para makapagpahinga. Nagka-oras din siya para sa pamilya at mga kaibigan niya. Syempre, kasama na rin dito ang paglalim pa lalo ng kung anumang namamagitan sa kanila ni Rina.


 

Si Rina, na kumakatok na ngayon sa pinto ng unit nila ni Ning. Nagmamadaling pumunta si Winter para pagbuksan at batiin ito.


 

“Hi, Rina.”


 

“Hello, Win.” Magaan siyang nginitian ni Rina. “Is it bad if I'm missing you na agad? Even if we just had dinner kagabi.” 


 

Hindi maalis ang titig ni Winter sa babaeng nasa harap niya. Minsan talaga, napapaisip siya kung paano sila nakarating dito ni Rina. 


 

Mukhang napatagal ata ang pagtingin niya dahil naging mapang-asar na ang ngiti ng kaharap niya.


 

“What?” tanong ni Rina habang pasimple itong sumandal sa doorframe. “Are you just gonna stare at me the whole day?” 


 

“Pwede ba?”


 

“You know I’m always up for a challenge.” 


 

Napailing na lang si Winter. Baka kung saan pa mapunta kung patuloy niya pang titigan lang si Rina. “Sabi ko nga po. Pasok ka na.”


 

Pina-una na ni Winter si Rina papasok. Hindi naman ito ang unang beses niyang pagpunta sa unit nila ni Ning. Hindi rin nakalagpas sa tingin ni Winter ang panandaliang pagtigil ni Rina sa harap ng mga litratong kuha niya na naka-display sa pader nila. 


 

“It’s been a while since my last visit here.”


 

Natawa naman si Winter. “Isang beses ka pa lang namang nakakapunta rito.”


 

“Exactly.”


 

“Pwede ka namang pumunta. I mean, k-kung gusto mo lang. Pwede naman.”


 

“Really?” Agad siyang hinarap ni Rina. “What are we gonna do then?”


 

“Kahit ano…” alanganing sagot ni Winter bago siya umupo sa sofa. “Basta siguro okay lang kay Ning.”


 

“Right,” natatawang umiling si Rina. “Wait, are you alone now? Where’s Ning? Hindi ko pa siya nakikita.” 


 

Niyaya ni Winter na maupo si Rina sa tabi niya. “Ah, lumabas siya kanina pa eh. Sabi niya may lakad daw sila ni Gi today. Hindi ba nabanggit ni Gi sa’yo?” 


 

“No, I wasn’t aware. This is news to me. Did Ning tell you where they’re going? Did she tell you bakit sila magkasama?” 


 

“Hindi ko na masyadong natanong kanina. Nagmamadali kasi siyang umalis. Basta ang sabi niya sakin, may need daw i-consult si Gigi sa kanya. Pero okay lang din, at least nakakagalaw ako nang maayos dito ngayon kasi mag-isa lang ako.”


 

“But you asked me to come here.”


 

Winter laughs. “Yes, you’re here.” 


 

“Should I leave then?” Rina tilts her head sideways, challenging her. 


 

“I don’t think you’d want to.”


 

Pabirong pinisil ni Rina ang kanang pisngi ni Winter. “Yabang.”


 

“Sorry, ang kalat pala.” Nagmamadaling umupo si Winter sa lapag para ayusin ang mga gamit niya. “Hindi pa kasi talaga ako nakakapag-impake eh.” 


 

Ngayon lang naalala ni Winter na may mga damit siyang nakahanay sa sala. Masyado siyang na-distract sa pagdating ni Rina. Muntik na niyang makalimutan ang agenda niya ngayong araw.


 

Pero at least ay na-categorize niya naman na sila according to type, size, at color. Hindi naman na masyadong masakit sa mata. Hindi naman na siguro nakakahiya para kay Rina.


 

“It's fine. That's why I'm here to help you nga.” Tulad niya, umupo na rin si Rina sa lapag para tulungan siya.


 

“Uy, wait lang. Nakakahiya. Wag na.” Winter stops Rina from getting her clothes on the floor. “Upo ka na ulit sa sofa.” 


 

“Why did you ask me to come here if you won’t let me help you rin pala?” pag-rarason ni Rina. “Win naman.”


 

Panandaliang tumigil sa pag-aayos si Winter para salubungin ang mga mata ni Rina. “Kasi matagal kitang hindi makikita. Gusto kitang makasama habang nandito pa ko.”


 

Rina’s hand freezes at Winter’s words. She smiles weakly before slowly putting the clothes inside Winter’s suitcase. 

 

 

Rina inhales deeply before speaking. “Win, it's just a month—” 


 

“For now. Pwedeng maging dalawa, tatlo, o higit pa. I really can’t tell hangga’t hindi pa namin nakikita ‘yung sitwasyon doon. Hindi ko pa masasabi sa ngayon, Rina.”


 

“Right.” Rina nods. “But we can do that. Diba?”


 

“I'm sorry.”


 

For a moment, Winter saw how fear was able to find its way in Rina’s eyes. “What are you apologizing for?” 


 

“Sa lahat. This whole thing. The timing. Everything.”


 

“Win, you have nothing to apologize for. I understand naman. And you know that I support you, right? I’m proud of you. I’m proud of what you do. And we’re going to be okay. We're going to be fine.” 


 

“This isn't going to be the last time, Rina. Of me leaving, I mean. For work.”


 

“I know that, Win. And I understand.”


 

“It's not going to be easy—” 


 

“We'll figure it out,” determinadong sagot ni Rina.


 

“I’ll miss you. Ngayon pa nga lang, miss na kita.” Nahihiyang pag-amin ni Winter. Parang hindi niya kayang tingnan si Rina ngayon. 


 

“You can handle it.”


 

“Grabe ha, parang hindi mo naman ako mamimiss niyan eh. Okay lang Rina, tanggap ko naman. Hindi mo naman kailangang ibalik. Okay lang din kung may iba ka na. Gusto ko lang talagang sabihin na—” 


 

“Ang arte-arte mo na rin!” Pabiro siyang hinampas ni Rina sa braso. “Of course I will miss you, ano ba!” 


 

“Okay. Pero joke lang ‘yung sinabi kong okay lang na may iba ka na ah.” Padabog na sinara ni Winter ang suitcase niyang puno na (salamat sa tulong sa pag-impake, Rina). “Bawal.”


 

“You don’t have to worry about that. I only have my eyes on you.”


 

Yayabang na naman siya nito, panigurado.


 

Kahit na gustung-gusto niya nang kiligin sa sinabi ni Rina, kailangan niya munang isantabi ito. May kailangan muna siyang bitawang tanong. Ilang araw niya na rin naman itong pinag-isipan. At isa rin ito sa mga rason kung bakit niya inimbitahan si Rina sa unit nila ngayon.

 

 

“Rina.”


 

Umangat ang tingin Rina mula sa pag-aayos ng mga damit niya (aminado si Winter na mas marami nang natupi si Rina kaysa sa kanya). “Yes, Win?”


 

“Pagkauwi ko,” kabadong panimula ni Winter, “Okay lang ba na mag-usap tayo? ‘Yung ano, ‘yung tungkol sana sa atin. ‘Yung tayo. I want us to talk about it kung okay lang sa’yo.” 


 

“Win.” Rina smiles brightly, immediately getting what Winter was trying to say. “I’d love that.”


 

“Sure kang okay lang sa’yo?”


 

Rina looks at her as if she can’t believe the question she just threw out in the open. “Win, I’d be counting down the days until you come back. Kung gusto mo, I can even buy a big calendar to put beside my bed tapos I’ll mark the day na uuwi ka samin. I’ll encircle it. Draw hearts around it. Whatever you like. Wait—do you want me to draw you?” 


 

Natawa naman si Winter. Parang ang hirap lang na ma-imagine na may malaking kalendaryo si Rina sa unit niya. 


 

Pero sa bagay, hindi pa naman siya nakakapasok sa kwarto nito. Isa pa, hindi rin siya sigurado kung may tiwala ba siya sa drawing skills ni Rina (kay Lucky siguro, meron pa). Pero sino ba naman siya para pigilan ang anumang magpapasaya kay Rina, diba? 


 

“Gagawin mo talaga ‘yan ah?” 


 

“Of course. I told you nga kanina, I’m always up for a challenge,” mayabang na sagot ni Rina. Sabay na silang natawa.


 

Naalarma naman si Rina nang mapansin ang dahan-dahang pagkawala ng ngiti sa labi ni Winter. “Win? Did I say something wrong?”


 

Winter shakes her head before asking softly, “Am I…am I being unfair to you?” 


 

Rina’s smile drops instantly. “Where is this coming from?” 


 

“Wala lang, I just thought na ano, na baka masyadong matagal. And I’m being unfair because I put you in this situation na kailangan mong maghintay. Kahit na hindi pa naman tay—” 


 

“Winter,” putol sa kanya ni Rina. “I know what I want. And I meant it when I said that I want to be with you. I don’t mind the wait if it means I’ll get to be with you in the end.”


 

“Okay.” Winter exhales. “Okay. Thank you, Rina. For being patient with me. I don’t know how to explain it well enough, but somehow you make it easy for me.”


 

Rina grins. “What can I do? I guess it’s a Rina thing.” 


 

Swerte lang din siguro talaga ni Winter sa kanya.


 

“I just…I just want to come home to you.”


 

“And I'll be here.” Rina pulls Winter in a tight embrace. “That’s all I needed to hear.”


 

Winter just needs a little more time to sort things out. Just a little bit more. 


 

“Hindi na ako natapos mag-impake,” reklamo ni Winter nang maghiwalay sila sa pagkakayakap.


 

Mataray siyang tiningnan ni Rina. “Wow. That’s very brave of you to say when I did almost all the work here.”


 

Napahagikhik na lang si Winter. “Sabi ko nga.”


 

“Pack your things na!”


 

*****


 

Rina insisted on driving her to the airport. 


 

Had it been any other day, Winter would have refused the offer. She knows Rina's been quite busy lately. The last thing she wants to do is to take up her time when she can do this pretty much by herself. 


 

Pwede rin naman siyang sumabay kila RJ para hindi na rin siya mapagod at makaabala pa ng iba. They offered her a ride, anyway. 


 

But this isn't just any other day. And this isn't like any other goodbye either. 


 

If the drive to the airport would somehow extend the time she has left to be close to her, then how could she ever say no to that? 


 

Pagkalabas niya ng building nila, natanaw na niya agad ang nakaparadang sasakyan ni Rina. Nakasandal din ang magandang driver nito habang naghihintay sa kanya. 


 

Rina smiles as soon as she sees Winter approaching her. She straightens up before waving excitedly at Winter. 


 

“Hi,” nakangiting bati ni Winter nang makalapit na siya sa kinatatayuan nito. 


 

“Winter Kim po?” Rina asks playfully. 


 

“Yes,” Winter decides to play along. “Bakit po late kayo?” 


 

“I am not! I'm waiting for you nga!” 


 

Winter laughs at her sudden outburst. “Sabi ko nga. Tara na?” 


 

Tumango lang si Rina bago tulungan si Winter na magkarga ng mga bagahe niya sa trunk. Hindi naman masyadong marami ang dala ni Winter. Equipment niya pa lang, isang maleta na. 


 

“I think okay na,” sabi ni Winter matapos i-double check ang mga gamit niyang ikinarga nila. Nilingon niya si Rina (na parang mas kabisado pa ang mga gamit na dala niya kaysa sa kanya) para kumpirmahin. “Wala naman na kong naiwan, 'no?”


 

Rina smiles sadly. “Me.”


 

Winter feels her chest tighten a bit. She holds Rina's gaze for a while before ensuring that the trunk is locked and secured. 


 

“Wag mo kong tingnan nang ganyan, baka hindi na nga talaga ako umalis niyan…”


 

Rina opens the door to the passenger seat and playfully pushes Winter inside. 


 

“Nope,” natatawa nitong sabi. “You have a flight to catch. Let's go na.”


 

Bago pa man masara ni Rina ang pinto, mapang-asar siyang tiningnan ni Winter. “Final answer mo na 'yan?” 


 

Rina gives her a threatening look. “And if I end up driving you straight to my unit instead of the airport, it's gonna be your fault, Winter. Not mine.”


 

“Joke lang, ito naman! Tara na!” 


 

They spent the rest of the car ride mostly in silence, with Winter occasionally asking Rina about anything that just comes to her mind. 


 

Maybe she just doesn't want this car ride to end. 


 

Tulad ng inaasahan niya, mabigat talaga ang daloy ng trapiko papunta sa airport. Ano pa nga bang bago. 


 

Tiningnan niya ang oras sa relo niya. Hindi pa naman siya late pero nakatanggap na siya ng texts mula kila RJ and Yeji na nakarating na silang dalawa. Ni-replyan niya na lang muna sila ng kanilang pwedeng gawing meetup point para hindi na sila mahirapang maghanap pa sa isa't-isa mamaya. 


 

Agad naman nilang nakita ang dalawa pagkarating nila ni Rina. Paano ba namang hindi, kung daig pa ang balikbayan na lagpas sampung taon nang hindi nakakauwi sa Pilipinas kung kumaway si RJ para senyasan sila. 


 

Syempre, kumaway naman pabalik si Winter. Hindi nga lang kapantay ng intensity ng kay RJ. Nakakahiya rin kasi. 


 

Rina helps her unload her luggage from the car.  Winter takes Rina's hand in hers, a sign of gratitude for everything she's done for her the past few days. 


 

Hindi naman nakalagpas sa paningin ni Winter ang bakas ng gulat sa mukha ng mga teammates niya nang makita ang magkahawak nilang mga kamay. 


 

Hindi pa man sila nakakasakay ng eroplano, naririnig na niya ang mga tanong na maaaring sumalubong sa kanya mamaya. 


 

Wala pa nga, sumasakit na ang ulo niya. 


 

RJ greets them first. “Hi, Boss. Hello, Rina.”


 

“Hi,” Winter greets back. “Kanina pa kayo?” 


 

“No, hindi naman,” Yeji answers this time. “Kakarating lang din namin. Medyo na-traffic din kami papasok. But we're right on time naman so we don't have to worry about anything.”


 

“Ah oo, actually kami rin ni Rina.”


 

Winter faces Rina briefly, as if to ask for validation to what she just said. Rina answers for both of them, “Yup, but I'm a pretty good driver naman so we made it just in time.”


 

“Pretty nga,” RJ says jokingly. Yeji nudges her in the most discreet way she can, eyes pointing at the joined hands of the two. 


 

“Bakit?” tinaasan siya ng kilay ni RJ. “Totoo naman 'yung sinabi ko ah. Diba, Winter?” 


 

Winter lets go of Rina's hand. Rina was admittedly taken aback by the sudden action, but she was very much certain that nothing in the world could have ever prepared her for what Winter did next. 


 

Winter casually places her arm around Rina's waist. She faces RJ with a confident smile. “I couldn't agree more. Lipat tayo doon sa may gilid, nakaharang tayo sa daan.”


 

Wala namang nagawa ang dalawa kundi sundin si Winter. Nauna na silang naglakad habang nakasunod naman sila Winter at Rina sa kanila. 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
krnmuse
Thank you po sa promotion! Grabe na kayo. ☹️

Comments

You must be logged in to comment
Yashbread
#1
miss u T---T
franzii
#2
Chapter 20: it’s 5am, i’m wide awake, and squealing sa kilig. grabe. kinda hate myself from putting off reading this for so long huhu but definitely worth the wait! everything just feels so real and romantic. the characterization is spot on. the slow burn is slow burning. i love the pace. feel mo talaga yung development ng relationship and feelings nila to one another. from being so shy and unsure, to being confident and secure… grabe ;_; i love this so much. thank you for writing and i hope you still continue this when you can hehe i’m so invested na and reading this on rina’s birthday definitely makes the day more special! happy rina day 💙
hiver_pogi
#3
i miss u, balik ka na 😔
lesyeuxderj #4
Chapter 19: miss na po final answer
dork_seulgi_k
876 streak #5
Chapter 20: 🥺
gok3_d
#6
Chapter 20: tinapos ko talaga basahin kahit ano na yun na nga
Eybrelros #7
Chapter 20: Nakakamiss naman na dto. Mag 1yr na silang ldr haba naman ng trial card kelan ba mag expired yan😔
kwinter
#8
Chapter 3: help im still at the restaurant
arisse_ #9
miss u po
kwinter
#10
hello po