1st offense

O sige, sa’yo na (lang ako)

 

Okay naman na boardmate at ka-bunk bed si Karina. Hindi siya maingay sa umaga kahit madalas na alas sais ang bangon niya. Hindi rin siya maingay sa gabi tuwing nagrereview siya. Maayos siya sa gamit, tumutulong sa shared chores nila, at magaling pang mag-luto. Kung tutuusin, pwedeng sabihin na perfect siya — mahusay sa acads, maalam sa maraming bagay, disenteng tao. Almost perfect kumbaga.

 

Almost kasi sa lahat ng katangi-tanging katangian niya, nabiyayaan siya ng isang glaring flaw — ang hilig sa pang-aangkin ng hindi kaniya.

 

Sa tingin ni Winter, late naalala ni Lord na hindi dapat masyadong halata ang favoritism niya. Kaya ayun, nagroleta nalang siguro sila sa itaas at pinabaon sa roommate niya ang pinakarandom na weakness bago ito pinadala sa Earth.

 

“Rina!” Matinis ang sigaw niya pagpasok sa silid na pinaghahatian nila. 

 

Nakaupo si Karina sa study table nila, halos nakasubsob na ang mukha sa librong hina-highlight niya. Nakasuot siya ng headphones pero mukhang sapat na ang lakas ng boses ni Winter. Inusog niya ang nakatakip sa kanan niyang tenga at nilingon ang galit niyang roommate.

 

Bakas ang pagod at puyat sa malamlam niyang mga mata. Saglit niyang tinanggal ang suot na salamin at kinusot ang kanang mata.

 

“What?” 

 

Muntik nang maawa si Winter pero natauhan siya sa tono ni Karina.

 

Aba’t siya pa nga ang may ganang mainis at magtaray?

 

Malamig ang simoy ng hangin pero lalong uminit ang ulo niya. Itinaas niya ang bitbit niyang isang balot ng flat tops. Wala pa itong bawas kaninang umaga bago siya pumasok sa klase pero wala ng laman kahit isa pagkauwi niya.

 

“Ikaw ba kumain nito?” pagalit niyang tanong. Kung inis si Karina, mas inis siya.

 

Hindi naman siya nagjoke pero biglang tumawa si Karina. Lalo tuloy kumunot ang noo niya.

 

“‘Di ako nakikipagbiruan, Karina.”

 

“Halata nga,” sambit ng roommate niya. Nakuha pa ngang ngumisi sa kaniya. “Did you seriously take that out of the trash with your bare hands?”

 

Bahagyang namula ang mga pisngi ni Winter. Hindi niya naman ugaling maghalungkat sa basura, 'no. Magtatapon lang sana siya ng balat ng saging. Tapos, napansin niya sa ibabaw ang pack ng chocolates na balak niya sanang kainin mamayang gabi. 

 

“So ikaw nga yung kumain nito? Hindi mo ba nakita yung nakadikit na tape na may pangalan ko?”

 

“Yeah, sorry,” Nagpatuloy lang si Karina sa pagngiti sa kaniya. Walang bahid ng sorry sa mga labi nito. “Akala ko kasi ayaw mo... ilang araw na kasi na nasa ref—”

 

“Kasi sine-save ko para sa movie marathon ko mamaya!”

 

Saglit na bumaling ulit si Karina sa harap niya, tila may hinahanap sa ilalim ng patong-patong na papel at notebook sa lamesa niya.

 

“Here, meron pang dalawa.”

 

“Wow ha, thank you. Napakagenerous mo naman at tinirhan mo pa 'ko ng dalawa.”

 

“I was stressed out, Win. Sorry naman.”

 

Anong akala niya, makukuha niya si Winter sa matamlay na tono at mata-mata acting? Puwes hindi (na). 

 

Sabi kasi ni Yuna na kasama rin nila sa bahay, parang ice cube raw siya. Malamig at matigas sa una pero madaling matunaw. Napaka-weird at random ng analogy sa palagay niya pero baka may point ang bagong-salta sa boarding house nila. Kaya siguro inuulit-ulit ni Karina ang gawain niyang ito dahil pinagbibigyan lang siya lagi ni Winter sa huli na parang wala lang ang nangyari. Oras na siguro para mag-draw ng malinaw na boundaries.

 

“Well, apology not accepted. Nase-stress din naman ako, Karina, pero ‘di ako nangangain ng pagkain ng iba.”

 

Tinagilid ni Karina ang ulo niya na parang inoobserbahan si Winter mula sa ibang anggulo. “Galit ka ba dahil galing 'yun sa manliligaw mo? What's her name nga ulit? Yunjin ba?”

 

“Ha?” Kumunot ang noo ni Winter. Galing nga yun kay Yunjin pero technically hindi naman niya ito manliligaw. Oo, umamin ito sa kaniya. At, oo nga, sa ngayon eh mas kinikilala nila ang isa’t-isa. Pero hindi naman ito nanliligaw. At tsaka wala rin namang kinalaman 'yun sa issue nila ngayon.

 

“Sabi ko, galit ka ba dahil—”

 

“Narinig ko, Rina. At hindi, hindi naman ako galit dahil dun. Galit ako kasi napag-usapan na natin ‘to, diba? You could at least ask me bago ka kumuha. Hindi naman ako madamot.” 

 

“I know... I was going to. Nawala lang sa isip ko,”

 

Tinaasan siya ng kilay ni Winter. Posible ba yun? Mga kumplikadong math formula nasasaulo niya nang walang kahirap-hirap pero palagi niyang nakakaligtaan yung simpleng pag-message?

 

“Balak ko rin naman talagang palitan nung binuksan ko...” Sinilip niya ang mga susunod na pahina ng libro niya. “Teka, wait lang. Patapos na ‘ko dito. Bibilhan kita as soon as I’m done.”

 

Sumilip si Winter sa oras sa phone niya. Magna-nine na at maagang nagsasara ang pinakamalapit na tindahan doon sa may kabilang kanto. Malayo-layo ang susunod na pwedeng pagbilhan at walang kasiguraduhan kung meron silang flat tops. Baka abutin ng bente o trenta minutos kung mag-iikot pa si Karina para maghanap. Baka higit pa.

 

Humugot siya ng malalim na hininga at sinuksok ang mga kamay sa bulsa ng pajama pants niya. Ayaw niya sanang palagpasin nalang ito nang basta-basta pero ano pa nga ba?

 

“Wag na,” pagsuko niya.

 

Parang pakiramdam niya ang petty niya kung papagurin pa niya physically si Karina gayong mukhang exhausted na ito mentally. Gaano ba kalala ang stress niya at halos naubos niya ang isang balot sa isang araw o isang gabi?

 

“No, I will. Give me five minutes lang, I swear.”

 

“Gabi na, Rina. Wag na,” mariin niyang sagot. Sira na ang planado niyang ‘perfect’ movie night pero hindi naman niya ikamamatay ang kawalan ng paborito niyang snack. 

 

Hindi na niya hinantay pa ang sagot ni Karina. Kinuha niya ang laptop sa may unan ng kama niya at lumabas na ulit ng kwarto. Bumalik siya sa dining area at sinetup ang laptop sa bakanteng lamesa.

 

Matapos ang ilang minuto, lumabas si Karina sa kwarto at walang imik na dumaan sa harap niya. Dumiretso lang ito sa main door at lumabas. 

 

Pinindot ni Winter ang spacebar para i-pause ang pinapanood. 

 

Malamang sa malamang ay bibili 'yun kahit sinabihan niyang hindi na kailangan.

 

Pinindot niya ulit ang play. 

 

Ano pa nga ba ang magagawa niya? Ganun naman talaga si Karina. Matigas ang ulo at hindi napagsasabihan. Gagawin nito ang gusto kahit pa anong awat. 

 

Pause

 

Kahit pa nga gabi na at sinabi niyang 'wag na. Kahit pa maginaw sa labas at manipis ang suot niya.

 

Play

 

Kahit na naka-earphones, rinig na rinig niya ang pagbukas ng gate. Pati na rin ang muli nitong pagsasara.

 

"You're really leaving?"

"Yeah."

"You're never coming back?"

"No."

 

Umaandar ang pelikula pero wala siyang maintindihan.

 

Tumayo siya at hinayaang mapiglas sa tenga ang nakasuot na earphones. Dali-dali niya ring hinubad ang suot na hoodie at saka tumakbo palabas. 

 

“Karina!” tawag niya pagkasara ng gate.

 

Nasa kabilang kanto na si Karina pero napatigil ito sa paglalakad. 

 

Sinukbit ni Winter ang jacket sa balikat at mabilis na iniklian ang distansya sa pagitan nila. 

 

Pagkadating sa harap ni Karina, saglit siya nitong tinitigan na parang isa sa mga math question na bumabagabag sa kaniya gabi-gabi.

 

Lumipas ang ilang segundo na wala pa rin itong imik kaya siya na ang nauna.

 

“Sa’n ka pupunta?” tanong niya habang naghahabol ng hininga.

 

“Kina Ate Girlie, bakit? May ipapabili ka ba? Dapat chinat mo nalang ako.”

 

“Sarado na sila. Dun nalang tayo sa tindahan sa may gate.”

 

“Sasama ka?” Matalino si Karina. Isang tingin lang mula kay Winter at gets niya na. “Sabi ko nga, sasama ka...”

 

“Oh,” sambit niya, sabay abot ng dalang hoodie.

 

“Ha? Bakit?”

 

“Malamig.”

 

Minata lang siya ni Karina at ang suot niyang tank top. Ngumisi pa ito nang humangin at saglit siyang nanginig sa lamig.

 

“Okay lang ako, Win. You wear it.”

 

“Rina, isa...”

 

Hindi na siya pinagbilang pa ni Karina at sinuot na ito.

 

Pinakamaginaw tuwing Enero. Bahagyang umaangat ang mga balikat ni Winter tuwing umiihip ang hangin.

 

“Malamig, Win,” sabi ni Karina. Hinila siya nito papalapit at pinaikot ang kanang braso sa kaliwa niya.

 

Malamig ang panahon, pati na rin ang palad ni Karina na nakalapat sa bisig niya. 

 

Nagpatuloy lang sila sa paglalakad nang tahimik. Unti-unting humigpit ang kapit ni Karina sa kaniya. Unti-unti ring nabawasan ang ginaw niya lalo na sa bahagi ng balat niyang markado na ng mga daliri ng kasama niya.

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
jellyaceee
medj truce muna dahil natututo rin dapat tayo sa nakaraan eme haha pi edsa day

Comments

You must be logged in to comment
asdfghjklmaeee
158 streak #1
Chapter 4: Ayan na nagkaka sundo na. Yung endearment to follow na lang hehe 😂
stillintoyu
201 streak #2
Chapter 4: aq na lang tawagin mong baby, rina. walang angal
Eybrelros #3
themicah #4
It's building up 🥰🥰
yujiwinteo
67 streak #5
Chapter 3: In game si bading sa pagiging indenial 🤨 lagot pati siya aangkinin na niyan (na feeling ko gusto na gawin ni katarina dati pa)
asdfghjklmaeee
158 streak #6
Chapter 3: go lang guys 'maglambingan' lang kayo 🤭
jushshhh #7
Chapter 3: karina, pass sa halata
stillintoyu
201 streak #8
Chapter 3: angkinin mo na kase rina pati na rin ako emz
TakuyaKen
#9
Chapter 3: sayo nadin si Win hahaha
listless_radish
#10
Chapter 2: Winter kasi pinapangunahan palagi ng galit niya tapos si Karina yung napagbubunutan ng galit kasi siya palagi ang nasa scene of the crime. Hay.