Kabanata 2: Di maaari!

Nasan kaya s'ya? (UNEDITED)
Please Subscribe to read the full chapter

"Uy! Nasan ka kagahapon?" Tanong ni Chaeyoung sa kanya nung pumasok at bago pa sya maupo sa upuan.

 

Andun kasi ito sa upuan ni Yeri na mistulang prenta ang pagkaupo dahil maganda ang mga tanawin at tapat sa hilera niya. Na nagbibigay imahinasyon ng isang katulad na artist na kagaya niya daw. Hindi niya maintindihan kung bakit hindi sa tapat ng bintana pumunta. 

 

Sabagay mas maganda sa gitna ng classroom nila na makikita talaga ang field. Na nasa bandang tapat ay maraming halaman at puno na rin. Tinamnan daw ng mga senior na dating iba't-ibang batch na nag represent sa halaman na iyon bago mag graduate sa school na ito. Ang ganda makita na sa malayuan dahil may mga kulay ito na hinahangaan ng mga grade school student.

 

Parang tradition na hindi nakasulat sa students manual ang ginagawa ng isang senior highschool para sa ginawang iyon. Mga highschool student na mas maraming oras pero nakalaan lahat sa maraming subjects at requirements para tumaas ang mga grado nila.

 

Nandito pa pala nakatingin sa akin si Chaeyoung na nag-aabang ng isasagot ko. Naghikab ako at mariin pinikit ang aking mata na hindi dapat gawin. Sabi ng doktor lagyan ng eye drops pero nakalimutan ko kaya naman nagawa ko lamang ng basta.

 

"Pwede ba wag ako. May kasalanan ka pa sakin kagahapon. Hinintay kita kasama si Yeri para maglaro ng online games pero tinulugan mo lamang kami kagabi sa room. Dalawa lang kami naglaban tuloy sa mario kart na gusto ninyong gawin magkasama. Pero tinakbuhan mo lang kami sa huli." Sabi ni Dahyun sa kanya na may inis. Naglaro sila kaso lumumpas sa oras ng kanyang pagtulog kaya iritable siya ngayon. 

 

Mawawala din naman ata ito kapag pinahinga niya ang mata niya ng saglit ngayon bago mag klase.

 

Tumayo at lumisan pero sa harapan naman niya umupo na katabi ng bintana pa din. Maganda sana kung katabi niya talaga si Chaeyoung. Okay lang naman si Yeri pero paminsan minsan gusto din niya ng tahimik na buhay sa classroom na ito.

 

Ano bang meron sa bintana at langit na iyan? Maitanong ko nga kay Chaeyoung uli. Kung bakit mahilig siya sa bituin at kalangitan na iyan. Sa makatuwid ay binubuo ng Hydrogen at ilan-ilang helium ang isang bituin at ang langit ay atmosphere lang.

 

Sa kabila nun ay naniniwala pa rin si Chaeyoung na pwedeng humiling sa shooting star na yan o kahit anong bituin. Mahirap kasi makakita sa siyudad ang mga iyon. Araw at buwan palagi kasi makikita sa kalangitan. Kahit gawin ng panahon na normal na nandun naman ay hindi kayang makita dahil sa polusyon. Ang mga ulap ay nagtataglay naman ng mga kagustuhan niyang makita ang buong kalawakan na sa ngayon ay palaisipan pa rin ito.

 

Bakit kailangan tumingala kung meron naman sa mga website na iyan?

 

Nakaka-intindi naman siya ng lengwahe pero yung sinabi ni Chaeyoung ay mistulang alien sa katulad niya, na isang Dahyun na laging nakakuha ng mataas na marka. Pwera lamang nga sa Arts na iyan. Pero hindi sa teknikal na bagay-bagay dahil nakakasunod naman siya sa music.

 

Yun nga lang hindi niya ito mai-apply na kagaya ng mga artist na iyan na gusto naman niya talaga pero wala talaga.

 

Parang ewan kasi kung bakit ano ang mga abstract na yan at kahulugan na lamang ang maibibigay ng isang pinta, pagguhit, at pagsayaw na rin. Maliban sa music na pwedeng maramdaman ang beating, rhythm, melody, subject ng nota na kailangan, at pahina ng bawat music score.

 

Ang P.E. naman ay sakto naman para  sa kanya. Na hindi masabihan na mahina ang kanyang katawan o lampa. Tama na rin na okay lang na hindi sya makasunod sa pagiging artistic kasi kapag nangyari iyon ay nagpatunay na perpekto na nga siya. 

 

Nakakatawa kasi parang may mali sa sinabi ko. Lahat ng tao may kagustuhang malaman at matutunan ang isang bagay. Pero ang emosyon ay hindi pwedeng ituro kailanman na sinabihan siya ni Kuya Jackson niya ng pumunta sa bahay kasama si Kuya Jooheon. 

 

Kahit nga ang kapatid niya na si Kuya ay sinang-ayunan din ang sinabi ni Kuya Jackson. Suma-tutal mahirap ipilit ang isang bagay kung hindi ito nga kaya sabi ng kapatid niya. Na kailangan ay maghintay ng maghintay hanggang merong sumibol na emosyon. 

 

Nakakalito naman kasi ang emosyon na iyan! May level ang bawat emosyon katulad ng pain tolerance. Pero para sa kanya ay kapag masakit ay bumibitaw na siya at sinasabi na niya sa magulang niya o sa kapatid niya. Kaya naman hindi siya umiiyak. 

 

Umiiyak lamang siya kapag hindi na niya alam ang gagawin. Once in the blue moon kagaya ng umalis ang kapatid niya para sa trabaho niya. Kaya't hindi siya masyadong apektado din sa sinasabi ng iba dahil may matatakbuhan siya.

 

Nagtapon lang ng okay sign si Chaeyoung sa kanya at di na sya ginulo. Pero sa totoo lang akala nya tapos na ang asungot sa kanyang araw ngayon.

 

"Yun oh! Penge naman nito. Salamat." Agaw na candy na hablot na ni Yeri sa kamay niya. 

 

Si Yeri na hyper pa kay Ate Nayeon at napakadaldal na hindi niya malaman kung siya ay isang kapatid ni Ate Seulgi. Kilalang kilala iyon na tahimik at laging malumanay magsalita pero ito ngayon ung kapatid niya ay kabaliktaran niya. Bunso din naman ako pero si Kuya naman ang kagaya ni Yeri pero sobrang slight lamang sa kakulitan at kadaldalan din. 

 

Baka nga ay maraming klaseng bunso din. At si Yeri ang nag-iisang bunso na lagi na susunod ang gusto niya na dahil sya ay spoiled ata sa Ate Seulgi o sa magulang niya.

 

Nakasimangot lang siya dito dahil kinuha lang naman uli ang galing kay Ate Nayeon niya na bigay para lamang sa kanya.

 

"My friend. Your stares aren't prety like mine? So quit that... Oh! Chillax ka lang. Katulad ni Chae na nag senti mode na lang sa tabi mo." Nagsasalita ito pero nakatingin ito sa candy na tinatago na niya ngayon. "Sarap naman nito at kanino galing ito. Magpapabili kasi din ako. Alam mo kung saan ito galing?" Panayam ni Yeri sa kanya na ngumunguya pa rin ito.

 

Isa.

 

Naghihintay si Yeri kay Dahyun. Ang kamay niya ay nakalahad uli sa kanya na humingi ng isa pang candy. 

 

Dalawa.

 

Subalit tinignan ni Dahyun ang kisame at pinikit na lang ang kanyang mga mata niya. Katulad din ng nuon ay nagbilang sya sa taong nakaharap sa kanyang isipan. Alam niya na nakahawak ito sa bewang niya na kahit nakasara ang mga mata. Ito ay parang sasabak pa sa isang beauty pageant. Ang isa naman na kamay ay nakatutok ngayon sa gawi niya na may pagkunot ng kilay.

 

Nakapikit man ay hindi siya magkakamali ito ang aksyon ng isang Yeri sa kanya.

 

Tatlo.

 

Apat.

 

Lima.

 

 

"Halaman ka nga talaga!" Pasigaw na sabi sakin ni Yeri.

 

 

Panglimang bilang bago sumigaw palagi ang kanyang kaibigan na si Yeri na hindi pa rin umuupo sa tabing upuan.

 

Napabukas ng mata at sinilip ang kung sino man nalaglag sa malapit. Ayon lang pala at hindi si Yeri.

 

Kala niya si Yeri na. 

 

Nagpatuloy na lang siya uli sa pagpikit.

 

Biglang-bigla sa narinig at natumba sa pagkaka-upo si Chaeyoung sa dahilang ginawa ni Yeri. Hindi malaman bakit kasi sumigaw pa si Yeri kay Dahyun pa. Kung hindi naman ito makikinig din sa suwestiyon ni Chaeyoung sa isipan.

 

Kung si Yeri naman ay na entertain kay Chaeyoung ay ganun din ang pagkairita nito ng tinaasan din siya ng kilay. Katulad na katulad ng pinaggagawa sa taong nakaupong kaibigan na hindi pinapansin siya kanina. Bumati kasi siya bago pumunta kay Chaeyoung pero hindi siya sumagot at nilaksan ata ang volume nung parating siya.

 

Akalain mo iyon ay nagpapanggap lamang na may naririnig sa headset nya. Wala pala namang naririnig. Buti nga sayo Chaeyoung! Hmp! "Bakit ka nandyan sa lapag? Chae! Tumayo ka kaya. Kaysa tumanganga ka. Dirty ka na at dahil diyan ay di kita tutulungan." Ma-arteng pahiwatig ni Yeri kay Chaeyoung. 

 

Asar namang pinagpag ni Chaeyoung ang sarili. Masakit man sa loob ay gusto na niyang upakan at sigawan pero hindi parin. Kasi kapatid niya si Ate Seulgi na iniidolo sa pagiging role model sa school na hinahangaan niya sa pagguhit nung nag exhibit ito kamakailan lang. 

 

Napakaganda kasi at pinakilala pa ni Yeri si Ate Seulgi para sa kanya. Sinabi ni Yeri siya ang kapatid na sinasabing pangalan ni Chaeyoung kung totoo ba.

 

Sumilay sa mukha ang pag pout ni Chaeyoung at nilakihan ang mata para malaman na galit na siya kay Yeri. "Mawalang galang na pero ang ingay mo talaga. Kapatid ka talaga ni Ate Seulgi? Naku magsalita ka kung bakit di ka kagaya niya. Bakit di kagaya ni Ate Seulgi?" Nakita nila kung paano mapikon si Chaeyoung. Pero sa ngayon para syang pusa kaysa tigre na sinasabi nya na kamukha niya kapag galit.

 

Hindi din maganda ang mangyayari kaya tinuon at binaling nya na lang ng pansin ang bawat mata niya sa kaliwang banda na may pigura na kilala niya kung sino iyon. Nandun si Ate Wendy niya uli na kasama si Ate Sejeong niya. Naglalakad ng matagal kaysa kay Ma'am Jung nila. Sa hindi niya malaman na dahilan ay meron siyang naaaninag na kamukhang kamukha ni Ate Irene niya sa hindi malayong lugar.

 

Isang pagtango lang ang kanyang na isip baka ito ay hindi si Ate Irene niya. 

 

Nakakatakot ang aura kahit di niya kita ang mukha ng babaeng iyon sa field. Nakamasid siya pero ang mga kasamahan ng babaeng pinagmamasdan niya ngayon ay hindi alintana ang aura. Ito ay nagtataglay na kamukha ni Ate Irene niya na nagdududa pa rin kay Dahyun. Sa dalawang tao naman ay naglalakad patungo sa babaeng iyon. Pero nagpatunay na gaya ng iniisip niya na baka si Ate Irene iyon. 

 

Kasi hindi nag wave ng hands pabalik kay Ate Wendy na nag-bow ng kaunti si Ate Sejeong. Dahil hindi maaring siya at si Ate Irene ay iisa. Palabati lagi si Ate Irene pero yung taong iyon na nakatayo sa field ay hindi talaga si Ate Irene niya na kilala.

 

Hinding-hindi siya magkamali kahit hindi niya gamit ang kanyang eyeglass. Kasi nakita niya ang dalawang tao na kilala niya na maliban sa taong hinihinalang si Ate Irene. Malayo kasi ang field sa inuupuan niya pero tanaw pa rin kung sino iyon kapag tinitingnan niya ng maiigi.

 

Nagbitaw nalang siya ng malalim na hininga dahil ang tagal ng pag-aaway naman ng katabi niya. Ayaw kasing umalis na ni Yeri sa upuan na sa bandang harapan na ng teacher's table na pagmamay-ari ni Chaeyoung. Katabi kasi niya ito sa clssroom niya. Hindi din siya nagtaka kung paano dumating sila sa ganung kalayo na pwesto.

 

Kita na ng mga kaklase niya kung paano naasar at gustong manigaw ni Chaeyoung pero hindi iyon ginawa ng kanyang bestfriend.

 

Pinagewang gewang pa ni Yeri at minuestra pa niya kay Chaeyoung ang ginawa niya na pagpapa-emphasize sa kanyang kagandahan. "Dahilan na ako lang ito. Yeri lang ito. Dyosa po ako, Chaeyoung. Kaya wag ka mag aalala nasa third place ka, Kitty." Balik na sabi naman ni Yeri kay Chaeyoung.

 

Nakaka-aliw man ay di pa rin masasabing naintindihan ni Dahyun kung bakit ganun sila magsalita. Nakatunganga na lang syang tignan ang dalawang magkaibigan na nagbabangayan. 

 

Nagtatanong lang naman at sinagot naman nila ang bawat isa pero naging ganito na nangyari.

 

Kaya naman ng susugod na si Chaeyoung ay nagsalita na sya. Tumayo sya at sinenyasan na wag kay Chaeyoung at siya na ang bahala umalis sa pwesto si Yeri na nagmamatigas umupo pa rin.

 

Tinungo niya si Yeri at binigyan niya ng candy na gusto niya. At hinilig niya ang labi niya sa tenga at pabulong na sinabi nya. "Di naman gusto mo na makurot kagaya ng ginawa mo kagahapon sa akin. Nasa pintuan na rin si Ma'am Jung. Sasabihin ko talaga ang nangyari nung isang araw na nag cut ka ng class. Pinagtakpan pa naman kita nun." Pagkatapos naman ay biglang pagpasok ng teacher nila at pumunta na si Dahyun sa kanyang pwesto.

 

Nakatuon si Chaeyoung sa kanilang dalawa dahil naguluhan siya sa inasta ni Yeri kanina. Hindi naman siya ganuon sa kaibigan niyang si Dahyun. Lagi kasing may bwelta palagi at hindi mauubusan na pahayag ang isang Yeri para kay Dahyun.

 

Kahit si Ma'am Jung ay walang magawa kundi itabi kay Dahyun na hindi gumagawa ng ingay maliban na lamang kapag kumakain. Naisipan niya din kung bakit magkatabi silang dalawa kasi. Baka nga para balanse sa isang Yeri na kagaya niya na dapat may isang Dahyun na hindi napipikon sa kanya at dedma sa lahat ng ginagawa niya.

 

Bagay na bagay kasi sila na kailangan ipares katulad ng isang strawberry jam na favorite niya at tinapay.

 

Strawberry jam si Yeri dahil kahit iba't-iba ang flavors sa pagiging jam ay gusto niya pa rin. Kahit hindi umaakma ito sa panlasa niya at sa dahilan ay strawberry ito. Si Dahyun na katulad na tinapay na kumplikado ano ito at lasa kung paano gawin hindi katulad ng strawberry jam na alam na alam niya kahit nakapikit. May sukat na kailangan sa tinapay at strawberry jam pero hindi kasing kumplikado ng isang tinapay.

 

Pero si Dahyun ay isang tinapay na hindi niya malaman kung kailan ito dapat kainin ba. Kasi may pagkakataong ito na kailangan umalsa muna o hindi, lagyan ng tubig na marami, o di kaya paiinitin sa klima ng panahon, o baka naman hayaan lamang sa oven, at ganun si Dahyun sa isang Chaeyoung. Kahit tinuturing best friend siya ni Dahyun ay di pa rin niya kilala ang isang katulad niya na kagaya ng tinapay.

 

Sa kabila nuon ay hindi niya mawari kung lagi bang may kalkulasyon ang isang Dahyun. Hindi niya pa kasi ito nakikitang galit na galit o kaya para bang totoong emosyon na nanggagaling sa nararamdaman nito. Lagi kasing mysterious si Dahyun kahit ang mga teacher ay medyo maingat sa kanya. Para bang alam nila ang kakayanan ni Dahyun na maipasa ang subject nila kahit tulog ito. 

 

Syempre maliban kay Ma'am Jung na hindi umiral ang pagkakatulog ni Dahyun. Terrorista ito at di kagaya ni Ma'am Taeyeon na laging may dalang jelly sa table bago mag discuss sa klase.

 

Si Dahyun na walang masyadong kaibigan kundi silang dalawa lamang. Meron naman pero sabi nito ay hindi katulad nila ni Yeri. Dahil si Dahyun magsasalita na lang at dadamayan ka kapag alam niya ang gagawin. Magiging masaya ito kapag kailangan mo.

 

Katulad na black ay ganun si Dahyun. Mahaluan man ng kahit ano ay may parte pa rin ito na makikita mo kaagad-agad sa ibang kulay. Maliban na lamang kapag nahalo sa white na pinapahina ang kalidad ng isang black. Magulo man ay ganun si Dahyun kapag guato niyang ipaliwanag sa mga taong hindi nakakaintindi sa kanya. 

 

Kahit ngayon na ilang buwan niya na kasama si Dahyun ay hindi pa rin niya nakikita kung malungkot ito.

 

Duon na lang at nagtapos ang kanyang paglagi sa palaisipan na iyon. Dahil kailangan na bigyan ng pagbati si Ma'am Jung na late dumating ngayong araw na ito na kasama ang isang highschool student. Umalis rin naman yung lalaki na para bang kilala si Yeri dahil nag wave ito sa kanya. Malayo man si Yeri ay naaaninag pa din ang pinagagawa niya. Andito pa din ang inis dahil kinuha ba naman ang strawberry cupcake niya sa lunchbag nung aagawin na niya. Pero pinigilan siya ni Dahyun na akala niya ay tutulungan siya makuha iyon.

 

Ganun pa rin uli si Dahyun na laging una sa balita pero huli sa ano ang nangyayari talaga.

 

"GOOD MORNING, MA'AM JUNG!" Sabi ng bawat students sa classroom. Pina-upo naman ang bawat student at nagtungo na sa dating gawi na buksan ang notebook at mag take down notes.

 

Naalala niya pala na may assignment sila ngayon. Nakalimutan kaya ni Ma'am Jung ata. Nag discuss kasi lamang ito ng topic kaysa magpasa ng homework. Nagtaas ng kamay s'ya at nakita kaagad ni Ma'am Jung. Pero iba ata ang inaasahan na marinig na gusto sa kanya.

 

"Are you okay, Dahyun? You want to go at clinic. Jennie told me what happened yesterday. So, no reason at all that you have to worry about your class attenace for my subject." Pag sabi nun ay huminto sya sa sasabihin tungkol sa homework na gusto na talaga niyang sabihin.

 

Kaya naman pinakita nya ang papel na dapat sagutin at ibibigay ngayong araw na ito.

 

Sana naman maintindihan ni Ma'am Jung yung winagayway ko. Hindi pa siya handa na alalahanin ang nangyari kagahapon sa isang babae na nag ngangalang pangalan na kilalang kilala ng Ate Nayeon niya. Naiinis pa rin

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
ONCEXwizone
Kpop!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet