02: Small Town Rumors

Meet Me in San Juan
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

CHAPTER TWO

Small Town Rumors


 

Anong gagawin mo kung gusto mo ng buhay na mas maganda kaysa sa buhay mo ngayon?

 

(Winter Minjeong Kim hates her life, her parents, her home and yet the only thing she likes is that abandoned farm at the end of their small town; a little anger emerges from her as she learns that someone is coming to claim that farm for their own.)

 

“Did you know that someone might move into that farm at the end of the week, possibly at the end of the month?” 

 

Hindi naman chismosa si Minjeong, pero hindi niya maiwasang makinig sa usapan ng dalawang chismosa na nakatambay sa harapan ng maliit na shop ni Mang Kanor malapit sa pinaghahatiran niya ng daily newspaper. 

 

Mukhang mga englisherang dayo mula sa ibang lugar na nagbabakasyon dito base sa sosyaling mga accent nila, at nagtataka si Minjeong kung bakit ang dami nilang alam sa mga ganap dito. 

 

Habang tinatanong niya si Mang Kanor tungkol sa mga presyo ng mga bilihin na hindi naman niya bibilhin, nakinig pa siya uli sa mga chismisan sa malapit. 

 

“I think she's the granddaughter of a big conglomerate sa San Lazaro. I don’t really understand why she’s going to throw away the grand life for a small town like this?” 

 

Natatawa pa sila sa comment nila, at hindi maiwasan ni Minjeong na mainis pero pinigilan niya ang sarili niya na magside comment since mga turista ito na dumadayo lang dito for vacation. 

 

Pero hindi niya maiwasan na magtaka habang naglalakad na siya papunta sa next destination ng delivery trip niya (pinagalitan na din siya ni Mang Kanor dahil sa dami ng tanong niya), especially since alam niyang matagal nang walang nakatira sa farm na iyon. 

 

Since parang bakasyunan lang ang farm na iyon, palaging tumatambay si Minjeong sa lugar na iyon kasama ang mga kabarkada niya tuwing matatapos ang klase nila. Nung fifteen or sixteen siya, natatandaan niya na wala nang dumating sa lugar na iyon para magbakasyon. 

 

Since hindi naman isinara ang gates nung farm mula sa mga mamamayan ng San Juan, maraming mga tao ang pumasok sa loob nung farm para magtanim ng sarili nilang halaman at anihin ito, habang yung iba naman ay kumuha ng ibang mga supplies na nasa loob nung wooden house. 

 

Nang malaman ni Minjeong ito, agad siyang nagpatulong sa mga kabarkada niya na lagyan ng lock yung gate, since baka bumalik yung mga mayaman na nagbabakasyon doon at magalit sila sa mga naninirahan dito. 

 

Pero hindi na sila nagbalik until this year, kung saan may lilipat daw dito. 

 

Siguro naman sasabihan siya ng tatay niya about this?

 

Just in cue, biglang nagring ang phone niya pagkalapag niya ng huling dyaryo sa huling delivery spot niya for the day. Hinimas niya yung ulo ng aso na lagi siyang binabati pag dumadaan siya dito. Sumandal siya sa makeshift na pader nung maliit na bahay at agad na chineck yung phone niya. 

 

papa (dni): umuwi ka dito pagkatapos mo diyan, may sasabihin ako sa’yo.

 

Napabuntong hininga na lang si Minjeong habang ibinulsa na niya yung maliit na fliphone niya at kinuha na yung bike niya. Mabilis siyang nagbike pauwi sa bahay nila, at kinawayan nalang siya ng mga kabarkada niya habang nakatambay sila sa may community bulletin board malapit sa mayor’s house. 

 

Ang unang bumungad sa kanya nang pumasok siya sa loob ng bahay nila ay ang tatay niya—este ang mayor ng San Juan, si Kihoon Jang na nakasimangot at nakahalukipkip habang nakatayo sa may pintuan. 

 

“How many times do I have to tell you that you don’t have to work?” 

 

Nakatitig lang ng masama si Minjeong sa tatay niya pagkatapos niyang ipark yung bike niya sa labas at nilampasan na ito papasok ng bahay nila. 

 

“Kung susungitan mo lang ako, lalabas na lang ako ulit.” 

 

Kita niya na kumunot na ang noo nito, at iniiwasan niyang matawa dahil sa mga reaksyon ng tatay niya sa mga sinasabi niya. 

 

“And what? Pupunta ka nanaman sa abandonadong farm na iyon? Paano kung masugatan ka doon—”

 

“Pumupunta kami doon tuwing pagkatapos ng klase, kung hindi mo alam,” inis na sabi niya, at wala na siyang pake kung ano bang magiging consequences nito. “Tsaka kung may pakialam ka talaga sa akin, sana hinayaan mo akong sumama kay Ate Taeyeon nung umalis siya dito.” 

 

Mukhang naoffend ang tatay niya nang sabihin niya iyon, kaya agad niyang kinuha yung box na pinaglalagyan niya ng naipon niya sa ilang taon na pagtatrabaho niya around this small town at agad nang lumayas mula sa bahay nila. 

 

Nakasalubong niya ang mga kabarkada niyang nakaabang pa rin sa community board. Kumawa uli sila nang nakatawa kay Minjeong pero nang makita nilang parang mangiyak-ngiyak na ito, agad silang lumapit at tinulungan siya sa mga dala niya. 

 

“Dun ka muna sa amin?” tanong ni Chaewon Kim, pinsan niya na nakatira malapit dun sa abandoned na farm. 

 

Hindi na sana papayag si Minjeong pero paglingon niya ay kita niya ang matalim na tingin sa kanya ng tatay niya. 

 

Ang kinaya niyang sabihin ay isang mahinang "Sige."

 

"Huwag ka mag-alala," sabi naman ni Ryujin Shin na abot tenga ang ngiti habang hinihila ang bike ni Minjeong. 

 

"Nandito lang kami, Minjeong."

 

 

"May lilipat dun sa farm?"

 

Yun ang unang tanong ni Seulgi Kang, pinsan ni Chaewon na nakatira dun sa bahay malapit sa farm na tinambayan niya rin simula pagkabata. Napakamot siya ng ulo habang naghahanda ng damit na maisusuot ni Minjeong kinagabihan—hindi ito ang unang beses na lumayas ito, and Seulgi is sure na makakarinig nanaman siya ng sermon mula kay Tito Kihoon.

 

"Narinig ko lang dun sa mga chismosang dayo." pagsagot ni Minjeong habang kumakain na siya ng fried chicken na luto ni Seulgi. "Galing daw San Lazaro, mukhang minana yung farm galing sa mayaman na Lolo."

 

"Siya din kaya yung bumibisita diyan a few years ago?"

 

Nagkibit balikat nalang si Minjeong sa tanong ni Chaewon. 

 

Hindi rin naman nila nakikita masyado yung mga bumibisita doon for vacation since sarado nga yung farm at

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
franzii
#1
Chapter 47: this is teleserye levels. abs/gma should take notes. thanks for writing this! it was an interesting and an entertaining read :] i usually dislike cliches, but this one made me like it a bit
wintongie
#2
Chapter 47: 🥺🥺🥺
ryujinie__
712 streak #3
Chapter 47: 🥹💙💙
ryujinie__
712 streak #4
Chapter 46: update yaaaaayyyy 🥳
winter6arden
#5
Chapter 1: OKAY this is exciting omg
buddy_gfriend
#6
Chapter 45: whaaatt
Ardem_Joseph23
#7
Chapter 45: Isa lang yan.. Wag kana magbakasyon Rina. Daming ganap 😅😅
wintongie
#8
Chapter 45: 🥺🥺🥺🥺
Kelllorente
#9
Chapter 45: Grabeng revelation naman yan. So ang fav talaga ni kihoon eh yung real Minjeong.
wintongie
#10
Chapter 44: ENDGAAAAMEEEEE