22: Letters Never Sent, Love Never Lost

Meet Me in San Juan
Please Subscribe to read the full chapter

CHAPTER TWENTY TWO

Letters Never Sent, Love Never Lost

 

 

[ Minjeong’s. ]

 

[ 4 Months, 2 Weeks, 5 Days. ]

 

Since delikado na rin magstay dun sa second floor ng wooden house, nagpasya nalang ako na itext si Ryujin at si Yeonjun at nagpatulong na dalhin yung trunk papunta sa bahay ni Ate Seulgi (grabe, buti nalang nakikipag-usap pa rin sa amin si Yeonjun after nung nangyari) para dun nalang namin asikasuhin yung laman. 

 

Hawak pa rin ni Jimin yung letter, at pumasok agad siya sa kwarto namin habang nakatingin lang sa akin ng weird si Minju na mukhang iniwan ni Chaewon na umalis kung saan. 

 

“You had a fight again?” she asks, at umiling ako habang ginaguide ko sila Yeonjun na ipasok yung parang chest sa kwarto namin. 

 

“Hindi… Grabe ka naman, first day palang namin magjowa, away agad?” natatawa kong sabi habang nagthank you na ako kela Ryujin for their help. Binigyan ko nalang sila ng softdrinks na nasa ref ni Ate Seulgi, tapos tinry ko nang pumasok dun sa kwarto pero nakalock yung pinto. 

 

“Jimin?” pagtawag ko, pero walang sumasagot. 

 

“Baby, let me in.” 

 

Narinig kong tumawa si Minju dahil dun sa callsign, pero hindi ko na inalintana iyon since narinig kong inalis niya yung lock from the other side. Mabilis na akong pumasok at nakita ko si Jimin na nakaupo dun sa may window sill (may space dun na pwedeng upuan) tapos yakap niya yung mga tuhod niya. 

 

Hinanap ko yung letter at nakita ko iyon na nakalagay na agad sa picture frame, habang nakalagay dun sa desk ko yung picture na nakita ko noon sa wooden house—mukhang nakita niya rin iyon at kinuha niya, just to replace the picture of the three of them with her mother’s letter. 

 

“Kuha lang ako ng pako,” mahina kong sabi habang kinuha ko yung picture frame. Hinintay ko muna siyang magreact ng kung ano man bago ako lumabas ng kwarto at bumalik na may dalang martilyo at pako. 

 

Without saying a word, naglagay na ako ng pako dun sa free na spot sa tabi ng bintana. Medyo maingay yung pagpukpok ko kaya binilisan ko na din, tapos ni-hang ko na yung frame dun sa spot. Pinantay ko muna yung paghang bago ko tinignan si Jimin, tapos binalik ko na yung tools sa labas. 

 

Pagbalik ko, nakatitig na si Jimin doon sa frame. Nilapitan ko siya at niyakap, and thankfully she lets me—kahit hindi na siya magsabi ng kahit ano, ang mahalaga okay lang siya ngayon. 

 

She leans closer towards me, at hindi pa rin maalis yung tingin niya dun sa letter na mukhang paulit-ulit niya na din binabasa. 

 

“If I didn’t remember Lolo’s words and searched the farm… What if I didn’t find that letter, baby? What would happen then? Would it be as painful as this—”

 

“W-What was your mother like?” 

 

"I don't really remember much, pero she's the best," panimula ni Jimin habang lumipat na kami sa kama, at nakasandal pa rin siya sa akin. "Kahit na dun ako nakatira kela Kuya Jaehyun, binibisita niya ako doon."

 

"Binibisita?" I tilted my head curiously with that. "Bakit? Tsaka bakit kela Jaehyun ka nakatira, hindi ba magkaiba kayo ng tatay…?"

 

"Yeah," she says as she plays with my pinky finger. "Tito Younghoon is basically like a father to me, pero siyempre it feels different pa rin. And Tito Jeonghun… I haven't met him that much."

 

Tito Jeonghun? Ah, yung tatay siguro ni Ate Joohyun. 

 

"H-Hindi ka ba nila inapi?"

 

Natawa siya dahil sa tanong ko.

 

"What do you mean by that, baby?"

 

"Eh kasi…" hindi ko sure kung paano ako magpoproceed. "Siyempre, ikaw lang yung… yung iba ang status ng tatay. Kung tama ako, mayaman pareho yung tatay ng mga kapatid mo, 'di ba?"

 

Nung tumingin ako sa kanya, nakangiti lang siya sa akin bago siya magproceed na magsalita.

 

"I'm sure Tito Jeonghun doesn't like me, but Tito Younghoon treated me like his own daughter. Masaya na ako sa ganun…"

 

Tumingin siya sa akin bago niya ituloy yung sasabihin niya.

 

"...though I wondered all the time what it's like to have a father of my own blood."

 

I frowned at that. 

 

"Alam kaya ni Mang Tobias kung saan nakalibing tatay mo?" 

 

She raised her brow at me. "What for, babe?"

 

"Para bisitahin natin," I said, pinching her cheeks as I got up and stretched my limbs. "Tapos pakilala mo akong jowa mo."

 

"Jowa?" she laughs, at hindi ko mapigilan na magpout dahil sa sinabi niya. "You're so jeje, Minjeong."

 

"Kahit na jeje ako, at least baby mo pa rin."

 

"Of course, cutie."

 

 

“Should we go to Mr. Tobias ulit?” she asks, and I wonder why she’s suggesting this. 

 

“Are you going to ask him about your father’s resting place?” 

 

“That, and the story we left off last time. I kind of know that there’s something else that happened…?” 

 

Ah, oo nga pala. Napostpone nga pala yung story time tungkol sa tatay ni Jimin dahil dumating si Jaemin—come to think of it, hindi ba magpinsan na sila dahil doon? 

 

“Should we go today? Wala naman din tayong gagawin masyado, as far as I know.” 

 

Tumango siya, pero siyempre hindi pa kami naliligo kaya nauna na akong pumasok sa banyo, just wearing casual clothes na pwede kong patungan ng overalls tsaka boots just in case na mag-aya si Jimin papuntang farm ulit. 

 

Mabilis lang akong nagshower, at paglabas ko ay dapat ako na ang magtutuyo ng buhok ko pero inilapit ako ni Jimin sa kanya at pinaupo sa sahig, and I feel her sitting down behind me as she takes the towel I used from my shoulders and placed it on my head. 

 

“I really like your short hair,” nakangiti niyang sabi habang dahan-dahan niyang itinutuyo yung buhok ko. “I think it’s the best haircut of yours so far.” 

 

“Eto tsaka long hair pa lang naman nakikita mo?” 

 

“I think even if you go bald, you’d still look pretty, baby.”

 

Kalbo?!

 

“Ikaw muna magpakalbo, tapos magpapakalbo din ako.” natatawa kong sabi, and I looked at her, horrified as she looked like she’s seriously considering it just to have me bald for her to look at. 

 

“Jimin, are you seriously considering that?!” 

 

“Maybe?” natatawa niyang sabi, at siniko ko nalang siya sa tuhod niya, pero ilang segundo pa ay kita kong nakatingin na siya sa legs ko with that familiar worried frown. 

 

“Does your leg hurt pa?” she asks, at parang hindi maaalis ang pagsimangot niya unless I answer her question. 

 

“It’s a little sore on nights, tapos medyo kumikirot din yung knuckles ko at times.” 

 

“We should sneak out to San Lorenzo, or something. There’s a good hospital there so we can get you properly treated—”

 

“Jimin, okay lang ako,” nakangiti kong sabi at hinila ang kamay niya papalapit sa akin, keeping it close against my cheek as she sighs at

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
franzii
#1
Chapter 47: this is teleserye levels. abs/gma should take notes. thanks for writing this! it was an interesting and an entertaining read :] i usually dislike cliches, but this one made me like it a bit
wintongie
#2
Chapter 47: 🥺🥺🥺
ryujinie__
713 streak #3
Chapter 47: 🥹💙💙
ryujinie__
713 streak #4
Chapter 46: update yaaaaayyyy 🥳
winter6arden
#5
Chapter 1: OKAY this is exciting omg
buddy_gfriend
#6
Chapter 45: whaaatt
Ardem_Joseph23
#7
Chapter 45: Isa lang yan.. Wag kana magbakasyon Rina. Daming ganap 😅😅
wintongie
#8
Chapter 45: 🥺🥺🥺🥺
Kelllorente
#9
Chapter 45: Grabeng revelation naman yan. So ang fav talaga ni kihoon eh yung real Minjeong.
wintongie
#10
Chapter 44: ENDGAAAAMEEEEE