From Zero to Zeroes

Marriage Booth
Please Subscribe to read the full chapter

“So, tulad ng napagusapan natin last meeting, magfafinalize na lang tayo ng booths ngayon, as well as the performers na kailangan natin i-fill in doon sa ginawa nating program flow.” Giselle said.

 

 

Kasalukuyan silang nagmemeeting regarding their upcoming foundation week. At as the Student’s Government Governor, si Giselle ang nangunguna sa meeting. Follow up meeting nalang naman at tapos na yung meeting nila with their adviser.

 

 

“Regarding the performances for days 1 to 5, nag bigay na po ng heads up yung president ng dance troupe, then nag okay na rin po yung mga kakanta ng solo.” Wonyoung stated. Siya kasi yung naka assign dito.

 

 

Nagbigay kasi si Giselle ng condition na kung sino ang kukuha ng task sa paghahanap ng mga performers, she doesn’t need to handle any booths during the foundation week. At sa lahat ng SG Officers na nagtaas ng kamay, si Wonyoung yung pinaka mabilis. Ready pa nga siya makipagbakbakan, gusto niya kasing maenjoy yung foundation week this year.

 

 

Last year kasi, 1st year siya pero naka tambay lang siya sa binabantayan niyang booth, natatakot na baka may anong mangyari sa booth na handled niya pag iniwan niya. So this year, she promised to enjoy it, at mukhang maeenjoy niya nga since malapit na macomplete yung task at hand niya and after that she’s free.. or not?

 

 

“How about the band for the last night of the event, bunso?” Pagbabalik ng tanong ni Giselle kay Wonyoung.

 

 

Bunso ang tawag ni Giselle sa lahat ng mga juniors nila from 1st year to 3rd year, mas nafifeel daw kasi niyang close sila pag ganon. Nasanay na rin naman ang mga kasama niya sa SG kaya hindi na bago sa kanila yung pagtawag ni Giselle ng ganito.

 

 

“Uhh.. wala po talaga akong mahanap na nagbabanda sa school eh, pero nagtry po ako ng other approach.” All of the other officers looked at Wonyoung as they waited for the approach that she’s saying.

 

 

“Since wala nga pong existing band sa school, bumuo nalang po ako ng band para may magperform sa last day ng Foundation Week. Almost complete naman na po kaso.. kulang daw sila ng isa pang guitarist.” sabi nito sabay yuko.

 

 

“Nakuha niyo na ba si Winter? Diba ka department mo naman siya? Baka pwede mong maaya.” Yunjin, their Secretary said.

 

 

Magkaschoolmate kasi sila ni Winter nung Senior High. Hindi sila close, hindi rin sila magkaklase, pero nagperform din kasi si Winter sa isa sa mga events ng school nila noon as a band member, lead guitarist at band vocalist pa siya noon.

 

 

“Naggigitara po si ate Winter?” Pagtatanong ni Wonyoung. Alam kasi niyang hindi madaling kunin si Winter dahil ilap ito sa mga kapwa niya students. In fact, wala nga ata itong kaclose sa University nila.

 

 

“Oo, napanood ko siya noon sa dati naming school. Try mo, baka pumayag.” Yunjin smiled at her para iconvince ito sa pinapagawa niya, at nakatulong naman kay Wonyoung.

 

 

“Okay po. Kausapin ko po.” The younger one smiled back at Yunjin.

 

 

“Great! Sige balitaan mo din ako agad kapag hindi pumayag, papapayagin natin yan.” Gaeul said. Current Vice Governor si Gaeul at ka-year niya din si Winter. Currently, 3rd year na ang mga ito, while sila Giselle, Yunjin at Chaeyeon ay graduating na.

 

 

“How about the booths?” Giselle asked since almost okay na ang performers na need nila for the event. Chaeyeon, their Finance Officer handed a paper to Giselle. It contains the list of booths na pagpipilian nila ngayon.

 

 

“Pili tayo dyan. Mukhang kakasya naman yung budget natin kapag any 5 booths dyan sa list ang ilalagay natin sa foundation week bukod doon sa mga food booths ng mga department.” Chaeyeon said.

 

 

“..Jail Booth, Carnival Games, Photobooth..” Giselle stopped reading. Sino ba namang hindi?

 

 

“Marriage Booth?” Giselle said saka tumingin kay Chaeyeon, pero ang mas lalong nakakuha ng atensyon niya ay ang ngiting ngiti na 1st year representative.

 

 

“That’s Eunchae’s idea.” Sabay turo ni Chaeyeon kay Eunchae.

 

 

“Pagbigyan mo na Gi, tas sa kaniya mo na rin ipahawak since mukhang excited siya sa idea ng Marriage booth.” Pagkukumbinsi ni Gaeul kay Giselle. Hindi naman na ito nakatanggi kaya naisama nga ang Marriage Booth sa listahan ng mga booths na gagawin nila sa darating na Foundation Week.

 

 

“Sige. Yuri, Chaeryeong, Wonyoung, at Eunchae, since kayo ang mga student representative per year, kayo na ang bahalang makipagmeeting sa years handled nyo. I-meet nyo lang yung mga class mayors and their secretaries tapos sabihin nyo sa kanila yung mga assigned sa kanila. Kami na ang bahala sa mga department officers since kailangan din natin sila for the booths.”

 

 

“Ayun lang and we’re dismissed.” Giselle concluded their meeting since gumagabi na rin.

 

 

“Ingat kayo mga bunso, magchat kayo sa gc pag naka uwi na kayo ah? Una na kami.” Sabi ni Giselle kasama si Gaeul at Yunjin dahil nasa iisang subdivision lang naman ang mga dorm nila. After classes ang naging meeting ng mga SG Officers kaya 7:30 na ng gabi sila ng matapos. Tumango at kumaway na rin ang mga bata sa kanila.

 

 

“Chaeyeon, ikaw na bahala sa mga yan ha?” Dagdag pa ni Gaeul, nagaantay din kasi ng sundo si Chaeyeon at ang kapatid nito, gayun din sila Eunchae at Wonyoung. Nauna naman na si Yuri dahil mas malayo ang tinitirhan niya.

 

 

“Yep, sige na mauna na kayo.” Huminto na rin ang sundo ni Wonyoung at Eunchae sa harap nila kaya nagpaalam na rin sila sa isa't isa.

 

 

Pagdating ni Eunchae sa bahay nila ay agad nitong hinanap ang mga mommy niya.

 

 

“Mama? Mommy?” Sigaw ni Eunchae galing sa pinto habang nagtatanggal ng sapatos.

 

 

“Ang baby ko!” Salubong ni Seulgi sa anak at niyakap ito.

 

 

“Kamusta school?” Seulgi asked, cupping her daughter’s face, pinisil pisil pa ang cute na cheeks nito kahit na nagwawhine na ang anak niya.

 

 

“Mama naman eh, di na ako bata. College na nga po ako oh.” Natawa naman si Seulgi sa sagot ni Eunchae.

 

 

“Kahit na tumanda ka pa, magkaroon ng trabaho, o ano pa man, baby ka pa rin namin ng Mommy mo.” Nagpout nalang si Eunchae sa sinabi ng mama niya. Nagpunta na sila sa kusina kung nasaan si Irene. Nagpeprepare na rin kasi siya ng hapunan nilang tatlo.

 

 

“Oh, andito na pala ang baby namin.” Irene said, kissing her daughter’s cheeks, at tulad ng asawa ay pinanggigilan din ang pisngi ng anak.

 

 

“See? Baby ka namin ng mommy mo, wag mo nang itanggi anak.” Sabi ni Seulgi habang tumatawa sa reaksyon ng anak na kasalukuyan pa ring nilalamog ng mommy Irene niya.

 

 

“Tara na, kain na tayo. Nagluto si mama mo ng favorite nating Sinigang.” Irene said, slightly pushing her daughter towards a chair.

 

 

“Hipon, mama?” Tumango naman si Seulgi at ngumiti sa anak habang excited nitong nilalagyan ng kanin ang plato ni Eunchae.

 

 

“Yes!” Umakto pang parang nanalo ito nang itaas niya ang kamao ng banggitin niya yung ‘Yes!’. Natawa nalang ang mama at mommy niya na nagsimula na ring kumain.

 

 

“Ay mommy, tapos na po ba yung mass wedding niyo sa kabilang barangay?” Tanong ni Eunchae nang maalala ang agenda niya kanina bago pumasok sa bahay nila.

 

 

“Hindi pa anak, bukas pa yun. Why?” Inihinto ni Irene ang pag-kain at humarap sa anak.

 

 

“Pwede pong makahingi ng copy nung pinipirmahan ng magasawa? Gagamitin lang po namin sa Marriage Booth na itatayo namin sa Foundation Week.” Ngumiti ito sa mommy niya ng malawak, yung mga ngiting alam niyang hindi matatanggihan ng mommy Irene niya. Pero..

 

 

“No anak, hindi pwede. Baka mamishandle niyo yun.” Sabi ni Irene at hinaplos ang kamay ng anak na naka patong sa lamesa nang makita ang disappointment nito, naka pout na rin kasi.

 

 

“Tama ang mommy mo, anak. Kung gusto mo gagawan ko nalang kayo ng template tas ako na rin ang magpiprint.” Itinaas baba ni Seulgi ang kilay niya para makumbinsi ang anak pero ngumiti lang ito at bumalik na sa pagkain.

 

 

Yun kasi talaga ang idea ni Eunchae nang maisip niyang isuggest ang Marriage Booth kay Chaeyeon. Tapos na siyang kumain at umakyat na rin siya sa kwarto niya. Humilata ito sa kama niya at tumulala sa kisame.

 

 

“Pano yan? Gusto ko talagang bigyan ng totoong marriage feels yung booth.” Naka pout pa rin si Eunchae at umaktong bumubuo ng angel sa snow nang kinawag kawag nito ang mga kamay at paa niya sa bedsheet.

 

 

Ilang sandali pa ay narinig niya nang pumasok ang mga magulang sa kwarto nila, naghaharutan pa nga ang dalawa dahil rinig na rinig ni Eunchae ang mommy Irene niya na parang inaawat ang mama Seulgi niya. “Ano ba Seulgi, tigilan mo nga ako!” Sabi pa ni Irene.

 

 

After a good 10 minutes of staring at nothing, napaupo si Eunchae sa kama niya at tumawa.

 

 

“I’m so smart!” Sabi pa niya sa sarili. Unti unti naman itong tumayo at sumilip sa pinto ng kwarto niya upang tignan kung andoon pa ang mga magulang niya.

 

 

“Good, mukhang nagpapahinga na sila.” Bulong ni Eunchae sa sarili at unti unting lumabas sa kwarto niya habang dahan dahang naglalakad patungo sa office ng mommy Irene niya dito sa bahay nila.

 

 

Dahan dahan niyang binuksan ang pinto ng office ni Irene at agad agad na tumungo sa desk ng mommy niya. Agad nitong hinanap ang Marriage Licenses Folder at nakita niya naman agad. Dadalhin kasi ni Irene yun kinabukasan dahil magoofficiate siya ng Mass Wedding dahil Mayor siya sa lugar nila. Ang mama Seulgi niya naman ay isang Architect, may sarili rin itong Architectural Firm.

 

 

Nang makuha ang pakay, agad agad na lumabas si Eunchae sa opisina at dahan dahan uling bumalik sa kanyang kwarto. Tinago niya ang Marriage License sa sariling file case at sinecure sa bag. Balak kasi niyang sa opisina ng SG Officers itago ang Marriage License, baka kasi makita ng mga magulang niya pag sa kwarto niya lang nilagay.

 

 

 

Kinabukasan..

 

 

“Hi Karina! Para sayo.” Usual morning yan ni Karina habang papasok sa klase niya. Pero dahil February ngayon, dumoble ata ang nagbibigay sa kaniya ng kung ano ano sa bawat pag pasok niya sa klase.

 

 

Ngumiti lang si Karina dito at inabot ang ibinibigay ng student. Umalis na rin agad si Karina after niyang mag thank you dito.

 

 

“Hays.” Napa sigh na lamang siya ng makaupo sa tabi ni Ningning.

 

 

“Aga aga parang buong araw na yung nakalipas, 8AM pa lang naman Rina, kung maka hinga ka dyan parang pagod na pagod ah.” sabi ni Ningning dito habang ipinapatong ang kamay sa mesa at sumandal dito bago muling tumingin kay Karina.

 

 

“Nakakairita kaya. Ang daming stops yun bago ako makarating dito. Tsaka pano ko ba iuuwi to lahat? Ang bigat kaya.” Reklamo ni Karina habang turo ang isang malaking paper bag na puno ng mga bulaklak, chocolates, at kung ano ano pa.

 

 

“Ang hirap maging maganda at mabait noh?” Asar ni Ningning sa kaibigan.

 

 

“Oo pero nakakapagod na rin. Advantage din naman basta ba maging fans ko sila pag naging artista na ako. Pero ngayon? Sobrang nakakapagod. Maghanap na ba ako ng jowa para may bumakod na sakin?” Arts, Film, and Visual Studies ang course nila ni Ningning at balak ni Karina maging Actress, habang si Ningning naman ay gusto maging Singer at Song Writer.

 

 

Napalakas naman ang tawa ni Ningning dahil sa nasabi ni Karina due to her frustrations. Napatingin din ang mga kaklase nila sa kanila dahil dito. Waiting pa sila sa prof nila at running late nanaman ata ito as usual kaya nakakapagingay sila ng ganito.

 

 

“Balak mong mag artista for the next few years or even for the rest of your life tapos jowa ang hanap mo? Asawa ang kailangan mo Rina.” Sabi ni Ningning habang tuloy tuloy na tumatawa. Napapaisip na tuloy si Karina kung nababaliw na rin ba si Ning dahil sa mga inaakto niya pero medyo sane pa naman siya kanina.

 

 

“Naka inom ka ba ng gamot mo kanina Ning? Sinasapian ka nanaman, hindi naman natin acting class ngayon.” Napakaseryoso ng pagkakasabi ni Karina kaya tuloy tuloy pa rin ang tawa ni Ningning habang nakahawak na sa tiyan nito.

 

 

“Ansakit ng tiyan ko sayo Rina, bat ba ganyan yang humor mo!” Umiling na lang si Karina at napalingon sa pinto ng classroom kung nasaan sila. Napatingin siya doon sa dalawang taong parang nagaaway sa tapat ng klase nila.

 

 

“Ning kilala mo ba yun?” Turo ni Karina doon sa tinitignan niyang nasa tapat ng classroom nila. Tumungo naman ang tingin ni Ningning sa tinuro ni Karina.

 

 

“Alin dyan? Si Wonyoung ba? Kasama yan ni Giselle sa SG, 2nd Year Student Representative.” Sagot ni Ningning sa kaniya.

 

 

“Siya ba yung maikli yung buhok?” Tanong uli ni Karina.

 

 

“Ahh, yun ba yung tinatanong mo?” Balik uli ni Ning kay Karina.

 

 

“Oo, taga anong department yan, tsaka anong year? New student ba yan o transferee? Bakit ngayon ko lang siya nakita?” Sunod sunod na tanong ni Karina na hindi pa rin tinatanggal ang tingin sa labas kung nasaan ang tinutukoy niya.

 

 

Dahan dahang ngumisi si Ning ng nakakaloko kay Karina at sinundot ang tagiliran nito. Napatalon naman sa upuan niya si Karina, kiliti niya kasi yun. ”Ikaw Rina ah. Di mo naman sinabing interested ka kay taglamig season.”

 

 

Napakunot naman ang noo ni Karina sa sinabi ni Ningning. “Taglamig season?” Yun pa talaga ang napansin niya out of all the things Ning said.

 

 

“Oo, Winter kasi name niya, same sa ugali. Currently 3rd Year yan from Business Ad and Management.” Napa ohh naman si Karina sa mga nalaman niya kay Ningning.

 

 

“May jowa na yan?” Natawa muli si Ningning. Nakakarami na nga ito sa kakatawa. Pati mga kaklase nilang nakakarinig ay nagtataka na rin, yung iba naman kinakabahan na. Nagiiba kasi ang kilos ni Ningning kapag masyado siyang hyped up. Yung feeling na ecstatic, ganun? Ganyan siya kapag nakakain ng matatamis, lalong lalo na kapag nakatanggap siya ng chocolate galing kay Giselle. Crush na crush niya kasi si Giselle, tapos lagi pa siyang binibigyan ng chocolates galing Japan, ayan tuloy naaaning na naman siya.

 

 

“Sa tingin mo may jowa na yang si Winter? Wala nga atang kaibigan yan dito sa school.” Sabing muli ni Ning kay Karina. Paalis na sila Winter at Wonyoung pero mukhang hindi pa rin sila tapos magdiskusyon.

 

 

Napatigil na rin sila sa pagdadaldalan nang dumating na ang prof nila.

 

 

 

 

“Ate Winter please? Sige na po, gagawin ko ang lahat ng gusto mo, sumali ka lang po dun sa band. Ngayon lan

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
reesedrax
MB UD soon 😬

Comments

You must be logged in to comment
asdfghjklmaeee
157 streak #1
Chapter 21: Awww you're back ☺ Na miss ko ang mag misis na 'to hihi. Thanks po sa update ❤
yujiwinteo
67 streak #2
Chapter 21: Sav and bruhilda cameo?? Namiss ko lang sila lalo 😭
zxyhruu #3
Chapter 21: yayyyyy ang cute ><
reveluv316 793 streak #4
sounds cute
iamriou_
1174 streak #5
Chapter 21: Sino yung bagong dating at ano ang magiging ganap niya =____= fsdjkalfjlkdsj anyways nakaka-kilig ang mag-misis 😭
GreasyNamIdiot
#6
Taga Pampanga ka ba?
Etoile__
362 streak #7
Chapter 21: 🥰🥰🥰🥰
LetterK
#8
Chapter 21: LETSSS GOOOOO ILYILY AUTHOR THANK YOU
Jaeeeeee_
209 streak #9
Chapter 21: Yes! Namiss ko sila 😭😭

OMG the crossover! Muntik ko pa i bash si Savie, may Bing na siya kaya Safe 🤣 So lilipad sila sa SG for Savies birthday????
Dyosabear #10
Chapter 21: OMG! Welcome back magmisis! 🥹🥹🥹