Keeping up!

Marriage Booth
Please Subscribe to read the full chapter

Karina was in deep slumber with the thought of being alone in her own room, which is not. She moved to face the left side of the bed and hugged a pillow as she assumed it was, not until it hugged her back.

 

 

‘Huh?’

 

 

Dahan dahang minulat ni Karina ang mga mata nito only to see Winter's neck. Magkayakap na kasi sila ngayon, nakasandal pa nga ang ulo ni Karina sa bisig ni Winter habang ang isang kamay naman nito ay naka yakap kay Karina.

 

 

Tinitigan lang ni Karina ang mukha ni Winter, as if memorizing each feature she sees in her wife's face. She even traced Winter's jawline with her finger tips.

 

 

‘Thank you Lord, kung hindi siguro hinila ni Ningning itong si Winter during that day, baka sa ibang mukha ako gigising araw araw at hindi sa poging mukha ng asawa ko ngayon.’ Naiusal na lamang ni Karina sa isip niya.

 

 

Oo nga naman, kung siguro yung naunang nanghila sa kanya ang naikasal kay Karina that foundation week, baka nagsisisi siya ngayon. But with her current situation, she was rather thankful.

 

 

“You like staring a lot. Baka matunaw nako nyan.” Biglang sabi ni Winter na ngayon ay naka tingin na rin kay Karina. Hindi nito namalayang magkatitigan na pala sila habang lumilipad ang isip niya kanina.

 

 

“Kung ganyang mukha ba naman kasi ang makikita ko sa paggising ko, I would really stare.” Sagot ni Karina bago isiksik muli ang sarili sa leeg ni Winter.

 

 

She's now fighting back, simula kasi noong nangyari yung kagabi, sinabi ni Karina sa sarili niyang hindi na siya magpapatalo. Hindi siya weak! Sadyang natemp lang siya kagabi kaya medyo nanghina ang mga tuhod niya. Oo, parang ganun na nga.

 

 

Natawa na lamang si Winter sa asawa nito.

 

 

“We should get up, I called a moving truck for your things and they'll be here in an hour.” Sabi ni Winter habang sinusubukang kumawala sa yakap ni Karina para bumangon.

 

 

“5 minutes, asawa ko.” Sagot ni Karina at hinila itong muli sa kama kaya naman ay wala na ring nagawa si Winter kundi ang humigang muli. Naka dagan na rin kasi si Karina sa kaniya para pigilan itong tumayo uli.

 

 

“5 minutes is done, misis. We should get up.” Tinignan naman ni Winter ang naka tulog na uling asawa nito. Tinapik tapik niya naman ito ng mahina sa pisngi para kahit papaano ay magising na ulit.

 

 

“Hmm..” Tanging ungot lamang ang naisagot ni Karina. Inaantok pa kasi talaga siya dahil 6:00 AM pa lang.

 

 

“Bangon na, misis.” Muling sabi ni Winter at nanatili lamang ang asawa nitong naka hilig sa katawan niya.

 

 

“Hmp!” Sagot uli ni Karina at mas lalo pang sumiksik sa katawan ni Winter. Halos pumatong na nga ito sa asawa dahil ayaw niyang bitawan ang mainit na katawan ni Winter. Masyado kasing malakas ang aircon dahil masyado ring naging mainit ang gabi nila kagabi.

 

 

“Katarina Jimin Kim, I know you're awake.” Pagtawag muli nito kay Karina. Binuo pa nga ang pangalan, she's trying to threaten her wife kasi. But rather than feeling threatened, Karina felt giddy.

 

 

“I'll count to three, pag hindi ka pa bumangon hahalikan kita ulit.” Napamulat naman si Karina sa offer ni Winter. Tinignan nito ang asawa at agad na ngumiti.

 

 

“Okay!” Masiglang sabi nito habang lumalapit pa lalo sa mukha ni Winter na agad din naman nitong naiwasan.

 

 

“Is this how I'm supposed to wake you up everyday?” Natatawang sabi ni Winter habang bumabangon na, natanggal na kasi niya ang asawang kanina pang dikit ng dikit sa kaniya at ngayon ay naka pout na habang masama ang tingin sa kaniya nito.

 

 

“Yes, and its a must.” Sagot pa ni Karina at nagcross arms pa, as if trying to prove her point.

 

 

“What is?” Pagtatanong naman ni Winter dito bago pumasok sa banyo ng kwarto ni Karina.

 

 

“Kissing me to wake me up!” Sigaw ni Karina dahil naisara na ni Winter ang pinto ng banyo.

 

 

Makalipas ang 10 minutes ay lumabas na ang bagong toothbrush at bagong hilamos na si Winter. Medyo basa pa rin nga ang buhok nito dahil nabasa nang magbanlaw siya ng mukha. Buti talaga at lagi itong may dalang hygiene kit, kaya kumpleto pa rin ang skin care routine at hygiene essentials nito kahit na nasa ibang bahay siya ngayon. 

 

 

Lumapit ito kay Karina na kasalukuyang nasa kama pa rin at nagcecellphone. Sumilip si Winter dito at nakitang kausap nito ang mga kaibigan niya.

 

 

“Here.” Sabi ni Winter na ikinatingin ni Karina sa katabi.

 

 

“Ha?” Sagot ni Karina rito. Akmang babalik na uli ito sa pagmemessage sa mga kaibigan matapos na hindi makarinig kaagad ng response kay Winter ay agad naman itong hinawakan ni Winter sa baba.

 

 

She kissed her.

 

 

Winter did, but not as intense as yesternight. Rather, it was a soft one this time. Either way, Karina liked it, it's still Winter's kisses anyway.

 

 

Nang maghiwalay ang pagkakalapat ng mga labi nila ay lumabas na rin kaagad ng kwarto si Winter. Baka kasi kung saan na naman sila umabot. Pero bago tuluyang maisara ang pinto ay pinagbilinan muna nito ang asawa na magayos na dahil papunta na raw ang moving truck at team nito para maglipat ng mga gamit ni Karina.

 

 

 

 

 

Mabilis lang ang naging paglipat nila Karina at Winter sa bago nilang bahay. Marami rin kasing kinuhang tao si Winter para isahang punta na lamang at hindi na kailangan pang bumalik pa uli ang mga ito sa apartment ni Karina.

 

 

Ang mga gamit naman ni Winter ay dinala ng mga tauhan ng lolo nito kaya ay halos sabay lang din nang matapos magayos si Winter at Karina ng mga gamit nila. Tinulungan din kasi sila ng mga naglipat ng mga gamit nila kaya ay napabilis ng sobra ang pagaayos.

 

 

As for Karina's apartment itself, ginawa niya itong paupahan at kasalukuyang hinahanapan ito ni Wendy ng uukupa. Nasabi na rin niya ito sa mga kaibigan para sana maikalat. Nagtaka naman ang mga ito at agad na napatanong kung bakit siya lilipat.

 

 

Samu’t saring sermon ang narinig ni Karina kila Yeji, Giselle, Ning, at Chaewon through video call. Hindi pa kasi nito nasasabi ang tungkol sa kanila ni Winter, kaya nang magsabi ito ng dahilan kung bakit siya lilipat ay agad na napatawag ang mga ito. They even wanted to meet right that moment para marinig mismo ng personal ang paliwanag ni Karina.

 

 

Agad naman itong humindi dahil naglilipat nga sila. But she promised to bring Winter the next time para makilala ng mga kaibigan, pumayag din naman ang asawa niya rito.

 

 

Nakaayos na ang lahat at ngayon naman ay nililibot nila ang bahay. Hindi kasi nila ito nagawa kanina ng maayos dahil kailangan nilang matapos kaagad ang pagaayos ng mga gamit nila. Masters bedroom at walk-in closet lang ang halos na explore ng dalawa dahil doon lang naman nila ilalagay ang mga gamit at damit nilang mahahalaga.

 

 

Tulad ng pangako ng lolo Minseok nila, fully furnished ang bahay. Kumpleto ito mula sa mga appliances hanggang sa mga furnitures. Kaya manghang mangha ang mga ito habang nagiikot sa bahay.

 

 

“Let's check the 2nd floor Minjeong!” Sabi ni Karina habang hila hila si Winter papunta sa 2nd floor ng bahay nila.

 

 

Naikot na nila ang first floor. Living area, kitchen and dining area, storage room, at isang office lang naman ang naririto. Ipinasadya talaga ng lolo ni Winter ang office sa bahay nila para kapag may mga okasyong kailangan siya sa bahay ay doon na lang ito magtatrabaho.

 

 

Excited na nagtungo si Karina sa isang kwarto na nasa 2nd floor ng bahay nila. It's the guest room. Minimalist ang style ng bahay nila kaya gandang ganda ito sa design. Nagbukas uli ito ng isa pang pinto at guest room uli ang bumungad kaya sinara na lang uli ni Karina.

 

 

Isang pinto na lang ang mayroon bukod sa master's bedroom na kalapit lang din nito. Binuksan naman ito ni Karina at nagulat sa nakita. Hindi niya kasi ineexpect na may ganoong kwarto na agad ang bahay nila.

 

 

“Minjeong, look!” Agad namang lumapit si Winter dito at nagulat din sa nakita. Napasapo pa nga ito sa noo niya.

 

 

“This is definitely Lolo's doing.” Sabi pa ni Minjeong. Aktong tatawagan ang lolo nito ay hinila na lamang siya ng asawa sa loob ng kwartong tinutukoy nila.

 

 

“It's cute!” Karina said eyeing the Nursery Room that is already complete of baby stuffs. Neutral colors lang din ang k

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
reesedrax
MB UD soon 😬

Comments

You must be logged in to comment
asdfghjklmaeee
158 streak #1
Chapter 21: Awww you're back ☺ Na miss ko ang mag misis na 'to hihi. Thanks po sa update ❤
yujiwinteo
67 streak #2
Chapter 21: Sav and bruhilda cameo?? Namiss ko lang sila lalo 😭
zxyhruu #3
Chapter 21: yayyyyy ang cute ><
reveluv316 793 streak #4
sounds cute
iamriou_
1174 streak #5
Chapter 21: Sino yung bagong dating at ano ang magiging ganap niya =____= fsdjkalfjlkdsj anyways nakaka-kilig ang mag-misis 😭
GreasyNamIdiot
#6
Taga Pampanga ka ba?
Etoile__
362 streak #7
Chapter 21: 🥰🥰🥰🥰
LetterK
#8
Chapter 21: LETSSS GOOOOO ILYILY AUTHOR THANK YOU
Jaeeeeee_
209 streak #9
Chapter 21: Yes! Namiss ko sila 😭😭

OMG the crossover! Muntik ko pa i bash si Savie, may Bing na siya kaya Safe 🤣 So lilipad sila sa SG for Savies birthday????
Dyosabear #10
Chapter 21: OMG! Welcome back magmisis! 🥹🥹🥹