You're my what now?!

Marriage Booth
Please Subscribe to read the full chapter

7 years later..

 

 

“And.. cut!” Sigaw ng director. Last scene na yun ng film ni Karina na ipapalabas after a few months.

 

 

“It's great working with you, Karina.” Sabi ng director at tinapik ang balikat nito.

 

 

“The staff made it easier to work din naman kasi Direk.” Sabi nito at ngumiti. “Oh siya, sige umuwi ka na at magpahinga. It has been a long day.” dagdag pa nito.

 

 

Kanina pa kasi nagpaalam si Karina na uuwi at hindi makakasama sa after party to celebrate finishing their shoot. Naibigay na rin naman niya yung mga token na inihanda niya para sa mga staff kaya pwede na siyang umuwi.

 

 

Pumunta na ito sa tent na assigned para sa kaniya, at nang hindi makita ang manager nito ay agad agad niya itong tinawagan.

 

 

“Ate Wendy nasaan ka po?” Tanong ni Karina nang sagutin ng manager niya ang tawag.

 

 

“Andito sa parking, kinukuha ko na yung sasakyan, wait mo na lang ako sa tent.” Sagot ni Wendy at ibinaba na ang tawag.

 

 

Nagpalit naman muna si Karina ng damit. Paglabas nito ay nandoon na ang manager niya at inaayos ang mga gamit niyang iuuwi nila. Tinulungan na rin niya ito para mas mabilis, uwing uwi na rin kasi si Karina.

 

 

After 10 minutes, maayos na ang lahat at nasa sasakyan na sila.

 

 

“Nga pala Rina, tumawag ang mommy mo kanina.” Pagsisimula ni Wendy, gayun din ay nagstart nang umandar ang sasakyan. Agad namang nabaling ang atensyon ni Karina sa manager niya nang mabanggit nito ang pagtawag ng magulang kanina.

 

 

“Ano po ang sabi ate?” Sabi ni Karina habang nakatingin ng masinsin kay Wendy.

 

 

“Idiretso daw kita ng hatid sa bahay ninyo, may kailangan daw silang sabihin sayo. Mahalaga daw.” Tuloy tuloy na pagsasalita ni Wendy habang binabagtas ang daan patungo sa bahay ng magulang ni Karina imbis na sa apartment niya.

 

 

Simula nang grumaduate kasi ito at nagkatrabaho ay hindi na ito tumitira sa bahay nila. Gusto niya raw kasi yung may sarili siyang space dahil mas payapa. Medyo makulit kasi yung mga magulang niya at laging naghaharutan sa bahay kaya madalas ay humihingi ito ng peace of mind.

 

 

“Okay po ate.” Napaisip naman ito na baka namimiss na siya ng mga magulang niya, ilang araw na rin kasi itong hindi nakakauwi para dumalaw dahil sa shooting nilang may kalayuan sa bahay nila.

 

 

Huminto na ang sasakyan sa tapat ng isang mansion na pagmamay-ari ng mga Yu. Bumaba na rin si Karina, at bago isarang muli ang pinto ay nagpaalam muna ito sa manager niya.

 

 

“Ingat sa paguwi ate Wendy!” Ngumiti naman ang manager niya saka niya sinara ang pinto. Nang unti unti nang naglaho ang sasakyan na minamaneho ni Wendy, saka palang ito pumasok sa loob.

 

 

“Mom?” Imbis na ang Mommy ni Karina ang sumalubong sa kaniya, kasambahay nila ang nakita nito.

 

 

“Andito na po pala kayo, ma'am.” Bati nito sa kaniya.

 

 

“Andyan po ba sila Mommy?” Tanong ni Karina at inilagay na ang suot suot na sandals sa shoe rack nila.

 

 

“Opo ma'am, nasa kusina na po ang mommy at mom ninyo.” Sagot muli ng kasambahay nila kay Karina.

 

 

“Sige po, puntahan ko na po sila.” Pagpapaalam nito sa kasambahay. Mabait na bata yan si Karina, nasanay nang gumalang kaya kahit na kasambahay pa ang kaharap nito ay nagsasabi pa rin ito ng po at opo.

 

 

Napadaan si Karina sa living area nila, wala namang bago bukod sa mga bulaklak na naka lagay sa mga mamahaling vase ng mommy niya.

 

 

Bago pa makarating si Karina sa kusina ay narinig na niya ang hagikgikan ng mga magulang. Sumandal nalang ito sa pader para pagmasdan sila na ikinatuwa naman ng puso niya. Ilang taon na kasing kasal ang mga magulang niya pero wala paring pinagbago ang pagmamahalan at kaharutan nila.

 

 

“Anak!” Sigaw ng mommy Jisoo nito nang mapalingon siya sa gawi ni Karina.

 

 

“Hay nako mommy, akala ko di na kayo titigil sa harutan niyo ni mom eh.” Pagrereklamo nito kahit na malawak naman ang ngiti habang papalapit sa mommy Jisoo niya at saka yumakap.

 

 

“Ito kasing mommy mo eh.” Sabat pa ng isa pang mom ni Karina na si Lisa bago nakisama na rin sa yakapan ng dalawa.

 

 

“May sinasabi ka ba Lalisa?” Humarap pa si Jisoo dito nang nakakunot ang noo.

 

 

“Wala po.” Sagot ni Lisa habang tila tinatanggal ang kunot sa noo ng asawa bago ito halikan doon.

 

 

“Under.” Bulong ni Karina kaya nakatanggap naman ito ng glare mula kay Lisa at malalakas na tawang may kasama pang hampas naman ang mula kay Jisoo.

 

 

Bumitaw na rin sila at nagsiupo na para kumain. Casual lang silang nagkekwentuhan ng mga ganap nila sa buhay, catch up lang at rants mula sa trabaho at araw araw nilang buhay.

 

 

“Nga pala anak, wala ka pa bang jowa?” Nasamid naman agad si Karina sa kinakain nito dahil sa tanong ni Lisa. Agad naman siyang inofferan ng tubig ni Jisoo at ininom ito.

 

 

“A-ano po?” Pagtatanong ni Karina nang mahimasmasan na ito mula sa kakaubo.

 

 

“Jowa kako, wala ka pa rin ba?” Paguulit ni Lisa. Napatawa naman si Karina dahil sa tanong nito.

 

 

“Mom, seriously? Jowa? I don't need one.” Sagot nito at ipinagpatuloy ang pagkain.

 

 

“Kung wala kasi, iaarrange ka na namin ng mommy mo dun sa anak ng bestfriends namin. It's a promise made by us during college, at dahil wala ka namang jowa, tutuparin nalang namin.” Casual na sabi ni Lisa na parang wala lang.

 

 

“Okay po.” Sagot muli ni Karina. Hindi pa rin kasi nagsisink in yung mga pinagsasabi ng mom niya, kaya walang malay ito sumagot.

 

 

Walang hinga hinga, oo agad. Nagtaka rin sila Lisa at Jisoo sa sagot nito pero itinuloy nalang nila, baka bawiin pa! Gusto na rin nila magka apo noh? Lagi na kaya silang iniinggit ng mga kumare nila, kesyo umingay na daw ang mga bahay nila mula nung nagkaapo sila, ang iba naman ay binabrag pang nakapaglakad na nang dalawang hakbang ang apo, o nabigkas na ang salitang mama. Marami pang iba, kaya itong si Lisa at Jisoo, gusto na ring magkaapo sa anak.

 

 

“Since alam naming busy ka, si Wendy na ang pagasikasuhin mo ng documents ha?” Wala pa rin sa wisyo si Karina pero medyo nagsisink in na.

 

 

“Po? Arranged? Mom naman!” At ayun na nga, saka niya lang nagets after a few minutes. Nacontact na nga rin ni Jisoo si Wendy about dun sa mga documents na sinabi ni Lisa. For sure kasi, malilimutan yan ni Karina.

 

 

“Umoo ka na nga eh, wala nang bawian.” Pangaasar ni Lisa.

 

 

“Mommy!” Pagtawag nito kay Jisoo na para bang humihingi ng tulong para ipagtanggol siya sa mom niya.

 

 

Tumingin lang sa ibang direksyon si Jisoo para kunyari ay hindi niya ito naririnig. Wala nang nagawa si Karina kundi magwhine na lamang sa hapag.

 

 

“Huwag kang magalala, may itsura naman yun. Baka nga ideal type mo pa eh.” Lisa nudged her daughter who's still visibly irritated and sulking.

 

 

Napairap nalang si Karina at tinapos na ang pagkain.

 

 

“Akyat na po ako.” sabi nito at pumunta na sa kanyang kwarto dito sa bahay nila.

 

 

Malinis pa rin naman ang kwarto ni Karina dito, di kasi yun pinapabayaan ng mga mommy niyang hindi nalilinisan everyday. Ganun pa rin naman ang setup ng kwarto niya, at may mga damit pa rin siya dito kahit may sarili na siyang tinutuluyan. Para kapag uuwi siya dito, may masusuot siya. Pati ibang gamit niya noong bata pa siya ay nandoon pa rin, pati yung mga gamit niya noong college.

 

 

Nakuha ng atensyon ni Karina ang isang box sa tuktok ng shelf niya. Inabot niya ito at ipinatong sa kama niya saka umupo sa tapat nito. Binuksan niya yun at bumungad sa kanya ang printed pictures nila noong huling foundation week niya as a college student.

 

 

Isa isa niyang tinignan ang mga pictures at hindi nito maiwasang mapangiti sa nakikita, hanggang sa maubos ang hawak nitong pictures. Tumingin muli ito sa loob ng box at nakita ang pinakatatago niyang singsing. Oo, hindi tinapon ni Karina ang singsing nila ni Winter nung araw na yon. Actually, sinusuot niya pa rin yun, hindi nga lang sa kamay. Nilagay ito ni Karina sa isang kwintas, mahirap na kasi, baka kung ano anong issue ang lumabas kapag nakita siyang may suot na singsing.

 

 

Kinuha nito ang singsing at ang picture nila ni Winter habang humahalik ito sa noo niya. Kuha yun ni Ning at ibinigay lang ang picture na yun sa kanya nung graduation rites nila. Regalo daw ni Ningning sa kanya.

 

 

Kinilig naman si Karina sa pagrereminisce niya, pero agad din naman itong napawi nang maalalang iaarrange siya ng mga magulang sa anak ng bestfriends nila. Paano nalang kung hindi niya naman talaga yun type? Eh si Winter lang naman yung nakakuha ng atensyon niya all her life. Oo, buong buhay ni Rina, si Winter at si Winter lamang ang naging crush niya. Kaya talagang nanghihina siya sa pagiisip na ikakasal siya sa iba.

 

 

“Ayoko nang magisip, bakit pa ako magiisip kung pwede ko namang itulog.” Sabi pa ni Karina sa sarili nang ilapag niya sa sahig ang box saka umayos ng higa. Higit higit pa niya sa dibdib ang singsing nila ni Winter bago tuluyang nakatulog.

 

 

 

“Lolo! Hindi naman kasi ganun kadali yun!” Sagot ni Winter sa lolo niyang sinusundan siya papunta sa kwarto niya.

 

 

“Apo naman, matanda na ako pero ni isang anino wala kang dinala dito. Kailan ka ba hahanap ng mapapangasawa mo?” Sabi nito kay Winter. Sa lolo niya siya nakatira mula nung mawala ang mga magulang niya noong 14 years old siya.

 

 

“Lo, hindi ko kailangan niyan.” Hinarap na ni Winter ang lolo niya at hinila ito pabalik sa living room kung saan din naman silang pareho galing.

 

 

“Kailangan mo yan. Sino nalang ang magaalaga sayo pag nawala na ako?” Napahinto naman si Winter sa paglalakad dahil sa sinabi ng lolo niya.

 

 

“Hindi ka mawawala, lo.” Sagot nito at muling nagtungo papunta sa living room nila.

 

 

“Minjeong.” Pagtawag ng lolo ni Winter sa kanya. Napaiwas naman si Winter ng tingin dahil naluluha na siya. Ayaw na ayaw niya kasing topic yung pagiwan at pagkamatay, natatakot siya.

 

 

“I'm sorry, apo.” Yumakap ang lolo niya sa kanya at doon na tuluyang bumuhos ang mga luhang kanina pa niya pinipigil.

 

 

“H-huwag mo akong iiwan, lo. Please?” Malalakas na hikbi ang maririnig sa buong living room.

 

 

“Tahan na, Minjeong. Tahan na.” Tinapik tapik naman ng lolo niya ang likod ni Minjeong kaya kumalma na rin ito.

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
reesedrax
MB UD soon 😬

Comments

You must be logged in to comment
asdfghjklmaeee
157 streak #1
Chapter 21: Awww you're back ☺ Na miss ko ang mag misis na 'to hihi. Thanks po sa update ❤
yujiwinteo
67 streak #2
Chapter 21: Sav and bruhilda cameo?? Namiss ko lang sila lalo 😭
zxyhruu #3
Chapter 21: yayyyyy ang cute ><
reveluv316 793 streak #4
sounds cute
iamriou_
1174 streak #5
Chapter 21: Sino yung bagong dating at ano ang magiging ganap niya =____= fsdjkalfjlkdsj anyways nakaka-kilig ang mag-misis 😭
GreasyNamIdiot
#6
Taga Pampanga ka ba?
Etoile__
362 streak #7
Chapter 21: 🥰🥰🥰🥰
LetterK
#8
Chapter 21: LETSSS GOOOOO ILYILY AUTHOR THANK YOU
Jaeeeeee_
209 streak #9
Chapter 21: Yes! Namiss ko sila 😭😭

OMG the crossover! Muntik ko pa i bash si Savie, may Bing na siya kaya Safe 🤣 So lilipad sila sa SG for Savies birthday????
Dyosabear #10
Chapter 21: OMG! Welcome back magmisis! 🥹🥹🥹