More passion, more energy

Marriage Booth
Please Subscribe to read the full chapter

Karina woke up the next day feeling so energized. Naka ngiti pa nga ito nang magising, like it was the most natural thing to do as soon as she woke up. Paano ba naman, umuwi yan kagabing hatid hatid ng part time asawa full time crush niya. At nang makauwi rin si Winter ay nagkatext pa sila bago matulog. Oo yang anteh niyo lumevel up pa uli kagabi, magkatext na sila!

 

 

“Good morning, ate Wendy!” bati ni Karina sa manager niyang kakatok pa lamang sana sa pinto ng apartment niya. Nagulat pa nga ito dahil sa biglaang pagbukas ng pinto kasabay ng pagsigaw ni Karina ng good morning.

 

 

“Hmm? Anong ganap? Ang taas ata ng energy mo ngayon Rina?” Tanong ni Wendy. Pababa na rin sila papuntang parking area, may photoshoot kasi ngayoni si Karina sa isang brand na ineendorse din niya.

 

 

“Guess what ate..” Excited na excited si Karina na magkwento, nagpopause pa nga siya for suspense daw. Suspense eh kitang kita naman sa mukha niya yung kilig! Para saan ang suspense don??

 

 

“Pamilyadong tao nako!” Nagtatatalon pa nga ito at umikot ikot nang makalabas sila sa elevator. Buti nalang talaga at maaga pa, wala pang katao tao sa parking space ng building ni Karina.

 

 

“What do you mean by that Rina?” Nagtatakang tanong ni Wendy habang binubuksan ang kotse para makasakay na sila.

 

 

“Legal na kami ni Winter sa parents ko at sa lolo niya! Isn't it amazing?” Ngiting ngiting pamamalita ni Karina sa manager niya, ginaya pa nga nito si Kim Chiu sa huling phrase na sinabi nito.

 

 

“How did that happen overnight?” Sinimulan nang paandarin ni Wendy ang sasakyan nila patungo sa venue kung saan gaganapin ang shoot ni Karina. Habang nasa byahe ay naexplain naman ni Karina ang mga kaganapan kagabi.

 

 

“And now that we're legal na sa mga parents and guardians namin, they wanted us to live together since we're married na rin naman. Lolo Minseok had also given us a house, Minjeong told me last night that we could move in anytime!” napatili pa nga ito nang maalala ang conversation nila ni Winter kagabi bago sila matulog.

 

 

“That's great news, Rina. But, I think you guys need to keep it as a secret muna, your relationship that is.” Wendy said, parking the car at the parking space reserved for them.

 

 

Nasabi iyon ni Wendy dahil napansin kasi nito ang singsing na suot suot ni Karina sa palasingsingan niya. For Wendy, it was a new ring she never saw Karina wore. But it was the wedding ring Karina kept all these years and now is the first time she's wearing it in public.

 

 

Napahawak naman si Karina sa singsing niya. Hesitant and thinking whether to follow her manager or not.

 

 

“Rina, the film you just finished shooting last month will premiere soon. It will only ruin your career if you'll hint or even reveal to the public that you're currently in a relationship, moreso married.” Litanya ni Wendy kay Karina. Nakatingin lang ito sa singsing niya.

 

 

“Ate Wendy~.” She whined, protesting a little more but still followed what her manager suggested. Muli na lang nitong ibinalik sa kwintas ang singsing niya kahit na labag sa loob nito.

 

 

Bumaba na sila ng sasakyan at nagayos na upang makapaghanda sa photoshoot na gagawin nila in a few.

 

 

 

 

“Apo, have you told your wife about the house? The papers are all set and done, it just leaves you and your wife to move in.” Sabi ng lolo ni Winter.

 

 

Kasalukuyang kumakain ng breakfast si Winter at ang lolo nito. May pasok kasi si Winter ngayon at ang lolo naman nito ay may kailangan ding asikasuhing appointment ngayong araw kaya sabay silang kumakain ngayon. Kadalasan kasi ay gabi lang sila nagsasabay, kapag ka naka uwi na si Winter galing sa opisina.

 

 

“Opo, I told her already last night.” Sagot naman ni Winter bago muling sumubo para kumain.

 

 

“Good! It’s a very accessible location so you both don't have to worry. But when are you planning to move in?” Pagtatanong muli ni Minseok sa apo nito. Excited na kasi ang lolo niyo para sa dalawang apo na niya ngayon. Mas excited pa doon sa mismong titira sa bahay.

 

 

“I told her already that we could move in anytime po. But I'll ask her later after our work for a specific date.” Winter finished her food and started preparing for work. Itutuloy nito ang work na sinubukan niyang tapusin bago magpunta sa meet up turned aminan sesh nila kagabi.

 

 

Pagkarating ni Winter ay agad itong sinalubong ng kanyang secretary na si Joy.

 

 

“Ms. Kim, here's your schedule for today.” Panimula ni Joy bago ilatag ang schedule ni Winter para sa magdamag. Pinahapyawan rin nito ang mga importanteng meeting nila sa mga susunod na araw para ready si Winter.

 

 

“Ate Joy, diba sabi ko Winter nalang po?” Natawa naman si Joy sa reaksyon ni Winter. Lagi kasing tinatawag ni Joy si Winter as Ms. Kim, para daw professional. Pero ayaw kasi ni Minjeong yun. Bukod sa mas matanda si Joy, close din naman kasi sila. At isa pa, intern din kasi si Joy ni Jennie noong mga panahong si Jennie pa ang naghahandle ng company nila kaya familiar na din si Minjeong sa kanya.

 

 

“Sige basta in private lang ha? Ms. Kim pa rin ang itatawag ko sayo sa public.” Sagot ni Joy kay Winter at tuluyan na silang pumasok sa opisina ni Minjeong.

 

 

“Oo nga pala, pumunta rito si Minju kagabi, hinahanap ka. Sinabi ko na lang na may pinuntahan kayo ni Chairman.” Umupo na si Winter sa swivel chair niya at si Joy naman ay nanatiling naka tayo sa harap ng lamesa nito.

 

 

“May nabanggit po ba siyang kailangan niya kung bakit ako hinahanap?” Pagtatanong muli ni Winter habang sineset up ang computer at ipad nito.

 

 

“Wala naman. Umalis din siya kaagad after malaman na umalis ka.” Tumango lamang si Winter at umalis na rin si Joy dahil maguumpisa na sila sa pagtatrabaho.

 

 

Napatingin si Winter sa notification na lumitaw sa ipad nito.

 

 

Meeting for the Winter Collection

8:30 AM @ Meeting Room A

 

 

Kinuha na ni Winter ang mga kailangan niya at agad na rin silang pumunta ni Joy sa meeting room.

 

 

“Good morning, Ms. Kim.” Bati ng mga empleyado nila habang nagsisiupo na rin ang mga ito sa mga pwesto nila. Ngayon kasi ang presentation ng mga collection na ilalabas nila sa darating na winter season. Pipili rin sila ngayon ng ilang brand ambassadors para irepresent ang mga ito.

 

 

“For the brand ambassadors po..” Napahinto ang nagpepresent sa harap, kinakabahan sa magiging reaksyon ng CEO nila.

 

 

“Si C-chairman Minseok po ang nagdecide.” Pagtutuloy nito. Winter had a bad feeling about this. At mukhang tama nga siya.

 

 

“We'll be having Ms. Karina Yu po for the couple collection.” Natahimik naman ito after. Hindi sigurado kung itutuloy ang kasunod na sasabihin. Habang si Winter naman ay naging alerto nang marinig ang pangalan ng asawa.

 

 

“And? Who's the other one?” Pagtatanong ni Winter, a whole one minute na kasi ang naka lipas pero naka tingin lang ito sa ibaba.

 

 

“K-kayo po Ms. Kim. Wag daw pong babaguhin sabi ni Chairman.” Napatingin naman silang lahat kay Winter.

 

 

Napahawak na rin ito sa kanang sentido niya, hindi kasi ito nagmomodel. May itsura si Winter, maganda rin ang katawan pero never niyang inisip na magmomodel siya ever. Nasanay kasi itong mga dokumento, numero, at computer ang kaharap.

 

 

Napahingang malalim naman ito bago humarap muli sa nagpepresent.

 

 

“Sige. Continue.” Muli nang tinuloy ang presentation. All in all, okay naman, magaganda ang designs, sikat ang mga kukuning ambassadors. Ang problema lang talaga ay yung kay Winter.

 

 

Pagkabalik na pagkabalik ni Winter sa opisina ay tinawagan nito ang kanyang lolo. Naka ilang ring din bago ito nasagot.

 

 

“Oh, apo! How's the meeting?” Narinig pa ni Winter na natatawa ito sa kabilang linya.

 

 

“Lo why did you do that? Alam niyo naman pong ayaw ko ng atensyon. Hindi ko po kayang magmodel!” Sabi ni Winter bago sumalampak sa sofa ng opisina niya.

 

 

“Apo! Sayang ang genes natin kung hindi mo ipapakita yan! And besides, you'll model with your wife, she'll help you with it.” Napahilamos na lamang si Winter sa mukha at saka inend ang call. Naiinis siya, ayaw kasi ni Winter na ibalandra ang katawan niya para makita lang ng mga tao at ijudge ito. Masaya na siyang ganito lang siya, di kailangang macritic o kung ano man.

 

 

After a few minute break, muli nang nilunod ni Winter ang sarili sa pagtatrabaho.

 

 

 

 

“Rina, we're done for today. Wala ka nang sched today then your next shoot would be in the next two days pa, so rest, okay?” Pagbibilin ni Wendy sa alaga bago ito idrop sa apartment niya. Kanina pang 5:30 PM natapos ang shoot ni Rina, sadyang traffic lang pabalik sa apartment nito kaya naman inabot na ng 7:30 PM nang makauwi siya.

 

 

“Thank you for today ate, ingat po!” Sabi ni Rina bago ito tuluyang pumanhik sa apartment niya.

 

 

“What a tiring day!” Agad na napahiga si Karina sa sofa nito nang makapasok sa loob ng apartment niya. Kinuha niya naman ang phone sa bulsa niya nang maramdaman niya ito dahil nadaganan niya.

 

 

Crush x Asawa ko sent a message.

 

 

“Ackk! Enebe!” Sigaw ni Karina nang makita ang screen nitong may notification na galing kay Winter. 1 hour ago pa yung message pero ngayon lang din kasi siya nagopen ng phone. Naka tulog kasi ito uli sa sasakyan dahil sa pagod.

 

 

Agad namang binuksan ni Karina ang message at binasa ito.

 

 

“Hi misis. Are you up for dinner around 8? We'll discuss a few things lang.” Sabi ni Winter sa text nito.

 

 

“If you're busy, call me when you're free. I'll just tell it on the phone. Take care.” Another message sent after 30 minutes sa naunang message ni Winter.

 

 

Agad agad na tinawagan ni Karina si Winter nang mabasa nito ang mga messages sa kaniya.

 

 

“Hello?” Agad na kumunot ang noo ni Karina nang marinig na hindi si Winter ang sumagot ng tawag niya.

 

 

“Hello? Who's this?” Pagtatanong muli ng nasa kabilang linya. ‘Huh? Siya pa may ganang magtanong eh hindi nga kaniya yung phone!’

 

 

“This is her wife. And you are?” Sagot ni Karina. Naka rinig pa nga ito ng tawa sa kabilang linya na mas lalo niyang ikinairita.

 

 

“Hi Mrs. Kim!” Agad na sumigla ang tono ng nasa kabilang linya.

 

 

“Sorry for answering the call, MJ is at the restroom kasi. By the way, this is Minju and Yena, MJ's childhood friends.” Pagtutuloy ni Minju. Si Yena naman yung naunang sumagot kanina.

 

 

“Oh, hi! Can I ask where you are?” Pagtatanong ni Karina sa mga kaibigan ng asawa.

 

 

“We're somewhere in BGC lang, hindi pa kasi to kumakain kaya hinila na namin ni Yena. Nagpapakabusy nanaman kasi since their Winter Collection Planning needs to be done within this week.” Pagiinform ni Minju kay Karina.

 

 

“Who's that?” Agad namang napangiti si Karina nang marinig ang boses na kanina niya pang hinihintay.

 

 

“It's your wife, here. Sinagot namin kasi baka important.” Tumango tango naman si Winter bago kunin ang phone na hawak hawak ni Minju saka lumabas para mas makausap ng maayos ang misis niya.

 

 

“Hey.” Bati ni Winter dito.

 

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
reesedrax
MB UD soon 😬

Comments

You must be logged in to comment
asdfghjklmaeee
171 streak #1
Chapter 21: Awww you're back ☺ Na miss ko ang mag misis na 'to hihi. Thanks po sa update ❤
yujiwinteo
81 streak #2
Chapter 21: Sav and bruhilda cameo?? Namiss ko lang sila lalo 😭
zxyhruu #3
Chapter 21: yayyyyy ang cute ><
reveluv316 805 streak #4
sounds cute
iamriou_
1188 streak #5
Chapter 21: Sino yung bagong dating at ano ang magiging ganap niya =____= fsdjkalfjlkdsj anyways nakaka-kilig ang mag-misis 😭
GreasyNamIdiot
#6
Taga Pampanga ka ba?
Etoile__
375 streak #7
Chapter 21: 🥰🥰🥰🥰
LetterK
12 streak #8
Chapter 21: LETSSS GOOOOO ILYILY AUTHOR THANK YOU
Jaeeeeee_
219 streak #9
Chapter 21: Yes! Namiss ko sila 😭😭

OMG the crossover! Muntik ko pa i bash si Savie, may Bing na siya kaya Safe 🤣 So lilipad sila sa SG for Savies birthday????
Dyosabear #10
Chapter 21: OMG! Welcome back magmisis! 🥹🥹🥹