Bukod-Tangi

Sa Mga Mata Nina Gigi at Ning
Please Subscribe to read the full chapter

GISELLE's

 

Katabi ko ngayon sina Win at Kat sa backseat ng sasakyan ng parents ni Karina. Dinaanan lang nila ako kanina sa may Alfamart kaya libreng sakay din ako hihi. 

 

"Hindi naman siguro kayo magiinuman?" Nagulat ako sa tanong ng papa ni Karina. Tawa nalang ang naiambag ko kasi si Karina na ang sumagot. 

 

"Dad! Syempre hindi! 'Di naman kami yung gagraduate." Tinawanan din naman siya ng tatay niya. Parang si Karina lang din, joker. 

 

Napatingin ako sa katabi ko nang gumalaw si Kat. As usual, naglalampungan-- I mean, hawak kamay na naman sila at mukhang nagising yata si Winter sa boses ni Karina.

 

Graduation nina ate Seulgi ngayon kaya naisipan namin na makinood. Free trial ng graduation ceremony kumbaga. Makikifeeling gagraduate din. Sembreak din naman namin kaya free kami. 

 

Nang makarating kami sa school, hindi na din naghintay ang papa ni Karina kasi may ibang lakad din daw. Pero susunduin din yata sila mamaya. 

 

"Nilegal mo na ba si Win sa parents mo?" Bulong ko kay Kat na nakatingin kay Winter sa may gate, busy sa paghahanap ng signal dahil cinocontact si Ning.

 

Wala pa si Ning kasi may dinaanan daw. Ang daming tao sa school ngayon, kaya siguro mahina ang signal.

 

"Gigi!" Aray! Makahampas naman 'to! 

 

"Ano? Alam na nga ng buong school na nililigawan ka niyan ni Win! Pero sa parents mo hindi mo pa sinasabi?" Aba totoo kaya, pinamalita niya agad sa buong subdivision yun. 

 

Nahihiyang tumingin sakin si Kat, "Gusto ko kasi.. siya yung magpaalam."

 

"Luh!" Tinulak ko siya nang bahagya. "Ang arte!"

 

"Epal ka Gigi!" Laki pa din naman ng ngiti niya.

 

HAHAHAHAHA ang landi kasi.

 

"Anong meron?" Tanong ni Win nang makalapit sa amin. Nakausap niya na ata si Ning.

 

"W-wala! Tara na nga sa loob." Dali-dali naman si Karina sa paghila kay Winter na pinigilan siya agad.

 

"Teka, si Ning pa." Sabi ni Win. Haynako buti pa si Winter, matino pang mag-isip.

 

Sa tagal na nilang magbestfriend, nagtataka na din ako kung paanong hindi nahahawa si Winter sa kagagahan ni Kat.

 

"Bakit ang saya mo, Gigi?" Tanong niya bigla sakin, ay.. nakangiti pa pala ako hehehe

 

"Happy lang ako for you guys." Ngumiti si Winter sa akin, si Karina naman nangangamatis na.

 

"Thanks, Gi."

 

"Bakit daw 'di ka nagpapaalam sa parents ni Kat na nililigawan mo yung bunso nila?" Tanong ko na may halong pang-aasar. Natawa lang si Winter, parang hindi nagulat sa tanong ko. 

 

Si Katarina? Ayun nagkukunwaring walang naririnig.

 

"Magpapaalam ako mamaya pag-uwi."

 

LUH SIYA. Kagat labi naman si Kat na kilig na kilig na sa tabi.

 

Ano ba yan, Katarina. Magpakipot ka naman kahit konti lang!

 

Naku Win! Iba talaga epekto mo dito kay Karina.

 

"Guys!" Yan na si Ning! 

 

Kasama si Yeji. 

 

Napatingin naman ako kay Karina na mukhang nagbago agad ang mood. Jusku akala mo maaagawan pa din siya eh.

 

"Hi Yeji!" Bati ko sa kaniya. Nakangiti naman siyang nagwave sa amin.

 

"Hi! Sorry, nalate si Ningning. Nagpasama kasi akong bumili ng flowers. Napagutusan ni mama." Napatingin nga ako sa hawak niyang flowers. Dalawa pa, para siguro kay ate Irene yung isa. 

 

"Hi Winter, Karina." Bati niya din sa magkaholding hands sa tabi ko. Hindi naman siya pinansin ni Karina. 'Pakaselosa talaga.

 

"Hi." Sagot ni Winter at ngumiti pabalik. "Tara na sa loob?"

 

Naunang maglakad yung magkaklase, feeling ko tuloy thirdwheel na talaga ang ganap ko today!

 

Katabi ko kasing maglakad yung magjowa-jowaan. Rinig ko na naman yung bardagulan nila.

 

"Aray, Rina! Bakit ka ba nangungurot! 'Di ko na hahawakan yang kamay mo sige!" Sita ni Winter sa kasama niya pero hindi niya naman binibitawan.

 

"Ngiting ngiti ka dun kay Yeji eh!" 

 

"Lah bawal bang ngumiti?"

 

"Sige, kamay niya nalang hawakan mo." Sabi ni Kat sabay bitaw kay Winter. Kinuha naman agad ni Win pabalik yung kamay ng bestfriend niyang tampuhin. 

 

"Baliw ka talaga."

 

Akala ko, tapos na sila. Masyado ko yatang inunderestimate si Katarina.

 

"Okay lang Winter. Sabihin mo na yung totoo. Si Yeji talaga yung gusto mong ligawan." 

 

Napairap ako sa kadramahan nito ni Karina.

 

Tumawa lang si Winter. Kahit ako, napatawa na din. Baliw nga yata talaga 'tong kaibigan namin.

 

"Luh! Nakikitawa ka Gigi? Gusto mo ding ligawan si Yeji? Pag-aagawan niyo pa ni Winter yon?"

 

Gaga talaga!

 

Napatingin naman sa amin sina Ning at Yeji na kanina pa sigurong naririnig ang pangalan niya. 

 

"'Pag di ka tumigil diyan, Karina, ako na ang manliligaw kay Winter." Banta ni Yeji na nakagrin pa. 

 

Tumahimik naman si Karina. Takot pala eh!

 

---

 

Super fulfilling nung graduation ceremony nina ate Seulgi! Kahit na nakakabagot ng konti yung part na nagkaroon ng technical issues, masaya pa rin naman. Walang may latin honors, as usual. Pero meron namang outstanding award. Si ate Irene. 

 

Grabe no? Busy pa yan sa mga ganap sa department pero taas pa din ng grades. Iba talaga kapag pinagpala.

 

Hayy grabe.. Next year, kami naman. 

 

"Saan niyo gustong kumain?" Tanong ni ate Seulgi habang naglalakad kami palabas ng school. For some reasons, bigla na lang din kaming nahila nina Winter sa barkadahan nila nina ate Joy. 

 

Siguro kasi kasama namin si Yeji.

 

"Kahit saan kami ate." Sagot ni Ningning na mukhang excited sa pagkain. Ang tagal nga naman kasi ng program, gutom na din ako.

 

"Pumili ka ng mahal, libre ni ate yan." Bulong ni Yeji sa amin habang nakatingin sa menu. 

 

"Ganun ba pag may award ang jowa? Nanlilibre?" Pangaasar ni Kat kay ate Seulgi na ngumisi lang pabalik sa kaniya.

 

"Oo, kaya ikaw naman ang manlilibre next year." Sagot ni ate Seulgi na nagpairap kay Karina.

 

Pfft. Si Winter, namumula.

 

"Congrats pala, Winter. Balita ko, nililigawan mo na si Karina." Bati ni ate Irene na parang nang-aasar lang din naman. Nagtawanan tuloy lahat sa table. Mukhang nasasanay na naman si Win sa ganito. Hindi na naguusok yung tenga niya HAHAHAHAHAHA

 

Nang dumating yung food namin, nanguna sina ate Wendy at ate Yeri sa pagkuha ng baso ng juice.

 

"Oh! Cheers muna, cheers!" 

 

We each took a glass at nakicheer nga. 

 

"Graduate na tayo!!!!" Sigaw nilang lima. Huhu feel ko, manginginom sila. 

 

"Next year ha, punta din kami sa grad niyo." Sabi ni ate Joy habang nakain kami. Medyo napressure naman akong slight, edi naging required ang gumraduate on time!

 

Char, syempre. Yun ang goal.

 

"Ate, pahingi namang tips diyan."

 

"4th year ba?"

 

Si Ate Yeri ang nanguna. Invested naman kaming mga magiging seniors. 

 

"Huwag kayong masyadog magpakapagod sa OJT, papasa kayo dun basta complete niyo yung 8 hours a day." Tiningnan ko si Winter, siya kasi ang top candidate sa pagpapagod. 

 

"Oo nga, wag gagaya kay Wendy na hands on pa sa pagtulong sa workers sa site!" Dagdag ni ate Joy, natawa tuloy kaming lahat. Totoo ba? Huhu

 

"Ay, dun ka na ba nagka-abs, Wends?" Asar pa ni ate Seulgi. Tanggi naman a

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
hanbeo
hello! big thanks to those who supported, people who inspired me, helped and motivated me, esp. to my friends @.artemis and @.host. Finally got the winter/⭐️ hh I hope this story, its characters and the lessons remain a good memory to everyone na babalik-balikan as a happy pill.

Comments

You must be logged in to comment
6789gu8 #1
Chapter 61: Couldn't ask for a perfect ending for this chapter ng buhay nila, sobrang ganda 😭 yung emosyon ko habang nagbabasa 📈📉 KDJDKDKSKS
6789gu8 #2
Chapter 60: Nakisabay din ako sa pag iyak nina ning at gigi huhuhuhu fave chap so far 🥹
6789gu8 #3
Chapter 52: ༼⁠;⁠´⁠༎ຶ⁠ ⁠۝ ⁠༎ຶ⁠༽
6789gu8 #4
Chapter 51: Thank you po sa scene na sinuntok ni karina si ryujin... Napawi nang konti yung galit hahahahah

Pero grabe yung sakripisyo ni karina, alam ko naman na for the long run yung naging desisyon ni winter pero ibang klaseng torture yun sa relasyon nila. I'm glad karina never underestimated their love and trust for each other, if it's anyone nga like yeji said hindi magpapakatanga nang ganun pero kasi they don't know win and kat. Hindi nila alam gano kalalim yung tiwala at pagmamahal talaga nila sa isa't isa. It was never about just jealousy and doubts, yung distance rin talaga. They've been together their whole tapos biglang boom from Philippines to japan na yung distansya nila... Nainitindihan ko talaga, so much lesson learned like wag papasok sa ldr ganon charot 😭 hayyy ang saket saket pala ng story na to di ako na prepare
6789gu8 #5
Chapter 50: galit ako sayo author legit, di naman kasi malalamn ni ryujin na galit ako sakanya kaya sayo nalang.....

ANONG FOR THE REST OF THE YEAR NAMAN GRABE AKALA KO KASALAN NA NEXT EH 😭
6789gu8 #6
Chapter 49: Bat ang galing mong gumawa ng mga tarantadong character otor kuhang kuha mo galit at poot ko kay ryujin, natalo nya yung inis ko sa character nina jeno at minju sa ssd 😮‍💨
6789gu8 #7
Chapter 48: $+#+$++$*;+$$;-_$?#92($;"7$+$TANGJNANGAY YAN!!!!!!
6789gu8 #8
Chapter 47: SPOT ON SI NINGNING PUTABGINA!! HIGHBLOOD TALAGA AKES SANA LAST NA APPEARANCE NA NI RYUJIN PLS LANG
6789gu8 #9
Chapter 46: UGHHHHHHHHHHHGGGHHHHH BAKET MO GINAGAWA SAKEN TO OTOR 😭😭😭😭😭😭😭
6789gu8 #10
Chapter 43: Ang disrespectful na ni ryujin, would've given her a pass kung nagkulang sa reminders sina kat at giselle kaso naconfront na sya directly tapos parang wala lang... Idk what to feel abt her, gusto ko maawa na ewan ahhahaha