Ikaw At Ako

Sa Mga Mata Nina Gigi at Ning
Please Subscribe to read the full chapter

 

Makatapos ng tanghalian pa naman ang planong pagkikita nila nina Irene at Seulgi para tulungan siya ulit sa pagpili ng condo unit. Winter has other plans for lunch.

 

Ngayon, she's driving to where Giselle and Ningning are. Karina gave her the branch office na pinupuntahan daw nina Ningning tuwing odd weeks.

 

Maaga siyang nakarating dun. 12 P.M. pa ang lunch break according sa guard sa may lobby. So.. Winter waited.

 

Apat na oras pa siyang naghintay pero ayos lang, she really wants to eat lunch with her friends.

 

Three minutes after 12:00 when finally, she sees the couple walking out of the elevator.

 

GISELLE's

 

"Win?"

 

Ning and I were talking about our plans mamaya pag-uwi. Always our struggle! Kahit ano naman kinakain namin kaso ayun nga, kahit ano kakainin so mahirap mamili.

 

"Huy Win, bakit ka nandito?"

 

Gagi, bakit nandito 'tong si Win? 'Di naman nagchat kanina ah.

 

"Lunch tayo..?"

 

Hala naman.

 

Si Ningning ang jowa ko pero ang cute ni Winter.. Pinuntahan niya ba talaga kami para sabayan maglunch? Ang alam ko kasi, sabi ni Kat kahapon, ihahatid daw siya ni Winter. Dun niya kinwento sa groupchat namin nina Yeji.

 

"Eh si Kat?" Tanong ko after ko siyang yakapin. Ningning hugged her as well pero humiwalay din agad. Sinabayan niya kaming maglakad palabas ng building.

 

"Nasa work din niya." Sagot ni Winter, walking next to Ning na nakacling na din sa braso niya.

 

"Ayaw mo sa kaniya nalang sumabay?" Tanong ko. Wala lang, taboy lang ng konti.

 

Tumanggi si Winter, smiling at me. "Gusto ko din naman kayong makasama ulit."

 

HAHAHAHAHAHA nakakainis..

 

Pareho kaming kinilig ni Ning.

 

---

 

Hindi na kami nagpakalayo pa. May work pa kami after lunch eh tapos may pupuntahan din naman daw si Winter. Pareho din kaming may car ni Win kaya nagdecide nalang kami na huwag na gamitin both.

 

"Gigi, 'di ka pa nagtthank you sa libre ni Win."

 

Itong si Ning! Trip na naman ako.

 

Winter grinned at me kaya nahiya naman ako ng konti. Konti lang!

 

"Thank you." I said, ngumiwi pa ako sa kaniya and I heard her chuckling.

 

Libre nga kami ni Win.m kaya dinamihan ko na ang order ko. Dapat lang, ang dami niyang utang sakin. Utang na pera at utang na loob.

 

Sisingilin ko naman talaga siya.

 

"Sorry na, Gigi." May pa-cute smile pa siya sakin, inilipat ang tingin kay Ning. "Sorry din, Ning."

 

"Okay lang.." Kumuha ako ng isang pirasong tissue at pinunasan ang labi ko. "Pero kulang pa 'to, isang lunch palang 'to eh. Parang quits palang tayo sa gastos nung nilibre ko kayo ni Kat."

 

Tumawa naman siya sa sinabi ko.

 

"Kelan kayo pwedeng.. makahangout?" Tanong niya bigla. Ning and I exchanged glances.

 

Sa totoo lang kasi, we've been thinking about that. Sinabi sa amin ni Win sa groupchat kagabi na sa January pa naman daw ang official start ng work niya so we thought na baka pwede kaming maggather, reunion ganon.

 

"Wow, nagyayaya ka ba ng sleepover?" Ning asked, halata sa boses ang excitement niya.

 

Sinabihan ko si Ning na magpa-hard-to-get naman kasi ang nice niya masyado kay Winter na ghoster hays.. kaso hindi niya kaya.

 

Weak naman, Ningning.

 

"Oo." Diretsong sagot ni Winter. Mas excited 'to for sure.

 

"Weekends lang, Win. Pero may ganap kami this coming weekend kaya 'di pwede. Next next week siguro." I said, tumango naman siya.

 

Hindi pa talaga sure yung event this weekend pero wala lang, gusto ko lang makitang mag-hintay si Winter.

 

"Okay, tara sa bahay?"

 

Aaminin ko, medyo na-excite ako nung tinanong niya yan.. ang tagal na din? Hindi naman kasi umuuwi si Kat sa Batangas so ang hangouts namin ay puro sa bars o sa condo.

 

"Kasama si Kat?" Tanong ko.

 

"Oo, si Yeji din sana.." Ohh, nagkita na yata ulit sila ni Yeji, sa unit siguro kaninang umaga.

 

“True, barkada na namin siya.” Sabi ni Ning habang sinasaid yung natitirang sago sa halo-halo niya.

 

“Ako din, sali niyo ako.” Nakangising sabi ni Winter.

 

Ano ba ‘to, nagpapacute? Ginagaya niya kami kay Kat akala niya naman may effect!

 

(Meron.)

 

Pero syempre, hindi ako nagpahalata.

 

“Okay ba kayo ni Yeji?” Si Ning nagtanong niyan. I wonder the same.

 

Hindi sa part ni Win. Sa side ni Yeji talaga.. hindi naman kasi yun nagkukwento sa amin about sa lovelife niya. Never din namin napagusapan si Ryujin, so.. ewan ko kung ano bang ganap nun.

 

“Bakit naman hindi?” Oo nga naman! Bakit hindi?

 

Ngumiti kaming dalawa ni Ningning, “Wala lang, curious lang.”

 

Isa sa mga pinaguusapan namin madalas ni Ning ay sina Kat at Yeji din eh. Curious kami how the friendship will work kapag bumalik na si Winter.

 

Eh bumalik na si Win..

 

Siguro, dapat gumawa na kami ng GC na kasama both Yeji and Winter. That will help para hindi naman kami palipat-lipat ng GC at para naman less awkward din kung matutuloy yang sleepover.

 

Naisip ko lang din kasi, kami nina Ning at Kat, ang tagal naming ‘di nakausap si Win kaya nanunuyo ‘to. Pero kamusta kaya ang pakikitungo ni Winter kay Yeji? Eh sa pagkakaalam ko, awkward ‘to sa mga taong matagal niyang ‘di nakakausap. Crush pa naman siya ni Yeji noon.

 

Wala, excited lang ako na maging lima kami sa barkada.

 

“Cute mo Win. Syempre naman sali ka samin.“ Si compliment na naman ‘tong si Ning, sabing magpakipot nga!

 

“Gusto ko din makakwentuhan kayo nang matagal eh.” Winter said while drinking from her coke bottle.

 

Tinitigan ko siya. Grabe, parang ibang Winter na yung kausap namin ngayon.. Last time we ate together, medyo occupied siya kay Kat kaya ngayon ko lang napansin yung way ng pakikipag-usap niya.

 

Ang straightforward, hindi naghohold back, hindi man lang namumula.

 

Kami pa nga yata ni Ning ang namumula.

 

“Oo nga, sige tara soon.” Sabi ko after clearing my throat. “Dami mo pa yatang ikukwento.” Dagdag ko pa.

 

Curious ako sa happenings niya eh.

 

“Kung gusto nyo lang naman.. I want to catch up more with you two as a couple din.”

 

“Chismosa ka na, Win?” Pang-aasar ko.

 

Tumawa lang si Winter.

 

“Kamusta kayo ni Kat?” Ako naman ang nagtanong.

 

Hindi masyadong active si Kat sa GC namin simula nung umuwi si Winter eh. We assumed na busy sila sa isa’t isa pero nagchat kahapong umaga na nasa Manila daw pala si Winter the other day.

 

Tampo na naman yun malala.

 

Kaya ‘di na kami nagulat nung nalaman naming hatid siya ni Winter kanina.

 

“Uh.. Okay naman. Hinatid ko siya kanina.” Grabe na talaga! Ngiting ngiti si Winter habang sinasabi yan, inlove na inlove talaga? Parang walang ghosting na nangyari ah.

 

“Sa work?” Pakunwaring clueless na tanong ni Ning. Winter nodded, parang baliw na nakangiti pa rin.

 

“Wow, muling ibalik ang tamis ng pagibig talaga ah.” I teased, dun na namula si Win.

 

Hayy, heto na naman ang buhay ko(at ni Ning) na nakasubaybay sa mangyayari kina Kat at Win.

 

Okay din, namiss ko din live shows nila.

 

“Buti nagpahatid sayo.” Sabi ko pa, pinapaalala sa kaniya na hindi na marupok (dapat) si Kat ngayon.

 

“Ayaw niyang ihatid ko si Yeji.” Sagot niya.

 

Ning ang I looked at each other.

 

Pfft. Baliw talaga sina Yeji at Kat together.

 

“Selosa parin pala.” Natatawang sabi ni Ningning, pailing-iling nalang.

 

Winter chuckles as well, napakamot sa ulo.

 

Hm.. may tanong pa pala ako.

 

“Wala ka bang ibang nagustuhan nung nasa Japan ka, Win?” Yan ang tanong ko. Wala naman kasi akong alam kung ano bang nangyari sa kaniya. Malay ko kung nagkajowa pala ‘to.

 

Winter shook her head and answered immediately. “Wala.”

 

“Walang balak or wala lang nakitang type?” Tanong pa ni Ning, grinning at me. Very good follow-up question, Ning!

 

Umiling lang siya ulit.

 

“Wala dun si Katarina eh.”

 

OHHHH

 

Hahahaha edi wow.

 

“Ang loyal ah, kala mo ‘di ghoster.” Pabalang kong sagot.

 

Ngumiti lang si Winter.

 

‘Wag ka namang tumingin ng ganiyan, Win. Nafifeel bad tuloy ako sa pagmamaldita.

 

Kaya pala hirap na hirap maging consistent maldita si Katarinang marupok dito kay Winter.

 

“So anong balak mo, Win?” Pagtatanong ulit ni Ning, Winter looked at her.

 

“Right now.. para akong nanliligaw ulit.”

 

“Dapat lang talaga, ligawan mo yun.” Sabi ko, support ako sa decision ni Karina na magpasuyo eh.

 

“Kilalanin niyo ulit ang isa't isa, ganun.” Pahabol ko.

 

“Yes..” Hays, ngumiti na naman si Winter. Motivated na motivated ah.

 

“Goodluck nalang, Win.”

 

THIRD PERSON’s

 

Wala naman talagang ginawa si Katarina the whole day sa trabaho as most of her workmates are at the field event sa Sta. Rosa, naging tambayan lang tuloy ang office nila ng mga hindi umattend dun.

 

She managed to have some progress sa tasks na para sa makalawa niya pa sana gagawin kaya tingin niya, productive naman na ang araw niya.

 

Around 4 P.M., tapos na siya at napagdesisyunan na umalis na. Pwede naman siyang mag-early out dahil may event nga.

 

Rina: Maaga akong uuwi

        Wag mo na kong sunduin

        Uwi ka na sa bats

 

After she sent the messages to Winter, kinuha niya ang bag niya at dumiretso na sa elevator.

 

Nakita niyang ‘seen’ agad ni Winter ang messages niya pero hindi naman nagreply. Tatlong minuto na din ang nakalipas.

 

Gusto niya talagang sunduin siya ni Winter.. pero tinatamad na siya sa office at gusto nalang magpahinga muna sa condo. Ayaw niya naman na biglain si Winter at baka busy pa kasama sina Seulgi.

 

Thing is.. pagbukas ng elevator, bumungad sa kaniya si Winter na nakikipag-usap sa babaeng nasa front desk ng lobby—si Wo

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
hanbeo
hello! big thanks to those who supported, people who inspired me, helped and motivated me, esp. to my friends @.artemis and @.host. Finally got the winter/⭐️ hh I hope this story, its characters and the lessons remain a good memory to everyone na babalik-balikan as a happy pill.

Comments

You must be logged in to comment
6789gu8 #1
Chapter 61: Couldn't ask for a perfect ending for this chapter ng buhay nila, sobrang ganda 😭 yung emosyon ko habang nagbabasa 📈📉 KDJDKDKSKS
6789gu8 #2
Chapter 60: Nakisabay din ako sa pag iyak nina ning at gigi huhuhuhu fave chap so far 🥹
6789gu8 #3
Chapter 52: ༼⁠;⁠´⁠༎ຶ⁠ ⁠۝ ⁠༎ຶ⁠༽
6789gu8 #4
Chapter 51: Thank you po sa scene na sinuntok ni karina si ryujin... Napawi nang konti yung galit hahahahah

Pero grabe yung sakripisyo ni karina, alam ko naman na for the long run yung naging desisyon ni winter pero ibang klaseng torture yun sa relasyon nila. I'm glad karina never underestimated their love and trust for each other, if it's anyone nga like yeji said hindi magpapakatanga nang ganun pero kasi they don't know win and kat. Hindi nila alam gano kalalim yung tiwala at pagmamahal talaga nila sa isa't isa. It was never about just jealousy and doubts, yung distance rin talaga. They've been together their whole tapos biglang boom from Philippines to japan na yung distansya nila... Nainitindihan ko talaga, so much lesson learned like wag papasok sa ldr ganon charot 😭 hayyy ang saket saket pala ng story na to di ako na prepare
6789gu8 #5
Chapter 50: galit ako sayo author legit, di naman kasi malalamn ni ryujin na galit ako sakanya kaya sayo nalang.....

ANONG FOR THE REST OF THE YEAR NAMAN GRABE AKALA KO KASALAN NA NEXT EH 😭
6789gu8 #6
Chapter 49: Bat ang galing mong gumawa ng mga tarantadong character otor kuhang kuha mo galit at poot ko kay ryujin, natalo nya yung inis ko sa character nina jeno at minju sa ssd 😮‍💨
6789gu8 #7
Chapter 48: $+#+$++$*;+$$;-_$?#92($;"7$+$TANGJNANGAY YAN!!!!!!
6789gu8 #8
Chapter 47: SPOT ON SI NINGNING PUTABGINA!! HIGHBLOOD TALAGA AKES SANA LAST NA APPEARANCE NA NI RYUJIN PLS LANG
6789gu8 #9
Chapter 46: UGHHHHHHHHHHHGGGHHHHH BAKET MO GINAGAWA SAKEN TO OTOR 😭😭😭😭😭😭😭
6789gu8 #10
Chapter 43: Ang disrespectful na ni ryujin, would've given her a pass kung nagkulang sa reminders sina kat at giselle kaso naconfront na sya directly tapos parang wala lang... Idk what to feel abt her, gusto ko maawa na ewan ahhahaha