RomCom

Sa Mga Mata Nina Gigi at Ning
Please Subscribe to read the full chapter

THIRD PERSON's

 

Win sent a photo to your groupchat.

Win: Naglinis na ako ng bahay kahit ‘di pa rin kayo free :/

 

Hindi nawawalan ng gagawin si Winter. Araw-araw, matapos ihatid si Katarina sa umaga, Winter would either go back home o magpupunta sa mall para tumingin-tingin ng mga furnitures o ano mang magustuhan niyang gamit para sa bahay—at sa future unit niya sa Manila.

 

She’s already decided kung anong bibilhin niya, syempre.. dun sa malapit kay Katarina.

 

But that would be a surprise for now.

 

Winter’s currently busy with her newly bought colored pencils, pens at mga stationary special types of papers na pinamili niya kahapon nung napadaan siya sa National Bookstore.

 

At habang busy siya dun, busy din naman ang mga kaibigan niyang pag-usapan siya sa kabilang groupchat.

 

Ning2x: bakit ganto si win ang cute

Gi2x: true

Ning2x: haba na pala ng hair niya no

Gi2x: baka walang gunting sa Japan

 

Sa groupchat na kasama si Yeji at wala si Winter sila nag-iingay matapos makita ang picture na isinend ni Winter sa panibagong groupchat nilang lima. Paano ba kasi, pangalawang beses nang hindi natuloy ang supposedly sleepover nila kaya nagpapauyuhan ang apat kung sino bang kakausap kay Winter—puro mga nahihiya na sa pagpapakipot nila.

 

Gi2x: kaya pa, kat?

Kat: luh bakit ako

Gi2x: marupok ka eh

Kat: Tatag ko kaya, kayo nga nagpalibre agad eh.

Gi2x: EDI WOW SA NAGPAPAHATID SUNDO

Yej: Nagpuyat din yan kachat si Winter smh

Kat: Yeji?? Sumbungera.

Yej: She’s staring at Winter’s photo atm

Gi2x: AY OH

Ning2x: katarina who, karina who? ka-rupok ka parin eh.

Kat: Di talaga!!  

Yej: Sus.

Kat: Wag kasi kayong epal.

Yej: Sarap batuhin

Ning2x: oo nga, di mo nga matiis masyado kat

Kat: Titiisin ko nga!!

        Magkaaway na din naman kami so

Gi2x: WOW LQ NA AGAD

Ning2x: edi pabebe ka na naman

Kat: Kainis kayo.

Ning2x: uy reply kayo kay win sa kabilang gc

Yej: Yung gf ang pagreplyin niyo

Kat: Ex nga kasi!

        At aba bakit ako, eh kayo ang super busy gusto lang naman maghangout nung tao.

Ning2x: WORK KASI TO

Kat: Sinisigawan mo ko ning??

        kayo ang makipagchat. tinatawagan ako eh.

 

X ko calling...

 

“Hi Rina, good morning.” Winter’s bangs appeared on Karina’s screen nang sagutin niya ang tawag.

 

May kung anong ginagawa si Winter at nakatayo lang sa harap ang phone niya.

 

“Bakit may pagtawag..? Sabi ko ayaw kitang kausap diba.”

 

Karina saw Winter holding a pencil—hindi lang basta pencil, orange-colored pencil pa.

 

Ano ‘to? Nagcocoloring book? Tanong niya sa sarili, ‘di na sinabi kay Winter kasi nga, dapat siyang magsuplada ngayon.

 

“Hindi nga kasi kita inuuto..”

 

She finally saw Winter’s face nang mag-lean back ito at nakita niya na din ang mga papel sa table na inaatupag ni Winter at that moment.

 

“Ewan ko sayo. Bakit ka nga tumawag?” Nakahiga si Katarina ngayon sa kama niya, nakikinig si Yeji sa kabilang kama kaya parang gusto niya nalang patayin ang tawag.

 

“Wala lang. Sunday kasi ngayon, baka gusto mong sumimba together.”

 

“Ayaw. Hihiga nalang ako.” Sagot niya agad. She turned her back on Yeji at pinagpatuloy ang panonood sa taong kausap niya sa phone.

 

“Okay.”

 

Once in every minute yata, naaalala niya yung noon.. na LDR pa sila. Ganitong ganito kasi ang pwesto niya kapag gabi at nagpapaalam nang matulog.

 

Anyway, iba na ngayon.

 

“End ko na. Busy ka ata eh.” Napatingin agad si Winter sa kaniya at binitawan ang lapis para pumindot sa phone.

 

“’Wag.” Sabi nito, napascoff si Katarina.

 

“Bakit ba? Gusto kong pumikit.” She said, pumikit na din naman.

 

It’s her rest day, kaya sana, kung mangungulit si Winter, huwag na yung kailangan niya pang maghawak ng phone for hours.

 

“Miss lang kita.” Nakangiting sagot ni Winter kaya napamulat agad si Karina. She heard Yeji laughing behind her pero hindi niya na pinansin.

 

“Hindi ko na problema yun.” Sabi ni Karina with a sigh.

 

“I didn't say it's a problem.” Nakagrin pa si Winter.

 

“Dami mong sagot.” Katarina rolled her eyes at binitawan na ang phone, hinayaan nang ceiling nalang ang nakikita ni Winter.

 

Napapanood pa din naman niya si Winter, tamad na tamad nga lang ang pwesto niya. “Ano bang ginagawa mo?”

 

“Holiday letters ko for our friends.”

 

“Wow. Todo effort ka sa kanila ha.” Tumayo na si Karina para umalis ng kwarto, dala-dala ang phone niyang nakaloudspeaker at walang pakielam kung ano na ang nakikita ni Winter sa camera, baka shorts niya, o thigh niya dahil hawak lang naman niya sa kamay ang phone.

 

“Kakatapos ko lang nung sayo. Unique nga yung pin-repare ko for you.”

 

Winter levelled up. Grabe na ang panglalandi niya in the past few days, para bang sinasadya niya na ding sagarin ang natitirang lakas ni Katarina na iwasan ang paulit-ulit na pagkahulog nito sa kaniya.

 

“Nyenye. Wala akong pake.” Kahit naeexcite talaga siya.

 

“May food ka na for lunch?”

 

“Ano na namang ipapadala mo sakin?” Hanggang ngayon, nagpapakasugar mommy pa din si Winter.

 

“Anything you want.”

 

Umupo si Karina sa couch—diretso higa ulit. Lazy day talaga niya.

 

“May pera ako, Win.” She mumbles, inilapat ang phone sa dibdib.

 

“Sige, ako nalang magdecide.”

 

“Bahala ka.”

 

“Laing, ganun.”

 

“Magpapadala ka nalang, hindi pa damihan.”

 

“Edi sabihin mo kung anong gusto mo.”

 

“Chat ko mamaya. Inaantok na ako.” Antok na antok na din talaga siya.. and listening to Winter’s voice didn’t help. Sa sobrang gentle kasing magsalita ni Winter, para lang siyang hinele.

 

“Okay. Rest well, Rina.”

 

Dahil sigurado naman siyang hindi siya nakikita ni Winter, ngumiti na si Karina. Medyo hirap pa din siya na huwag ipakita ang satisfaction sa pagsuyo sa kaniya pero kinakaya pa naman so far.

 

“Bye, Win.”

 

---

 

X ko: Rina? San ka? Nasa lobby na ko ng building niyo.

Rina: Nasa Rosario.

X ko: What?

Rina: Rosario nga eh, ulit ulit??

X ko: Batangas?

Rina: Mamaya ka na.

        May ginagawa ako.

 

Isa sa mga araw na kailangang sumama ni Karina sa boss niya ay sumakto pang araw ng pangungulit ni Winter sa kaniya. After Winter dropped her off sa harap ng office kaninang umaga, she had to get in her boss' car dahil sa urgent site visit nila. 

 

Laging busy kasi ang boss niya kaya yung mga ganitong rare chances na nagkakaroon ng free time sa schedule ng boss ay ginagrab na nila to do such activities na nagrerequire ng footworkㅡin this case, gastos sa gas dahil ng layo ng mga locations na dinadayo nila. 

 

Katarina only had the time to check her phone again an hour later nung matapos niya ang pagcocompile ng documentation sa laptop niya while sitting on the passenger's seat. 

 

X ko: Nasa rosario na ako po

        San ba dito?

        I'm gonna wait for the address.

        Bakit ka pala nandito Rina?         

        I bought ice cream hahaha ang init eh

        Nagpark muna ako sa gilid dito.

 

Mabilis na napakunot ang noo niya sa nabasa, she didn't think Winter would actually go there. 

 

Rina: Bakit nasa rosario ka??

X ko: Sabi mo

Rina: Kakaalis ko lang,, at saka ang laki nyan ha makapunta ka akala mo mahahanap mo ko agad.

X ko: Rina :(

 

She let out a frustrated groan when she read Winter's reply. Napatingin tuloy ang boss niya. Ibinawi niya nalang sa ngiti. 

 

"Yung friend ko po kasi, hehe." Sabi niya nalang. Tinanggap naman ng boss niya ang palusot niya. 

 

Frustrated lang naman si Katarina at the thought that she missed meeting Winter there kanina, pati na din siguro sa pagiging cute ni Winter sa inbox niya in spite of all her pagtataboy. 

 

Rina: Ano? Di naman kita pinapunta jan.

X ko: San ka now?

Rina: PaQuezon na ako

X ko: What? Why?

Rina: Chismosa ka ah.

X ko: Which quezon?

Rina: Dolores

X ko: Ahh.. ang layo. Nakacar ka?

Rina: Oo. Sakay kay boss kaya wag kang susunod.

X ko: San sa Dolores?

Rina: sa malapit sa simbahan

        WAG KANG SUSUNOD

 

Narinig na naman ng boss ni Karina ang paghihimutok niya sa gilid. 

 

Rina: pakyu di na nga nagreply

 

Magulo si Katarina. Ayaw pang makita si Winter but at the same time, she misses her. Ganun kapag pinipigilan ang karupokan.

 

As much as she wants to see Winter, alam niya naman na mahal na ang gas at ayaw niya din na sobrang mapagod pa ang ex(?)-girlfriend niya para lang puntahan siya. 

 

At isa pa, kasama niya ang boss niya. 

 

---

 

"Engineer Fuyuko!"

 

Inis na umirap si Karina, knowing that Winter found her. Nakilala din agad ng boss niya nang lapitan sila ni Winter. 

 

May dala pang tinapay si Winter, “Hello po. I bought bread for you and Engineer Yu.” 

 

Engineer Yu. Kinilig naman si Katarina.

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
hanbeo
hello! big thanks to those who supported, people who inspired me, helped and motivated me, esp. to my friends @.artemis and @.host. Finally got the winter/⭐️ hh I hope this story, its characters and the lessons remain a good memory to everyone na babalik-balikan as a happy pill.

Comments

You must be logged in to comment
6789gu8 #1
Chapter 61: Couldn't ask for a perfect ending for this chapter ng buhay nila, sobrang ganda 😭 yung emosyon ko habang nagbabasa 📈📉 KDJDKDKSKS
6789gu8 #2
Chapter 60: Nakisabay din ako sa pag iyak nina ning at gigi huhuhuhu fave chap so far 🥹
6789gu8 #3
Chapter 52: ༼⁠;⁠´⁠༎ຶ⁠ ⁠۝ ⁠༎ຶ⁠༽
6789gu8 #4
Chapter 51: Thank you po sa scene na sinuntok ni karina si ryujin... Napawi nang konti yung galit hahahahah

Pero grabe yung sakripisyo ni karina, alam ko naman na for the long run yung naging desisyon ni winter pero ibang klaseng torture yun sa relasyon nila. I'm glad karina never underestimated their love and trust for each other, if it's anyone nga like yeji said hindi magpapakatanga nang ganun pero kasi they don't know win and kat. Hindi nila alam gano kalalim yung tiwala at pagmamahal talaga nila sa isa't isa. It was never about just jealousy and doubts, yung distance rin talaga. They've been together their whole tapos biglang boom from Philippines to japan na yung distansya nila... Nainitindihan ko talaga, so much lesson learned like wag papasok sa ldr ganon charot 😭 hayyy ang saket saket pala ng story na to di ako na prepare
6789gu8 #5
Chapter 50: galit ako sayo author legit, di naman kasi malalamn ni ryujin na galit ako sakanya kaya sayo nalang.....

ANONG FOR THE REST OF THE YEAR NAMAN GRABE AKALA KO KASALAN NA NEXT EH 😭
6789gu8 #6
Chapter 49: Bat ang galing mong gumawa ng mga tarantadong character otor kuhang kuha mo galit at poot ko kay ryujin, natalo nya yung inis ko sa character nina jeno at minju sa ssd 😮‍💨
6789gu8 #7
Chapter 48: $+#+$++$*;+$$;-_$?#92($;"7$+$TANGJNANGAY YAN!!!!!!
6789gu8 #8
Chapter 47: SPOT ON SI NINGNING PUTABGINA!! HIGHBLOOD TALAGA AKES SANA LAST NA APPEARANCE NA NI RYUJIN PLS LANG
6789gu8 #9
Chapter 46: UGHHHHHHHHHHHGGGHHHHH BAKET MO GINAGAWA SAKEN TO OTOR 😭😭😭😭😭😭😭
6789gu8 #10
Chapter 43: Ang disrespectful na ni ryujin, would've given her a pass kung nagkulang sa reminders sina kat at giselle kaso naconfront na sya directly tapos parang wala lang... Idk what to feel abt her, gusto ko maawa na ewan ahhahaha