Tahanan

Sa Mga Mata Nina Gigi at Ning
Please Subscribe to read the full chapter

THIRD PERSON's

 

Balak na nga ni Karina na sa bahay ni Winter tumira hanggang umalis ang girlfriend niya. Walang problema kay Winter, ano pa bang mas masayang umaga kesa sa gumising na si Karina ang katabi?

 

Tulog pa si Karina, yakap ng stuffed toy na pinag-agawan pa nila ni Winter nung mga bata sila.

 

Winter smiled at kinuha ang phone niya mula sa ilalim ng unan para sana kuhanan ng litrato si Karina habang tulog. Pagbukas niya, bumungad sa kaniya ang notification ng email na natanggap niya mula sa school registrar.

 

She felt excited sa nabasa niya, kaya kahit tulog pa ang girlfriend, Winter moved closer and hugged Karina's waist, gently waking her up.

 

"Rina.." She softly calls her, nag-hum naman si Karina at humarap sa kaniya. Binitawan agad ang stuffed toy para yakapin siya pabalik.

 

Nakapikit pa rin, "Ano ..yun, Win?"

 

Winter chuckled, staring at her half-asleep girlfriend.

 

"Nag-email sa akin ang department.."

 

"Hm?" Karina slowly opened her eyes, sumilip muna sa ipinapakita ni Winter sa phone niya.

 

Suddenly, napaupo si Karina matapos hablutin kay Winter ang phone, binasa pa nang ayos kung tama ba ang nakita niya kanina.

 

"Hala baby! Outstanding awardee ka!"

 

Nagising nga si Karina sa tuwa. She didn't think she'd ever be this happy for someone else. Tanging si Winter lang talaga ang nagpaparamdam sa kaniya ng mga bagong bagay.

 

Napatawa nalang si Winter at umupo na din sa kama niya. "Thank you." She mumbled habang tinititigan lang ang katabi niyang tuwang tuwa talaga sa announcement.

 

"You should prepare a short speech kagaya nung ginawa ni ate Irene last time!" Sa sobrang excited ni Karina, nakatanggap pa ng hampas sa braso si Winter na itinawa nalang.

 

"Uhh.. baka hindi naman ako ang top student sa buong batch. Ang baba kasi ng grades natin compared sa ibang department." Winter said, scratching her head.

 

Karina pouted. "Hmm.. sabagay." She faced Winter again, placing the phone down on the sheets para yakapin si Winter.

 

"I'm still the proudest of you." Bulong niya, kissing Winter's cheek after. Winter can't stop smiling.

 

Pulling away, kinuha ni Karina yung phone para basahin ulit yung e-mail. Sobrang proud nga talaga siya.

 

"Where should we go today? Celebrate tayo." Yan na naman si Katarina, nagyayaya na naman ng gala.

 

Napakamot ulit sa ulo si Winter. "Kakapahinga lang natin ulit eh.."

 

Dahil gising na si Karina, nagtuloy-tuloy na ang paggamit niya sa phone na hawak niya.

 

"Dali na kasi, Win!" Pagpilit pa ni Karina, nudging her bago ipakita yung nasa notes ng phone niya.

 

"Ano 'to?" Tanong ni Winter. Puro lugar lang kasi ang nakalagay dun.

 

zamboanga

baguio

ilocos

la union

boracay

dolores

rizal

 

Nakangisi pa si Karina nang kindatan siya. Winter furrowed her eyebrows at mahinang kinurot ang exposed thigh ng girlfriend niya.

 

Kinuha naman agad ni Katarina ang kamay niya bago pa maulit ang pangungurot.

 

"Rina, wala pa akong trabaho ha." Winter told her firmly, tumawa lang si Karina at nagpatuloy sa paglalagay sa notes sa cellphone.

 

Winter looked around, nagiisip ng pwedeng gawin to 'celebrate' nga.

 

Her eyes landed on Katarina pa din.

 

And she finally got an idea.

 

"Simba tayo." Sa simbahan.. dahil baka hindi na siya makasimba kapag nasa Japan na siya due to change of environment. Winter fears she might be workaholic pa nga.

 

Tumango lang si Karina, bumalik pa sa pagkakahiga habang nagt-type sa phone. "Saan mo gusto, Win?"

 

"Ikaw ba?" Winter asked back, leaving the bed para maglinis ng mga kalat nila from last night's Friends marathon.

 

Idea ni Karina ang magmarathon ng episodes ng Friends. Season 4 lang naman.

 

Hindi din nakatulog si Winter-- kapag movies lang talaga.

 

"Sa Pio tayo?" Karina suggests, bumalik sa pagkakaupo after patayin ang phone. She looked at Winter, smiling as she watched her girlfriend move around the room.

 

"Alright. Isang trike lang naman ang byahe dun." Sagot ni Winter, hindi alam na pinapanood siya ni Karina.

 

"Ngayon na ba?" Tanong pa ulit ni Karina.

 

Winter finally glanced at her. "Oo Rina, Sunday ngayon."

 

Tumawa si Katarina, siya ang may suggestion na lumabas sila but she also wants to stay in bed with Winter.

 

Kaso, kanina pa siyang iniwanan mag-isa sa kama.

 

"Sa bahay na ako maliligo.. wala naman akong pang-alis na damit dito." Sabi pa ni Karina kaya napatingin ulit si Winter sa kaniya, na kanina pang kumukuha ng damit sa closet dahil plano na niyang maligo.

 

"Mga damit ko lang din naman ang gamit mo dito." Winter even pointed at her shorts na suot ni Karina.

 

"Ayaw mo kasi akong pagdalhin ng damit!" Inis na sagot ni Karina, Winter moved her hand at tinuro naman yung bintana.

 

"Yan lang yung kwarto mo, Rina. Pwede ka naman dun magbihis?"

 

Umirap lang siya at sinimulang tiklupin ang kumot ni Winter na gamit nila kagabi. "Akala mo naman talaga.. nageenjoy ka ngang panoodin akong magbihis eh."

 

Kitang kita niya naman ang pagb-blush ni Winter kaya napangisi siya.

 

"Rina!"

 

"Ano? Totoo naman."

 

Tumalikod na si Winter at nilock ang sarili sa loob ng shower room niya.

 

---

 

"Win! Isa, hindi ka bibitaw?"

 

Walang dalang payong si Katarina kaya sa likod niya nakikisilong si Winter since mas matangkad siya. Takot na takot laging maarawan ang girlfriend niya, okay lang naman.. kaso kanina pang higit nang higit si Winter sa damit niya.

 

"Dalawa!" Pagtutuloy niya ng bilang, humigpit lang lalo ang hawak ni Winter.

 

"Ang init kaya." Pag-uulit ni Winter sa dahilan kung bakit niya ginagawa yun. Alam naman ni Katarina.

 

"Hila ka nang hila sa damit ko! Isusumbong--" Bago pa niya maituloy ang sasabihin, nagsalita ulit ang nasa likod niya.

 

"Samahan pa kita."

 

Napairap si Karina. "Win naman eh."

 

Winter chuckled, tinigilan na sa paghila sa damit ng girlfriend niya dahil alam niya ang tono na yun.

 

Baka mamaya, siya pa ang kailangang manuyo pag-uwi nila. Hinayaan niya nang maarawan ang braso niya, pero tinakpan pa din ng sikat ng araw na tumatama sa mga mata niya gamit ang palad.

 

"Bakit kasi 'di ka nagdala ng payong?" Tanong pa ni Winter na halatang nang-aasar naman. Karina sent her a glare, tinulak siya palayo.

 

"Kapal mo din talaga." Sagot ni Karina na kanina pang naiinis. Tumawa nalang ulit si Winter, inakbay ang braso sa balikat ni Katarina.

 

Pumasok na sila sa loob ng pinakaunang church na itinayo doon sa  Padre Pio. Hindi dun ang misa, pero sa dami ng tao, dun nalang nila minabuting umupo at magdasal.

 

Karina kneeled first bago siya sundan ni Winter at nagdasal din. Marami mang tao, hindi naman sagabal para magkaroon sila ng peace of mind.

 

Naunang matapos si Winter sa pagdadasal, nagthank you siya for everything, especially for giving her the chance to be with the person she is with right that moment.

 

Tahimik lang na naghintay si Winter until Karina sat back next to her.

 

"Dito muna tayo?" Nakangiting tanong ni Karina, taking Winter's hand para hawakan sa lap niya.

 

Winter nodded. "Medyo mainit pa, we can stay."

 

May speakers din naman at rinig nila ang misa sa kabila.

 

Silently listening, tumingin si Winter sa girlfriend niya.

 

Karina's mom and her mom are prayer buddies. Madalas, nagkakayayaan ang mga magulang nila para magnovena on special occassions.

 

Winter supports them, but she's not in that depth of being religious.

 

When Karina became her bestfriend, natuto si Winter na magdasal before eating, before sleeping, and after receiving good news. She adores that part of Katarina-- na kahit madalas, napakarandom at malakas ang trip, her heart's pure at totoo siya sa pakikitungo sa mga tao sa paligid.

 

"Rina." Mahina niyang tawag, hindi niya naman kasi talaga balak, but her thoughts were too loud to suppress.

 

"Yes?" Agad na tumingin si Karina sa kaniya.

 

Ang ganda talaga.

 

Winter faced the altar, nakangiti.

 

"Dito tayo magpakasal." She said, seryoso siya dun. Hindi naman kailangang ngayon na agad, ang bata pa nila.

 

"Sa future." Dagdag niya dahil mukhang nagulat si Karina sa sinabi niya.

 

Karina heaved a deep breath, tumawa nang mahina.

 

"Sige. Magpapakasal tayo dito." Sagot niya kay Winter.

 

Nagkatitigan nalang din sila, Winter looked away-- inilipat nalang ang tingin sa altar ulit. Napangiti nalang si Karina sa pagiging cute ni Winter.

 

And she couldn't help but smile more when Winter kissed her knuckles.

 

---

 

"Gusto ko ng ganun." Sumunod ang tingin ni Winter sa itinuro ni Karina habang naggagala sila sa grounds ng Padre Pio shrine. Napabuntong hininga nalang si Winter nang makita niya ang 'gusto' daw ni Katarina.

 

"Palobo?" Winter laughed, "Bata ka ba?"

 

Sinamaan siya ng tingin ni Katarina na hila-hila pa din siya papunta dun sa may tindahan ng mga laruan.

 

"For ages 3 and up kaya yan! Kasali pa din ako sa 'up'." Pagdedefend pa ni Karina sa sarili niya.

 

Kahit natatawa, iniready pa din ni Winter ang wallet niya.

 

"Ano pang gusto mo?" Tanong pa ni Winter na parang may alagang bata na nagniningning ang mata sa nakikitang mga laruan.

 

"Kung sabihin kong lahat?" Pabirong tanong ni Karina, Winter pinched her hand.

 

"Aray!" Bumitaw si Karina sa kaniya at inis na kinuha nalang ang wallet ni Winter.

 

"Shoo! Hindi ka kid-friendly." Pagtataboy niya kay Winter na natatawa nalang at nahihiya dahil nanonood yung nagtitinda sa kanila

 

"Maganda din nitong whistle parang ibon, ate. Bili ka na, 75 lang."

 

"Ay talaga po? Pwede po bang 70 nalang tapos dalawa ang bibilhin ko?"

 

Napa-sigh nalang si Winter, ang hilig talaga ni Karina na bumili ng mga kung ano-anong bagay na hindi naman laging gagamitin.

 

Hindi naman talaga lagi gagamitin ni Karina yun. Gusto lang niyang asarin si Winter.

 

---

 

"Ang ingay mo, Katarina!" Pasigaw na reklamo ni Winter na nakahawak sa magkabila niyang tenga dahil kanina pa pumipito si Karina gamit yung binili niyang bird whistle.

 

"Ito oh, try mo din para pareho tayong maingay." Binigay pa nga ni Karina yung isa pa niyang binili bago hipan ulit ang pito niya.

 

Nasa mall na sila ngayon at pinagtitinginan sila ng mga tao dahil sa ingay ni Karina.

 

Hawak ang isa pang whistle na binigay ni Karina, nagmadaling maglakad si Winter para maiwasan ang atensyon na kinukuha ng girlfriend niyang tuwang tuwa sa pagkahiya ni Winter.

 

"Win! Ito na nga titigil na eh!" Ang lakas pa ng tawa ni Karina habang hinahabol ang girlfriend niya.

 

GISELLE's

 

"Huy mga baliw!"

 

Napatigil sina Win at Kat sa paghahabulan nung tinawag ko sila. Totoo naman! Parang mga baliw, naghahabulan dito sa daming taong nakakakita sa kanila.

 

"Gigi!" Sabay nilang tawag sa akin.

 

Hehe, nabalitaan kong si Winter ang makakakuha ng outstanding award sa batch namin. Grabe talagaaaa, ang talino ng friend ko!

 

Super deserving.

 

"Congrats ulit, Win! Galing mo talagaa." Inakbayan ko pa siya, hindi naman lumayo.

 

Si Karina, katabi niya sa kabila at.. nagpapalobo.

 

Ano ba 'tong si Kat, parang bata.

 

Pero okay lang, kung saan siya masaya. Pinagtitinginan pa siya ng mga batang nakakasalubong namin kasi tuwang tuwa sa mga bubbles niya.

 

Si Kat ang nagyaya na maggala daw kami. Ako palang ang nandito kasi mamaya daw si Ning sa tanghali. Ewan ko ba kung bakit tanghali pa siya, baka may date?

 

Good for her. Sana hindi siya siputin ng date niya.

 

Kakainis lang kasi alam niya naman na hindi ako pwede mamayang tanghali dahil may lakad kami ng parents ko. Sinasadya niya bang iwasan ako?

 

Hay, bahala na.

 

Pumasok na kami sa loob ng department store, ang plano daw kasi ni Katarina ay bilhan ng damit si Winter. Yung damit na pangwork niya sa Japan.

 

"Sa tingin mo Gigi, alin dito yung tipong taken ako, 'wag kang lalapit sa'kin?"

 

Tumingin ako kay Karina dahil sa tanong niya.

 

"Pants lang yan, Kat." Sagot ko, tumawa naman si Winter na kanina pang nakasunod lang, hawak ang mga laruan ni Karina yata yun.

 

"Try mo nga 'to." Iniabot ni Karina yung isang dark gray cargo pants kay Winter at tinulak ang girlfriend niya sa direksyon ng fitting room. Hindi na tuloy nakapagreklamo si Winter.

 

I looked at Kat, ano na naman kayang trip nito?

 

"Gigi, plan tayo ng party for Win." Ahhh.. Yun pala.

 

"Party like-- tayong apat nina Ning?" Tanong ko agad, syempre. Alamin ko muna kung sinong kasama.

 

Ngumiti si Karina habang nagtitingin pa din sa mga damit na nakahang dito.

 

"Oo, magsleepover kayo sa amin?" May kinuha siyang sweatshirt at isinampay sa shoulder niya.

 

"Sige. Ikaw ang magsabi kay Ning."

 

Napatingin siya bigla sa'kin.

 

"'Di mo pa rin kinakausap?"

 

"Ako ang hindi kinakausap." Sagot ko. Totoo naman eh, si Ning na naman ang umiiwas sa akin.

 

Napangiwi si Kat sa sinabi

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
hanbeo
hello! big thanks to those who supported, people who inspired me, helped and motivated me, esp. to my friends @.artemis and @.host. Finally got the winter/⭐️ hh I hope this story, its characters and the lessons remain a good memory to everyone na babalik-balikan as a happy pill.

Comments

You must be logged in to comment
6789gu8 #1
Chapter 61: Couldn't ask for a perfect ending for this chapter ng buhay nila, sobrang ganda 😭 yung emosyon ko habang nagbabasa 📈📉 KDJDKDKSKS
6789gu8 #2
Chapter 60: Nakisabay din ako sa pag iyak nina ning at gigi huhuhuhu fave chap so far 🥹
6789gu8 #3
Chapter 52: ༼⁠;⁠´⁠༎ຶ⁠ ⁠۝ ⁠༎ຶ⁠༽
6789gu8 #4
Chapter 51: Thank you po sa scene na sinuntok ni karina si ryujin... Napawi nang konti yung galit hahahahah

Pero grabe yung sakripisyo ni karina, alam ko naman na for the long run yung naging desisyon ni winter pero ibang klaseng torture yun sa relasyon nila. I'm glad karina never underestimated their love and trust for each other, if it's anyone nga like yeji said hindi magpapakatanga nang ganun pero kasi they don't know win and kat. Hindi nila alam gano kalalim yung tiwala at pagmamahal talaga nila sa isa't isa. It was never about just jealousy and doubts, yung distance rin talaga. They've been together their whole tapos biglang boom from Philippines to japan na yung distansya nila... Nainitindihan ko talaga, so much lesson learned like wag papasok sa ldr ganon charot 😭 hayyy ang saket saket pala ng story na to di ako na prepare
6789gu8 #5
Chapter 50: galit ako sayo author legit, di naman kasi malalamn ni ryujin na galit ako sakanya kaya sayo nalang.....

ANONG FOR THE REST OF THE YEAR NAMAN GRABE AKALA KO KASALAN NA NEXT EH 😭
6789gu8 #6
Chapter 49: Bat ang galing mong gumawa ng mga tarantadong character otor kuhang kuha mo galit at poot ko kay ryujin, natalo nya yung inis ko sa character nina jeno at minju sa ssd 😮‍💨
6789gu8 #7
Chapter 48: $+#+$++$*;+$$;-_$?#92($;"7$+$TANGJNANGAY YAN!!!!!!
6789gu8 #8
Chapter 47: SPOT ON SI NINGNING PUTABGINA!! HIGHBLOOD TALAGA AKES SANA LAST NA APPEARANCE NA NI RYUJIN PLS LANG
6789gu8 #9
Chapter 46: UGHHHHHHHHHHHGGGHHHHH BAKET MO GINAGAWA SAKEN TO OTOR 😭😭😭😭😭😭😭
6789gu8 #10
Chapter 43: Ang disrespectful na ni ryujin, would've given her a pass kung nagkulang sa reminders sina kat at giselle kaso naconfront na sya directly tapos parang wala lang... Idk what to feel abt her, gusto ko maawa na ewan ahhahaha