Para Sa Akin

Sa Mga Mata Nina Gigi at Ning
Please Subscribe to read the full chapter

NINGNING's

 

Sa normal na college day, pagpasok mo pa lang sa university, may makakasalubong ka na agad na iba't ibang uri ng estudyante. May mga kumpulan or squad na akala mo, sila ang may-ari ng hallway dahil sakop nila yung buong area habang naglalakad. May mga mag-isa lang na naglalakad. May nagbabasa. May nagp-phone. May nakaearphones at nagsesenti habang feel na feel ang expi ng pagiging alone in the hallways full of students minding their own businesses.

 

Meron din naman na dalawang students ng CE Department na kahit dadalawa, sakop din yung buong hallway sa kakulitan. 

 

Kami yun ni Kat!

 

Nagtutulakan sa hallway papuntang CEAFA Building. Itong si Karina kasi, inaasar ako dun sa guard!

 

"Totoo naman Ning! Iba talaga tingin sayo ni manong, free pass ka nga kahit nakadress eh." Lalo niya pa kong inaasar huhu kasi naman si manong bakit ang friendly nga naman sakin??

 

"Gaga! Baka kasi alam niyang member ako ng walwal."

 

"Sus, baka gusto ka niyang makawalwal."

 

"Kat kadiri ka!" Siya naman ang tinulak ko ngayon, napadali tuloy siya sa isang student na nakasalubong namin sa may hagdan, paakyat din siguro sa amphitheater.

 

"Sorry--" Napatigil kami ni Kat nung makita namin kung sinong nabangga niya.

 

Si Yeji!

 

Si Yeji na nag-eye roll nung nakilala niya din si Karina. Ngumiti naman siya akin. Hehe perks.

 

"Binabawi ko na pala yung sorry ko." Sabi ni Kat sabay balik sa tabi ko. Sinabayan din naman kami ni Yeji na maglakad.

 

Akala ko, mag-aaway pa sila pero mahaba talaga yung patience ni Yeji kay Karina. Pansin ko na din, hindi siya sumasagot sa kachildish-an ni Kat.

 

Madalas kasi talagang makulit si Karina. Pero iba yan kapag nagseryoso, parang similar nga sila ni Yeji in terms of that-- leadership and all.

 

"Sinong kagroup mo sa thesis?" Tanong ko sa classmate ko, hehe if ever kasi, baka wala pa pala siyang kagroup kasi ako na yung kaclose niya sa room.

 

"Sina Ryujin and her friends, Lia and Yuna. Dapat talaga kasama namin si Chaeryeong kaso may take one pa siya, yung kapatid niya.."

 

"Ah, sosobra nga naman." I nodded. Four to five members lang daw kasi dapat. Hindi na pwede pag lumampas.

 

"Wala nga lang kaming Transpo, Struct and CEM lang."

 

"Okay lang yata yun since makakapagmanage pa din kayo ng project, basta vertical ganun?" Based lang sa pagkakaintindi ko nung pinaliwanag sakin nina Win at Kat yung set-up ng thesis kahapon.

 

Right now, papunta kami sa amphitheater para sa general assembly ng Thesis 1. May klase sina Winter at Giselle kanina sa Environmental Engineering kaya hindi namin kasabay. 

 

"Huy, oo nga pala. Same pala tayo ng company?" Naalala ko lang bigla. Hindi ko siya nachat nung isang araw about sa gc eh.

 

"OJT?"

 

"Oo. Add mo daw kami sa gc sabi ni Miss jisoo."

 

Nakatayo na kami ngayon sa entrance ng amphi. May pila pa, hays. Ang dami din kasi namin. 8 sections, tig 45 students each. 

 

Oh anong sagot sa 8 times 45? 

 

Hehe basta madami.

 

"Right! Oo nga pala, nalimutan ko." Kinuha niya yung phone niya from her pocket. Napatingin ako kay Karina, busy din sa phone. Kachat niya na siguro sina Winter.

 

"Sige, gawa ako ng gc mamaya." Pinakita ni Yeji yung signal sa notification bar niya. Walang signal dito sa 3rd floor. 

 

"Yay! Okay, kahit mamaya na nga." Ngumiti siya at nagstep forward. Finally, gumagalaw na din yung pila.

 

"Sino-sino kayo?" Tanong niya, sabay tingin kay Karina na napatingin din naman sa kaniya.

 

"Kaming apat nina Winter." Sagot ko na lang, trying to avoid making them converse dahil hindi ko yata kakayanin na mag-isang umawat sa kanila kapag nag-away.

 

"Ohh. Kasama si Win." Mukhang natuwa siya ah? Crush pa ba nito si Winter? Nakuuuu.

 

"Yes, kasama din ako." Sabat ni Karina, smiling sweetly pa. Pumikit nalang ako at nanalangin na wag silang mag-away. 

 

Nasagot naman agad ang prayers ko! Grabe talaga, hindi ko alam kung mapasensiyang tao ba talaga si Yeji or sinasadya niya nalang na hindi pansinin si Kat. 

 

"Anyway, later ako gagawa ng gc ha? What time punta nyo sa site sa Wednesday?" Bumalik ang tingin ni Yeji sakin, umirap lang si Karina at nagfill up na nung attendance kasi nasa may pinto na din naman kami. 

 

"Baka aagahan namin since 'di kami familiar dun. Sabi ni Gigi traffic daw 'pag galing sa city eh."

 

"Ah, kami din ata." 

 

Nung turn ko na, pipirma nalang pala ako since sinulat na ni Kat yung name ko. Nakakagulat nga na pati si Yeji, pinagsulat niya. 

 

Hihi bait naman ng friend ko.

 

"Sinong kasama mo ba?" Tanong ko kay Yeji nang makapasok kami. Medyo madami na ding tao. 

 

"Sina Ryujin at Jeno."

 

"Jeno?" Hindi ako yan, si Karina yan na biglang nakisali sa usapan. Napangiti nalang ako. Baka naalala niyang inaasar namin siya kay Jeno last time. 

 

"Oo, bakit Karina?" Nakaupo na kami nung binalik ni Yeji yung tanong. Tumingin din naman ako kay Kat to question her. Bakit nga ba biglang nakuha ng name ni Jeno yung attention niya?

 

"Wala lang." Pfft. For sure yung pagkakacrush talaga ni Jeno yung reason.

 

Maya maya ay dumating na din sina Winter at Gigi na pawis na pawis. Si Gigi lang yung pinagpapawisan. Nakaaircon pa naman dito sa loob kaya nung umupo na sina Winter at Giselle sa tabi namin, biglang naging nurse si Karina.

 

Nurse ni Winter. Nakaready kasi agad yung small towel na dala niya at nilagyan si Win sa likod kahit hindi naman masyadong pawis.

 

"Uy, hi Yeji!" Bati ni Gigi after uminom ng tubig. 

 

"Hi Giselle, hi Winter!" Lapad ng ngiti natin Yeji ah? 

 

I squinted my eyes at pinakiramdaman ang mga katabi ko. 

 

Ngumiti lang si Winter. Si Karina, halos nakatalikod na samin nina Yeji at kay Winter lang nakaharap. Si Gigi, mukhang invested naman na makipagkwentuhan sa amin ni Yej. 

 

"Rinaa, kakain ako eh." 

 

"Edi kumain ka."

 

May hawak na burger kasi si Win. Bumili ata before coming here. Itong bestfriend niya naman, ayaw pakawalan yung kamay niya. Hay nako, Kat!

 

"Paano ako kakain?" Nagpalitan sila ng masamang tingin, kahit si Kat, palaban na din! 

 

"May isa ka pa namang kamay."

 

"Lilipat ako ng upuan, sige."

 

Biglang kumagat si Karina sa burger ni Winter. 

 

Kahit si Yeji, natawa nung nakita yung simangot at glare ni Winter sa kagat ni Karina sa burger niya. Huhuhuhu, ang galit ni Win!

 

GISELLE's

 

First day ng OJT namin! 3:30 A.M. palang, gising na kami. 

 

Sa totoo lang, sinabihan ko na sina Ning na pwede namang mga 6 na kami umalis dito sa boarding house kaso kabado silang malate on first day. 

 

Super aga tuloy namin ngayon.

 

"Ang dilim, guys." Si Winter yan, takot na takot. Ang dilim naman kasi talaga huhu.. 

 

"Wait, flashlight." Sabi ni Kat. Kinuha ko na din yung phone ko at binuksan yung flashlight para dalawa kaming may ilaw. 

 

Magkakatabi kaming naglalakad palabas ng subdivision. Madaling araw pa lang kaya pati yung hangin, ang lamig. 

 

Ang eerie tuloy sa feeling. 

 

"Malamig?" Tanong ni Karina while wrapping her arms around Winter.

 

Lamigin talaga si Win. Nakajacket na yan at balot na balot like we all thought she'd be. Goodluck sa kaniya mamaya kapag tanghali na. Ang init kaya dito. 

 

"Sa batching ba meeting place?" Ningning asked. Umiling ako. 

 

"Hindi daw eh, sa garage daw mismo."

 

Yung batching plant kasi, dun yung main office at halos 45 minutes away lang. Pero yung mismong garage ng company, more than one hour ang byahe and we have to catch the ride pa kasi punuan ng jeep sa terminal lang ang meron. 

 

Yun ang pagkakaalam ko. 

 

And here we are, within 30 minutes ay nakarating na sa may waiting shed. Apat kami pero walang nakaisip na walang traffic around 4 to 5 A.M. hayy.. Ang aga tuloy namin. Hindi pa namin alam kung saan yung mismong garage. Waiting shed lang ang nakita namin sa lahat ng instructions na nilapag ni Miss Jisoo sa gc. 

 

Hanggang waiting shed lang ang kinaya ng powers namin.

 

"Cute talaga." Nakaupo kami ngayon sa shed at tahimik bago magsalita si Karina. 

 

Tumingin ako sa kaniya. Inaasar na naman pala si Winter. 

 

Tumayo si Winter at lumipat sa tabi ko. Napangiti nalang ako sa frown niya. Pagod na yata kay Karina.

 

"Bakit ka umalis? Pinupuri ko na nga yung shoes mo eh!"

 

Oo, yung safety shoes talaga yung tinutukoy ni Kat. Eh kasi naman, men's size yung mga safety shoes.

 

"Parang sasabak ka sa baha." Walang tigil talaga 'tong si Kat, lumipat din ng pwesto at tumabi kay Winter na nasa tabi ko. 

 

Hala naman, umiiwas na nga akong magthirdwheel!

 

"Cute boots, dora." Pang-aasar pa niya lalo, kinurot siya ni Winter sa balikat. Tumawa naman siya.

 

Natawa din naman ako sa dora HAHAHAHAHA gagi ka Kat, namumuro ka na. 

 

Hindi pa din naman umiimik si Winter at tanging pagglare lang ang ginagawa. Ever since nagstart yung ligawan, mas natitiis niya na din talaga yung pangaasar ng bestfriend niyang baliw.

 

"Ayan, nagshare location na si Yeji!" Pag-announce ni Ning kaya napatayo na kami. Nanguna si Winter na gustong gusto na yatang lumayo kay Karina.

 

"Uyyy, Win wait lang." Habol naman agad yung kuting sa puppy niya.

 

Ang cute naman talaga.

 

Sumabay na ako kay Ning sa paglalakad at pinanood si Karina na iwagayway yung coupons niya sa mukha ni Winter na nakatitig lang sa daan. 

 

Dala-dala niya pala yon!

 

"Winter, wag ka na pong magalit." Paglalambing ni Kat habang nakangiti, naglakad patalikod para face to face sila ni Winter. Jusko pag ikaw talaga Karina natalisod! 

 

Hindi ko man makita yung reaction ni Win, halata naman na hindi niya sinusungitan si Karina kasi malawak yung ngiti nung isang nakaharap samin. May tinanggal siyang coupon sa set. Hindi ko na need hulaan kung ano ba yun kasi nung tumingin sa amin si Win, nakangiti siya at kinuha yung coupon.

 

"Pasalamat ka, cute ka, Rina." Natatawa si Winter nung kinuha niya yung bag ni Kat at pinagdala nga siya ng bag.

 

"Edi thank you kina mommy at daddy!"

 

In fairness, pumayag si Winter.

 

Tahimik lang kami both ni Ning na naglalakad, inaantok pa kasi ako. Siya din siguro. Samantalang yung dalawa sa unahan, ga

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
hanbeo
hello! big thanks to those who supported, people who inspired me, helped and motivated me, esp. to my friends @.artemis and @.host. Finally got the winter/⭐️ hh I hope this story, its characters and the lessons remain a good memory to everyone na babalik-balikan as a happy pill.

Comments

You must be logged in to comment
6789gu8 #1
Chapter 61: Couldn't ask for a perfect ending for this chapter ng buhay nila, sobrang ganda 😭 yung emosyon ko habang nagbabasa 📈📉 KDJDKDKSKS
6789gu8 #2
Chapter 60: Nakisabay din ako sa pag iyak nina ning at gigi huhuhuhu fave chap so far 🥹
6789gu8 #3
Chapter 52: ༼⁠;⁠´⁠༎ຶ⁠ ⁠۝ ⁠༎ຶ⁠༽
6789gu8 #4
Chapter 51: Thank you po sa scene na sinuntok ni karina si ryujin... Napawi nang konti yung galit hahahahah

Pero grabe yung sakripisyo ni karina, alam ko naman na for the long run yung naging desisyon ni winter pero ibang klaseng torture yun sa relasyon nila. I'm glad karina never underestimated their love and trust for each other, if it's anyone nga like yeji said hindi magpapakatanga nang ganun pero kasi they don't know win and kat. Hindi nila alam gano kalalim yung tiwala at pagmamahal talaga nila sa isa't isa. It was never about just jealousy and doubts, yung distance rin talaga. They've been together their whole tapos biglang boom from Philippines to japan na yung distansya nila... Nainitindihan ko talaga, so much lesson learned like wag papasok sa ldr ganon charot 😭 hayyy ang saket saket pala ng story na to di ako na prepare
6789gu8 #5
Chapter 50: galit ako sayo author legit, di naman kasi malalamn ni ryujin na galit ako sakanya kaya sayo nalang.....

ANONG FOR THE REST OF THE YEAR NAMAN GRABE AKALA KO KASALAN NA NEXT EH 😭
6789gu8 #6
Chapter 49: Bat ang galing mong gumawa ng mga tarantadong character otor kuhang kuha mo galit at poot ko kay ryujin, natalo nya yung inis ko sa character nina jeno at minju sa ssd 😮‍💨
6789gu8 #7
Chapter 48: $+#+$++$*;+$$;-_$?#92($;"7$+$TANGJNANGAY YAN!!!!!!
6789gu8 #8
Chapter 47: SPOT ON SI NINGNING PUTABGINA!! HIGHBLOOD TALAGA AKES SANA LAST NA APPEARANCE NA NI RYUJIN PLS LANG
6789gu8 #9
Chapter 46: UGHHHHHHHHHHHGGGHHHHH BAKET MO GINAGAWA SAKEN TO OTOR 😭😭😭😭😭😭😭
6789gu8 #10
Chapter 43: Ang disrespectful na ni ryujin, would've given her a pass kung nagkulang sa reminders sina kat at giselle kaso naconfront na sya directly tapos parang wala lang... Idk what to feel abt her, gusto ko maawa na ewan ahhahaha