Sigurado?

Sa Mga Mata Nina Gigi at Ning
Please Subscribe to read the full chapter

NINGNING's

 

Naglinis kami ng dorm ni Gigi kanina heheheㅡdalawa lang kaming naglinis kasi wala si Ryujin dito. The day after nung nangyari sa may P. Campa, umalis si Ryu.. mga madaling araw yata? Sabi ni Gigi, nakakausap naman daw niya. Nagstay daw kina Lia, batchmate din namin.

 

Minsan, bumabalik si Ryujin dito sa dorm para kumuha ng gamit or damit. Pero hindi ko naaabutan, either tulog ako or nasa shower room. Nagkikita pa din naman kami sa review center kaya 'di ko siya namimiss.

 

Hindi ko naman talaga mamimiss, smh.

 

So ayun nga, we're expecting Win and Kat today! Nakaready na ang mga board games, alcohol at microphone.. charot. Ito na nga, nakaready na ang malinis na dorm namin.

 

Okay na din sigurong wala si Ryujin dito. Palagay ko kasi, hindi makakafocus si Winter. Ay nako, baka hindi kami makafocus lahat.

 

"Ang aga-aga naming naghintay sa inyo ha." Reklamo ni Gigi when Kat and Win arrived.

 

Jusko ba naman, hapon na nakarating.

 

Diretso lang si Karina sa closet niya, nakita kong chineck niya pa ang desk niya while Winter's busy talking to Gigi sa may pinto.

 

Tumingin sa akin si Kat na nakangiti, mouthing 'Thank you'.

 

Bakit?

 

Syempre, naglinis nga kami ni Gigi.

 

Nilinis namin yung desk ni Kat. She texted us yesterday at pinapatanggal yung mga notes na iniwan ni redacted sa desk niya.

 

"Wiiiin, miss mo ko." Sabi ko at niyakap si Winter na may sakbit pa ding backpack sa likod niya. She chuckled, tinulak ako agad.

 

"Hi din, Ning." Winter smiled at me and patted my head.

 

Grabe, simula nung nagstart si Win magwork, feeling ko ano.. feel ko senior ko na siya. At feeling ko binebaby niya na din ako! Nabaligtad na ata ang mundo, hindi na siya abunjing.

 

"Shower lang ako baby." Napatingin kami kay Kat na may hawak na towel at yung pangligo niya. She walked to kiss Winter on the lipsㅡsa harap pa namin.

 

Para ko na namang nakita ang parents kong may live show.

 

I looked at Gigi at pareho kaming napatawa.

 

"M-magshower ka na." Winter pushed Karina, buti naman dahil wala talagang kahiya-hiya si Katarina sa harap namin.

 

We heard Kat giggling as she entered the shower room. Tinuro na namin kay Winter yung pwesto ng jowa niya.

 

"Thank you guys." Winter said, ibinaba niya ang mga dala niya sa ilalim ng desk ni Kat.

 

Sabay-sabay kaming umupo sa mga swivel chair namin. Si Winter, dun sa upuan ni Karina.

 

"Ano ka ba, Win. Para ka namang others." Natatawang sagot ni Gigi kaya napasmile na din ako.

 

"I mean.. thanks for taking care of Rina." Winter shyly looked at us. Haayy, ang cute pa din ni Win.

 

Nakita kong Gigi patted Win's shoulder, nginitian kami pareho bago siya magbounce sa desk niya.

 

Ay oo nga pala! Mag-aaral pa.

 

"Kiss nalang bayad mo samin, Win." Nang-aasar pang sabi ni Gigi kaya nagtawanan kami.

 

"Sige na, aral na kayo." Winter says, inikot ang upuan niya to check Kat's desk.

 

Bumalik na nga din ako sa sarili kong table at nagsimula nang mag-aral. Habang naghihintay kasi kami kanina, usapan namin ni Gigi ay magsasagot na din kami ng problem sets para hindi sayang ang oras.

 

I took my pen and calculator. Ah, wait. Yung lapis nga pala.

 

May pamahiin slash tradition kasi ang mga board takers na magpatasa daw sa board passers ng lapis para more swerte. We asked Winter na magpatasa kina ate Irene at ate Seulgi eh.

 

So, I turned around at kakausapin ko na sana si Winter para magtanong nang makita kong nakatigil lang siya sa kinauupuan at nakatingin sa..

 

opened trashbin ni Kat.

 

Nasaan ang takip nun? Jusko.

 

Nanlaki ang mata ko nang makita dun yung bulaklak.

 

GIGI!!!!!

 

"Win, 'wag mong hawakan yan! Dirty yan." Nagmadali akong lumapit sa kaniya pero huli na, hindi niya naman kinalkal yung basurahan.

 

Kinuha lang niya at parang tiningnan yung nandun.

 

Tumingin ako kay Giselle na pinapanood na din pala kami. I glared at her, napakamot siya sa ulo.

 

Hinablot ko na mula kay Winter yung trashbin at kinurot si Gigi when I walked past her. Pumunta na ako sa labas. Hindi ko naman masisi nga si Gigi kasi may rule ang Forbes na bawal pang magtapon sa MRF sa ground floor kapag hindi pa 8 PM.

 

Fault ko na din siguro yung hindi pagcheck ng mga basurahan namin.

 

Bakit naman kasi napatingin pa si Winter sa basurahan? Ang daming pwedeng tingnan dito eh.

 

Winter remained the same throughout the night. The sameㅡna parang normal lang. Baka hindi niya na inisip masyado yung nakita niya? Tinry ko nga alalahanin yung nandun eh. Hindi ko kasi masyadong binasa mga nakasulat sa notes kasi puro quotes from Google lang naman na may signature ni Ryu. Yung flower na lanta na lang siguro ang dapat akong kabahan.

 

Hindi na din namin sinabi ni Gigi kay Kat. Inexpect nga namin na ioopen ni Winter yun pero hindi talaga. Ang smooth ng gabi namin.

 

"Rina, tutulog ka na?" I heard them talking behind me, pagod na akong magsagot at nagrerecall nalang ng steps sa problems na inaral ko today.

 

I leaned my chair on my closet at pasimple silang pinanood.

 

"Hindi ako makatulog pa.." Sagot ni Kat.

 

Napangiti nalang din talaga ako. Kanina, nakakalong pa si Winter kay Kat kasi ayaw niyang gamitin yung upuan ni Ryu. Ngayon, pareho nalang silang nakaupo sa sahig at yung mini table ni Karina ang gamit nila sa pag-aaral sa halip na sa desk.

 

"Ako din." Sabi ni Winter, leaning her head on Karina's shoulder.

 

"Gusto mo, rooftop tayo?" Tanong ni Kat. I heard Gigi flipping pages sa desk niya.

 

"Yung iniyakan mo?"

 

Iniyakan? Umiyak si Kat about sa rooftop? Or may hindi lang kami alam.. Hmm..

 

"Baby naman." Kat playfully hits Winter's thigh.

 

Ngumisi pa si Win, sabay sabing: "Ikaw ang baby."

 

Kat rolled her eyes, standing up.

 

"Tara na nga, maghoodie ka. Mahangin dun."

 

As Winter went to take a hoodie like she's told, nilikom na ni Karina yung maliit na table kaya umikot na si Giselle kasi narinig yata ang pagaayos nina Kat.

 

"Saan kayo punta?" Gigi asked, tumingin din sa akin.

 

I placed my index cards back into my drawer. Alam ko na ang mangyayari eh.

 

"Rooftop.. Tara?" Niyaya din kami ni Kat, hihihi.

 

"Uy, taraa!" Excited nga si Gigi, ang bilis naitago ang reviewers niya at naunahan pa sina Winter sa may pintuan.

 

Cute talaga neto.

 

THIRD PERSON's

 

"Win, kita mo yung street na yun na paikot sa may simbahan?"

 

"Oo."

 

"Dyan kami dumadaan kapag mamamalengke."

 

"Ahh, palengke yung may ilaw na yun?"

 

"Oo, maliit lang."

 

Nag-uusap sina Giselle at Winter habang nakatanaw sa mapang nakikita nila mula sa rooftop. Magkakatabi ang apat na magkakaibigan, nakikinig lang sina Karina at Ningning sa pagkukwento ni Giselle tungkol sa lugar na tinirhan nila nitong mga nakaraang buwan.

 

"Akala ko, palengke din yung nasa may paMcdo..?" Tanong ulit ni Winter na interested ding aralin ang lugar.

 

"Ay oo! Dalawang magkadikit na talipapa yan eh." Sabi pa ni Giselle.

 

While listening, kinuha na ni Ningning ang phone niya at nagsimulang kumuha ng litrato ng kalangitan. She felt Karina's elbow nudging her.

 

"Ano?"

 

"Picture-an mo nga yung dalawang madaldal." Bulong ni Karina sa kaniya. Ningning laughs as she shifts to front camera. Nagpicture nga sila ni Karina at kita sa gilid nila ang seryosong pag-uusap nina Winter at Giselle.

 

"Huy! Take two! Mukha naman kaming chismosa dyan eh." Sabi ni Giselle nang mapansin niya ang ilaw ng screen ni Ningning.

 

Laughing, inulit nga ni Ningning ang pagkuha ng litrato. Winter and Giselle smiled with them. Sa kasunod na picture, inakbayan pa ni Giselle si Winter at nakapisil si Karina sa cheek ni Ningning.

 

"Aray! Gigil na gigil ka, Kat?" Sabi pa ni Ningning matapos magpicture habang hinihimas ang pisngi niyang napisil.

 

Karina chuckles, biglang nagtanong. "Nagkiss na kayo ni Gigi?"

 

Agad na napatigil si Giselle sa pagdaldal kay Winter, umiwas naman ng tingin si Ningning.

 

"Ilang beses na?" Winter added a log to the fire. Namula na tuloy si Ningning at parang ibinigay na kay Giselle ang microphone.

 

"Ning, tinatanong ka ni Kat!" Pag-iwas din ni Giselle sa tanong dahil siya ang tinitigan ng mga kaibigan nila.

 

"Please respect my privacy." Kahit namumula, nagawa pa ding umarte ni Ningning as if she's a superstar na iniinterview.

 

"Privacy, daming alam." Karina poked her waist.

 

"Kat! Gigi oh, ayaw akong tigilan." Pagsusumbong pa ni Ningning pero tinawanan lang siya ni Giselle.

 

"Happy naman kayo, Gigi?" Winter asked. Nagkatinginan sina Giselle at Ningning.

 

Magkalayo kasi sila, with Winter and Katarina standing between them.

 

"Oo, masaya." Nakangiting sagot ni Giselle.

 

"Clown kasi si Gi kaya masaya din ako." Mapang-asar na sagot naman ni Ningning.

 

Nagtawanan nalang sila. Karina wrapped an arm around Winter's waist at bumalik ang tingin nila sa view ng city.

 

Lumipat na din ng pwesto si Gisells at tinabihan ang girlfriend niya.

 

"Parang dati lang, tumatakbo pa tayo sa GCH kasi kailangang umabot sa deadline ng manuscript." Si Giselle, biglang napalook back sa college days nila.

 

Ang bilis nga naman ng panahon.

 

"Grabeng hilo ko sa init nun." Sambit ni Karina, Winter chuckles at inakbayan ang girlfriend niya.

 

"Miss mo? Gusto mong bumalik sa Batangas?" Asar ni Ningning, parang naghahamon pa.

 

"Heh." May pairap na naman si Katarina.

 

Winter sighed, mukhang magandang idea nga ang bumalik sa dating school nila. That place holds a lot of good memories. Gusto niyang balikan.

 

"Pwede naman.. balik tayong apat." Sabi ni Winter. May lampas isang buwan pa naman siya bago umalis ulit.

 

If there's one thing she realized in the past weeks, yun ay ang enjoy-in ang stay niya dito.

 

"Reminisce?" Karina asks, nakatingin sa kaniya while Winter continued to stare at the nightsky.

 

Tumango si Winter.

 

"Depende sa results kung g ba akong maggala." Giselle scratched her head. Yun din naman talaga ang worry niyaㅡnilang lahat.

 

"Ako din pala." Sabay na sabi nina Ningning at Karina.

 

"Guys, anong gusto nyong gawin.. if ever 'di kayo makapasa?" Biglang tanong ni Giselle. Mahinang tumawa si Ningning at pinisil ang brasong nakacling sa kaniya.

 

"Tanong lang namaaan. Syempre, gusto ko kayong makausap after boards.. pero kung mamalasin ako, 'wag niyo kong iwan na mag-isa." Sabi pa niya kaya naman bumalik ang paghawak ni Ningning sa kamay niya.

 

Winter smiles at Giselle. "Pwede niyo din akong kausapin, I don't mind."

 

"Hmm.. Ako siguro, basta dalhan niyo ako ng pagkain." Nakangising sagot ni Ningning. They all chuckled.

 

"Oh sige, pagkain kay Ning." Sabi ni Winter, lightly patting Katarina's chest. Kanina pang tahimik ang girlfriend niya.

 

"Ikaw, Rina?"

 

Karina looked at her. Maayos pa ang ngiti nung una pero napalitan ng ngisi.

 

"Kiss mo lang, sapat na."

 

Napairap si Ningning, whining noise naman ang kay Giselle. Tumawa na si Winter at hinampas sa balikat ang girlfriend niya.

 

"Kiss na nga lang eh. Ang damot, edi makeout nalang!" Pahabol pa ni Karina.

 

"Ewan ko sayo, Rina."

 

"Anakan mo na nga yan, Winter." Natatawang kantyaw ni Ningning habang hila-hila si Giselle papunta sa kabilang side ng rooftop.

 

Naiwan sina Winter at Karina sa tinatambayan nilang pwesto.

 

"Anakan mo daw ako." Hindi talaga tumitigil si Karina. Winter glared at her.

 

"Parang baliw." Inis na sabi ni Winter, nakangiti pa din naman.

 

Karina pulled away from holding Winter's waist. Humarap siya sa katabi niya while leaning sa low wall. She took Winter's hand at hinalikan ito.

 

Winter smiles, ginaya ang pwesto ni Katarina kaya ngayon ay magkaharapan na sila, nagtititigan.

 

"Galingan mo." Winter tells her softly. Inilapat ang kamay niya sa pisngi ni Karina nang bitawan siya nito.

 

Karina leaned against her palm, pumikit pa while smiling.

 

"Opo. Ikaw din." She whispers.

 

Winter moved closer, slowly, landing a few soft kisses on her girlfriend's lips. Katarina returned her kisses, napahawak pa sa braso ni Winter. They didn't mind the strong gush of wind passing by the small gap between their faces.

 

Nang lumayo na si Winter, nakangiti na naman si Karina, hinahangin pa ang buhok.

 

"I'll do well sa exams, girlfriend ko si Katarina eh." Nakangiti ding sabi ni Winter kaya inirapan siya ni Karina, kahit namumula ang tenga.

 

"Yabang mo din talaga, Win."

 

"Mana ako sayo." Sagot ni Winter.

 

This time, si Karina naman ang umakbay sa kaniya. Itinago na ni Winter ang mga kamay niya sa bulsa ng hoodie para painitin ang nilalamig na mga kamay.

 

"Ang ganda no?" Karina mutters as they both stared back at the clouds and stars in front of them. She felt

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
hanbeo
hello! big thanks to those who supported, people who inspired me, helped and motivated me, esp. to my friends @.artemis and @.host. Finally got the winter/⭐️ hh I hope this story, its characters and the lessons remain a good memory to everyone na babalik-balikan as a happy pill.

Comments

You must be logged in to comment
6789gu8 #1
Chapter 61: Couldn't ask for a perfect ending for this chapter ng buhay nila, sobrang ganda 😭 yung emosyon ko habang nagbabasa 📈📉 KDJDKDKSKS
6789gu8 #2
Chapter 60: Nakisabay din ako sa pag iyak nina ning at gigi huhuhuhu fave chap so far 🥹
6789gu8 #3
Chapter 52: ༼⁠;⁠´⁠༎ຶ⁠ ⁠۝ ⁠༎ຶ⁠༽
6789gu8 #4
Chapter 51: Thank you po sa scene na sinuntok ni karina si ryujin... Napawi nang konti yung galit hahahahah

Pero grabe yung sakripisyo ni karina, alam ko naman na for the long run yung naging desisyon ni winter pero ibang klaseng torture yun sa relasyon nila. I'm glad karina never underestimated their love and trust for each other, if it's anyone nga like yeji said hindi magpapakatanga nang ganun pero kasi they don't know win and kat. Hindi nila alam gano kalalim yung tiwala at pagmamahal talaga nila sa isa't isa. It was never about just jealousy and doubts, yung distance rin talaga. They've been together their whole tapos biglang boom from Philippines to japan na yung distansya nila... Nainitindihan ko talaga, so much lesson learned like wag papasok sa ldr ganon charot 😭 hayyy ang saket saket pala ng story na to di ako na prepare
6789gu8 #5
Chapter 50: galit ako sayo author legit, di naman kasi malalamn ni ryujin na galit ako sakanya kaya sayo nalang.....

ANONG FOR THE REST OF THE YEAR NAMAN GRABE AKALA KO KASALAN NA NEXT EH 😭
6789gu8 #6
Chapter 49: Bat ang galing mong gumawa ng mga tarantadong character otor kuhang kuha mo galit at poot ko kay ryujin, natalo nya yung inis ko sa character nina jeno at minju sa ssd 😮‍💨
6789gu8 #7
Chapter 48: $+#+$++$*;+$$;-_$?#92($;"7$+$TANGJNANGAY YAN!!!!!!
6789gu8 #8
Chapter 47: SPOT ON SI NINGNING PUTABGINA!! HIGHBLOOD TALAGA AKES SANA LAST NA APPEARANCE NA NI RYUJIN PLS LANG
6789gu8 #9
Chapter 46: UGHHHHHHHHHHHGGGHHHHH BAKET MO GINAGAWA SAKEN TO OTOR 😭😭😭😭😭😭😭
6789gu8 #10
Chapter 43: Ang disrespectful na ni ryujin, would've given her a pass kung nagkulang sa reminders sina kat at giselle kaso naconfront na sya directly tapos parang wala lang... Idk what to feel abt her, gusto ko maawa na ewan ahhahaha