Her Mission in Life

The Disastrous Life of Kang Seulgi
Please Subscribe to read the full chapter

 

Wala sa sarili na naglalakad si Seulgi papunta ng kanilang classroom habang may nakapaslak na earphone at nakikinig sa paborito niyang bandang Eraserheads. Walang pake kahit pa pinagtitinginan siya ng mga estudyante at may mga pabulong bulong pa. Yung iba naman parang mga sira na nakatingin sa kanya with their heart eyes. Ang OA lang. Pero yun talaga.

 

Popular kid naman kasi tong si Seulgi sa university na pinag-aaralan niya along with her group of friends. Sino ba naman di sisikat kung siya at mga kaibigan niya ay isa ring dance troupe na palaging nagpapanalo ng school nila. Ang gagaling ba naman sumayaw, magaganda at ang hot pa lalo na si Seulgi. Naku kapag nalabas na yung abs niya grabe hiyawan yung mga estudyante na kala mo walang bukas.

 

Last year na nila sa college pero tong si Seulgi hanggang ngayon wala paring ka pake sa paligid niya. Gusto lang naman daw niya ng peaceful life sa last year nila dito. Di nga niya pinapansin yung mga naglalaway sa kanya. Ang ew lang daw kaya.

 

So balik tayo...

 

Okay na sana nag eenjoy na si Seulgi sa pinapakinggang musika habang may pa headbang pa. Hindi naman yung ala rocker na headbang ha jusko naman yung mild lang. Nang bigla nalang may humamblot ng earphone niya na regalo pa ng kanyang mudra.

 

Tangina ano na naman to.

 

Sinamaan niya ng tingin ang isang babaeng nakaharap sa kanya na ngayon ay naka smirk pa habang may pawagayway ng kamay na hawak ang earphone niya. Yun bang ginagawa ng mga mean girls sa mga movies. Ganung ganun siya.

 

Hindi na siya nabigla kung sino to dahil sino pa nga ba ang walang hiyang maglalakas ng loob sirain ang umaga niya kundi ang isang Bae Irene lang naman. Wala na talaga tong ginawang tama sa buhay.

 

Her mission in life?

 

Make Kang Seulgi's life miserable and disastrous.

 

Yan talaga kasiyahan ng babaeng to.

 

Ewan ba niya rito kay Bae Irene nato. Maganda naman, sikat at matalino. Sabi ng iba mabait naman daw pero yun nga lang mabait kapag tulog. Medjo natawa siya dun sa isip isip niya.

 

Si Irene kasi yung deans lister at super competitive na tao na ayaw magpatalo at magpahuli sa lahat ng bagay. Minsan iniisip ni Seulgi na baka ginagawa lahat to ni Irene because she's triggered with Seulgi existence and popularity. And not to mention ay isa rin naman si Seulgi na butihing estudyanteng laging nangunguna sa klase nila.

 

Although magkaiba naman sila ng department kaya bakit naman siya ang pinagtritripan nito.

 

At saka ano ba mapapala niya kay Seulgi eh wala nga naman siyang pake sa popularity na yan. Uulitin niya, ang gusto niya lang ay makatapos ng college peacefully.

 

Gaano ba kahirap intindihin yun. She heaved a sigh before looking at Irene calmly.

 

"Ano bang kailangan mo at sinisira mo na naman ang umaga ko." mas lalo lang lumaki ang grin ni Irene sabay yuko niya at linapit ang mukha kay Seulgi. Naka heels kasi to.

 

"Well that's the point. I'm here just to ruin your morning." medyo may pagka y niyang sabi habang nakangiti parin ng nakakaluko kay Seulgi.

 

Hindi nalang sana siya papansinin ni Seulgi at sabay hahablutin yung earphone niya ng bigla itong nilayo ni Irene sabay sabing.

 

"And oh! This thing looks nice. Akin na to ha! Ciao Seulgi" sabay biglang
Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
ms_kang
I decided na hatiin nalang to into two parts. Also, I don't know if it's worth reading or not kasi sobrang gulo ng pagkasulat ko kaya kayo na bahala mang husga. This is also boring, but oh well lol

Comments

You must be logged in to comment
_rtempest
1060 streak #1
Chapter 11: otor! ang ganda nitong fic mo! sana matuloy mo pa rin😭
waiting with respect po!
kkdalgi
#2
Chapter 11: This is actually good, sayang nga lang parang antagal ng dropped ang story na to, hopefully author would regain their passion for this fic, ganda kasi sayang naman if di matapos nasa exciting part pa naman hehe
Pristinemoon
#3
Waiting with respect po otor :<<<
BaeSeulge #4
Still waiting for ud TT
Huangse
#5
Otornim, pls don't abandon this story. :<
Astraea21 #6
Chapter 11: ,,👍
jmjslrn #7
Chapter 2: ikabedon na yan
sarmientuts_ #8
Chapter 11: hindi ka talaga mapapansin kung hindi ka kikilos, well gets ko naman si joohyun nakakatakot namain kasi talaga umamin sa taong gusto mo kasi siyempre takot ma reject. Pero sa huli kasi ikaw lang masasaktan sa ginagawa mo eh, pero bilib ako kay joohyun ang consistent kay seulgi pero si seulgi napaka bulag sa paligid jusko
sarmientuts_ #9
Chapter 5: putek nakakakilig to with bg music pramis HSGEUSHAHA
BaeSeulge #10
Update na po authornim 🥺