Harana Part 2

The Disastrous Life of Kang Seulgi
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

“Mic check 1, 2… Matagal ko nang gustong sabihin sayo to.” pasikat na rap ni Moonbyul after mentioning Gloc 9. Agad namang humagalpak ng tawa sina Seulgi at Lisa sa pinaggagawa ng kaibigan habang ang tatlo ay di na maipinta ang mukha. 

 

“Tangina ka Byul! Ang jeje.. wag mo kaming ipahiya sa kalokohan mong yan. Ira rap mo talaga yung rap ni Gloc 9 ng ipagpatawad mo?” bwelta ni Jeongyeon sa kanya. Di niya maintindihan kung anong pumasok sa kokote ng kaibigan at sa lahat ay ito pa ang napili nito.

 

“May lyrics sa rap dun na ‘Palagi kong pupunasan ang mga libag mo’.. Gusto mo bang batuhin ka ng itlog ni Solar imbes na mainlove siya sayo, boplaks to.” tawang dagdag pa ni Jisoo habang iiling iling. 

 

Naiimagine na niya itsura ni Moonbyul na puno ng itlog at gigil na mukha ni Solar. 

 

Pwede na rin. 

 

Ang epik siguro nun, parang gusto niya tuloy makita in reality. 

 

Lalo namang tumawa sina Seulgi at Lisa sa sinabi ni Jisoo. "Aayaw pa ba si Solar nyan may taga punas na pala siya ng libag niya hahahaha." sabi ni Lisa. 

 

"At malay nyo ba, pa’no kung may kink pala si Solar sa mga ganun. Edi panalo siya hahahaha." hirit naman ni Seulgi.

 

Mga gago talaga. 

 

Binato naman sila ni Wendy ng cushions dalawa. Parang sinasabi na rin nila na may libag nga si Solar. 

 

"Bakit ba?! Eh lahat naman tayo may libag. Ang OA mo ha!" binato naman ni Seulgi ng cushion si Wendy pabalik. "Kung maka arte ka parang wala kang libag dyan. Kita ko nga dito eh ang kapal pa oh." habol pa niya. 

 

Agad namang tumayo si Wendy sa inuupuan niya at sinabunutan si Seulgi. 

 

"Bwisit ka! Libag na makapal pala ah.. itong anit mo mukhang makapal din." napapasigaw nalang si Seulgi sa ginagawa ng kaibigan. 

 

"Aray! Anuba wan!" 

 

Buti nga sa kanya. Gago kasi. 

 

Di na talaga to nadala si Seulgi. May pagka engot rin kasi siya minsan eh. 

 

"Mga potek kayo tumigil nga kayo dyan!" sita ni Moonbyul sa kanila. Galit na siya niyan.

 

"Bakit ba kasi napunta sa libag tong usapan ha, sa buong kanta yan talaga naalala nyo?! Ang ganda nung kanta pati yung rap tapos di nyo ma appreciate man lang. Linisin nyo nga mga tenga nyo!" sermon pa niya na naka cross arm na at dekwatro pang pinagmamasdan ang ngayon ay magkatabing sina Seulgi, Wendy at Lisa.

 

"May lyrics naman talaga dun na li-" sagot ni Jisoo na agad naman napatigil dahil sa mabilis na pag lingon ng katabi niya at pinandilatan siya ng mata. Magkatabi lang kasi sila ni Moonbyul at natatakot siyang makotosan nito.

 

Sakit pa naman mangotos ng babaeng to.

 

"Sige ituloy mo!" bulyaw nito. Napataas na lang si Jisoo ng dalawang kamay na parang nag surrender. 

 

"Sabi ko nga shut up na hehe."

 

"Sa dami naman kasing kanta yan pa napili mo. Tangina naman byul wag mo kaming idamay sa pagka jeje mo uy ulol." react ni Jeongyeon. Kung si Byul ay super fan ni Gloc siya naman yung anti nito. Mas sosyal daw kasi siya kaya mas gusto niya english yung mala Kendrick Lamar music.

 

Oh diba ang humble niya. lol waley...

 

"Maganda naman ah at wag mo ngang masabi sabing jeje mga kanta ni Gloc 9, kanina ka pa ah nakaka offend ka na." 

 

"Wag na nga kasi yan, eto nalang may naisip akong mas maganda tsaka mas bagay for harana at pag guitar nila Seulgi." saad ni Wendy na seryoso na rin ang mukha. Ayaw nya kasi mag rap si Moonbyul. Magaling naman mag rap ang kaibigan niya pero di kasi bagay sa harana na gagawin nila. 

 

"Pwede naman kasing mag guitar yang dalawa kahit nag rarap ako. Masyado kayong OA dyan."

 

"Edi ikaw na lang mangharana mag isa! Bwisit ka ipagpipilitan mo talaga yang Gloc 9 mo na yan!" gigil na talaga si Jeongyeon sa kanya. Sinamaan naman siya ng tingin ni Moonbyul at ayun nga they're just glaring at each other na.

 

"Fine!" suko ni Moonbyul. 

 

"But make sure na mas maganda yung kanta na isusuggest mo wan or else kakalbuhin ko kayong pareho netong kj na Jeongyeon na to." ngising wagi naman si Wendy sa narinig tsaka confident na tumango lang sa kanya. 

 

"Magugustuhan mo to panigurado." 

 

Sinabi ni Wendy sa mga kaibigan ang kantang naisip niya. Agad namang nagliwanag ang mukha ng mga ito sa narinig at halata sa mga mata ang pagka excite.

 

Nag practice lang ang tropa sa kakantahin when Seulgi and Lisa decided to get their guitars sa bawat condo to practice the chords na rin.

 

They decided na mag meet sa isang restaurant to have dinner before dumiretso sa bahay nina Solar.

________

Exactly 7:30 pm nang dumating sina Seulgi sa lugar nina Solar at kasalukuyang nasa labas ng gate na harap mismo ng balcony habang inihahanda ang mga sarili sa gagawing panghaharana. 

 

Nakatayo lang si Seulgi sa dulo habang nakasabit ang guitar sa shoulder niya at pinagmamasdan ang kabadong mukha ng mga friends except for Jisoo.

 

Maski si Lisa na taga guitar lang ay halata din ang kaba. Syempre naman, andyan si Ruby Jane eh.

 

Masyado siyang natutuwa na pagmasdan ang mga friends niya lalo na si Wendy na parang natatae. May hawak hawak itong isang bouquet ng daisies at isang piraso ng purple tulip. 

 

Seulgi frown dahil sa nakita niya. 

 

Bakit may piraso pa ng tulip? At nahiya pa talaga, di nalang bouquet yung binili.

 

“Okay na kayo? Ready na? Tatawagan ko na babe ko para papuntahin na sila sa balcony.” tanong ni Jisoo sa kanila. 

 

“T-teka! S-saglit lang kinakabahan pa ako.” pigil ni Wendy.

 

“Gags.. p-pwede ba mag back out na lang? Parang di ko yata k-kakayanin to.” habol pa niya. Kinakabahan talaga siya at halata na masyado ang panginginig niya. Agad naman siyang hinawakan ni Seulgi sa kanyang balikat para pakalmahin.

 

“Wannie calm down. Inhale.. Exhale.. Inhale.. Exhale..” pinaulit ulit lang to ni Seulgi hanggang sa kumalma ang kaibigan niya.

 

“Okay ka na?” tumango naman si Wendy sa kanya saka ngumiti. 

 

“Don’t worry, Wan. Nandito naman kami eh, kaya wag ka masyadong kabahan. Just don’t think too much and enjoy mo lang gagawin natin.” reassurance pa ni Jisoo at ngumiti.

 

“Tatawagan ko na talaga babe ko kaya maghanda na kayo.” 

 

Tiningnan ni Jisoo isa isa ang mga kaibigan na tumango lang bago i dial ang number ni Rosé. Agad naman itong sinagot ng jowa niya at saka niya ni loudspeaker.

 

“Hi babe! I miss you." bungad nito sa kanya. Agad namang napangiwi ang lima sa narinig habang nakangiting malaki si Jisoo. 

 

Kilig na kilig ang gaga.

 

"I miss you too babe. Kumain na kayo?"

 

"Yup! Katatapos lang, actually. How about you?" 

 

"Tapos na po. Busog na nga baby mo eh. Anong ginagawa nyo ngayon dyan?" 

 

Jusko ang dami pang satsat ng mag jowang to nababagot na si Seulgi. Para tuloy silang nakiki tsismis sa lagay na to.

 

"Good to know. They're currently choosing a movie to watch. Ikaw?"

 

"Asa labas ako.. I mean kami."

 

"What?! Bakit di mo sinabi sa akin na lalabas pa-"

 

"Lumabas kayo sa balcony nila Solar." di na pinatapos ni Jisoo ang sasabihin sana ng jowa. 

 

"Huh? What do you mean?"

 

"Basta! Punta ka sa balcony at dalhin mo sina Solar." narinig naman nila si Rosé na nakikipag usap sa mga kaibigan nito. 

 

'Bakit daw?' 

 

'Anong meron?'

 

Dinig na dinig nila ang mga tanong sa kabilang linya.

 

Pinutol ni Jisoo ang tawag nang makita nila ang mga ito na papalabas na at agad naman silang nagsitayuan ng maayos. Yung pwesto nila ay ganito: Lisa, Jisoo, Jeongyeon, Moonbyul, Wendy at Seulgi.

 

Gulat na gulat naman ang mukha nila Rosé and friends nang makita ang jowa at tropa nito na may dala dalang mga bulaklak at gitara pagkalabas nila sa balcony. 

 

"Manghaharana lang sana kami sa inyo mga binibini." sabi ni Moonbyul sa kanila na may malaking ngiti.

 

Nagliwanag naman ang mukha ng mga dalaga maliban kay Irene at Jennie na parehong seryoso lang na nakatingin sa kanila.

 

"Kayo lang! Di kami kasali ni Seulgi dito, dinamay niyo lang kami." hirit ni Lisa. 

 

Nakita niya kasi yung seryosong tingin ni Jennie kaya she felt the need to explain herself. Ayaw niyang isipin nito na naghahabol parin siya. Pinandilatan naman siya ng mata nung apat pero di niya to pinansin.

 

Di nalang din pinansin ni Seulgi ang dalawa sa taas at tumingin sa mga kaibigan niya as a sign to start. 

 

They all nodded in unison saka siya nag strum ng kanyang guitar kasabay si Lisa.

 

Bakit kapag tumitingin ka natutunaw ako

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
ms_kang
I decided na hatiin nalang to into two parts. Also, I don't know if it's worth reading or not kasi sobrang gulo ng pagkasulat ko kaya kayo na bahala mang husga. This is also boring, but oh well lol

Comments

You must be logged in to comment
_rtempest
1060 streak #1
Chapter 11: otor! ang ganda nitong fic mo! sana matuloy mo pa rin😭
waiting with respect po!
kkdalgi
#2
Chapter 11: This is actually good, sayang nga lang parang antagal ng dropped ang story na to, hopefully author would regain their passion for this fic, ganda kasi sayang naman if di matapos nasa exciting part pa naman hehe
Pristinemoon
#3
Waiting with respect po otor :<<<
BaeSeulge #4
Still waiting for ud TT
Huangse
#5
Otornim, pls don't abandon this story. :<
Astraea21 #6
Chapter 11: ,,👍
jmjslrn #7
Chapter 2: ikabedon na yan
sarmientuts_ #8
Chapter 11: hindi ka talaga mapapansin kung hindi ka kikilos, well gets ko naman si joohyun nakakatakot namain kasi talaga umamin sa taong gusto mo kasi siyempre takot ma reject. Pero sa huli kasi ikaw lang masasaktan sa ginagawa mo eh, pero bilib ako kay joohyun ang consistent kay seulgi pero si seulgi napaka bulag sa paligid jusko
sarmientuts_ #9
Chapter 5: putek nakakakilig to with bg music pramis HSGEUSHAHA
BaeSeulge #10
Update na po authornim 🥺