Bae Joohyun Part 1

The Disastrous Life of Kang Seulgi
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

Bata pa lang si Joohyun habulin na siya ng gulo. Lagi ba naman kasi siyang tampulan ng tukso ng mga kaedad niya na mga KSA o kulang sa aruga. 

 

Malusog na bata kasi tong si Joohyun. Sa sobrang lusog niya nagmumukha na siyang bola. Yan ang tawag ng iba sa kanya. Halatang napabayaan daw kasi sa kusina ng kanyang mommy at yaya. 

 

But that's not true, hindi siya napabayaan sa kusina, kasi ang totoo niyan ang mommy niya mismo ang nagpapakain sa kanya ng masasarap na pagkain. Gustong gusto kasi nitong pinagluluto at pinagmamasdan ang anak niyang sobrang cute kung makakain lalo na kung puno ang bibig nito at namimilog. 

 

Masyado siyang spoiled sa mommy niya, lalo na sa pagkain.

 

Sobrang taba ni Joohyun nung bata pa siya. Bola, baboy, balyena, tabatsoy at kahit ano pang tukso ng mga kaklase niya narinig na niya.

 

Hindi lang tukso ang natatanggap niya.

 

She also got bullied physically because of her looks. 

 

There was that one time na ni lockan pa siya sa janitor's room when she was in grade five. At nung time na tinapon sa mukha niya ng isang acting leader na kaklase niya ang baon na niluto pa ng mommy niya before ito umalis for her business trip. 

 

She was devastated then pero wala siyang nagawa. Hindi rin niya sinabi sa parents niya ang nangyaring bullying dahil ayaw niya ng gulo. 

 

The bullying was so severe that time despite those kids being only elementary students. She cannot fathom how they can be so cruel at such a young age. She wondered if kulang ba talaga sila sa pagmamahal at kalinga kaya nila nagagawa sa kapwa nila ang mga ganung bagay. 

 

She never got any friends nung elementary siya. 

 

She was a loner. Everyone hated her, despised her and looked down on her. Pinandidirihan pa siya dahil lang sa itsura niya, sa physique niya. 

 

Joohyun used to be a very bright kid. She used to smile a lot, talk a lot, and enjoyed simple things. But all of which was long gone after being bullied. 

 

Ilang beses na rin siyang na loko at tinake advantage.

 

You see, Joohyun was someone who's thirsty for a friend. That's why when a classmate approached her for something, masaya niyang inintertain yon. She was very happy at first until she realized it was all an act. 

 

They were only using her. 

 

She felt so betrayed and cried so hard.

 

And so, she promised to herself, she'll never trust someone again except for her family. 

 

Well, until she met Kang Seulgi. 

 

The promise she made for herself was easily broken because of her. And the walls she built to protect herself got easily knocked down by her.

 

She can clearly remember the first time she met her. 

 

Bae Joohyun was 12 years old when she met Kang Seulgi. Grade six student sila pareho that time. 

 

Seulgi was a transferred student in grade six. And despite being a transfer student, she was already very popular. She's loved and idolized by everyone. She's like a magnet na nang aattract ng tao sa paligid niya. 

 

She's bubbly, bright, and a happy pill. She's very opposite to Joohyun who's hated by everyone. 

 

But those differences didn't stop her from loving Seulgi. Instead, it was some of the many reasons why she fell in love with her. 

 

Seulgi is different. 

 

And she's very different from everyone else. 

 

Seulgi is kind, warm hearted, respectful, caring, down to earth and humble. 

 

Despite the popularity she received in their school, she remained humble and kind. She never used her power para mang- api ng kapwa.

 

Seulgi spreads love to everyone. Kaya ang resulta nahulog din ang lahat sa kanya. 

 

Pati si Joohyun hindi nakaligtas. 

 

Joohyun was at the park when she first had an encounter with Seulgi. Dito nag umpisa ang lahat kung paano siya na inlove at naka ugaliang sundan si Seulgi saan man ito magpunta. 

 

She was just sitting peacefully at the bench, pinagmamasdan niya ang mga tao sa paligid na may kanya kanyang ginagawa. Mga bata na naglalaro, mga couples na nag dedate, matatanda and even some family na nag pipicnic. 

 

She was minding her own business when some kids her age approached her. Wala talaga siyang kawala sa mga satanas kahit saan pa siya magpunta.

 

"Look guys, isang baboy!" sabi ng isang batang lalake. Nagtawanan naman ang mga kasama nito. 

 

"Hoy, baboy, bakit ka nandito?! Hindi ka bagay dito, dapat sayo dun sa mga kapwa mo baboy. Oink oink." sabi naman nung isa. Hindi niya ito pinansin at hinayaan lang. 

 

"Bakit hindi ka nagsasalita, ah? Are you ignoring us!?"

 

"Aba, matapang! Gusto mo bang makatikim ng suntok!?" galit na sigaw ng isa nung hindi pa rin sila pinansin ni Joohyun. 

 

Walang emosyon lang si Joohyun na nakatingin sa kanila but deep inside she was scared na baka totohanin nito ang banta. Nanginginig na din ang kamay niya.

 

Joohyun closed her eyes tightly and used her hands to cover her head nang susuntukin na sana siya ng salbahing bata pero nakarinig sila ng sigaw "Hoy!" isang batang babae na mabilis na pumagitna sa kanila. 

 

"Ano sa tingin nyo ang ginagawa nyo?!" masama nitong tiningnan ang mga batang lalake at nakahawak ang kamay sa kanyang bewang. "Wala naman siyang ginagawa sa inyo pero inaaway nyo siya!" nanlaki ang mga mata ni Joohyun sa narinig. Ito ang first time na may nagtanggol sa kanya. 

 

"Wag kang makisali dito!"

 

"Kapag di nyo pa siya tinigilan, kayo ang makakatikim sa akin!" she's doing her fighting stance, ready to fight. "I'm a taekwondo black belter pa naman, baka di nyo magustuhan ang gagawin ko sa inyo." 

 

Natakot at mabilis na nag takbuhan ang mga salbahing bata pagkarinig nila sa sinabi ng batang babae. Nailing na lang nitong pinagmamasdan ang mga lalake. Weaklings.

 

"Nang- aaway sa walang laban pero mga coward naman pala." hinarap niya si Joohyun na nakatingin sa kanya. "Ayos ka lang ba? Sinaktan ka ba ng mga salbaheng yun?" may pag aalala sa boses nitong sabi.

 

Umiling lang si Joohyun na nakatingin pa rin sa kanya. "Mabuti naman." ngumiti ito kay Joohyun ng sobrang tamis na nag pawala ng mga mata nito. 

 

Mas lalong tumitig si Joohyun dito. Ang ganda kasi ng nasa harapan niya. Sobrang gumanda nang ngumiti ito, nagmukha siyang isang angel na nagliliwanag.

 

Naramdaman ni Joohyun ang unti unting pagtibok ng puso niya.

 

"T-thank you." 

 

"No problem." umupo ang bata sa tabi ni Joohyun at lumingon sa kanya. "Sa susunod kung may mang aaway ulit sayo dapat lumaban ka na. Wag mo silang hayaan na awayin at apihin ka lang. Dapat ipagtanggol mo rin ang sarili mo." yumuko si Joohyun sa narinig. Di niya alam kung may lakas ba siya ng loob na ipagtanggol ang sarili niya. "Hindi ako palaging nandito para maipagtanggol ka, eh." namula si Joohyun at tinabunan ang mukha gamit ang kamay niya. 

 

Ano ba naman yan. Bakit ganito ang epekto nitong katabi niya sa kanya. Kinakabahan at nahihiya siya kay Seulgi. 

 

Nagtaka man ay nagkibit balikat na lang si Seulgi sa inaakto ni Joohyun. "Ako nga pala si Kang Seulgi." inabot ni Seulgi ang kamay niya para makipag handshake. "Ikaw, anong pangalan mo?" sasagot na sana si Joohyun nang may tumawag kay Seulgi. 

 

"Seulgi, tara na! Andyan na daw sila tita. Mapapagalitan na naman tayo!" 

 

Mabilis na tumayo si Seulgi sa kinauupuan niya at humarap kay Joohyun. "Kailangan ko nang umalis. Mag- iingat ka lagi, ah. Tandaan mo yung sinabi ko sayo." ngumiti ulit si Seulgi kay Joohyun saka nag wave at nag- umpisa na maglakad habang nakatingin parin sa kanya. "Bye, bunbun!" 

 

"Bunbun?" 

 

"Ang cute mo kasi. You reminds me of a bunny, kaya bunbun." Seulgi said sincerely. Bumilis lalo ang tibok ng puso ni Joohyun sa narinig. 

 

It was the first time na may nagsabi sa kanyang cute siya aside from her family and yaya. Nakatanggap siya ng compliment at hindi lait. 

 

'Ang sarap pala sa pakiramdam.'

 

She's happy. For the first time, she's a bunny and not a baboy, bola, balyena at kahit anong lait pa yan. And honestly, she loves it. Lalo na when Seulgi called her bunbun.

 

With that unexpected interaction, Seulgi made her feel so many things without her even knowing. And Joohyun fell in love with her without her even trying. 

 

Napahawak siya sa puso niya na ang bilis pa rin ng tibok at di na mapigilan ang kanyang ngiti. 

 

Namalayan nalang ni Joohyun na nakaalis na pala ng tuluyan si Seulgi nang di niya man lang nasabi ang pangalan niya.  

 

Sayang.

 

After that interaction, Joohyun found herself watching Seulgi from afar and following her kahit saan pa ito magpunta. Inalam din niya lahat ng tungkol kay Seulgi, from her family and friends, to her interest and favorites. 

 

Everything about Seulgi. 

 

Hindi naman ito naging mahirap sa kanya dahil Seulgi's also her schoolmate. 

 

Hindi nga lang niya magawang lapitan si Seulgi. Gustuhin man niya na magpakilala pero hindi niya nagawa. She's not only nervous whenever Seulgi's near her, she's also afraid na kapag lumapit siya at nakipag- usap dito ay baka pagdiskitahan at tuksuhin din si Seulgi tulad niya.

 

Ayaw niyang mangyari yun kaya naging kontento na lang siya na pagmasdan ito sa malayo. 

 

Okay lang kaysa naman sa wala. Makita lang niya ang smile ni Seulgi, solved na siya.

 

Yun ang akala niya. 

 

Because as Joohyun fell deeper, the urge of wanting to be with Seulgi has also gotten stronger.

 

Time passed and they graduated from grade school. Naturally, Joohyun also enrolled in the same high school as Seulgi. Doon na siya nagkaroon ng kaibigan. A true friend in the name of Kim Jennie. 

 

It was not easy at first. Mahirap nang kuhanin ang trust ni Joohyun kaya Jennie had a hard time earning it. Kay Seulgi at sa pamilya lang niya naman kasi si Joohyun may tiwala. 

 

But Jennie was persistent kaya unti unti ring lumambot si Joohyun sa kanya and soon they became best friends. She was a great friend for Joohyun. Naging malimit na rin ang pambubully kay Joohyun because of Jennie. Isang glare lang ni Jennie tiklop na yung mga demonyo.

 

They were inseparable. They even knew of each other's secrets. Jennie accepted Joohyun for who she is and she even supports her best friend with her feelings for Seulgi. Alam ni Jennie ang stalking behavior ni Joohyun kay Seulgi pero hindi niya ito hinusgahan. As long as wala naman ginagawang masama ang kaibigan niya kay Seulgi, then she's okay with it. 

 

Jennie even accompanied Irene sa mga games ni Seulgi. Baseball player kasi si Seulgi nung high school sila. Joohyun never missed any games, she's always there and in result, Jennie's also with her. Nakikita pa nga ni Jennie ang kaibigan ni Seulgi na si Lisa na para siyang sinusuri everytime na makita siya nito sa games ni Seulgi. 

 

She admires Joohyun because she's very consistent, loyal and protective. 

 

Joohyun is like Seulgi's guardian angel. Di man siya nakikita ni Seulgi, but she's always there and protects her in secret.

 

Nag second year high school na lang pero hindi pa rin nagawang lapitan ni Joohyun si Seulgi. Hindi pa rin naipapakilala ang sarili niya. She never showed herself to Seulgi kahit pa schoolmates lang sila. Dinadala siya ng kaba at takot niya lalo pa't she's still that fat kid Joohyun, kahit alam naman niyang hindi siya huhusgahan ni Seulgi pero hindi parin niya maiwasan na pangunahan ang sarili niya. 

 

Also, that fear na baka i judge si Seulgi ng iba for having someone like Joohyun na nagkagusto sa kanya. 

 

Second year high school though, was a kind year for her. She gained new friends. 

 

She met Park Sooyoung who was a daughter of her mom's best friend na kakabalik lang ng Philippines. Sooyoung was a year younger but that didn't stop them from being friends. Magaan kasi ang loob niya dito and she's a very honest and joyful person. Pinanindigan talaga niya ang english name niya na Joy. 

 

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
ms_kang
I decided na hatiin nalang to into two parts. Also, I don't know if it's worth reading or not kasi sobrang gulo ng pagkasulat ko kaya kayo na bahala mang husga. This is also boring, but oh well lol

Comments

You must be logged in to comment
_rtempest
1060 streak #1
Chapter 11: otor! ang ganda nitong fic mo! sana matuloy mo pa rin😭
waiting with respect po!
kkdalgi
#2
Chapter 11: This is actually good, sayang nga lang parang antagal ng dropped ang story na to, hopefully author would regain their passion for this fic, ganda kasi sayang naman if di matapos nasa exciting part pa naman hehe
Pristinemoon
#3
Waiting with respect po otor :<<<
BaeSeulge #4
Still waiting for ud TT
Huangse
#5
Otornim, pls don't abandon this story. :<
Astraea21 #6
Chapter 11: ,,👍
jmjslrn #7
Chapter 2: ikabedon na yan
sarmientuts_ #8
Chapter 11: hindi ka talaga mapapansin kung hindi ka kikilos, well gets ko naman si joohyun nakakatakot namain kasi talaga umamin sa taong gusto mo kasi siyempre takot ma reject. Pero sa huli kasi ikaw lang masasaktan sa ginagawa mo eh, pero bilib ako kay joohyun ang consistent kay seulgi pero si seulgi napaka bulag sa paligid jusko
sarmientuts_ #9
Chapter 5: putek nakakakilig to with bg music pramis HSGEUSHAHA
BaeSeulge #10
Update na po authornim 🥺