Who's Who

The Disastrous Life of Kang Seulgi
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

"Seul, anong nangyari? Kamusta si Irene?" bungad sa kanya ni Wendy pag- upo niya sa tabi nito. Sobrang concern ang gaga ah. 

 

"Hypoglycemia. Okay naman na siya. Ayun inuwi na nila Jennie." 

 

"Buti naman. Eh, bakit hindi ikaw nag- uwi?" tumingin si Seulgi sa kaibigan niya at nakakunot ang noo. "Bakit ako? Nandun naman na mga kaibigan niya." 

 

"Wala lang, ikaw nagdala sa clinic eh. Malay mo baka gusto ni Irene ikaw maghatid sa kanya." Ibang klase talaga mag- isip tong si Wendy, ang advance.

 

"Ewan ko sayo wan. Kung ano nalang pinag- iisip mo dyan."

 

"May possibility naman kasi. Hinayaan ka ngang kargahin siya eh." pinakita naman nito kay Seulgi ang pictures sa phone. Luh. Ang dami pang naka save dun na pictures nila ni Irene in different angles, mapa LQ man o HQ. Wow, ha. "Wag ka na magdeny kalat na tong mga pictures sa school page, dun ko kaya to nakuha. Papa develop ko to at ibebenta." Kelan pa naging gahaman sa pera tong si Wendy, sinapian ba siya ni Yeri? "Dami ngang mga comments na bagay daw kayo. Syempre, isa nako dun. Biruin mo may supporters na kaagad kayo, taray!"

 

Tinitingnan lang ni Seulgi si Wendy na nakanganga at para bang di makapaniwala. "Nahihilo na nga yung tao at lahat lahat, nilalagyan nyo pa ng malisya, ibang klase. Si Wendy ka ba talaga? Ibalik mo ang kaibigan ko!" Niyugyog pa niya ang magkabilang balikat nito tsaka parang nag orasyon at dumura dura ng laway sa mukha nito. Akala niya siguro holy water yung laway niya. Nanlaki naman ang mata ng kaibigan niya. 

 

"Pisting yawa ka man diay! Pak, ang baho ng laway mo!" tawang tawa naman si Jisoo na kararating lang na may bitbit na large fries. Nothing new, poreber da patay gutom.

 

"Langya ka, Seul! Ano akala mo sa laway mo, perfume?" Kung makatawa naman tong si Jisoo wagas, may pa pikit pikit pa. Ang laki pa naman ng buka ng bibig nito sa pagtawa, kita na nga ngala ngala eh. Sarap budburan ng sili, tingnan lang natin kung makakain pa ba siya. 

 

Di na lang niya pinansin si Jisoo tsaka humarap ulit kay Wendy at nagsalita, "Alam mo wan, ang chismosa mo. Dami mo ring energy sa mga ganyan. Kung yan sana binuhos mo nalang sa pagpaplano kung paano mapapainlove si Joy, magiging masaya pa ko."

 

"Hoy!" 

 

Buti nalang at dumating na yung prof nila kasabay ang tatlo pa niyang mga kaibigan.

 

Hindi sigurado si Seulgi pero napapansin na talaga niya ang panay na pang- uudyok ni Wendy sa kanya kay Irene. Di niya tuloy maiwasang magduda. 

 

Ano bang meron kay Irene?

________

 

Sabado ngayon at ala una na naman ng hapon pero wala pang kain si Seulgi. Kaya, ito siya sa harap ng gate nila Wendy at makikikain. Madalas kasi siya dito pumunta kapag tinamad siyang magluto pero may energy naman magdrive. Ang engot lang no? De, mas gusto lang talaga niya dito kasi maraming pagkain sa bahay nato, masarap din magluto yung kusinera nila Wendy na si Gyuri. Ang bait pa naman nun sa kanya. 

 

"Uy maam Seulgi, ikaw man diay na." bati sa kanya ng ngiting ngiti na si kuya guard Donghae. Sosyal talaga ng guard nila Wendy, artistahin basta ba wag mo lang pag salitain. 

 

"Ako nga kuya dog, the one and only." 

 

"Anong kuya dog?"

 

"Este, Kuya Dong. Naku ka kuya, humihina na yang pandinig nyo. Di nyo ba yan nilinisan."

 

"Uy, kada adlaw ko kaya nililinis tenga ko."

 

"Sige na nga kunwari naniniwala nako." iiling- iling na lang si Donghae sa kanya. "Andito ba si Wendy, kuya?" 

 

"Oo, may bisita man gani to." di maiwasan ni Seulgi ang matawa dahil sa pananalita ni Donghae. TagBi talaga to, eh, tagalog bisaya. Ang tigas pa ng pananalita niya.

 

"Bisita? Sino naman po? Di naman siguro yan mga tropa ko. Di yun mga bisita eh, bwisita pa siguro." natawa naman si Donghae sa kanyang sinabi. "Hindi. Si maam— ay teka Seul, tubagon ko lang to. Kanina pa ni nagatawag sa ako, pasok ka nalang didto sa sulod." sabi nito tsaka nagmamadaling sinagot ang tawag. 

 

"Langya ka kuya, pabitin ka." pumasok na lang si Seulgi sa loob ng bahay. Dediretso na sana siya sa kwarto ni Wendy nang mahagip niya sa may terrace ang dalawang tao na nakatalikod at seryosong nag- uusap. Nagtago siya sa may gilid ng pader na kita ang side view ng isang babae at nagsalubong ang kanyang kilay nang makilala niya ito. 

 

Anong ginagawa ni Irene Bae sa bahay nila Wendy?

 

"I heard them talking. Uuwi na daw siya dito. Wan, please help me! Di ko na alam ang gagawin ko." dinig na dinig ni Seulgi ang boses ni Irene. At kita rin nya ang pagkabahala nito sa kinaroroonan niya. "I don't want to see them again. I don't want a repeat of what happened, 5 years ago. Di ko na kakayanin." 

 

"I'll see what I can do.. But Joohyun, I can't promise you anything. Hindi ko hawak ang mga pangyayari o sinuman." Lumingon ito kay Irene. "Sa huli, siya pa rin ang magdedesisyon kung anong gagawin niya. Kung anong gusto niya." Yumuko naman si Irene at huminga ng sobrang lalim. Sobrang laki ba talaga ng pinoproblema nito. "And you have to do something yourself kung ayaw mong masaktan. Ikaw lang ang may kayang gawin yan." 

 

'Joohyun, bakit tinawag ni Wan si Irene nun? Kailan pa sila naging close, at bakit walang sinasabi ang bestfriend niya sa kanya?' ang daming katanungan ni Seulgi that kailangan ng answers.

 

'At ano yung pinag- uusapan nila?' nabalik si Seulgi sa wisyo nang marinig niya ulit ang boses ni Irene.

 

"What am I supposed to do?" mahinang tanong ni Irene.

 

"Ano ba yung gusto nyan?" nakita ni Seulgi ang pag turo ni Wendy kay Irene at ang unti unting pagngiti nito. "Kailangan ko pa bang sabihin, eh, alam na alam mo naman na ang sagot dyan?" saad ni Irene.

 

"Figures." ngiti rin ni Wendy dito pabalik. "Basta, just stop being so y towards her. Stop that attitude kung ayaw mong lumayo talaga siya sayo. Although, I can see naman some little changes, parang nagkakagusto na siya sayo. Ayieee." namula naman si Irene sa narinig.

 

 'Sino ba tong pinag- uusapan nila?'

 

"Hala, kinikilig ka na nyan?!" sinindot sindot pa ni Wendy si Irene sa tagiliran. "Stop that, wan!" tumawa naman ng malakas si Wendy "Asus! Kala mo di ko nakita yung titigan portion nyo nung nakaraan, ah. May pa—"

 

"Seulgi, hija!" napalingon si Seulgi sa taong tumawag sa kanya at tumambad ang mommy ni Wendy.

 

"Hi po, tita! Sobrang blooming nyo po ata ngayon ah. Lalo kayong bumabata at gumaganda." bola ni Seulgi at lumapit rito para bumeso. Lagi kasing nasa ibang bansa ang parents ni Wendy kaya pag pumupunta ang tropa sa bahay nito ay di nila ito masyadong nakikita.

 

"Yan ang gustong gusto ko sayo, hija. Hindi ka marunong magsinungaling." pareho silang natawa sa sinabi nito. Feel na feel yung bola ni Seulgi, eh. "Anyway, I'll go ahead na. May pupuntahan pa kasi ako." 

 

"Sige po, tita. Take care po." Ngumiti ito kay Seulgi bago lumingon kela Wendy na nakalapit na pala sa kanila "I'll go ahead, Joohyun hija. Wan, ikaw na bahala dito." tumango lang si Wendy sa mommy niya saka humalik sa pisngi nito.

 

Napantig ang tenga ni Seulgi nang marinig ang tinawag ng mom ni Wendy kay Irene. 

 

"Ingat po kayo, tita" sabi ni Irene. Ngumiti pa ang mom ni Wendy sa kanila bago umalis.

 

"Kanina ka pa dito, Seul?" tanong ni Wendy sa kanya. 

 

"Kakadating ko lang actually, then nakita ako ni tita." pagsisinungaling niya. Di niya lang gustong sabihin na kanina pa siya at narinig niya ang pinag- uusapan nila. Mukha pa namang confidential, ayaw niyang magalit ang dalawa sa kanya dahil sa pag eavesdrop niya.

 

Naku lang, baka masabihan pa siyang chismosa. Mahirap na.

 

"Wala ka namang narinig sa usapan namin, right?" halatado masyado tong si Wendy sa tanungan niya.

 

"Anong usapan? Bakit, may di dapat ba akong marinig?" tanong ni Seulgi pabalik na ang galing umarte. Pwede na siyang pang best actress nominee.

 

"Ah.. haha w-wala naman." kinakabahang sagot ni Wendy. "Wag mo nalang isipin yun." nilingon ni Seulgi si Irene na tahimik lang na nakatingin din sa kanya ng seryoso at walang emosyon. Di niya mabasa kung ano man ang nasa isip nito. 

 

"Kelan pa kayo naging close para magpunta sa bahay ng isa't isa?" tanong niya habang nakatingin parin kay Irene. 

 

"A-ahh,, n-nagpapatulong ako kay Irene kung pa-paano ko makukuha ang loob ni Joy. Kung paano ko siya mapapainlove sakin." sagot ni Wendy sa kanya. Agad naman lumingon si Seulgi sa kaibigan niya. 

 

"Manliligaw ka na kay Joy?" tumango lang si Wendy bilang sagot sa kanya. Bigla namang nagliwanag ang mukha ni Seulgi at panandaliang nawala ang mga katanungan at pagdududa sa isip niya. 

 

"Anong meron at bigla yata nag- iba ang ihip ng hangin?" 

 

"Wala naman, naisip ko lang na pag di pa ako kumilos mauunahan na ako ng iba. Mahirap na." sabi ni Wendy na may pa tingin tingin pa kay Irene. "Ikaw, bakit ka nandito?" pag- iiba nito ng usapan.

 

"Makikikain sana, miss ko na rin ang luto ni Ate Gyuri, eh." sagot ni Seulgi na kamot ang kanyang batok pero saglit lang din dahil bigla ata siyang kinilabutan. Ano tong feeling na to? Bigla kasing nag- iba ang atmosphere at feeling niya may nakatingin sa kanya ng masama.

 

"Ay, wala si Ate Gyuri, eh, inutusan ni mommy." Nagtaka naman si Seulgi kasi sigurado siyang nakita niya kanina si Gyuri nung pagpasok niya. 

 

Namula naman si Seulgi nang biglang tumunog ang sikmura niya. lang, nakakahiya. Hindi kay Wendy kundi kay Irene. Pero sobrang gutom na talaga siya dahil anong oras at wala pa siyang kain since breakfast.

 

"Pero, tamang tama masarap m

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
ms_kang
I decided na hatiin nalang to into two parts. Also, I don't know if it's worth reading or not kasi sobrang gulo ng pagkasulat ko kaya kayo na bahala mang husga. This is also boring, but oh well lol

Comments

You must be logged in to comment
_rtempest
1060 streak #1
Chapter 11: otor! ang ganda nitong fic mo! sana matuloy mo pa rin😭
waiting with respect po!
kkdalgi
#2
Chapter 11: This is actually good, sayang nga lang parang antagal ng dropped ang story na to, hopefully author would regain their passion for this fic, ganda kasi sayang naman if di matapos nasa exciting part pa naman hehe
Pristinemoon
#3
Waiting with respect po otor :<<<
BaeSeulge #4
Still waiting for ud TT
Huangse
#5
Otornim, pls don't abandon this story. :<
Astraea21 #6
Chapter 11: ,,👍
jmjslrn #7
Chapter 2: ikabedon na yan
sarmientuts_ #8
Chapter 11: hindi ka talaga mapapansin kung hindi ka kikilos, well gets ko naman si joohyun nakakatakot namain kasi talaga umamin sa taong gusto mo kasi siyempre takot ma reject. Pero sa huli kasi ikaw lang masasaktan sa ginagawa mo eh, pero bilib ako kay joohyun ang consistent kay seulgi pero si seulgi napaka bulag sa paligid jusko
sarmientuts_ #9
Chapter 5: putek nakakakilig to with bg music pramis HSGEUSHAHA
BaeSeulge #10
Update na po authornim 🥺