Choose Your Fighter

The Disastrous Life of Kang Seulgi
Please Subscribe to read the full chapter

Short update lang to hehehe bday ko kasi kaya feel ko mag update ngayon. Anyways, enjoy!

___________________________________________________

 

 

Kasalukuyang nasa library si Seulgi para tapusin ang plates niya nang mapansin ang paghila ng upuan sa harap niya. Agad niya naman tiningnan ang babae na nakangiti lang ng matamis sa kanya. 

 

Si Prof Lee. 

 

‘Anong ginagawa niya dito?’ Seulgi shakes her head silly. ‘Of course! Library nga pala to kaya malamang mapadpad siya dito.’

 

“Hi, Seulgi! Can I sit here?” tanong ng prof niya na panay pa rin ang ngiti. Ngumiti lang pabalik si Seulgi saka tumango at sabi “Sure po.”

 

“Don’t po me nga, nakakatanda eh. Ilang taon lang naman gap natin.” saad nito pag kaupo nang naka pout. 

 

Seulgi looked at her professor in amusement. Di niya akalain na may ganito rin palang side si Prof Lee na pabebe. 

 

“Why are you looking at me like that?” tanong ng professor. Namumula na ito habang pilit na pinipigilan ang ngiti sa labi niya. Nagtaka tuloy si Seulgi. Di naman mainit dito ah, bakit namumula ang professor niya?

 

“Di ko lang po kasi inexpect na may pagka pabebe din pala kayo. Yung pag nguso nyo para talagang bebe.” tumawa lang siya nang sinamaan siya ng tingin ni Prof Lee.

 

"Joke lang po." 

 

Huminto siya sa pagtawa nang mapansin ang pagtitig sa kanya ni Prof Lee. Bakit ba ang hilig hilig tumitig nito. Parehong pareho sila ni Irene Bae.

 

"Di ba sabi ko don't po me. 5 years lang gap natin but when you po me para tuloy akong nasa thirties na." 

 

"You're a professor so it's just right for me na mag po. Magalang kaya ako sa mga nakakatanda." 

 

"Yaahh! Kang Seulgi!" singhag ni Sunmi na sobrang offended ang mukha. Masyado siyang na trigger pagkarinig sa word na 'nakakatanda'. Mabuti nalang at nasa medyo tagong part sila ng library kaya wala masyado nakakarinig sa kanila. 

 

"Hehehe sorry kung tinamaan ka prof." tsaka nag peace sign si Seulgi. Hinampas lang siya nito sa braso. 

 

'Ang bigat naman ng kamay nito. Ang sakit nun ah.' reklamo ni Seulgi sa sarili na hinihimas ang braso niya.

 

"Enough with that. Also, just call me Sunmi kapag tayong dalawa lang at wala sa school." 

 

"First name basis na pala tayo nyan. Taray naman." 

 

"I feel more comfortable kapag tinatawag ako sa pangalan ko. And besides, I'm no longer your professor so just treat me casually. I'd prefer that." saad nito na nakatingin lang ng diretso kay Seulgi.

 

"If you say so, Sunmi." she replied. Wala na siyang nagawa. Mukhang di din naman papaawat tong si Prof Lee eh. 

 

Nakatingin pa rin si Sunmi sa kanya ng walang kurap kurap kaya naman di niya maiwasan ang mailang. Tinutok nalang ulit ni Seulgi ang tingin sa tinatrabaho niya kanina. 

 

"Ah, bakit ka nga pala nandito?" tanong ni Seulgi na nakatutok lang sa plates niya. 

 

"May pinuntahan lang ako dito, then I saw you entering kanina kaya nilapitan na kita. Am I disturbing you ba? I can just g-" 

 

"It's fine. Di ka naman disturbo." putol niya sa sasabihin ni Sunmi. Ayaw niya namang maging rude. Ang bait pa naman ng tao sa kanya. 

 

"Glad to hear that." nakita niya ang ngiti nito na sobrang tamis kaya napa ngiti na rin si Seulgi dito. Ang gaan talaga ng loob nya sa professor na to.

 

Napalingon pareho ang dalawa nang makarinig sila nang marahas na paghila ng upuan sa tabi ni Seulgi. 

 

Agad nag iba ang itsura ni Sunmi pagkakita sa bagong dating na babae habang gulat naman ang makikita sa mukha ni Seulgi. 

 

Si Irene Bae.

 

"Why are you here?" seryosong tanong ni Sunmi dito. Nagtaka naman si Seulgi dahil sa tono ng boses nito. Ibang iba sa tono ng pakikipag usap sa kanya kanina lang. 

 

Tinaasan lang ng kilay ni Irene si Sunmi bago umupo sa tabi ni Seulgi at nginitian ito. Nakatingin lang si Seulgi sa kanya. Hindi makapaniwala kung ano ang ginagawa ng isang Irene Bae sa tabi niya. 

 

Just sitting beside her na walang modus o anuman. Kasi naman diba, lumalapit lang naman ito sa kanya kada may gagawin na hindi maganda but now nginitian pa siya nito.

 

Well, except nung nandun sila sa bahay ni Solar at noong one time na tinulungan niya ito.

 

"This is a library. I can be here whenever I want." sagot nito pagka harap ulit kay Sunmi habang nakatingin lang ng matalim dito.

 

"But why here? May marami pa namang vacant tables dun." 

 

"Why? Is there a rule saying that I can't sit here? Sa pagkakaalam ko we're free to sit wherever." mataray na sagot nito.

 

"And why are you even here? Shouldn't you be somewhere teaching your students or doing professor stuff? Hindi ka pinapa swelduhan ng school nato just to talk with a student in this part of the library out of earshot." sabi ni Irene na ikinadilim ng mukha ni Sunmi.

 

"Excuse me?!"

 

"Ahmm g-guys, tama na yan. Pwede naman tayong mag share ng table eh."

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
ms_kang
I decided na hatiin nalang to into two parts. Also, I don't know if it's worth reading or not kasi sobrang gulo ng pagkasulat ko kaya kayo na bahala mang husga. This is also boring, but oh well lol

Comments

You must be logged in to comment
_rtempest
1060 streak #1
Chapter 11: otor! ang ganda nitong fic mo! sana matuloy mo pa rin😭
waiting with respect po!
kkdalgi
#2
Chapter 11: This is actually good, sayang nga lang parang antagal ng dropped ang story na to, hopefully author would regain their passion for this fic, ganda kasi sayang naman if di matapos nasa exciting part pa naman hehe
Pristinemoon
#3
Waiting with respect po otor :<<<
BaeSeulge #4
Still waiting for ud TT
Huangse
#5
Otornim, pls don't abandon this story. :<
Astraea21 #6
Chapter 11: ,,👍
jmjslrn #7
Chapter 2: ikabedon na yan
sarmientuts_ #8
Chapter 11: hindi ka talaga mapapansin kung hindi ka kikilos, well gets ko naman si joohyun nakakatakot namain kasi talaga umamin sa taong gusto mo kasi siyempre takot ma reject. Pero sa huli kasi ikaw lang masasaktan sa ginagawa mo eh, pero bilib ako kay joohyun ang consistent kay seulgi pero si seulgi napaka bulag sa paligid jusko
sarmientuts_ #9
Chapter 5: putek nakakakilig to with bg music pramis HSGEUSHAHA
BaeSeulge #10
Update na po authornim 🥺