Somewhere Only We Know

The Disastrous Life of Kang Seulgi
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

May isa pang secret place si Seulgi na palagi niyang pinupuntahan whenever she feels down or kung gusto lang niyang mag- isip at mapag- isa. Halos araw araw siyang pumupunta dito especially noong mga times na sobra siyang nasaktan. This place is like her secret haven where she feels safe, dito lang din niya nailabas ang sakit at sama ng loob. Whenever she is here, para nyang nakakalimutan lahat ng sakit. 

 

Anyway, that was before, nung mahilig pa siyang magdrama. When she slowly got over things, minsan na lang din siyang napunta dito. Minsan, kapag may family issues siya and she needs some fresh air, like now. 

 

Kakababa lang niya ng sasakyan and she immediately felt the cold breeze hitting her face. Ang fresh talaga ng hangin sa lugar na ito, very different from the city’s polluted air. Nasa isang hill site kasi siya, where the city lights are seen beautifully at night. At kita ang ocean view sa dulo kaya naman kung pupunta ka sa lugar at five pm, you'll also have a nice view of the sunset. 

 

Naglalakad siya papunta sa isang puno na may bench sa tabi when she noticed a figure sitting on it while looking directly at the city lights. She looks very serene, side view palang alam na niya kung sino ito. At kahit side view lang, sobrang ganda parin. 

 

It's already 7pm though, how can this girl be here?

 

"Akala ko ako lang ang pumupunta sa lugar na ito, ikaw din pala." agad naman lumingon si Irene sa narinig na boses.

 

"What are you doing here?" medyo may pagtaas ng boses niyang tanong sa kararating lang na si Seulgi. Ito na naman siya sa ganitong treatment ni Irene. Di niya talaga maintindihan ang babaeng to, kala pa naman niya friends na sila. Pang- ilang ulit na ba niyang nabanggit ang linya na yan.

 

"Ma-magpapahangin lang sana.” she answered. “Okay lang ba? Wala namang pangalan mo na nakasulat dito, eh.” dagdag pa niya na nakatayo parin. 

 

"Well, sa paligid wala pero sa papel meron." nabigla si Seulgi sa narinig. Pag- aari nato ni Irene? Pero kailan pa? Kilala niya kasi ang may- ari ng place nato dahil pinagbebenta na din to, kaya nga siya nag- iipon, eh, may balak kasi siyang dito magpatayo ng bahay niya. Ayaw niya namang lumapit sa parents niya at humingi na lang basta ng ganun kalaking pera, at baka sumbatan na naman ulit siya ng dad niya. 

 

"Pag- aari mo nato? Naunahan na pala ako." Malungkot niyang saad. "Sorry ah, di ko kasi alam. Sige, aalis nalang ako." Agad namang nataranta si Irene sa narinig at mabilis na tumayo saka hinawakan ang siko ni Seulgi na ikinabigla naman ng huli. "W-wait. Nagbibiro lang ako. Iniinis lang kita." utal na pag amin ni Irene.

 

Napatawa si Seulgi ng pagkalakas na halos mawala na ang kanyang mga mata at kumukurting parang buwan at kumikislap. Ewan ba niya pero imbis na mainis siya dahil sa pang- iinis ni Irene ay di parin niya mapigilan ang tawa niya. Kung tutuusin nga wala namang nakakatawa talaga. Para tuloy siyang baliw. 

 

Natutuwa lang siya masyado sa itsura ni Irene na parang bata na naman na nahihiya pagkasabi niya nun. Ang bilis pa nitong nakatayo para lang pigilan siya. Naks naman. 

 

Tumatawa pa rin si Seulgi at hindi man lang namalayan na nakatitig na pala si Irene sa kanya. Di maiwasan na ma mesmerized sa taong tumatawa sa harap niya habang nasisinagan ng liwanag ng buwan.

 

'Ang gandang pagmasdan.' Sa isip ni Irene na di mapigilan ang ngiti sa nakikita niya.

 

Pilit na pinakalma muna ni Seulgi ang sarili niya bago siya nagtanong ulit. "Nagbibiro saan? Na ikaw ang may- ari ng lugar na to?".

 

"I really own this place. But you don't have to go, you can stay here as long as you want." Tumitig ito sa mga mata niya bago nag- iwas din ng tingin saka bumalik sa inuupuang bench.

 

Di maiwasan ni Seulgi ang paghanga na naman sa magandang mga mata ni Irene sa malapitan. Para itong kumikislap at andyan na naman yung tingin na para siyang nalulunod at kinakausap but at the same time hindi niya maintindihan kung ano ang ipinahahayag ng mga ito. 

 

Umupo siya katabi ni Irene who slightly jerk pag upo niya, natabig niya kasi ang braso nito. May nadagdag na naman sa listahan ni Seulgi. Magugulatin din pala si Irene Bae.

 

Isang awkward na katahimikan ang namayani sa kanilang dalawa. Hindi kasi inaasahan ni Seulgi na makikita niya si Irene dito sa lugar na ito. Akala niya ay siya lang ang pumupunta dito, pinagdadamot pa naman niya ang secret places niya kaya nga di niya sinasabi sa mga kaibigan niya, eh. Ganyan siya, ayaw na ayaw niyang may makaalam sa lugar na gusto niya lalo na ang tahimik na tulad dito. 

 

"So.. ahmm madalas ka rin ba dito? Ngayon lang kasi kita naabutan dito, eh." panimula ni Seulgi. "N-not really. M-minsan lang kung gustuhin ko." di niya alam kung bakit, pero parang balisa tong si Irene ngayon. "Ahh ganun ba. Paano mo pala nalaman ang lugar na to? At kailan mo pa to nabili?" sunod sunod na tanong ulit ni Seulgi na nakatingin kay Irene. "Bago lang." ang ikli ng sagot, ni di man lang sinagot ang unang tanong niya. "Balak ko kasi sanang bilhin to, eh kaso kulang pa yung ipon ko. Pero wala na din palang silbi kasi nabili mo na. Gusto ko pa naman sanang dito magtayo ng bahay."

 

Hay, naku. Ni di man lang sumagot at tumingin sa kanya. Para tuloy siyang hangin. "Nakakaistorbo ba ako, a—"

 

"No." mabilis itong lumingon sa kanya. "You're not." saka tumitig na naman sa mga mata niya. "And you'll never be, so just stay." napangiti si Seulgi sa narinig saka tumango at lumingon sa harap.

 

Pero agad din naman siyang napalingon pabalik kay kay Irene pagkarinig niya ng boses nito "What about you?" nakatingin lang si Irene sa view ng buong siyudad sa harap. "How did you know about this place?" pagpapatuloy pa niya na hindi pa rin nilingon si Seulgi. "Hindi mo nga sinagot ang tanong ko, eh

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
ms_kang
I decided na hatiin nalang to into two parts. Also, I don't know if it's worth reading or not kasi sobrang gulo ng pagkasulat ko kaya kayo na bahala mang husga. This is also boring, but oh well lol

Comments

You must be logged in to comment
_rtempest
1060 streak #1
Chapter 11: otor! ang ganda nitong fic mo! sana matuloy mo pa rin😭
waiting with respect po!
kkdalgi
#2
Chapter 11: This is actually good, sayang nga lang parang antagal ng dropped ang story na to, hopefully author would regain their passion for this fic, ganda kasi sayang naman if di matapos nasa exciting part pa naman hehe
Pristinemoon
#3
Waiting with respect po otor :<<<
BaeSeulge #4
Still waiting for ud TT
Huangse
#5
Otornim, pls don't abandon this story. :<
Astraea21 #6
Chapter 11: ,,👍
jmjslrn #7
Chapter 2: ikabedon na yan
sarmientuts_ #8
Chapter 11: hindi ka talaga mapapansin kung hindi ka kikilos, well gets ko naman si joohyun nakakatakot namain kasi talaga umamin sa taong gusto mo kasi siyempre takot ma reject. Pero sa huli kasi ikaw lang masasaktan sa ginagawa mo eh, pero bilib ako kay joohyun ang consistent kay seulgi pero si seulgi napaka bulag sa paligid jusko
sarmientuts_ #9
Chapter 5: putek nakakakilig to with bg music pramis HSGEUSHAHA
BaeSeulge #10
Update na po authornim 🥺