Favorite Place

Basta, Ewan, Kahit Ano: The Podcast
Please Subscribe to read the full chapter

Episode 11

Favorite Place


 

Matapos nilang sulitin ang view at magpahinga sa summit, nagdesisyon na rin silang bumaba ng bundok.

 

 

Knockout lang naman ang mga first-timers nilang kasama sa backseat. Tulad ng kanilang byahe papunta sa Mt. Pamitinan, silang dalawa lang ni Rina ang naiwang gising sa sasakyan. 

 

 

“Rina,” tawag ni Winter bago kuhanin ang kanyang cellphone mula sa holder at inabot ito sa kasama niya. “Pwede favor?” 

 

 

“Pa-double check ng Waze. Parang naliligaw ako eh. Na-save mo 'yung address na sinend nila Gigi diba?” 

 

 

“Yup.” Inabot ni Rina ang phone mula sa kamay ni Winter. “Wait, I'll enter it na lang ulit.” 

 

 

Matapos ilagay ni Rina ang address ng kanilang AirBnb, wala namang nagbago sa route na ipinapakita nito simula pa kanina. 

 

 

“The route's the same lang naman.” 

 

 

Saglit siyang nilingon ni Winter para kumpirmahin ang narinig. “Talaga?” 

 

 

“Yeah.” Inilapit din ni Rina ang phone sa kanya para makita niya ito nang mas maigi. “Here. Same lang sa kanina. Don't overthink too much, we'll get there naman.”

 

 

This time, Winter laughed. “Okay. Baka kulang lang ako sa tulog.”

 

 

“Aren't you sleepy?” Rina asked, eyes full of concern. 

 

 

“Lagi mo na lang akong sinasabihang inaantok.”

 

 

“I'm just saying kasi ikaw na nag-drive papunta then we did the hike pa,” Rina defended herself. “I can drive naman kasi so you can rest.”

 

 

“I'll rest later. I'll sleep pagkarating natin sa place.”

 

 

Mukhang satisfied naman si Rina sa naging sagot sa kanya ni Winter. Pero hindi ibig sabihin ay natigil na ito sa maya't-mayang paglingon sa katabi niyang naka-focus lang naman sa pagmamaneho. 

 

 

“I won't let you be sleepy na lang,” Rina spoke after a few minutes of silence. 

 

 

“Ha?” 

 

 

“Dadaldalin kita.” 

 

 

Napailing na lang si Winter. Nilingon niya saglit ang katabi at sinalubong lang siya ng malawak nitong ngiti. 

 

 

Ano na naman kayang nasa isip ni Rina? 

 

 

“Welcome back to BEKA, Winter!” 

 

 

Parehas na silang natawa. Oo nga pala, “special guest” daw siya ng BEKA kanina habang papunta sa Mt. Pamitinan. Hindi naman in-expect ni Winter na may continuation pa pala. 

 

 

“Thank you for inviting me again, Rina,” sakay ni Winter sa trip ni Rina ngayon. 


 

*****


 

Hapon na rin nang makarating sila sa place na ni-reserve nila Gigi. Isang rustic cabin-type house sa Rizal na swak na swak naman sa aesthetic taste ni Winter. 

 

 

“In fairness, hindi dinaan sa filter ang pictures sa app,” natatawang sabi ni Ning nang makapasok na sila sa loob. 

 

 

Minsan kasi ay nakaka-scam din talaga ang mga litratong in-uupload ng mga hosts sa app. Buti na lang ay magaling kumilatis sina Gigi at Ning at nakahanap sila ng lugar na hindi lang sa pictures maganda. 


 

It's actually even more beautiful in person. 

 

 

Mabilis naman nilang ibinaba ang kanilang mga gamit at nilagay ang mga ito sa kanya-kanyang mga kwarto. Dahil dalawang kwarto lang ang available, parehong sleeping arrangements na rin ang sinunod nila noong nag-stay sila sa unit nila Winter. 

 

 

Wala naman nang iba pang pwedeng combination ng roommates. 

 

 

At least for now. 

 

 

“God, I can't feel my legs,” reklamo ni Gigi pagkalapag niya ng travel bags niya sa sala. 

 

 

“Gi, that sounded so…” hindi makapaniwalang sabi ni Rina. Pati si Ning, binigyan din siya ng eskandalosang tingin. 

 

 

“Whatever.” Inirapan ni Gigi 'yung dalawa. “You know exactly what I meant!”

 

 

Natawa si Winter dahil mukhang wala na ring energy si Gigi para makipag-asaran pa sa kanila. Matapos nilang mag-ayos ng mga gamit, nagpaalam na rin si Winter para matulog muna dahil kahit gaano niya pa i-deny, bumabagsak na ang mga mata niya. 

 

 

Understandable naman. Siya kasi ang pinakamaagang nagising sa kanilang apat bilang siya rin ang nag-asikaso ng agahan nila. 

 

 

Pagkaalis ni Winter, nagpaalam na rin si Rina para magpahinga. Naiwan namang nakatambay sa sala sina Gigi at Ning. 

 

 

“Do you want to start preparing dinner na?” tanong ni Gigi kay Ning matapos ma-bore sa paggamit ng phone niya. 

 

 

“Okay lang naman. Anong oras na ba?” 

 

 

“4:42,” sabi ni Gigi matapos i-check ang oras sa kanyang phone. “Sakto lang since I think the two will be up around 6 in the evening. We have nothing to do rin naman.”

 

 

“G lang ako. Tinatamad na rin ako magtingin ng photos eh.”

 

 

Pumunta silang dalawa sa kusina para ihanda ang mga kakainin nila ngayong gabi. Bilang mga punong-abala ng second part of their trip (thank you and goodbye, Rina's Travel And Tours), sila na rin ang nakatoka sa paghahanda ng dinner at kung anumang ganap ang maisip pa nila hanggang gabi. 

 

 

Panay pang-ihaw lang din naman ang napagdesisyunan nilang bilihin for this trip noong nakita nilang may dedicated outdoor grilling area 'yung place based sa mga uploaded photos. 

 

 

Nagsimula nang magpabaga ng apoy si Ning habang tuloy lang sa paglalapag si Gigi ng mga marinated na karne sa tabi niya. Habang naghihintay na lumakas ang apoy sa uling, bumalik na naman ang atensyon ni Gigi sa kanyang phone. 

 

 

“Winter's really cute, no?” Pinakita niya kay Ning ang ilang mga litrato nilang dalawang kuha kanina sa bundok. 

 

 

Napatigil naman sa pagpapaypay si Ning sa uling para harapin si Gigi. 

 

 

“What?” 

 

 

Napaatras nang bahagya si Gigi nang mapansing mas lalong sumama ang tingin ni Ning sa kanya. 


 

Ning's even glaring at her now. 

 

 

Then Gigi's eyes went wide in realization. 

 

 

“Not in that way, Ning! Seriously!” 

 

 

Tawang-tawa namang pinaghahampas ni Ning sa braso si Gigi dahil sa naging reaksyon nito. Ang sarap lang asarin! 

 

 

“Alam ko naman! Sinubukan ko lang kung bagay ba sakin na maging possessive na GBF.” 

 

 

“You're so crazy. I got scared there.” Gigi was finally able to release the breath she's been holding ever since Ning gave her a threatening stare. 

 

 

“So… about Winter,” pagbubukas ulit ni Gigi sa topic nila kanina. 

 

 

Nakapagsalang na rin sila ng mga liempo sa parilya. 

 

 

“Hmm? Anong meron?” 

 

 

Nilapit ulit ni Gigi ang phone niya kay Ning pero sa pagkakataong ito, ibang litrato na ang laman nito. 

 

 

“At si Rina ba?” tanong ni Ning sa katabi. Kuha kasi nina Winter at Rina kanina sa bundok ang ipinakita ni Gigi sa kanya. 

 

 

“Don't you think they look cute together?” Gigi looked at her expectantly. 

 

 

“Sa photo na 'yan, oo. Parang may chemistry. Papasa na sa first look test ng teleserye love team kung hindi heteronormative ang Pilipinas, for sure."

 

 

“So, it's not just me.” Nginitian siya ni Gigi. 

 

 

“Girl, grabe kaya 'yung atmosphere kahit nag-uusap lang sila. Ay wait, alam mo ba kanina sa kotse, diba tulog tayo sa likod, tapos silang dalawa nag-uusap sa harap?” 

 

 

“How did you know that kung tulog ka?” 

 

 

“Eh nagising nga kasi ako! Tawa kasi nang tawa si Winter. Hay nako, kung alam mo lang, ang mahal kaya ng tawa ni Winter! Tapos nakukuha ni Rina for free? Napakadaya!” 

 

 

Napaisip tuloy si Gigi. 


 

That's news to her since she's used to the usual shy smiles and soft laughters that Winter gives during their conversations. 

 

 

“What are they talking about ba? You know Rina naman, dami laging baon. Give her the weirdest thing to talk about and she'll easily make a conversation out of it.”

 

 

“Ewan ko rin. Nagising lang kasi ako bigla. Pero in fairness naman sa kanilang dalawa, nasasabayan nila trip ng isa't-isa.”

 

 

“It's good that they're getting along well now. I remember Rina na nagrereklamo sakin sa pagiging masungit sa kanya ni Winter initially.”

 

 

Natawa naman si Ning. Mukhang marami silang pag-uusapan ni Winter pagkatapos ng trip na 'to.

 

 

“Pero alam mo, Gigi, as much as possible, ayokong makielam sa kanila.” Iwinasiwas pa ni Ning ang tongs na hawak niya (na nagkalat lang naman ng mantika) para ma-emphasize ang point niya. “Alam ko namang cute sila together, and you know, pwede, pero it's not anyone else's decision but theirs.”

 

 

“I agree naman.” Lumapit si Gigi para kuhanin ang pamaypay sa mesa. “And it's kinda cute to see them grow closer in their own way. Matatanda naman na tayo. I trust that they can handle their feelings, kung meron man, maturely.” 

 

 

Tumigil si Gigi saglit sa pagpapaypay para harapin si Ning. 

 

 

“If it grows into something more, then we'll be here to support them. If it doesn't, then we'll still be by their side. That's what friends are for.” 

 

 

Ning nodded with a proud smile on her face. “That's what girl best friends are for.”

 

 

“Stop with the GBF thing!” 

 

 

 *****

 

 

Halos alas-sais na rin ng gabi nang magising sina Winter at Rina. Mabilis na rin naman silang nakakain ng hapunan dahil nakahanda na ang lahat pagkagising nila (Salamat, Ning at Gigi!).

 

 

Matapos ang dinner, nagsimula na silang maghanda para sa drinking session nila ngayong gabi. Good luck na lang talaga sa kalalagyan nila sa dami ng pinamili nila Ning mula sa grocery noong Biyernes. 

 

 

“Can I join you?” tanong ni Winter kay Rina na abala sa paghahanda ng drinks nila sa mini bar. 

 

 

Agad namang umangat ang tingin ni Rina at nagtataka itong tumingin sa kanya. “I thought mag-iihaw ka?”

 

 

May mga natira pa kasing karne kanina na hindi natapos ihawin nila Ning dahil kahit hindi nila aminin, lumamang kasi ang pagchichismisan nila kanina. In their defense, pangpulutan naman daw kasi ang mga ito.


 

Winter volunteered to help them but the two blatantly refused. 

 

 

“Tinataboy ako nila Ning,” Winter said while pouting. Tinuro niya naman sina Ning at Gigi sa labas na mukhang enjoy na enjoy lang sa pag-iihaw nang wala siya. Mukha tuloy siyang batang nagsusumbong kay Rina.

 

 

Sana maluha sila sa usok. 

 

 

“Aww,” Rina teases as she pats one of the chairs in front of her. “Stay here na lang with me.”

 

 

Sumunod lang naman si Winter at agad na naupo rito. Curious lang din talaga siya kung paano maghanda ng mixed drinks. Nasanay kasi siya na umiinom na lang straight from the bottle. Kung hindi man, nakatimpla na at diretso laklak na lang.

 

 

“Buti na lang pala I'm open for an audience.” 

 

 

Audience?

 

 

“Do you know how to mix drinks?” dagdag na tanong ni Rina sa kanya. 

 

 

“Hahaluin lang naman diba? Paabot ng kutsara.” Winter motions to the set of utensils within Rina's reach. 


 

Kahit na kitang-kita ang pagkunot ng noo ni Rina, inabot niya pa rin naman ito sa kanya.

 

 

Mabilis namang tinapik ni Rina ang kamay ni Winter nang akma nitong hahaluin ang mix na nagawa na niya. 

 

 

“Aray ko naman! Bakit?” reklamo ni Winter. Binitawan niya naman agad ang hawak niyang kutsara.

 

 

“I'll show you how it’s done.” Rina smirks at her way before lining up the shot and wine glasses on the counter.

 

 

“All you have to do is sit.” Rina grinned confidently. “And watch.” 

 

 

Rina pulls her phone from her pocket to play a song. She shakes her head lightly before loosely tying her hair into a messy bun. Winter immediately recognizes the song as the single-edit version of a Redbone classic released in the 70's.

 

 

Baby find it, come on and find it

 

Hail, with it baby

 

'Cause you're fine

 

And you're mine, and you look so divine

 

Rina started putting ice on the glasses. She moves naturally around the mini bar, with every drop and pour of her execution in sync with the music, and unconsciously makes it harder for Winter to look away from the scene gracefully unfolding right in front of her. 

 

Come and get your love

 

Come and get your love

 

 

She moves with so much confidence as if she's been doing this for a long time now. 

 

 

Dami namang talent ni Rina. 

 

 

Hindi maalis ang tingin ni Rina sa kanya. Naisip tuloy ni Winter kung parte ba ito ng mga “tricks” niya. Dahil kung ang mga basketball players ay may no look shots, meron din syempre si Rina. 

 

 

No look sa shot glasses. 

 

 

Winter playfully moved her body closer to the counter, challenging Rina even more. But even in her subtle attempt to distract Rina, she only gets welcomed by the signature smile she's grown familiar with every time their eyes meet. 

 

 

Napakayabang. 

 

 

Pero minsan talaga, may kalalagyan din ang mga mayayabang. 

 

 

Rina’s stare may have lingered on Winter’s face longer than she intended to, because she missed the beat on her third glass.

 

 

Bukod sa nakatumbang baso (na buti na lang ay hindi nabasag), nagkalat lang naman si Rina ng alak at yelo sa counter. 

 

 

Saglit muna silang nagkatinginan bago tuluyang nagpakawala ng malakas na tawa si Winter. Ayan ang napapala ng mga mahahangin! 

 

 

“Stop looking kasi! It's so distracting!” malakas na reklamo ni Rina. Hindi rin nakaligtas sa paningin ni Winter ang pamumula ng mga tenga nito. Kitang-kita kasi lalo na't nakatali pa naman ang buhok niya. 

 

 

Napakayabang kasi!

 

 

Agad namang kumuha ng tissue si Winter para tulungang maglinis si Rina. Natatawa pa rin siya sa nangyari. Ang taas lang talaga kasi ng confidence ni Rina, tapos bigla na lang mabibitawan 'yung shot glass! 

 

 

“Sabi mo kaya sakin panoorin kita,” natatawang depensa ni Winter sa sarili. “Dapat bang hindi kita tingnan?”

 

 

“Not at me lang kasi. When I said that, I wanted you to look at the whole picture!”

 

 

“Okay okay, hindi na,” sang-ayon ni Winter dahil tama naman si Rina sa parteng 'yun. “Sa mga baso na lang ako titingin.”

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
krnmuse
Thank you po sa promotion! Grabe na kayo. ☹️

Comments

You must be logged in to comment
Yashbread
#1
miss u T---T
franzii
#2
Chapter 20: it’s 5am, i’m wide awake, and squealing sa kilig. grabe. kinda hate myself from putting off reading this for so long huhu but definitely worth the wait! everything just feels so real and romantic. the characterization is spot on. the slow burn is slow burning. i love the pace. feel mo talaga yung development ng relationship and feelings nila to one another. from being so shy and unsure, to being confident and secure… grabe ;_; i love this so much. thank you for writing and i hope you still continue this when you can hehe i’m so invested na and reading this on rina’s birthday definitely makes the day more special! happy rina day 💙
hiver_pogi
#3
i miss u, balik ka na 😔
lesyeuxderj #4
Chapter 19: miss na po final answer
dork_seulgi_k
872 streak #5
Chapter 20: 🥺
gok3_d
#6
Chapter 20: tinapos ko talaga basahin kahit ano na yun na nga
Eybrelros #7
Chapter 20: Nakakamiss naman na dto. Mag 1yr na silang ldr haba naman ng trial card kelan ba mag expired yan😔
kwinter
#8
Chapter 3: help im still at the restaurant
arisse_ #9
miss u po
kwinter
#10
hello po