Rina’s Travel And Tours

Basta, Ewan, Kahit Ano: The Podcast
Please Subscribe to read the full chapter

Episode 9

Rina’s Travel and Tours


 

Noong sinabi ni Winter na babalik na siya sa trabaho “soon”, hindi niya naman inaasahang magiging masyadong mabilis ang pagdating nito. 

 

 

Nakatanggap siya ng panibagong email mula sa kanyang direct superior kahapon. Maliban sa mga project overview details, kalakip na rin ng email na natanggap niya ang petsa kung kailan niya kailangang mag-report ulit sa opisina. 

 

 

Next week. 

 

 

Sa tingin naman ni Winter ay physically, mentally, at emotionally prepared na siya para manumbalik sa field. 


 

She spent the past few months well enough to rest (which consisted mostly of lazy days spent at Ning's café).

 

 

Bukod dito, gusto rin talaga si Winter sa project na assigned sa kanya ngayon. 


 

Since most of her past works consist of travels in mountains and wetlands, being involved in a project focused mainly on reefs is definitely a breath of fresh air for her.


 

At ang isa pa sa mga exciting part ng project na 'to—kailangan niyang matutong mag-scuba dive. Nasabihan na rin siya ng kanilang project lead na may darating na mga bagong miyembro ng team nila. 


 

And for this project specifically, she gave Winter the opportunity to lead. 

 

 

As much as Winter enjoys the comfort of her rest days, she just can't wait to be out there again. 

 

 

Kaya nang sabihan niya si Ning na kailangan niya nang umalis sa susunod na linggo, abot-abot na pagdadrama ang natanggap niya mula rito. 

 

 

“Winter, hindi nga pwedeng aalis kang ganun na lang.”


 

Kanina pa siya pinipilit ni Ning na magpa-“despedida”. Siyempre, tutol si Winter dito. Hindi naman kasi kailangan. 


 

Hindi naman siya magiging OFW! 

 

 

“Ang OA, Ning. Babalik din naman agad ako pagkatapos. Dito ko naman na gagawin 'yung mga writeups na need. We just have to film there.” Sinubukan ulit ni Winter na magpaliwanag kay Ning kahit kanina pa sila paulit-ulit sa usaping ito. 

 

 

“Kahit na! Kung tinatamad ka magplano, edi ako na!” 

 

 

“Hindi kasi 'yun 'yung point,” may halong inis na ring sagot ni Winter. 


 

Ang kulit talaga ni Ning ngayon! 

 

 

“Dali na kasi. Ang KJ mo. Last weekend bago ka maging working girl ulit, ano?” 

 

 

Hinarap siya ni Winter. Syempre, hindi rin naman nagpatalo si Ning sa titigan. Sa huli, si Winter na ang nagparaya. 

 

 

“Fine, bahala ka.” 

 

 

Napatayo naman si Ning mula sa sofa para kuhanin ang phone niyang nakapatong sa mesa. “Yes! Invite ko sila Gigi ha.” 

 

 

“Bakit?” nagtatakang tanong ni Winter sa kasama. 

 

 

Hindi naman kasi ito ang unang beses na gagawin ito nila Winter at Ning. Tuwing aalis kasi si Winter dati, naging semi-tradition na nilang magkaibigan ang magkaroon ng simpleng send-off para sa kanya sa iba't-ibang paraan. 

 

 

Minsan, simpleng dinner lang sa restaurant na parehas nilang gustong subukan. May pagkakataon namang buong araw lang silang nag-movie marathon sa bahay. May isang beses ding nag-overnight stay sila sa isang resort at magdamag lang na nagbabad sa tubig.


 

If Ning's plan will push through, this will be the first time that Winter's going to spend it with other people apart from her best friend. 

 

 

“Anong bakit? Bakit naman hindi? Malamang we're friends!” 

 

 

“Ning naman,” mahinang reklamo ni Winter. “Nakakahiya kasi. Mamaya busy sila. Hindi naman kasi importante 'yung send-off na 'yan.” 

 

 

“Kaya nga tatanungin natin,” mariing sagot ni Ning. “It's better to ask them directly than assume na ayaw nila talaga. Invite lang naman eh. Walang pilitan. At wag ka nga, ako naman magtatanong!” 

 

 

Napahawak na lang si Winter sa ulo niya. “Fine. Again, bahala ka.” 

 

 

Nag-text na si Ning kina Gigi at Rina para tanungin kung libre sila ngayong weekend kahit na wala pa naman silang solidong plano ni Winter. Kaya kung sakaling pumayag 'yung dalawa sa invite nila, manghihingi na lang din sila ng mga suggestions kung anong gusto nilang gawin nang magkakasama. 

 

 

Later that afternoon, Winter received several notifications in her phone. 

 

 

GC: Gigi, Rina, Winter, Ning

 

Gigi: hiii! i made a gc na lang so it will be easier to talk to each other and plan things out. thanks ulit for inviting us!! 

 

Gigi: and also para no one will complain na about not being invited sa movie night 🤪

 

Rina: i wasn't even complaining! 

 

Gigi: see, you know agad who's guilty! HAHAHA

 

Ning: hello my idols, now my friends 😔 thank you sa pag-accept ng invite kahit biglaan, ito kasing si winter nambibigla eh

 

Ning: pero yep, ano munang trip niyong gawin this weekend?? wala pa naman kaming concrete plans ni winter so very open pa for suggestions

 

Rina: i wanna go hiking!!

 

Ning: rina idol kita pero amaccana beh

 

Gigi: let's ask winter muna since this is her send-off right? 

 

Gigi: anything you want to do specifically, winter? 

 

Winter: Okay lang naman sakin kahit ano. May gusto ba kayong gawin? 

 

Gigi: i wanna do staycation lang honestly

 

Ning: same with gigi!! <3

 

Winter: Pwede naman nating gawin pareho? 

 

Ning: okay… kahit 💀 talaga yung hike hay nako ka talaga rina sinasabi ko sayo

 

Rina: it's gonna be fun kaya!! 

 

Gigi: okay sige, how about ning & i will plan the staycation part, then rina & winter on the hike? since kayo naman may experience with it

 

Ning: g ako dyan!! (pero yung hike talaga itigil na natin to) 

 

Rina: sounds good to me :) 

 

Gigi: Winter hbu? 

 

Winter: Okay rin with me. 

 

 

And that's how Winter's last weekend as a partially unemployed person got booked. 


 

Excited namang tumayo si Ning para kunin ang fresh from the box na iPad Pro niya (salamat, BEKA) at nagsimulang magpanggap na aesthetic siya sa pagpaplano ng staycation nila. 

 

 

Si Winter naman, problemado. 


 

Kinakabahan na siya sa mga pwedeng maging suggestions ni Rina. Hindi niya pa naman ma-predict kung paano siya mag-isip.


 

Maagang natuldukan ang kanyang mga agam-agam nang makatanggap siya ng message mula rito. 

 

 

From: Rina

(5:27 PM) how do you want to talk about our plans? 

 

 

From: Winter

(5:29 PM) Edi mag-uusap…? Di ko gets, Rina. 

 

 

From: Rina

(5:31 PM) i prefer to talk about it in person kasi. :) are you free ba to meet at Ning's café tomorrow? 

 

 

From: Winter

(5:32 PM) Okay, free naman ako. Message me na lang if papunta ka na. 

 

 

From: Rina

(5:33 PM) great! see you tomorrow, winter! :) 

 

 

*****

 

 

Rina arrived at the café a little earlier than their agreed meeting time. Ning was actually surprised when she saw Rina walk in the entrance. 


 

Hindi kasi nabanggit ni Winter na bibisita ito ngayong araw. 

 

 

“Rina! Hindi naman sa ayaw kitang makita ha, pero napadaan ka?” salubong ni Ning sa kanya.


 

“Why, can't I visit you now?” Lumapit si Rina sa kanya para makipagbeso. 


 

Tamang titahan lang sa café. 

 

 

“Wag mo kong ineechos ha,” natatawa naman siyang tinulak ni Ning palayo. “So ano ngang ganap mo? No offense pero mukha ka namang hindi bibili.” 

 

 

“You're so…” Rina trailed off with an amused smile, unable to find the right adjective to complete her thought. “Anyway, I'm here for Winter.” 

 

 

“Ay ang taray naman ng friend ko. Gandang dinadayo.” 

 

 

Her remark earned a soft chuckle from Rina. “Right. Where is she? We need to talk about something today kasi.” 

 

 

“Sa usual table niya. Puntahan mo na lang.”

 

 

“Okay. Thanks for letting me know.” Rina smiled when she caught a glimpse of Winter in her usual seat, eyes glued to her laptop. “I'll have the frappe Gigi ordered for me last time. Oh ayan ha, I ordered kaya!” 

 

 

They said their goodbyes quickly as Rina made her way to Winter's table. 


 

Umangat naman agad ang tingin ni Winter nang makitang papalapit na si Rina sa kanya. 

 

 

“Hi,” Rina greeted her with a smile. 

 

 

“Hello,” Winter smiled in return as she gestured for Rina to take the seat in front of her. 

 

 

Kung nagulat man si Rina, hindi na niya ipinahalata. 


 

She did not quite expect a warm greeting from Winter, remembering their last encounter like this. But today, she earned her greeting. 


 

May bonus pang ngiti. 

 

  

“So, did you prepare?” Rina started as soon as she got comfortable in her seat. 

 

 

“Para saan naman?” 

 

 

“Our talk, what else?” Rina crossed her arms in front of her, sporting a look which obviously says she's expecting something from Winter. “I hope you've done your research before this meeting.” 

 

 

“Meeting?” Nalilitong tanong ni Winter sa kaharap. 


 

Ano naman ba 'tong mga pinagsasabi ni Rina?


 

“The hike's assigned to us, right? Do you have a list of possible places with you?” 

 

 

Oh. So ganito pala mag-plano si Rina. Hindi siya sanay. Kapag kasi silang dalawa lang ni Ning, mas prone sila na gumawa ng mga desisyong out of impulse. 


 

Sabi kasi ni Ning, mas may thrill daw 'yun, lalo na kapag hindi mo alam kung ano ang naghihintay sa'yo. Tahimik lang talaga si Winter pero sa totoo lang, kabado talaga siya tuwing ginagawa nila ito.

 

 

“Ah, ano kasi, wala…” Winter said softly. 


 

Sa totoo lang, nahihiya siya kay Rina. Kung alam niya lang na ganitong level pala ang inaasahan ni Rina na paghahanda mula sa kanya, nakapag-all-nighter pa sana siya kung kinakailangan. 

 

 

“It's a good thing that you have me then,” confident na sagot ni Rina sa kanya bago ituon ang atensyon sa bag niyang dala. 

 

 

Inilabas niya ang laptop niya mula rito at inilapag ito sa mesa. Hinarap niya ang screen nito kay Winter. 

 

 

Napataas naman ang kilay ni Winter at napaiwas ng tingin kay Rina habang pilit na pinipigilan ang sariling matawa.

 

 

“What?” mataray na tanong ni Rina sa kanya. “Why are you laughing?” 

 

 

Tuluyan nang pinakawalan ni Winter ang tawa niya. “Hindi ka naman masyadong prepared?”

 

 

Nakatanggap siya ng irap mula kay Rina. “Stop laughing! Isa!” 

 

 

Nang hindi pa rin natigil si Winter sa kakatawa, binato na siya ni Rina ng tissue. 

 

 

“Hoy! Sumbong kita kay Ning. Nagkakalat ka!” 

 

 

Rina glared at her. “Your fault. At least I have the decency to come in prepared. Unlike you.” 

 

 

Natahimik naman si Winter. Oo nga. Nakakahiya naman kay Rina na handang-handa. Tapos siya, tawa lang ang ambag.


 

“Okay. Game na. Serious na.” Winter smiled as she shifted her focus back to the presentation flashed on Rina's laptop screen. 

 

 

Rina's Travel And Tours

 

 

Rina prepared a PowerPoint presentation for her inputs today. 


 

Grabe lang. A+ for effort. 

 

 

And Winter thought it's cute. 

 

 

“So, I listed a couple of hike places we can go to. But I sorted them out na since we're doing it with beginners. The difficulty level ranges from 2-3 lang.” Rina started explaining as she read the details presented on her slide. 

 

 

“Tama naman. Bukod sa beginners sila, mareklamo pa. Sana ready ka na kay Ning.” 

 

 

“And I hope you're ready for Gigi.” 

 

 

They laughed at the shared concern for their friends. Rina moved to her next slide, which shows some photos of the hike places that she listed. 

 

 

Winter's eyes widened when she recognized one. “Okay naman dyan. Hindi rin masyadong mahirap 'yung trail.”

 

 

“You've been here?” tanong ni Rina sa kanya. 

 

 

“Yup, sa Mt. Batolusong 'yan diba?” Winter asked for confirmation.


 

Nakakahiya naman kung bida-bida siya kay Rina tapos mali naman pala. 

 

 

Rina nodded at her. “Yes, most of the ones I included here are in Rizal lang. Para di rin masyadong malayo.” 

 

 

“Okay. I agree with that naman.” 

 

 

“So we'll cross this out na.” turo ni Rina sa photo ng Mt. Batolusong. 

 

 

“Ha? Bakit? Okay naman dyan ah.” 

 

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
krnmuse
Thank you po sa promotion! Grabe na kayo. ☹️

Comments

You must be logged in to comment
Yashbread
#1
miss u T---T
franzii
#2
Chapter 20: it’s 5am, i’m wide awake, and squealing sa kilig. grabe. kinda hate myself from putting off reading this for so long huhu but definitely worth the wait! everything just feels so real and romantic. the characterization is spot on. the slow burn is slow burning. i love the pace. feel mo talaga yung development ng relationship and feelings nila to one another. from being so shy and unsure, to being confident and secure… grabe ;_; i love this so much. thank you for writing and i hope you still continue this when you can hehe i’m so invested na and reading this on rina’s birthday definitely makes the day more special! happy rina day 💙
hiver_pogi
#3
i miss u, balik ka na 😔
lesyeuxderj #4
Chapter 19: miss na po final answer
dork_seulgi_k
873 streak #5
Chapter 20: 🥺
gok3_d
#6
Chapter 20: tinapos ko talaga basahin kahit ano na yun na nga
Eybrelros #7
Chapter 20: Nakakamiss naman na dto. Mag 1yr na silang ldr haba naman ng trial card kelan ba mag expired yan😔
kwinter
#8
Chapter 3: help im still at the restaurant
arisse_ #9
miss u po
kwinter
#10
hello po