National Geographic Explorer

Basta, Ewan, Kahit Ano: The Podcast
Please Subscribe to read the full chapter

Episode 6

National Geographic Explorer


 

Nagising si Winter nang ngawit ang leeg at masakit ang likod niya. 


 

Tumagilid siya para abutin ang kanina pa niyang nag-aalarm na cellphone mula sa bedside table. Dalawang beses lang ang alarm ni Winter sa umaga. Isang naka-set ng 7AM, na alarm niya kapag may kailangan siyang asikasuhin nang mas maaga at isang 10AM, na alarm naman niya kapag wala.


 

Pero base sa pagtama ng sikat ng araw sa mukha niya ngayon, malamang ito na ang kanyang ikalawang alarm.


 

Teka, parang ang layo naman ata ng phone niya? 


 

In-extend niya pa ang kanyang braso habang nakapikit pa rin hanggang sa makapa ang dulo ng table. 


 

Hindi niya pa rin abot. 


 

Sumilip siya gamit ang isang mata pero huli na ang lahat. 


 

What the hell. 


 

Bumangon siya mula sa pagkakahulog sa lapag. Lalo lang nadagdagan 'yung sakit ng katawan niya. 


 

At oo, nasa sofa pala siya sa sala. Lumapit siya sa mesa (na in this case ay center table pala at hindi bedside table) para patayin ang kanina pang umaalingawngaw na alarm.


 

Matapos niyang maghilamos at mahimasmasan, dumiretso siya sa kusina para magpa-init ng tubig. Kahit naman lagpas alas-diyes na ng umaga ngayon, hinahanap-hanap pa rin ng katawan niya ang mainit na kape.

 

 

Sa bagay, wala naman talagang pinipiling oras ang pag-inom ng kape. 


 

Idagdag mo pa na may kasama siya sa bahay na isang café owner. Talagang hindi na nakakagulat na ganito na ang naging normal na routine nilang dalawa. 


 

Nang kumulo na ang tubig, nagsimula na siyang magtimpla. Tahimik lang siyang nakatulala sa bintana habang nagmamasid sa paligid. 


 

Nasa 9th floor lang naman ang unit na tinutuluyan nila ni Ning kaya rinig na rinig sa kanilang balcony ang ingay na mula sa mga dumadaang sasakyan sa kalsada sa ibaba. 


 

Naalala na naman niya ang mga ganap kagabi. Hindi na talaga siya nagtataka kung bakit masakit ang katawan niya ngayon. Pagkatapos kasi ng matinding pagsasayaw nila sa Girls Just Want To Have Fun na naging finalé song ng Retro Hour kagabi, nagka-ayaan pa ulit ang mga kasama niya ng isa pang round ng drinks. 


 

Sinubukan niya namang pigilan na sila, lalo na si Ning. Hindi niya na rin kasi na-monitor kung naka-ilang baso na ito ng alak buong gabi. Aminado naman siyang Ning is the better drinker sa kanilang dalawa. At dahil ayaw niya namang magtunog restrictive jowa sa pagpapaalala kay Ning na dahan-dahan lang, hinayaan niya na lang ito na mag-enjoy buong gabi. 


 

She's there to look after her just in case, anyway.


 

Tapos ‘yung nagsabi sa kanya kagabi na siya na ang bahala kay Gigi, may pagka-kunsintidor din. Sa totoo lang, parang siya pa nga yata ang promotor ng additional round of drinks nila. Sobrang taas lang ng energy ni Rina kahit game na game ito sa pagsasayaw. Hindi naman daw siya tinatablan ng alak. At minsan lang naman daw sila lumabas ni Gigi nang ganito kaya sinusulit niya lang daw. 


 

And so, Winter's supposed stress-relieving night out became one of the most stressful nights she's had in a while, for she ended up bringing three drunk ladies back home. 


 

But how did she end up sleeping on the sofa, exactly? 


 

And just like that, the answer appears right in front of her magically.


 

Nahagip ng tingin niya ang dahan-dahang pagbubukas ng pinto ng kwarto niya. 


 

The culprit emerges in the scene of the crime expectedly. Winter watches the scene unfold from the balcony with a cup of coffee in hand. 


 

Rina's tiptoeing her way around the sala. She didn't even bother fixing her morning hair but she still looks presentable in it anyway. Her eyes are scanning the entirety of the unit, as if she's looking for something. And she's doing all of these in the most rushed and hushed way possible.


 

Pinipigilan na lang talagang matawa ni Winter sa napapanood niya. 


 

Akmang bubuksan na sana ni Rina ang pinto papunta sa kwarto ni Ning nang pumasok na si Winter mula sa balcony. Napatalon naman si Rina dahil sa gulat sa tunog ng sliding door.


 

“Saan punta mo?” natatawang tanong ni Winter sa kanya. Nakakatawa lang ‘yung itsura ni Rina ngayon. Mukha talaga siyang nahuli sa akto na may ginagawang masama. 


 

Mayroon nga ba?


 

Winter wonders what’s going on inside Rina’s mind right now. 


 

“Hi,” awkward na bati ni Rina sa kanya. Matapos ang ilang segundo, naka-recover na rin siya sa gulat. Umayos siya ng pagkakatayo bago dahan-dahang lumapit kay Winter. Nanumbalik na rin ang trademark na ngiti nitong puno ng kakulitan sa kanyang labi. 


 

“Hello,” bati ni Winter pabalik. “So, saan nga punta mo?” 


 

“I panicked,” Rina answered, her voice barely above a whisper. It doesn't matter because Winter heard her anyway. Clearly. 


 

“Panicked?” nagtatakang tanong ni Winter sa kanya. “Bakit?” 


 

“I woke up in someone else's bed.”


 

Oh. Kaya pala. 


 

It's really frightening to wake up in unfamiliar places, especially if you barely have a memory of what happened prior to that. 


 

“And that someone happens to be me. You slept in my bed, Rina.” 


 

When Rina didn't speak after that, Winter got worried. It's so unusual to have Rina the one quiet when they're left alone. 


 

“Rina?” Winter called her softly. 


 

And then it hit Winter. Kaya ba siya nagmamadaling patakas na umalis kasi… kasi akala niya ano, akala niya—


 

“Did we,” Rina started, eyes darting back and forth between Winter and her bedroom door. “Did we—uhm, you know, did we do—”


 

“Rina, mag-isa kang natulog dyan!” malakas na depensa ni Winter. She just had to interrupt whatever Rina's gonna say before she could even think of anything else. She can feel the heat rise up to her cheeks almost immediately. 


 

Bawal 'yun! That won't happen! Never! 


 

Her sudden outburst earned a loud laugh from Rina. “I know, Winter. I was just messing with you.” She took a few steps closer to Winter, eventually narrowing the distance between them. 


 

“Besides, I still have my dress on from last night. If something really happened, dapat wala na 'to.”


 

“Shut up.” Mahinang tinulak ni Winter ang mukha niya palayo. “Go shower or something. Ginawa mong amoy alak 'yung kama ko. Bagong palit pa naman sheets ko.”


 

Masakit ang katawan ni Winter. Ramdam niya pa rin ‘yung pagod mula sa lahat ng naging ganap nila kagabi. Wala pa siyang energy para makipagsabayan sa kung anumang trip ni Rina ngayong umaga.


 

“Fine.” Natatawang umatras si Rina mula sa kanya. “Saan pala 'yung shower?” 


 

“Second door on your left.”


 

Rina nodded in response. But she didn't move after that. She's just looking at Winter, waiting for something.


 

Winter raised an eyebrow at her. Ano na naman bang problema nito? 


 

What? Winter mouthed at her. In return, Rina gestured at her clothes. She then pointed to the bathroom door, then back to her dress from last night.


 

Mahirap ba talagang sabihin kung anong gusto niya? 


 

Of course, Winter doesn't know that Rina enjoys teasing her like this.


 

“Right. Wala ka ngang damit,” si Winter na ang nagsalita para kay Rina. Baka abutin siya ng gabi kakahula sa pa-charades nitong si Rina dahil kuhang-kuha lang talaga nito ang tamang timpla ng pang-aasar sa kanya.


 

“I just said na I’m still in my dress from last night,” Rina said, chuckling. 


 

“Na bago kasi!” 


 

Rina laughed again, just really amused at this whole interaction with Winter. “I know, I was just—” 


 

“Messing with you. Oo, alam ko,” gaya ni Winter sa naging linya sa kanya ni Rina kanina. 


 

“A fast learner, I see.” Inirapan lang siya ni Winter. “But yes, I need clothes. Anything comfy would do. I just need to get out of this dress. Thank you, Winter.” 


 

“Sige, kuhanan lang kita ng damit. Una ka na sa bathroom.” Winter motioned her hand towards the bathroom door. 


 

“Susunod ka?” Rina asked her suggestively, a naughty grin lingering on her face. 


 

“Kasi ihahatid ko na lang ‘yung damit mo! Hahampasin na talaga kita!” 


 

Rina, who's currently dying of laughter, makes a dash to the bathroom door just in time before the fuming Winter can catch her. 


 

Napahawak sa ulo si Winter nang marinig ang pag-lock ni Rina ng pinto. 


 

Finally! Maaga talaga siyang tatanda kay Rina! 


 

******


 

Habang nasa shower si Rina, nagsimula nang maghanda ng breakfast slash lunch si Winter. Wala namang nagsabi pero dahil mukhang knockout pa ‘yung mga kasama, siya na ang nagkusa. Problemado pa nga siya dahil kaunti na lang pala ang stocks nila ni Ning. Ngayong hapon kasi naka-schedule ang grocery nila. Pero dahil two out of four pa lang ang alive and kicking sa condo nila (kasama pa si Ning sa knockout na), mukhang mauuwi siya sa pagpunta sa grocery nang mag-isa.


 

May bacon, hotdog, at eggs pa namang natira. Pwede naman na siguro ‘to para sa kanila. Nag-order na rin siya ng noodle soup sa kainan sa baba. Hindi naman kasi siya masyadong maalam pagdating sa tamang pag-asikaso sa mga taong may hangover. Base kasi sa mga naging experience niya, basta makatulog lang si Ning, pagkagising okay na. Sana lang makatulong din ‘yung soup para kina Gigi at Rina.

 

 

Kung hindi man, edi siya na lang hihigop mag-isa.


 

Natapos na siyang mag-prito at lahat, hindi pa rin lumalabas ng banyo si Rina. Gusto niya sanang katukin kung okay lang ba siya pero nagdesisyon siyang wag na lang. Wala pa man siyang ginagawa ay naririnig na niya ang pang-aasar nito sa utak niya. 


 

Bahala na muna siyang malunod sa shower. For now.


 

Inilatag niya na rin ang mga plato sa hapag. Buti na lang four-seater ‘tong kinuha nilang table ni Ning noong nag-furniture shopping sila bago officially mag-move in dito. Gusto sana ni Winter na two-seater lang ang kunin nila para hindi na masyadong kumain sa space. Si Ning ang nagpumilit na kumuha sila ng four-seater. 


 

Paano na lang daw kasi kapag nag-double date sila kasama ang mga future jowa nila, saan sila uupo?


 

Never did Winter imagine that the day this four-seater will come in useful will be this soon. Which of course, doesn’t involve a double date. It’s just a first for the both of them to have other people in their unit aside from their immediate families.


 

She also placed their little medicine box on the table. Just in case.


 

Papunta na siya sa kwarto ni Ning para sana manggising nang sabay na bumukas ang pinto ng banyo at iniluwa nito ang fresh na fresh na bagong ligong si Rina.


 

Naka-simpleng oversized white shirt lang ito at denim shorts. Marami namang pwedeng pagpiliang damit si Rina sa mga “hinatid” ni Winter sa kanya. Hindi kasi sigurado si Winter kung ano ba ang level ng comfy na hinahanap ni Rina. Kaya minabuti niyang mawala na lang sa kanya ang burden of choice at hayaan na si Rina ang pumili para sa sarili niya.


 

“Sorry, natagalan,” Rina said as she closed the bathroom door. “I had a hard time choosing among the clothes that you gave me.” 


 

Tumango lang naman si Winter. Buti pala si Rina na ang pinag-decide niya. What if siya ‘yung namili tapos hindi niya bet? Pang-aalaska na naman ang aabutin niya rito!


 

“Gigisingin mo na ba sila?” tanong ni Rina.


 

“Yup. Tanghali na rin kasi. And I prepared food na rin. Gisingin ko na para makakain na rin tayo habang mainit pa.”


 

Dali-dali namang lumapit sa kanya si Rina. “I’ll go with you.”


 

Agad na umiling si Winter para pigilan si Rina. “Okay lang, ako na. Upo ka na sa table and just wait for us.”


 

Nginitian lang siy

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
krnmuse
Thank you po sa promotion! Grabe na kayo. ☹️

Comments

You must be logged in to comment
Yashbread
#1
miss u T---T
franzii
#2
Chapter 20: it’s 5am, i’m wide awake, and squealing sa kilig. grabe. kinda hate myself from putting off reading this for so long huhu but definitely worth the wait! everything just feels so real and romantic. the characterization is spot on. the slow burn is slow burning. i love the pace. feel mo talaga yung development ng relationship and feelings nila to one another. from being so shy and unsure, to being confident and secure… grabe ;_; i love this so much. thank you for writing and i hope you still continue this when you can hehe i’m so invested na and reading this on rina’s birthday definitely makes the day more special! happy rina day 💙
hiver_pogi
#3
i miss u, balik ka na 😔
lesyeuxderj #4
Chapter 19: miss na po final answer
dork_seulgi_k
872 streak #5
Chapter 20: 🥺
gok3_d
#6
Chapter 20: tinapos ko talaga basahin kahit ano na yun na nga
Eybrelros #7
Chapter 20: Nakakamiss naman na dto. Mag 1yr na silang ldr haba naman ng trial card kelan ba mag expired yan😔
kwinter
#8
Chapter 3: help im still at the restaurant
arisse_ #9
miss u po
kwinter
#10
hello po