Teammates

Basta, Ewan, Kahit Ano: The Podcast
Please Subscribe to read the full chapter

Episode 15

Teammates


 

Sa wakas, dumating na rin ang araw na pinakahihintay nilang dalawa ni Rina. 


 

Kahit na medyo biglaan ang naging suggestion ni Rina at limitado ang panahon nila para magplano, proud naman si Winter sa na-achieve nilang dalawa. 


 

Masaya rin siya dahil naging daan ang mga nakaraang araw para mas lalo pa niyang makilala si Rina. 


 

It's only been months since they first met each other, but Winter feels like she has known Rina for a long time. 


 

Winter has grown to like a lot of things since then. Like how their conversations just flow so easily without them even trying. How there's always something new to look forward to every time they meet even if they do the most ordinary things. 


 

How her days became a little more interesting all because of Rina, who is just so clever, sensible, and fun to be with (on top of being annoyingly pretty). 

 

 

How Rina's nose scrunches everytime the food they ordered satisfies her taste. And how during their conversations, Rina's eyes would light up immediately at the mention of anything she finds cute. 


 

How it's just so easy to make her laugh even if Winter cringes at her own jokes. And almost all the time, how she looks at Winter like she's telling the most interesting story in the world. 


 

Some of which though, Winter finds a little bizarre. But it doesn't mean she likes them any less. 


 

Just like how Rina intentionally skips the lines on tiled floors. And when Winter asked her why she does that, Rina reasons that it just doesn't feel right to step on them. Winter finds it odd but gives in anyway. So they spend the rest of their night walking together like there's a chessboard on their feet that only the two of them can see. 


 

And among the many little things she learned about Rina lately, there is one that has become her personal favorite.


 

The reason why she almost always insists on picking Rina up wherever she is even if she's fully capable of driving a car on her own. 


 

Winter always looks forward to the little hops Rina makes whenever she makes her way towards Winter's car, like seeing her is the best part of her day. 


 

And how the ever familiar playful smile finds its way home in Rina's lips when she finally sees Winter patiently waiting for her—a sight that never fails to make her feel like everything's going to be okay. 


 

Winter knows that she can go on endlessly enumerating the hows. 


 

The only thing left for her to figure out is why. 


 

*****


 

Maagang nagising si Winter ngayong araw. Bukod sa magiging paghahanda nila ni Rina mamaya, may isang bagay pa siyang inaabangan. 


 

Ang taunang panlilibre ni Ning sa kanya tuwing sasapit ang birthday nito. 


 

Excited niyang inabot ang cellphone niya mula sa bedside table para magpadala ng text kay Rina. Mamayang hapon pa naman siya pupunta sa unit nito pero naisip niya lang na wala namang masama kung malaman ni Rina kung saan siya manggagaling. Konting abiso na lang din kung sakaling mapasarap ang kain at chismisan nila ni Ning. 


 

From: Winter

(8:23 AM) Good morning, Rina. Libre muna raw ako ni Ning ng lunch bago ako pumunta dyan. Haha


 

From: Rina

(8:30 AM) morning, winter. :) sana all lunch date


 

From: Winter

(8:31 AM) Bakit? Wala ka bang lunch? 


 

From: Rina

(8:32 AM) never mind that. hahaha enjoy your lunch with ning! gigi just confirmed that she's free in the evening. see you later!! :) 


 

Parang imposible naman atang walang lunch si Rina. Hindi lang naman kasi mga gagamitin nila mamaya ang binili nila sa grocery kahapon. Sinabay na rin ni Rina ang pagbili sa iba niyang mga stocks at supplies for the week. 


 

Kaya dapat may lunch si Rina. 


 

Weird naman. 


 

Nagdesisyon na rin si Winter na bumangon para makapaghanda. Balak niyang gawan ng simpleng breakfast si Ning para man lang makabawi sa mga pagtakas niya nitong mga nakaraang araw. Maaga pa naman. Siguradong late magigising si Ning dahil pagod ito kahapon. 


 

Matapos maghanda ng agahan, dumiretso na si Winter sa banyo para maligo. Pero hanggang sa shower, hindi pa rin maalis sa isip niya ang naging palitan nila ng texts ni Rina kanina. 


 

Pagkabihis niya, kinuha niya agad ang cellphone niya para matuldukan na ang kanina pang bumabagabag sa kanyang isip. 


 

From: Winter

(10:10 AM) Pero wala ka ngang lunch? 


 

From: Rina

(10:13 AM) what? haha meron! will cook pero later na, it's too early pa. why are you asking ba? 


 

From: Winter

(10:14 AM) Eh bakit sana all? 


 

From: Rina

(10:15 AM) 😭😭 


 

Ano namang gagawin ni Winter sa mga lumuluhang emojis na 'yan? May translation ba 'yan? 


 

Wala na siyang oras na sinayang pa. 


 

Winter calling… 


 

Nakahinga naman siya nang maluwag nang sagutin agad ni Rina ang tawag niya. “Winter?”


 

“So?” tanong ni Winter.


 

“What?” 


 

“So, bakit nga sana all?” 


 

Narinig niya na parang may nalaglag sa kabilang linya. Okay lang kaya si Rina? 


 

“S-sorry about that.” Rina laughs. “But I was talking about not just lunch…I meant the lunch date. Kasi I don’t have anyone to eat lunch with.”


 

Not about the lunch, but about the date. 


 

“Okay.” 


 

“Okay?” nalilitong tanong ni Rina. “What is that supposed to mean?” 


 

“Na I can't help you with your problem for now. Busy ako ng lunch eh. Hindi ko na alam kung ano pang kayang gawin ni Ning sakin kapag nag-decline pa ako today,” pabirong sagot ni Winter. 


 

“I know that naman. Can I ask something though?” 


 

“Sure. Ano ‘yun?” 


 

“If you aren’t busy, will you help me?” Rina asked her teasingly. 


 

Winter smiles smugly and wishes that Rina was here to see her face as she says, “I’ll be driving to see you now if that’s the case.”


 

Nagulat si Winter nang biglang ibinaba ni Rina ang tawag. 


 

Natatawa siyang naglakad papunta sa kwarto ni Ning para manggising na. 


 

Akala mo Rina ikaw lang ah. 


 

*****


 

Pasado alas-onse na rin ng umaga nang matapos silang maghanda ni Ning para sa kanilang lunch date (according kay Rina). Ngayong umaga na rin idadaan ni RJ sa kanya ‘yung huling set ng pabor na ni-request niya mula rito. Kailangan niya lang maging maingat dahil kasama niya si Ning at sa posibilidad na maging extra curious ito sa laman ng envelope na ibibigay ni RJ.


 

From: RJ (Work) 

(11:38 AM) Winter! Nasa lobby na ako. Dala ko na sila hehe ang gaganda :D


 

From: Winter Kim

(11:40 PM) Thanks ulit, RJ! Pababa na ako. :) 


 

“Ning,” tawag ni Winter sa kaibigan na abala sa kanyang last-minute retouches bago sila umalis. “May i-memeet lang pala ako saglit sa may lobby.”


 

Napataas naman agad ang kilay ni Ning. “Sino na naman ‘yan?”


 

“Ah, si RJ. May kukunin lang ako sa kanya. Uhm, about work.” 


 

Napagtanto ni Winter na hindi yata masyadong kapani-paniwala 'yung pagkakasabi niya ng about work bilang excuse kahit na si RJ naman talaga ang naghihintay sa kanya sa baba. Pero nagsasabi naman siya ng totoo. 


 

Kaya sa unang pagkakataon ngayong linggo, hindi siya masyadong kinabahan na sabihin ito kay Ning dahil hindi naman siya nagsisinungaling. 


 

“Ang dalas niyo naman atang lumabas ng workmates mo lately. Kahit naka-work break kayo.”


 

Ito na nga. Ganito siguro ang pakiramdam ng bida sa The Boy Who Cried Wolf noong nagsisigaw siya para maniwala ang mga tao sa kanya na may totoong wolf na nga sa village nila. 


 

Kakagamit niya kina RJ bilang palusot niya nitong mga nakaraang araw, nawalan na tuloy sila ng kredibilidad sa paningin ni Ning. Ang hirap lang dahil totoo naman kasing si RJ na ang kikitain niya ngayon at hindi na si Rina. 


 

“At napapangiti ka pa talaga dyan?” mataray na sabi ni Ning. Agad namang ibinalik ni Winter ang seryoso niyang mukha. 


 

Bakit naman kasi napadaan pa bigla sa utak niya si ano… 


 

Si Rina. Ano ba ‘yan.


 

“Samahan na kita sa baba.” Ibinulsa ni Ning ang susi ng kanilang unit at naglakad na palabas. “Para makilala ko rin sino na ba mga ka-bonding mo ngayon.”


 

“Oh okay, sige.” Napatango na lang si Winter. “Nasa baba na raw siya.”


 

Tahimik lang namang nakasunod si Winter kay Ning. Simula paglabas ng kanilang unit, sa elevator, at hanggang sa makarating sila sa lobby kung saan agad niyang nakitang nakaupo sa waiting area si Ryujin, hindi siya pinansin ni Ning. 


 

“RJ,” bati ni Winter sa katrabaho nang makalapit na sila rito ni Ning. “Sorry ulit sa abala.” 


 

Tumayo na rin si Ryujin at inabot ang panibagong selyadong envelope kay Winter. “Wala ‘yun. Ako naman nagsabi na i-message mo lang ako if may need ka pa. At ang ganda ng naging result. Parang gusto ko na nga rin ng ganyan eh.”


 

Natawa naman si Winter. “Pwede naman.”


 

“Galing din sa’yo?” biro ni Ryujin sa kanya. Agad naman siyang pinandilatan ni Winter nang maalala na nasa tabi niya lang si Ning.


 

Marahan niyang hinawakan sa braso si Ning bago pormal na ipakilala ito kay Ryujin. Nakaabang lang naman ang dalawa sa susunod niyang gagawin.


 

“Ah, hindi pa nga pala kayo nag-memeet.” Winter chuckles softly upon realizing. “Ning, si Ryujin, workmate ko. RJ, si Ning, friend ko.”


 

“Best friend,” Ning corrected Winter before smiling politely at Ryujin. “It’s nice to finally meet you, Ryujin.” 


 

Ryujin extended her hand in greeting, amused at the reaction of the person she just met. “Well, hello then, Winter’s best friend. Pwedeng RJ na lang din tawag mo sakin kaysa Ryujin.”


 

“Sure.” Ryujin gathered every ounce of courage she has to meet Ning’s scrutinizing stare. “At least ngayon kilala ko na kung sinong dahilan ng pagtakas ng bestie ko lately.”


 

“Ha?” nalilitong tanong ni Ryujin. Pasimple rin niyang sinulyapan si Winter para humingi ng paliwanag sa sinabi ni Ning.


 

Agad namang nakabuo ng samu’t-saring scenario si Winter sa utak niya. Alam niyang kapag nagtuluy-tuloy pa ang pagtatanong ni Ning kay Ryujin, maaaring mapunta lang sa wala lahat ng mga pinaghirapan nila ni Rina nitong mga nakaraang araw. At kung mangyari man ‘yun, hindi lang siya ang madidismaya. Alam niyang magiging malungkot din si Rina.


 

Kaya kailangang may gawin siya.


 

Nilapitan ni Winter si Ryujin para tapikin ito sa balikat. “Tara na. May dala ka namang sasakyan diba? Sabay na tayo papuntang parking, aalis din kami ni Ning.”


 

“Oo, mahal nga ng parking niyo dito.” Mahinang tinapik ni Ryujin si Winter sa likod pabalik. 


 

Tahimik lang silang naglalakad papunta sa parking lot nang lumabas sa bibig ni Ryujin ang kinakatakutan ni Winter. “Pero grabe, Winter ha. Ang gaganda naman ng mga friends mo.” 


 

“Friends?” singit ni Ning sa usapan ng dalawa. “May kilala kang iba pang friend ni Winter?” 


 

“Ah, oo, may binigay din kasi ako kay Winter sa BGC noong isang araw tapos na-meet ko rin ‘yung kasama niya—” 


 

Mabilis na pumagitna si Winter kina Ryujin at Ning bago pa man mapunta sa kung saan ang kanilang usapan. “Diba may gagawin ka pa?”


 

“Ha?” angal ni Ryujin. “Sabi ko kaya sa’yo, di naman ako busy—” 


 

“Magiging busy ka na, kasi may ipapagawa ako. Check mo email mo in an hour, may naka-scheduled send akong tasks niyo ni Yeji.” 


 

“Okay, Winter,” sang-ayon ni Ryujin kahit bakas sa mukha nito ang pagkalito. “Pero sa Monday ko na ‘yun magagawa. Weekend ngayon eh. Tapos naka-work break pa tayo, diba?”


 

Wala naman nang iba pang nagawa si Winter kundi ang tumango sa sinabi ni Ryujin. Nadagdagan pa tuloy ang problema niya. Wala naman kasi siyang ipapagawa dapat sa kanila kung marunong lang talagang manahimik ‘tong si Ryujin.


 

“About pala sa isa mong friend, ‘yung si Ri—” Agad na tinakpan ni Winter ang bibig ni Ryujin bago pa man nito masabi ang pangalan ni Rina. Nagulat naman sila pareho sa ginawa ni Winter kaya binawi niya agad ang kamay niya.


 

Mabilis na nilingon ni Winter si Ning. Sa kabutihang palad, mukhang hindi naman ito nakikinig sa kanila. Buti na lang ay abala ito sa paggamit ng cellphone niya.


 

“Stop saying her name, sisirain mo pa surprise namin eh.” Pasimpleng binulungan ni Winter si Ryujin. Grabe lang talaga ang kaba niya sa tuwing magsasalita si Ryujin. 


 

Please lang, nasaan na ba ‘yung sasakyan nito?


 

“Ay ganun ba. Okay basta si BEKA—”


 

“Ryujin.” Pinandilatan siya ni Winter.


 

“Sasabihin ko lang sanang sayang naman na hindi na siya single.” Excited na humarap si Ryujin sa kanya nang may maalala ito. “Alam mo ba noong kinamayan niya ko, grabe lang. May sparks talaga eh.”


 

Napatigil si Winter sa paglalakad.


 

Nagtataka lang siyang tiningnan ni Ryujin. “Winter?”


 

Umiling si Winter at dahan-dahang lumapit kay Ryujin para akbayan ito. Naguluhan naman si Ryujin sa nakitang reaksyon sa mukha ng kasama. Sa loob ng maikling panahon na nakilala niya si Winter, ito ang unang beses na nakatanggap siya ng ganitong klaseng ngiti mula rito.


 

‘Yung ngiting hindi abot sa mata. ‘Yung ngiting may kasamang pagbabanta.


 

“Gusto mong lumipat ng project?”


 

“Ha? Bakit naman?” Mabilis na kumawala si Ryujin sa akbay ni Winter. “Hindi ah! Ang saya ko kaya sa project natin! Marami nga akong natutunan sa’yo eh!”


 

At may isa ka pang matututunan sa akin ngayon, RJ.


 

“As I was saying,” pagpapatuloy ni Ryujin sa sinasabi niya, “Since sabi mo hindi na siya single, respeto na lang sa relasyon ng iba, diba? Wala lang, naisip ko lang na ang swerte naman ng jowa niya.”


 

Mukhang hindi na pala kailangan turuan.


 

Pero tama naman ang sinabi ni Ryujin. Talagang swerte ang magiging jowa ni Rina. Mabilis na dumaan sa isip ni Winter kung paano kaya si Rina bilang girlfriend. Tapos dumaan ulit sa isip niya 'yung sinabi ni Ryujin about sparks.


 

“Okay ka lang, boss?” tanong ni Ryujin sa kanya kaya agad naman siyang natauhan. “Ang sama ng tingin mo sa mga sasakyan. Gusto mo ba ng ganyang model? Sirain naman ‘yan.”


 

Umiling si Winter sabay turo sa gawing kanan. “Sa right wing ako naka-park. Ikaw ba?”


 

“Left wing. Paano ba ‘yan, maghihiwalay na tayo,” biro ni Ryujin sa kanya. Naabutan na rin sila ni Ning sa paglalakad at agad na pumwesto sa tabi ni Winter.


 

“Yeah. Ingat ka at salamat ulit, RJ.” Nginitian siya ni Winter. 


 

Nakahinga naman si Ryujin nang maluwag nang mapansing ito na ang ngiti ni Winter na nakasanayan niya. Parang hindi niya na gugustuhin pang makatanggap ulit ng ngiting tulad ng binitawan ni Winter kanina.


 

“Una na ko. Nice meeting you, Ning, na best friend ni Winter.” 


 

“Likewise, RJ, na workmate ni Winter.” Bawi ni Ning.


 

Natawa naman si Ryujin bago muling nagpaalam sa kanila. Nang makalayo na si Ryujin, naiwan namang tahimik ang dalawa.


 

Naninibago si Winter. Hindi niya alam kung siya lang, pero may nararamdaman siyang hindi maganda. Sanay kasi siyang dinadaldal ni Ning, lalo na ngayon na may bago siyang ipinakilala rito. Inasahan na niyang tatadtarin siya nito ng mga tanong pagkaalis ni Ryujin.


 

Pero hanggang ngayon, wala pa rin itong imik.


 

Nakarating na rin sila sa sasakyan ni Winter. Agad na sumakay si Winter sa driver’s seat para painitin ang makina. Hindi niya na lang sasabihin kay Ning pero nagugutom na talaga siya. Mas masarap talagang kumain kapag libre.


 

Kaya naman abot-abot ang pagtataka niya nang makitang hindi pa rin sumasakay sa shotgun seat si Ning. Nakabukas na ang pinto nito pero nakapako ang mga mata ni Ning sa upuang nasa harap niya.


 

Matapos nitong tingnan nang masinsinan ang upuan, inilipat naman nito ang tingin niya kay Winter. Nakailang balik din ang tingin nito sa pagitan ni Winter at ng passenger seat.


 

“Bakit di ka pa sumasakay?” nagtatakang tanong ni Winter. Pati siya, napatingin na rin sa shotgun seat. Lagi niya namang nililinis ‘to kaya dapat wala namang problema, diba?


 

Sinalubong siya ng matalim na tingin ni Ning. Hindi pa rin ito nagsasalita. Aminado naman siyang minsan ay naiinis siya kapag masyado siyang kinukulit ni Ning. Pero mas gugustuhin na niyang maging ganun na lang palagi dahil hindi niya kinakaya ang tensyon sa pagitan nila ngayon.


 

Nakakatakot talaga si Ning kapag tahimik siya.


 

“A-anong meron?”


 

“Wala.” Binigyan siya ni Ning ng isang pilit na ngiti bago tuluyang sumakay sa sasakyan niya. “Saan mo gustong kumain?”


 

Nakakatakot na talaga.


 

“Ikaw na bahala. Ikaw naman magbabayad eh.” Sinubukan ni Winter na pagaanin ang tensyon na namuo sa pagitan nila. Kinuha niya ang cellphone sa bulsa at inabot ito kay Ning.


 

Mabilis namang nag-type si Ning ng address ng kakainan nila. Saglit niyang nginitian si Winter bago ilagay ang cellphone nito sa center console.


 

Sa ilang taong magkakilala sila ni Ning, kabisado na ni Winter ang kahulugan sa likod ng mga ngiting binibitawan nito. At ‘yung ngiting nakita niya ngayon, nagpapakita lang ‘yun kapag may alam si Ning na hindi alam ni Winter.


 

‘Yung ngiting hindi abot sa mata. ‘Yung ngiting may kasamang pagbabanta.


 

*****


 

Mabilis na nakarating sila Winter sa napiling kainan ni Ning. Sa Mendokoro. Gusto sanang mag-suggest ni Winter ng ibang place dahil kaka-ramen niya lang noong isang araw pero pinigilan niya ang sarili na magsalita bago pa man ito maging dahilan para mas maging mabigat ang pagdududa ni Ning sa kanya.


 

Sa totoo lang, hindi talaga maganda ang pakiramdam ni Winter ngayon. At lalo lang itong lumala nang napansin niya kanina ang tensyon na namuo sa pagitan nila ni Ning. 


 

Winter doesn’t like keeping secrets from her best friend. They’re each other’s constants. They’re used to telling and updating each other about how things are in their lives. That’s why the past few days were really difficult for Winter since she’s been intentionally avoiding engaging in conversations with Ning. She’s afraid that she’ll slip up if Ning becomes more inquisitive than she already is.


 

And she feels guilty for it. Aside from the fact that she’s been making up excuses after excuses, she feels a lot more terrible since all of these happened on days leading to Ning’s birthday.


 

Dumating na rin ang mga orders nila. Shio para kay Winter at shoyu naman para kay Ning. Napagdesisyunan ni Winter na hindi na ‘to dapat na patagalin pa. 


 

Kung may problema sila ni Ning, kailangan niya nang malaman kung bakit at kung anong dapat na gawin para ito’y ayusin. Huminga siya nang malalim bago subukang kausapin ang kaharap niyang mukhang mas interesado pa sa ramen kaysa sa kanya.


 

Winter clears after having a spoonful of broth. “Musta pala celeb mo kahapon with your family? Di na pala tayo masyadong nakapag-usap kagabi.”


 

Saglit na nagtama ang kanilang mga mata bago siya sagutin ni Ning.


 

“Okay lang naman. Usual lang,” kibit-balikat na sagot ni Ning. “More tanong lang sila about sa café, kung may jowa na ko, kailan ako magpapakasal kung meron, at kung ilang anak ba ang balak ko.”


 

“Edi sumakit na naman ulo mo? Ayaw mong tinatanong ka nila tungkol sa mga bagay na ‘yun, diba?”


 

“Ano pa nga ba.” Ibinaba ni Ning ang chopsticks niya bago seryosong tingnan si Winter. “Tinadtad nga kita ng messages about it tapos ni isang reply wala akong natanggap.”


 

Napansin ni Winter ang biglang paglungkot ng mga mata ni Ning. Wala siyang depensa sa mga sinabi nito, dahil pagkauwi na lang nila kagabi niya nabuksan lahat ng mga pinadala nitong texts sa kanya. Ito kasi ‘yung mga panahon na abala siya sa pag-dedecorate kasama si Rina. 


 

Pati na rin pala sa pagkaklaro ng relationship status niya. 


 

“Depends on who’s asking.” 

 

 

At may kasunod pang, “I’m single, Winter.”


 

May nagbabadya na namang ngiti sa kanyang labi kaya agad siyang umayos ng pagkakaupo para mapigilan ito. Natatakot na rin siya dahil nagiging automatic reaction na ng katawan niya ang mapangiti kapag may mga bagay siyang nakikita na nagpapaalala sa kanya kay Rina.


 

Kailangan niyang mag-isip ng bagay na magpapabalik sa default niyang seryosong mukha.


 

“Alam mo ba noong kinamayan niya ko, grabe lang. May sparks talaga eh.”


 

Easy.


 

“Ah, wala kasi ako sa café that, Ning. May dinaanan lang ako saglit. Sorry talaga. Pwede naman nating pag-usapan na ngayon kung gusto mo. Pero okay lang din naman kung hindi… ikaw bahala. I’m sorry

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
krnmuse
Thank you po sa promotion! Grabe na kayo. ☹️

Comments

You must be logged in to comment
Yashbread
#1
miss u T---T
franzii
#2
Chapter 20: it’s 5am, i’m wide awake, and squealing sa kilig. grabe. kinda hate myself from putting off reading this for so long huhu but definitely worth the wait! everything just feels so real and romantic. the characterization is spot on. the slow burn is slow burning. i love the pace. feel mo talaga yung development ng relationship and feelings nila to one another. from being so shy and unsure, to being confident and secure… grabe ;_; i love this so much. thank you for writing and i hope you still continue this when you can hehe i’m so invested na and reading this on rina’s birthday definitely makes the day more special! happy rina day 💙
hiver_pogi
#3
i miss u, balik ka na 😔
lesyeuxderj #4
Chapter 19: miss na po final answer
dork_seulgi_k
872 streak #5
Chapter 20: 🥺
gok3_d
#6
Chapter 20: tinapos ko talaga basahin kahit ano na yun na nga
Eybrelros #7
Chapter 20: Nakakamiss naman na dto. Mag 1yr na silang ldr haba naman ng trial card kelan ba mag expired yan😔
kwinter
#8
Chapter 3: help im still at the restaurant
arisse_ #9
miss u po
kwinter
#10
hello po