Welcome Home

Basta, Ewan, Kahit Ano: The Podcast
Please Subscribe to read the full chapter

Episode 17

Welcome Home

 

Mapapahaba pa nga ata ang bakasyon ni Winter.


 

Hindi naman na siya nagulat nang marinig ang balita mula kay Seulgi. Isa ito sa madalas na problema ng linya ng trabaho nila. Mas mahirap talagang gumalaw kapag ang mismong nasa kapangyarihan na ang humaharang. 


 

And sometimes, they can only do so much. 


 

Na-move ang next phase ng project nila to early next year. To say that Winter was disappointed upon hearing it is an understatement. She's been looking forward to it for so long and she's been enjoying working with her newfound team so far. 


 

Kaya naman habang hindi pa sila nagsisimula para sa susunod na bahagi ng project, naka-focus muna silang tatlo sa pag-research at pagsulat ng mga articles tungkol sa huli nilang trip. 


 

Dahil nga maluwag na rin naman ang schedule nila, nakapag-paalam na rin sina Ryujin at Yeji para sa kanilang end-of-year trips. Natuwa naman si Winter nang marinig ang mga plano nila (na may halong inggit dahil pupunta raw ng South Korea si Yeji) dahil at least ay makakapag-unwind at recharge sila bago sila sumabak sa trabaho sa susunod na taon (kung may project pa nga ba silang babalikan).


 

Pero bago sila maghiwalay, nag-suggest si Ryujin na magkaroon sila ng internal exchange gift. Okay lang naman kay Winter. Silang tatlo lang naman. Wala ring limit kung anong uri ng regalo at magkano. Basta ang criteria lang sabi ni Ryujin, “bukal sa puso”.


 

Ang ending, nabunot ni Winter si Ryujin, si Ryujin ang nakabunot kay Yeji, at si Yeji naman ang nakabunot kay Winter. 


 

Madali lang naman bigyan ng regalo si Ryujin. Mabilis kasi itong nag-upload ng gusto niya sa kanilang wishlist. Hindi na rin nahirapan si Winter dahil napaka-specific ng gusto ni Ryujin. 


 

WISHLIST - RJ :D

Workout stuff (see link below)

 

Napaka-specific na nagbigay pa nga ito ng link. Ilang pindot lang sa kanyang online shopping app ay nabili na niya agad ang regalong hinihingi ni Ryujin. 


 

Hindi lang inasahan ni Winter na may kasunod pa pala at mukhang tinotoo nga ni Ryujin ang criteria nilang napagkasunduan na walang limit sa uri at halaga ang paghingi ng regalo. 


 

Christmas greeting from BEKA hosts kung si Boss Winter ang nakabunot sakin at kung si Yej naman, sabihan mo na lang si Boss Winter. :D


 

Pero hindi sigurado si Winter kung pasok ba sa “bukal sa puso” kung ibibigay niya rin ito. 

 

 

*****


 

Naalala ni Winter ang laging sinasabi ng mama niya noong bata pa siya: masama raw ang magdamot kapag Pasko. 


 

Kaya ang swerte lang ni Ryujin dahil una sa lahat, Pasko ngayon. Pangalawa, lumaking mabait na bata si Winter. 


 

Nakakuha na siya ng maikling video greet mula kay Gigi kahapon nang mapadaan ito sa café. Balak niya sana na i-film na lang sa isang video sila Rina at Gigi nang magkasama, pero mukhang excited si Gigi sa naging request ni Winter dahil hindi na ito nakapaghintay pa kahapon. 


 

Kaya ngayon, kailangan niyang i-film si Rina nang hiwalay. 


 

Na hindi naman problema dahil nawalan na ng usual na tambay ang Coffee, Tea, or Me. Nag-relocate lang naman si Winter papunta sa kanyang bagong headquarters: BEKA studio. 


 

Halos routinary na ang dating ng mga pagbisita niya rito. Kung dati, hinihintay niya pang mag-aya si Rina, ngayon ay nagkukusa na siyang pumunta kahit wala lang. 


 

Kahit dahil gusto niya lang. 


 

“Win,” tawag ni Rina sa kanya. “In your message pala kanina, you said you need something from me.”


 

Agad naman siyang hinarap ni Winter. “Ah, oo. Okay lang ba?”


 

Oo nga pala, may agenda siya ngayong araw. 


 

“Hindi ko pa nga alam what you're gonna ask eh.”


 

Winter's not sure how Rina would take it but she has to ask anyway. 


 

“Video greet…for Christmas.”


 

“Why?”


 

Bakit hindi naman nakakahiya noong kay Gigi niya ni-request. 


 

“I can greet you in person naman. Do you want me to greet you now?” Nilapit ni Rina ang upuan niya kay Winter bago mapang-asar na ngumiti. 


 

“Merry Christmas, Wi—” 


 

“Hindi kasi para sakin.” 


 

Talagang in person ko balak marinig ang greeting mo, Rina. 


 

“Oh?” saglit na natigilan si Rina. “Who am I greeting then?” 


 

“Si Ryujin.”


 

“What is this, a dare?” 


 

“No, nasa wishlist niya kasi,” nagsimulang magpaliwanag si Winter, “May exchange gift kasi kaming tatlo. Tapos siya 'yung nabunot ko. Nabigay ko naman na 'yung number 1 sa listahan niya. Kaso may number 2 pa eh.”


 

Pinakita ni Winter ang kopya ng wishlist ni Ryujin kay Rina. 


 

“Ang cute niyo,” sabi ni Rina matapos basahin ang pinakita ni Winter. “Sure, it's fine with me. Pero how about Gi pala?” 


 

“Meron na siya kahapon, dumaan kasi siya sa café so sinabi ko na rin sa kanya.”


 

“I see. Sure, I'll take a quick vid na lang.”


 

Kinuha ni Rina ang kanyang cellphone at inihanda ito para sa pagkuha ng video. Mabilis niya ring sinuklay ang kanyang buhok at pinagpagan ang blouse na suot. 


 

“Do I look okay?” Rina asks Winter after quickly fixing herself. Kahit naman maikling video lang ito, gusto niya pa ring magmukhang presentable.  


 

“Nilalamig ka ba?” Winter asks worriedly. Naka-sleeveless blouse kasi si Rina ngayon. 


 

“A bit,” Rina answers honestly. “But I'm good.”


 

“Hinaan ko AC?” 


 

“No na.” Rina smiles at her. “I'm fine, Win.”


 

Winter remembers that she brought her jacket with her today. She leaves Rina's side to get it from her bag. She places it gently on Rina's bare shoulders. 


 

Rina smiles at her. “You didn't have to, Win. But thank you.”


 

Rina adjusts the jacket to her liking. It's the jacket Winter uses whenever she's at work. It even has their team's symbol embroidered on the left chest. 


 

Winter smiles internally because there's no way Ryujin won't recognize whose jacket that is. 


 

Rina starts filming her video greeting. 


 

“Hello, Ryujin. Or should I call you RJ? You said I can call you that, right?” 


 

Winter watches Rina from the side. She seems like a different person when she's filming like this but nevertheless still the same Rina she has grown fond of these days.


 

“First, I would like to thank you for listening to us. I heard you've been listening to our episodes ever since our encounter at Starbucks. So yeah, thank you ulit. Who would have thought that we'd gain another listener just because of that, right?” 


 

“Anyway, I hope you have a great Christmas, RJ. No matter how you choose to spend it. And I'm hoping for a great year ahead of you, too! Oh see, this is a New Year's greeting na rin. What more can you ask for?” 


 

Napangiti naman si Winter sa narinig dahil tama naman si Rina. Binati ka na nga, RJ. Hindi lang pang-Pasko, abot Bagong Taon pa! May gugustuhin ka pa nga bang iba? 


 

“But if you have someone to thank, it should be this person.”


 

Rina motions for Winter to come closer to her. Winter refuses immediately. 


 

Ayaw naman niyang sirain ang moment na 'to para kay RJ. 


 

But Rina is very persistent about it. Rina stands up from her seat to pull Winter beside her. Once they're both seen in the frame, Rina casually puts her arm around Winter's shoulder. 


 

“You have this greeting because of your very thoughtful Boss Winter.”


 

Pagkatapos mag-shoot ni Rina, pinag-usapan na rin nila ang kanilang mga plano ngayong Pasko. Nabanggit kasi ni Rina na overseas trip ulit ang ganap ni Gigi kasama ang pamilya niya for the holidays. Dahil dito, nakwento na rin ni Winter ang plano ni Ning na umuwi rin sa pamilya niya sa bisperas ng Pasko. 


 

“How about you? Are you leaving, too?” tanong ni Rina sa kanya. 


 

“Yup, pinapauwi na ko ni Mama eh. Ngayon na lang din ako makakauwi samin. For sure magtatampo ‘yun kapag hindi ako umuwi,” natatawang sabi ni Winter nang maalala ang pagdadrama ng nanay niya tuwing namimiss siya nito. 


 

“I see.” Tumango lang naman si Rina. “When are you leaving pala? You’ll bring your car with you, diba?”


 

“Sa 24 pa siguro para sakto lang ‘yung dating ko. I’ll drive din kahit medyo mahaba nga lang ‘yung byahe,” paliwanag ni Winter. “Ikaw ba? Sabi ni Gigi last time you’ll stay sa unit mo?”


 

“Yeah.” Rina nodded before continuing, “I usually spend the holidays with Gigi and her family. But this time I chose not to, since they’re having a family trip in Japan.”


 

“Sure kang okay ka lang sa unit mo?”


 

“I will be.” 


 

Sandaling natahimik si Winter para mag-isip. Hindi naman siguro magiging problema kung magkakaroon pa sila ng isang bisita ngayong Pasko. 


 

Okay lang kayang tanungin si Rina? 


 

“Kung gusto mo,” mahinang sabi ni Winter habang nilalaro ang laylayan ng jacket niyang suot ni Rina bago mag-angat ng tingin. “Pwede ka namang sumama sakin?”


 

Bahagya namang nagulat si Rina sa narinig. 


 

“Thank you for the offer, Win. I appreciate it, really.” Rina smiles sincerely. “But I don’t want to intrude. It’s your time with your family. I’ll be fine here. The days will pass by quickly for me.”


 

“Sure ka na ba?”


 

“Win…” malambing na sabi ni Rina.


 

“Ayaw mo ba?” 


 

“Silly, of course it would be nice. I just don’t want to trouble you. Minsan ka na nga lang makauwi eh. I don’t want to take that time away from you.”


 

“You’re not taking that time away if you’re with me. So?”


 

Still unsure, Rina asks again, “Are you sure it’s okay for me to be there?”


 

“Hindi naman kita tatanungin kung hindi pwede.”


 

Kahit hindi niya pa sinasabi sa Mama niya, syempre pwede, Rina. 


 

“Okay.” Rina nods, slowly. 


 

“Final answer na?” 


 

“Does it look like I have a choice?” Pabiro siyang inirapan ni Rina. 


 

“Uy, hindi kita pinipilit ah!” natatawang depensa ni Winter sa sarili. “Tinatanong kaya kita.”


 

“Sure, Winter,” Rina says sarcastically.


 

“So…sasama ka na sakin pauwi?”


 

Binigyan siya ni Rina ng isang mapaglarong ngiti. “I like hearing that. Can you ask me again?”


 

“Sako na kita pauwi?”


 

“Winter!” Natatawa siyang hinampas ni Rina. “I swear to God, why can’t we have a normal conversation!”


 

“Joke lang eh.” Hinila ni Winter ang upuan ni Rina papalapit lalo sa kanya bago niya muling tanungin. “Sama ka na sakin pauwi?”


 

“One more time.”


 

Nilapit ni Winter ang mukha niya kay Rina. “Uwi na tayo.” 


 

Napabalikwas naman sila sa kanilang pwesto nang biglang bumukas ang pinto. Agad ding tinulak ni Rina ang mukha ni Winter palayo. 


 

Medyo masakit. 


 

“.” Agad na sinara ni Gigi ang pinto bago muling magsalita sa labas. “At least learn how to lock the door?!”


 

Nagkatinginan naman sina Winter at Rina bago sabay na natawa sa kanilang sitwasyon ngayon. Matapos ang ilang segundo, muling nagsalita si Gigi sa labas.


 

“Can I go in now?”


 

Winter walks to the door to let Gigi in.


 

“My eyes. Ang ano niyo talagang dalawa. Ewan,” reklamo ni Gigi pagkaupo niya sa kanyang swivel chair. 


 

“Ang OA mo. Winter and I were just talking before you came in.” Inirapan siya ni Rina. “Why are you even here ba?”


 

“Girl?” hindi makapaniwalang tanong ni Gigi. “In case you have forgotten, we have an episode to review today. And I think I should be the one asking you that. Why is Winter here? Again?”


 

“I asked Win to come.”


 

“Win?” Gigi's ears perk up at the sound of the nickname. “Is that your nickname, Winter? Ang cute! It suits you!”


 

“It’s Winter for you.” Rina glares at Gigi.


 

“Are we gatekeeping names now? Napakaarte mo!” Pabiro niyang hinampas si Rina sa tabi niya. 


 

“And if I am?” Rina challenges her. 


 

“Whatever. Winter talks to me about you naman.”


 

Ito namang si Gigi, bakit may laglagan! Secret lang 'yun dapat! 


 

“Is that true?” tanong ni Rina kay Winter. 


 

“M-may tinanong lang ako,” nahihiyang sabi ni Winter dahil biglang nasa hot seat na siya ngayon. 


 

“I have a lot to tell Winter about you pa naman,” mapang-asar na sabi ni Gigi. 


 

Winter takes this as her cue to leave so the two can focus on their work. 


 

Tapos na rin naman siya sa agenda niya rito ngayong araw. 


 

“You can stay,” pagpigil sa kanya ni Rina nang magpaalam siya para umalis. 


 

“See, Winter?” baling ni Gigi kay Winter na akmang aalis na. “I told you she’s clingy. You have to get used to it if you’re planning to make her your jo—”


 

“Ang daldal mo,” Rina interrupts Gigi. “Let’s start working na.”


 

Kahit naman pinayagan ni Rina si Winter na manatili, pakiramdam niya pa rin ay nakaka-istorbo siya sa dalawa kaya nag-volunteer na lang siyang bumili ng merienda nila sa pababa. 


 

Pagka-alis ni Winter, hindi na napigilan ni Gigi ang mang-intriga. “Kayo ah. Ginagawa niyong dating place 'tong studio.” 


 

“What are you even saying…” iritang sabi ni Rina. 


 

“It's true kaya! Eh ano 'yung nadatnan ko?” 


 

“As I've said, we were just talking kanina. And it's not a dating place if we aren't dating naman.” 


 

“Hindi pa ba?” nagkunwari pang nagulat si Gigi sa narinig. “Then what are you two doing?” 


 

“We're…we're enjoying each other's company.”


 

“Unbelievable.”


 

“Look, we haven't really talked about it yet,” Rina starts explaining their situation to Gigi, “When we went out last month, I told her I like spending time with her. Then she said she's happy when she's with me raw. That's it.”


 

“But you always go out together recently though?” 


 

“Yeah. As friends, maybe.”


 

“I can’t believe you two.”


 

“I know.”


 

“But can't you just tell her how you feel? Para matapos na. I'm pretty sure Winter feels the same way naman.”


 

“I want to.” Rina released a deep sigh before looking back at Gigi. “You have no idea how much I want to. But I don't want to scare her away with a conversation she might not be ready for yet.”


 

“Okay, I understand naman. But I hope that you can talk about it soon para pwede ka nang kiligin,” biro sa kanya ni Gigi. 


 

Natawa naman si Rina. “You know, kinikilig ako whenever we're together and even when we're not. Winter can just sit there and do nothing and I'd still look at her like she's the most interesting person in the world.”


 

“You got it bad this time, huh.” Binigyan siya ng isang mapanlokong ngiti ni Gigi. 


 

“I think you're right. Anyway, Winter invited me pala to come with her pauwi sa kanila.”


 

Agad siyang nilingon ni Gigi. “You're spending Christmas there?” 


 

“Yup. Until New Year, maybe. Actually, that’s what we're talking about kanina before you came in.”


 

“Kaya pala mukha kang kinikilig kanina. Napakalandi niyo talaga.”


 

“I don't need to explain myself.”


 

“Sure,” nagkunwari na lang si Gigi na naniniwala siya kahit kilalang-kilala na niya si Rina. “But you do realize that Winter inviting you to her hometown means that you're actually meeting her family, right? Like meeting them?” 


 

Oh. 


 

“I guess not.” Tinawanan lang siya ni Gigi nang makita ang naging reaksyon niya.


 

Tiningnan siya nang masama ni Rina. “Stop scaring me.” 


 

“I'm not!” depensa ni Gigi sa sarili. “I'm just saying. But don't worry, I know Winter won't let anything happen to you naman.” 


 

“I know that for sure. And I trust Winter. But I'm suddenly nervous now because of you.”


 

“Rooting for you, my no-label enjoyer bestie.” Pabiro siyang kinindatan ni Gigi.


 

Sakto namang bumukas ang pinto ng studio room na hudyat ng pagbabalik ni Winter. 


 

“Sorry, natagalan. Nakasalubong ko kasi si Ms. Irene. Kinausap pa ako saglit.”


 

Inilatag ni Winter ang mga pinamili niyang merienda sa harap nina Gigi at Rina. Tahimik lang namang pinagmamasdan ni Gigi ang mga kaibigan niya. 


 

Habang abala sa pag-aasikaso si Winter sa mga kakainin nila, hindi naman maalis ang ngiti sa labi ni Rina. Kitang-kita ang mga panandaliang pagnanakaw ng tingin at mga salitang hindi na kailangan pang sabihin. 


 

Hindi talaga marunong magsinungaling ang mga mata. 


 

Kung hihingan man si Gigi ng bilang ng mga kinikilig ngayon sa loob ng studio room, sigurado siyang hindi lang isa ang isasagot niya. 


 

Baka tatlo pa nga, kasama siya. 


 

*****


 

Sa ika-24 pa dapat ang alis nila Winter pauwi sa probinsya, pero nag-desisyon siyang paagahin ito ng isa pang araw para hindi rin sila mahapit sa pag-byahe sa bisperas ng Pasko. 


 

Nang tanungin niya si Rina tungkol sa pagbabago ng plano nila, pumayag naman ito agad. Wala namang problema dahil naka-vacation mode na rin naman daw ang utak ni Rina. 


 

Parehas lang sila. 


 

Winter's really looking forward to this trip. Maliban sa matagal-tagal na rin mula noong huli siyang nakauwi, nakaka-excite lang din talaga para sa kanya ang ibahagi kay Rina ang parteng ito ng buhay niya. 


 

Paborito niyang holiday ang Pasko. Ayaw niya sa Bagong Taon dahil kasabay nito ang kaarawan niya. Tanda niya noong bata pa siya, nagtatampo siya tuwing mas nauuna pa siyang batiin ng, “Happy New Year!” kaysa ng, “Happy Birthday!” ng mga kakilala niya. Ang nakikita niya lang talagang pinakamalaking advantage nito ay default na may handa na kapag birthday niya. 


 

Sulit na rin, diba? 


 

Kaya naman mas lalong excited si Winter ngayong taon dahil kasama niya sa mga mahahalagang araw na paparating ang paboritong parte ng araw niya, na ngayon ay nagmamadaling naglalakad dala ang mga travel bags papunta sa kanya. 


 

“Hey, Win. Did you wait long?” hingal na tanong ni Rina pagkarating niya sa harap ni Winter, na nakangiting nakasandal sa kanyang sasakyan habang hinihintay ang pagbaba ni Rina. 


 

“Saan punta niyo, Miss?” biro sa kanya ni Winter bago siya tulungan sa pagkarga ng mga dala niyang bags sa trunk. 


 

“Wherever my pretty driver will take me.”


 

Halos automatic na ang reaksyon ng katawan ni Winter kapag nakakarinig ng mga ganitong paandar mula kay Rina—ang agad na pamumula ng kanyang mga pisngi at bahagyang pagsilip ng ngiting napakahirap pigilang kumawala sa kanyang labi. 



 

“Ano ulit 'yun? Di ko narinig eh.” pang-aasar ni Winter bago isara ang trunk ng sasakyan niya nang masiguradong secured na ang mga gamit nila. 


 

“I'm pretty sure you heard it the first time.” Pabiro siyang inirapan ni Rina. 


 

Mahinang tawa lang naman ang naging sagot ni Winter bago tuluyang sumakay sa driver's seat. Medyo mahirap talagang lumaban pabalik kapag napangunahan ka na ng kilig. 


 

Mula Quezon City, halos apat hanggang limang oras ang aabutin ng byahe nila pa-Mariveles, assuming na hindi masyadong mabigat ang magiging lagay ng trapiko ngayon sa daan. 


 

Kahit naman may katagalan na mula noong huling nakauwi si Winter, kabisado pa rin niya ang daan. Pero kahit na kabisado niya pa, ayaw pa rin naman niyang abutin sila ng gabi sa byahe. Delikado pa rin ang daan lalo na't kailangan nilang bagtasin ang kahabaan ng isang zigzag road bago makababa sa mismong bayan nila Winter. 


 

Inaalala lang naman ni Winter na baka ma-bore si Rina sa kanilang byahe pero parang malabo namang mangyari ito. Nakahanda naman na ang kanilang shared playlist ilang araw bago pa man sila umalis, at mukhang busy rin naman si Rina sa kanyang phone ngayon. 


 

Paminsan-minsang napapalingon si Winter tuwing naririnig ang mahinang pagtawa ni Rina sa kanyang tabi. Tuluy-tuloy rin ang pag-ilaw ng kanyang cellphone sa center console dahil sa mga notifications mula sa kanilang group chat. Mukhang ito nga ata ang pinagkaka-abalahan ni Rina. 


 

GC: SPICE GIRLS 🔥 

 

Gigi: just landed in japan!! it’s sooo cold here! musta dyan sa pinas? lol

 

Ning: tingin mo ba maiinggit ako gigi? well may tama ka HAHAHAHA kainis naman sana all na lang

 

Gigi: you’re going home din naman right? let's travel soon! 

 

Ning: yup, pero bukas pa! nanggugulat kasi tong si winter, iniwan na lang ako dito bigla 🥺 may iba na siya

 

Gigi: why? what happened?? where’s winter?? she's supposed to go home tomorrow diba? 

 

Ning: parang si rina ang dapat mong tanungin kung nasaan si winter, gigi 

 

Gigi: @Rina where's winter? 


 

Panakaw na kinuhanan ni Rina ng litrato si Winter habang nagmamaneho ito.


 

“Kita ko ‘yun,” nakangising sabi ni Winter. “Anong gagawin mo dyan?”


 

“I took it because Gigi’s looking for you. I’ll send it in our group chat ha.”


 

“Baka mukha akong ewan dyan, Rina. ‘Yung maayos naman sana.”


 

“You look hot here though.” 


 

Mabilis niyang nilingon si Rina dahil sa narinig. Nang magtama ang mga mata nila, kinindatan siya ni Rina. “I’m sending it na.”


 

Rina: IMG122322-1.jpg

 

Rina: beside me, driving 😉

 

Ning: OKAY? SANA PINA-BILLBOARD MO RINA


 

Narinig ni Winter ang malakas na pagtawa ni Rina. Gusto niya na tuloy itabi ang sasakyan saglit para lang maging updated sa mga pangyayari sa group chat nila. Sinend pa naman ni Rina ang picture niya. 


 

Baka mamaya siya na ang topic nila at wala siya doon para ipagtanggol ang sarili niya! 


 

Rina: i can if i want to, ning. don’t challenge me

 

Gigi: i thought bukas pa alis niyo?

 

Rina: change of plans, but i'm okay with it naman

 

Gigi: take care on your way! and winter looks so serious while driving, baka binwisit mo na naman, kat 😂

 

Rina: excuse me?

 

Ning: daan ka beh


 

“Win,” tawag ni Rina sa katabi. “Look here.”


 

Sakto namang naka-pula ang signal ng traffic light sa intersection ngayon. Nang tuluyang huminto ang kanilang sasakyan, ipinwesto ni Rina ang cellphone niya para kumuha ng selfie.


 

“Para saan?” nagtatakang tanong ni Winter nang magtanggal sandali ng seat belt si Rina. 


 

“I’m sending it again sa GC. Dali na, just one photo,” pangungumbinsi sa kanya ni Rina. 


 

“Come here na,” ulit ni Rina nang hindi pa rin gumagalaw sa pwesto niya si Winter. 


 

Sa huli, nagpaubaya na rin naman si Winter. Parang hindi rin naman hahayaan ni Rina na wala siyang makuhang selfie ngayong naka-anggulo na ang kamay niya sa pagkuha ng litrato.

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
krnmuse
Thank you po sa promotion! Grabe na kayo. ☹️

Comments

You must be logged in to comment
Yashbread
#1
miss u T---T
franzii
#2
Chapter 20: it’s 5am, i’m wide awake, and squealing sa kilig. grabe. kinda hate myself from putting off reading this for so long huhu but definitely worth the wait! everything just feels so real and romantic. the characterization is spot on. the slow burn is slow burning. i love the pace. feel mo talaga yung development ng relationship and feelings nila to one another. from being so shy and unsure, to being confident and secure… grabe ;_; i love this so much. thank you for writing and i hope you still continue this when you can hehe i’m so invested na and reading this on rina’s birthday definitely makes the day more special! happy rina day 💙
hiver_pogi
#3
i miss u, balik ka na 😔
lesyeuxderj #4
Chapter 19: miss na po final answer
dork_seulgi_k
872 streak #5
Chapter 20: 🥺
gok3_d
#6
Chapter 20: tinapos ko talaga basahin kahit ano na yun na nga
Eybrelros #7
Chapter 20: Nakakamiss naman na dto. Mag 1yr na silang ldr haba naman ng trial card kelan ba mag expired yan😔
kwinter
#8
Chapter 3: help im still at the restaurant
arisse_ #9
miss u po
kwinter
#10
hello po