Signals

Basta, Ewan, Kahit Ano: The Podcast
Please Subscribe to read the full chapter

Episode 13

Signals

 

Isang linggo lang nawala si Winter pero hindi niya maikakaila ang pagka-miss niya sa kanyang usual seat sa Coffee, Tea, or Me.


 

Ilang araw pa lang ang nakalipas mula nang nakabalik siya galing sa kanilang trip sa Apo Natural Reef. Ibig sabihin, ilang araw pa lang din ang nakalipas mula nang gabing nagmaneho siya papunta sa opisina ng BEKA para makita si Rina.


 

Si Rina, na walang mintis sa pagpapadala ng mga litrato sa kanya nitong mga nakaraang araw. Mga litratong hindi naman kita ang mukha ni Rina (na hindi rin naman hinihingi ni Winter pero kung ibibigay niya, edi thank you), kundi ng keychain na bigay niya.


 

Mga litratong nagpapakita na dala niya ito kahit saan siya magpunta, dahil malaya itong nakasabit sa bag niya.


 

Walang mintis, maliban ngayon.


 

Hindi naman ito binigyan pa ng ibang kahulugan ni Winter. Baka busy lang. Siya lang din kasi ang naiwan para mag-asikaso ng mga kakailanganin ng BEKA ngayon dahil nakaalis na para sa kanyang family trip si Gigi noong Lunes. Ngayon, sila naman ang may kapal ng mukha na manghingi ng pasalubong galing kay Gigi.


 

Bawi-bawi lang!


 

Sa weekend pa ang uwi ni Gigi kaya naman kay Rina naiwan ang mga responsibilidad na dala ng pagiging bahagi ng BEKA. Dahil dito, ibinilin ni Gigi sa kanila ni Ning na kamustahin si Rina sa mga panahong wala siya.


 

Syempre, oo naman agad ang sagot nila ni Ning. Kahit naman hindi sabihin ni Gigi, gagawin pa rin naman nila ‘yun. Wala na rin namang araw na hindi buhay ang GC nila simula ng maikling weekend getaway nila sa Rizal.


 

Bukod dito, halos araw-araw din naman silang magkausap ni Rina sa text. Kaya sa tingin ni Winter ay wala naman siyang dapat ipag-alala.


 

Walang mintis, maliban ngayon.


 

Abala rin naman kasi si Winter sa pag-aasikaso ng mga deliverables nila para sa project. Naglaan sila nila Yeji at Ryujin ng ilang mga araw para sa pag-process ng mga litrato, pag-edit ng video feature kasama ang mga rangers, at pag-draft ng article na kailangan nilang ma-isumite sa pagtatapos ng linggo.


 

Ilang araw na rin siyang laman ulit ng café ni Ning dahil tingin niya ay mas magiging productive siya sa kanyang mga nakalinyang gawain kapag may dagdag na pressure galing sa mahal na kape. 


 

Bilang project lead, sa kanya nakaatas ang pagsusulat ng article na kailangan nilang i-release soon. 


 

Dahil dito, balik na rin sila ni Ning sa kanilang dating gawi. Sabay sila papuntang opening at sabay din hanggang sa pag-uwi. Sabi nga ni Ning, susulitin niya na ang setup na ito bago pa man umalis ulit si Winter sa mga susunod na linggo.


 

Maayos naman ang lahat. Wala namang bago.


 

Pero isang notification na lumitaw sa kanyang screen ang nagpatigil ng kanyang mundo. 



 

From: Gigi

(6:37 PM) hello winter! are you busy right now?


 

Napatingin siya sa kanyang laptop screen. Wala pa sa isang daang salita ang nadagdag sa sinusulat niya pero ubos na ang kapeng in-order niya. 


 

Ang mahal talaga maging maarte.


 

Pero sige, ayos lang. Baka ito na rin naman ang panahon para sa kanyang ika-limang “break” simula nang mag-umpisa siyang magsulat ngayong araw.


 

From: Winter

(6:39 PM) Hindi naman. Bakit?

 

From: Gigi

(6:41 PM) can i call you?


 

Napataas ang kilay ni Winter sa nabasa. 


 

That’s a first. Bakit naman kaya siya gustong tawagan ni Gigi? Napaisip tuloy siya kung may nagawa ba siya, o may nakalimutang gawin na ibinilin nito sa kanya. 


 

In any case, hindi niya naman malalaman kung hindi niya tatanungin kung bakit. 


 

From: Winter

(6:42 PM) Okay.


 

Gigi calling…


 

“Hi, Winter,” bati ni Gigi sa kabilang linya.


 

“Hello, Gi. Bakit pala napatawag ka?”


 

“Are you sure you’re not busy?” 


 

Ulit, napatingin si Winter sa laptop screen niya at sa cursor na kumikislap katabi ng huling letrang sinulat niya. 


 

Makapaghihintay naman ‘to. 


 

“Hindi.”


 

Narinig niya ang paghinga ni Gigi nang malalim bago muling magsalita. “I’m sorry if this is so sudden…but can I ask for a favor?”


 

“Depende kung kaya ko,” malokong sabi ni Winter. Natigilan naman siya nang hindi sakyan ni Gigi ang biro niya.


 

“Can you please check on Rina?”


 

Oh.


 

“Bakit? Anong nangyari?” Na-guilty tuloy siya sa inakto niya kanina. Seryoso pala si Gigi.


 

“I know Ning must be busy with all the café work and I know you have stuff to do rin but I just took the chance na baka break mo ngayon from writing or something. I’m so sorry talaga, Winter.”


 

“Don’t apologize, Gi. Okay lang. Can I ask anong nangyari?”


 

“I don’t know the whole details yet, she just sent me a message. I know she needs someone to be with her but you know I can’t,” Gigi explained worriedly.


 

What the hell happened?


 

“Okay. Pero Gi…”


 

“Yeah?” 


 

“Are you sure it’s okay for me to be there? I mean, gets naman na she needs someone pero sanay kasi siya na ikaw ‘yun…she might not like it if ako ‘yung makita niya instead of you.”


 

Sandaling natahimik si Gigi sa kabilang linya. Napaisip din siya sa sinabi ni Winter.


 

“I honestly don’t know, Winter. It wouldn’t hurt to try, I guess? I’m just really worried. But it’s totally fine if you say no, I’ll just call her—”


 

“No,” putol ni Winter sa kausap, “I’ll go. Is she at home?”


 

“Based sa last message niya, yes.”


 

“Okay, Gi. I’ll go to her place. I’ll update you agad once I see and talk to her.”


 

Winter heard Gigi exhale in relief. “Thank you so much, Winter. I owe you this.”


 

“Ano ba, okay lang.” Winter tried her best to ease Gigi’s worries away even if she’s worried as hell, too. “Kaibigan niya rin ako. I want to make sure she’s okay.”


 

Nang ibaba ni Gigi ang tawag, mabilis na nagligpit ng mga gamit si Winter. Kailangan niya pa rin palang magpaalam kay Ning na aalis muna siya saglit. Pinuntahan niya ito sa opisina niya sa likod.


 

Kumatok muna si Winter bago tuluyang buksan ang pinto. “Ning.”


 

Naabutan niya naman itong abala sa pag-checheck ng inventory list for the week. “Oh?”


 

“Alis muna ko.” Tsaka lang umangat ang tingin ni Ning mula sa mga papel na hawak niya.


 

“Saan naman punta mo?” Nakataas ang kilay nito sa kanya.


 

“Kay Rina.” 


 

Kung nakataas na ang kilay nito kanina, hindi naman inaasahan ni Winter na mas may itataas pa pala.


 

“I’ll explain later pagbalik ko. Pero kailangan ko na munang umalis.”


 

Matalim ang pinakawalang tingin ni Ning bago muling magsalita, “Sige. Ingat ka sa daan. Text ka kapag nakarating ka na.”


 

“I will. Una na ko,” paalam ni Winter kay Ning bago pa man mas dumami ang mga tanong na maaari nitong ibato sa kanya.


 

Makapaghihintay naman ang mga tanong ni Ning. Marami siyang oras para sagutin sila mamaya.


 

Inihanda niya ang kanyang susi at patakbong pumunta sa kanyang sasakyan.


 

Sa ngayon, si Rina muna. 


 

*****


 

Mabuti na lang ay hindi mabigat ang lagay ng trapiko ngayong gabi kaya’t mabilis siyang nakarating sa ibinigay ni Gigi na address ni Rina sa kanya. Pagkarating niya sa parking lot, agad niyang kinuha ang cellphone mula sa center console para magpadala ng mensahe kay Rina.


 

From: Winter

(8:21 PM) Rina, are you in your unit?


 

Sana lang ay makita agad ni Rina ang message niya. Ilang minuto rin siyang hindi mapakali sa kakahintay sa reply nito.


 

From: Rina

(8:29 PM) hey, winter. i am, why?


 

Nakahinga nang maluwag si Winter. Mas mahihirapan kasi siya kung sakaling wala si Rina sa condo niya. Hindi naman siya pamilyar sa mga lugar na maaari pang puntahan ni Rina maliban sa unit niya at sa opisina ng BEKA.


 

From: Winter

(8:30 PM) I’m here.

 

From: Rina

(8:31 PM) what do you mean? why?

 

From: Winter

(8:32 PM) Dito ako sa parking ng condo mo, I mean. 

 

From: Rina

(8:33 PM) what?? why?? 

 

From: Winter

(8:34 PM) Can I see you? 


 

Rina calling…


 

Hala.


 

Ikinalma muna ni Winter ang sarili bago sagutin ang pangalawang tawag na natanggap niya ngayong araw. Hindi niya rin naman alam kung ano ang dapat sabihin kay Rina. 


 

Ewan, bahala na.


 

Si Rina naman ang unang nagsalita.


 

“You said you wanted to see me?”


 

Napansin ni Winter na wala ang nakasanayan niyang sigla sa boses ni Rina.


 

“Can I?”


 

“Winter.” Rina lets out a deep sigh. “I—I hope you don’t misunderstand but this isn’t really the best time…had it been any other day I would have said yes, but today’s just…I’m really sorry.”


 

Winter understands where Rina's coming from. She came here unannounced, and she’s probably not exactly who Rina wants and needs to see right now. 


 

Bakit ba natapat ‘to kung kailan wala si Gigi? 


 

“Okay.” Winter decided not to push it anymore. “But please tell me if you need anything.”


 

“Thank you, Winter. I appreciate it. Really.”


 

“Seryoso ‘yun.”


 

“I know.” Rina chuckled softly. “Did you bring your car with you ba?”


 

“Yup.” Pabirong pinindot ni Winter saglit ang busina para patunayang nagmaneho nga siya papunta sa unit ni Rina.


 

“You're crazy.” Natawa naman si Rina nang marinig ang busina. “Kapag nahuli ka ng guard diyan sa baba, I won’t help you.”


 

“I can manage. Magpapa-cute lang ako,” mayabang na sabi ni Winter.


 

“I like how confident you are that your little stint will work.” Lumuwag naman ang paghinga ni Winter nang marinig ulit ang mahinang tawa ni Rina. “Please take care on your way home.”


 

“I will.” Tumango si Winter na para bang nakikita siya ni Rina ngayon. “Alagaan mo rin ang sarili mo, Rina.”


 

Hindi sigurado si Winter kung may karapatan na ba siyang hingin ‘yun mula kay Rina. Pero kahit na. 


 

Ngayong gabi, tataya siya.


 

Rina ended the call eventually, and left Winter with her phone in hand, wondering if she ever made the right decision to let Rina go just like that.


 

Napatingin siya sa oras na naka-display sa dashboard niya.


 

Makapaghihintay pa siya. 


 

Oo nga pala, kailangan niyang i-update si Gigi sa nangyari. Abala na siya sa pag-compose ng message nang may tawag na naman siyang natanggap sa ikatlong pagkakataon ngayong gabi. 


 

Rina calling…


 

Agad niya naman itong sinagot. Hindi tulad kanina, wala na siyang alinlangang naramdaman. 


 

“Winter,” malambing na bati ni Rina sa kanya.


 

“Rina.” 


 

“Uhm…I know it’s weird to ask kasi I just said na umuwi ka na kanina, but nakaalis ka na ba?”


 

Napatingin ulit si Winter sa oras na naka-display sa dashboard niya. Ilang minuto pa lang ang nakalipas mula nang mag-desisyon siyang maghintay muna.


 

It was the right decision to stay.


 

“Hindi pa.”


 

Narinig niya ang buntong-hininga ni Rina sa kabilang linya. “Can I ask why?”


 

“Just in case you change your mind.” Dahan-dahan namang napangiti si Winter kahit hindi naman siya nakikita ni Rina.


 

Rina invited her to come over to her unit. 


 

Tahimik lang namang nakinig si Winter sa mga instructions na ibinigay nito sa kanya. Kailangan niya lang namang pumunta sa reception area para makapag-log ng pangalan at makapag-iwan ng ID para makapasok sa unit ni Rina. Tatawagan na rin naman daw ni Rina ‘yung reception personnel para mabigyan ng abiso na may bisita siyang darating.


 

Parang dumaan lang lahat ng nangyari para kay Winter. Simula pagbaba niya ng sasakyan, hanggang sa pakikipag-usap sa reception area, at ngayon na nasa elevator na siya.


 

Pinindot niya ang numerong maghahatid sa kanya sa palapag ng unit ni Rina.


 

And then that’s when it finally hit her. She’s about to enter Rina’s place. For the first time.


 

Alone.


 

And then she remembers the reason why she’s here in the first place. The possibility of being in another awkward situation with Rina should be the least of her concern.


 

Rina’s welfare comes first.


 

Pagkarating niya sa harap ng unit ni Rina, bigla siyang nakaramdam ng hiya. Hindi niya alam kung saan nanggaling ang kumpiyansa niya sarili kanina at nagawa nitong papuntahin ang kanyang mga paa kung nasaan siya ngayon. Ilang pep talk din sa sarili ang ginawa niya bago siya tuluyang nagkaroon ng lakas ng loob para kumatok. Naghintay siya saglit bago bumukas ang pinto.


 

“Hi.” 


 

Ngiti ni Rina ang unang sumalubong kay Winter. Nakasuot ito ng isang maluwag na hoodie, magulo ang buhok, at mapula ang mga tenga at ilong.


 

Sinong nagpaiyak dito? Susugurin ko!


 

Iwinaksi muna ni Winter ang mga tanong na agad na pumasok sa kanyang isip. Ibinalik niya ang ngiti na binigay sa kanya ni Rina bilang pagbati.


 

“Hello.” 


 

Tulad ng nakasanayan, nahihiya rin siyang kumaway kay Rina. Lalo lang namang lumawak ang ngiting nasa labi nito.


 

Nang sa wakas ay magtama ang kanilang mga mata, hindi agad sila nakawala pa sa titig ng isa’t-isa.


 

Maraming bagay ang agad na tumakbo sa isip ni Winter. Una, ‘yung mga mata ni Rina. Sa maraming pagkakataong nakasama niya si Rina, ito ang unang beses na hindi siya binati ng pamilyar na ningning ng mga ito.


 

Pangalawa, kung ano ang naging rason para umabot sa ganito. Dahil kahit ano pa man ang maging sagot ng kanyang kaharap sa tanong na ito, alam niya sa sarili niyang handa niyang gawin ang lahat para maibalik ang buhay sa mga mata ni Rina.


 

At pangatlo, bakit naman ganun? Bakit ang ganda pa rin ni Rina? Napakadaya talaga!


 

“Oops, sorry. I stared too long, didn't I?” Naiiling namang iniwas ni Rina ang tingin sa kanya nang mapansing napatagal ang kanilang titigan. “Come in na.” 


 

Rina opens her door wider, inviting Winter in.


 

Pumasok si Winter sa loob ng unit ni Rina at agad na pinagmasdan ang paligid nito. Mas maliit nang bahagya ang

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
krnmuse
Thank you po sa promotion! Grabe na kayo. ☹️

Comments

You must be logged in to comment
Yashbread
#1
miss u T---T
franzii
#2
Chapter 20: it’s 5am, i’m wide awake, and squealing sa kilig. grabe. kinda hate myself from putting off reading this for so long huhu but definitely worth the wait! everything just feels so real and romantic. the characterization is spot on. the slow burn is slow burning. i love the pace. feel mo talaga yung development ng relationship and feelings nila to one another. from being so shy and unsure, to being confident and secure… grabe ;_; i love this so much. thank you for writing and i hope you still continue this when you can hehe i’m so invested na and reading this on rina’s birthday definitely makes the day more special! happy rina day 💙
hiver_pogi
#3
i miss u, balik ka na 😔
lesyeuxderj #4
Chapter 19: miss na po final answer
dork_seulgi_k
873 streak #5
Chapter 20: 🥺
gok3_d
#6
Chapter 20: tinapos ko talaga basahin kahit ano na yun na nga
Eybrelros #7
Chapter 20: Nakakamiss naman na dto. Mag 1yr na silang ldr haba naman ng trial card kelan ba mag expired yan😔
kwinter
#8
Chapter 3: help im still at the restaurant
arisse_ #9
miss u po
kwinter
#10
hello po