Night Drives and Rainy Days

Basta, Ewan, Kahit Ano: The Podcast
Please Subscribe to read the full chapter

Episode 7

Night Drives and Rainy Days


 

Another day means another chance for Winter to spend a day in the café. 


 

Pero sa tingin niya naman ay malapit nang matapos ang phase ng buhay niya na 'to. Nakatanggap kasi siya ng email kaninang umaga about sa initial pitch ng magiging next project (or more likely an adventure) niya sa buhay.


 

Mula noong mapag-usapan nila ni Rina ang tungkol sa trabaho niya, napaisip na rin si Winter. Baka nga sapat na ang naging pahinga niya nitong mga nakaraang buwan. 


 

Sharing stories about what she does with other people made her miss being actually in the field. All of the excitement, the experience, and even the uncertainty of it. 


 

Isa pa, nagrereklamo na rin si Ning sa kanya na nagsasawa na 'to sa pagmumukha niya. Mula sa condo hanggang café raw kasi parang may multong laging nakasunod sa kanya. 


 

Kunwari pa si Ning. Alam naman ni Winter na gandang-ganda ito sa sarili dahil hatid-sundo niya naman siya. 


 

Plus may additional customer kaya siya! Ayaw niya bang may dagdag pa sa kita niya? 


 

Ilang linggo na rin ang nakalipas mula noong naging night out nilang apat. Nagsabi naman sina Gigi at Rina na they still want to be in touch with them kahit na technically, tapos na 'yung agreement nila ni Ning.


 

Sabi nga ni Gigi, “We wouldn't want to miss spending more time with such a great company.” 


 

And Gigi did not fail to keep her word. 


 

Kakabisita niya lang din sa café noong isang araw. Tapos last weekend naman, magkasama sila ni Ning na nag-shopping sa BGC. May new collection daw silang kailangan tingnan at hindi pwedeng palampasin. 


 

Napasama na rin sa kanila si Winter dahil sakto lang na along the way ito sa agenda niya na daanan ang mga lens na pinalinis niya para sa kanyang pagbabalik-trabaho.


 

Kung bakit wala si Rina tuwing may Gigi, hindi naman na niya tinanong. Hindi niya na rin naman kailangang malaman. 


 

At parang narinig nga siya ng bida sa pagmumunimuni niya dahil nakatanggap siya ng text mula rito. 


 

From: Rina

(3:45 PM) hi, winter. are you still in the café? 


 

Sino naman kaya ang chumismis na nasa café siya ngayon? Hinanap ng mga mata niya si Ning kung siya ba ang may pakana pero busy naman itong mag-asikaso sa may counter. 


 

From: Winter

(3:50 PM) Hello. Paano mo nalaman kung nasaan ako? 


 

From: Rina

(3:52 PM) okay, just stay there ha! 


 

From: Winter

(3:54 PM) Bakit? Anong meron? 

 

(3:55 PM) Rina? 


 

From: Rina

(4:03 PM) sorry, driving lang. see you in a bit! :) 


 

Bakit naman siya pupunta rito? Ang weird naman. 


 

Hindi naman sa ayaw niya pero baka nasanay na lang din si Winter na si Gigi lang ang nakikita niyang bumibisita sa café. 


 

Halos bente minuto rin ang inabot bago makarating si Rina sa café. Alam naman siguro ng lahat ng nakakita at makakakita kay Rina na maganda talaga siya kaya hindi na nagtaka si Winter kung bakit may mangilan-ngilan ding natigilan at napatingin sa pagpasok ng kanilang bisita.


 

Dumiretso ito sa counter para batiin si Ning. Kitang-kita naman niya 'yung dalawa mula sa pwesto niya kahit na kalahati ng mukha niya ang natatakpan ng laptop niya. Nang mapansin niyang papunta si Rina sa table niya, nagkunwari siyang busy at hindi siya nakita. 


 

“Hi,” maaliwalas na bati ni Rina pagkalapit nito sa kanya. 


 

“Bakit ka nandito?” tanong ni Winter. 


 

“At least greet me first naman.” Pabirong umirap si Rina sa kanya na dahilan naman ng mahinang pagtawa ni Winter. “I came here to claim my libre. Kinukulit ako ni Ning!” 


 

Tumango lang naman si Winter. Hindi pa rin pala tapos ang libre agenda ni Rina. “I see. Hello pala.” 


 

“Better,” nakangiting sabi ni Rina sa kanya. “And also, I came here because of this.”


 

Inabot ni Rina ang isang paper bag sa kanya. Nagtataka naman siyang tiningnan ni Winter. 


 

Bakit may gift-giving? Malayo pa ang Pasko! 


 

“Your clothes from last time,” nagsimulang magpaliwanag si Rina. “Sorry if it took some time to give it back to you. I was really busy these past few weeks. But I washed them naman!”


 

Ah. 'Yung damit niya lang pala. Akala niya kung ano na.


 

“Okay lang, Rina. Thank you.” Itinabi muna ni Winter ang paper bag sa may paanan niya bago harapin ulit si Rina. “Naka-order ka na?” 


 

“Ning said siya na raw bahala and she'll just bring the food to me. So, yup.”


 

Tumango lang naman si Winter at bumalik na sa ginagawa niya. May ginagawa nga ba siya kanina? Nakalimutan na niya. 


 

“What are you doing?” 


 

Napaangat ng tingin si Winter sa kasama niya. Nakatayo pa rin pala ito sa harap niya. 


 

“Hindi ka ba uupo?” 


 

“I don't want to force myself naman...but if you're okay with sharing the table with me, then I'll sit na.” 


 

Napatingin si Winter sa paligid. Marami-rami ring tao sa café ngayon. Mas okay siguro kung maghati na lang sila sa table. Hindi naman siya pinalaking suplada. 


 

Winter gestured for Rina to take the seat in front of her. 


 

“Thank you,” Rina said as she rested her face in her palm. “So, what are you doing nga?”


 

“Work.”


 

Okay, hindi 'yun ang totoo pero hindi rin naman 'yun kasinungalingan. She's browsing through her personal drive. So yes, pwedeng work. Pwede ring hindi. 


 

“I see. You're returning na?” 


 

“Soon.” 


 

Ning came to serve Rina's food. Tuwang-tuwa naman si Rina habang isa-isang nilalapag ni Ning ang mga pagkain sa harap niya. 


 

Winter let Rina enjoy her food in peace. Rina tried offering her food but Winter declined politely. She just had a frappe before Rina arrived in the café. 


 

“Winter,” tawag sa kanya ni Ning mula sa counter. Agad namang tumayo si Winter para lapitan ito. 


 

“Pwede favor?” 


 

Ayan na naman 'yung pagpapa-cute ni Ning tuwing may kailangan siya. Hindi naman bagay! 


 

“Ano 'yun? Tigilan mo nga 'yan,” naaasiwang sabi ni Winter sa kanya. Parang lalo lang siyang na-didiscourage na gawin kung anuman 'yung hihilingin ni Ning. 


 

“May document kasing need si Ms. Joy today. Kilala mo naman 'yun, diba? Na-meet na natin siya sa Katip dati.” 


 

Tumango lang naman si Winter. Kilala niya naman 'yun. Siya 'yung may-ari ng pastry shop na supplier din nila Ning. 


 

“Hindi ko maiwan 'yung café, ang daming customers. So, baka pwedeng ano…” Ning trailed off, hand motioning to Winter as if telling her that she already knows what she's trying to say. 


 

Ilang taon na rin namang kilala ni Winter si Ning kaya kabisado niya na ang mga galawan nito, textbook-based even. 


 

“Akin na.” Winter laid out her hand.  Ning immediately engulfed her in a hug. 


 

“Thank you! Thank you! You're the best pero ngayong araw lang,” sabi ni Ning habang nakabaon pa rin ang mukha sa balikat ni Winter. “Libre frappe mo next time.”


 

Bumalik si Winter sa table niya at nagsimulang magligpit ng gamit. Nawala sa isip niyang may kahati nga pala siya rito. 


 

“Where are you going?” tanong ni Rina habang sinisilid ni Winter 'yung laptop niya sa bag nito. 


 

“Ah, may pinapameet sakin si Ning na supplier niya. Hindi niya kasi maiwan 'yung café kaya ako na lang. I need to go na,” apologetic naman ang naging ngiti ni Winter dito. Kahit naman hindi sila ganun ka-close ni Rina, hindi pa rin okay sa pakiramdam na iiwan niya itong mag-isa. 


 

“I'll go with you.” 


 

Natigilan si Winter sa pagliligpit. Ano raw? 


 

“Hindi naman kita sinasama?”


 

“I'm inviting myself.” Tumayo na rin si Rina at agad na nag-ayos ng gamit niya. 


 

Winter sighed in defeat. Ano na naman bang trip nito. 


 

Hanggang sa parking lot, nakasunod lang si Rina kay Winter. Hindi niya ito nililingon dahil hindi pa rin naman siya pumapayag na sumama ito sa kanya.


 

“Stop following me,” Winter said as soon as she reached her car. 


 

“Aren't we taking your car?” nagtatakang tanong ni Rina sa kanya. 


 

Medyo nag-loading pa si Winter sa sinabi ni Rina. Ang intindi niya kasi ay sasama 'to sa kanya (na hinayaan niya na nga kahit hindi naman siya pumayag in the first place), pero hindi na mag-iisang sasakyan lang sila. 


 

Bakit hindi niya gamitin 'yung kanya? 


 

Bago pa man makasagot si Winter, nakapasok na si Rina sa sasakyan niya. Kahit nakasara na ang pinto, rinig niya pa rin ang halakhak nito mula sa passenger seat. 


 

Wala pa silang isang oras na magkasama pero nakaka-stress na! 


 

*****


 

It was supposed to be a quick drive from Ning's café to the pastry shop in Katipunan where they were asked to meet with the supplier, but because of the rain, there was a traffic buildup along the way. 


 

They arrived at the shop fifteen minutes past their agreed meeting time. Winter did not waste time to extend her apologies to Ning's supplier. 


 

Pangatlong beses na nilang pagkikita ito kaya hindi na rin naman nagulat si Ms. Joy nang makita si Winter. 


 

“Wala po si Ms. Ning?” tanong ni Ms. Joy kay Winter nang makaupo na sila. Winter pulled the seat beside her for Rina to sit on.


 

“Ah, opo, Ms. Joy, marami kasing customers ngayon. Hindi maiwan 'yung café. ” Winter chuckled shyly. She placed the sealed envelope Ning asked her to bring on the table. 


 

“I see, akala ko may bago ng owner eh,” natatawang sabi ni Ms. Joy the pastry shop owner bago pasimpleng sulyapan ang katabi ni Winter.


 

“Oh,I'm not the owner po,” singit ni Rina bago pa man siya mapakilala ni Winter. “I'm Rina. And I'm just with Winter.”


 

Napatagal ata 'yung titig ni Ms. Joy sa kanya.


 

“I thought I've seen you somewhere,” Ms. Joy said, her eyes narrowing. “Pero baka kamukha lang. Anyway, you look really pretty. Artistahin ka. Or wait—artista ka ba?” 


 

Nahihiyang ngiti naman ang ibinigay ni Rina rito. Napataas ang kilay ni Winter sa nakita. 


 

Marunong palang mahiya 'to. 


 

“Oh no, I'm not po!” mariing pagtanggi ni Rina. “I'm just Rina.”


 

Winter cleared to interrupt their conversation. Baka sa fanmeet pa mauwi ang meeting na 'to. Yari siya kay Ning mamaya. 


 

“Uhm, need daw po ng signature niyo, Ms. Joy.” Tinuro ni Winter ang ibabang parte ng dokumento. 


 

“Oo nga pala. May agenda pala tayo.” Natatawang tumayo si Ms. Joy para kumuha ng ballpen sa counter. Napirmahan niya na rin ang mga dokumentong kailangan at isinilid ito pabalik sa envelope kanina. 


 

“There. I'll also message Ms. Ning na okay na.”


 

Winter muttered her thanks and apologized again for arriving minutes past their agreed meeting time. 


 

Nagpaalam na rin sila para umalis dahil mukhang isang ganap na busy working girl si Ms. Joy at baka nakakaabala pa sila sa kanya.


 

They left her shop with cupcakes on hand. Hindi pumayag si Ms. Joy na wala silang dala kahit ilang beses naman nilang sinabi na hindi naman kailangan. 


 

Napansin din kasi ni Win

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
krnmuse
Thank you po sa promotion! Grabe na kayo. ☹️

Comments

You must be logged in to comment
Yashbread
#1
miss u T---T
franzii
#2
Chapter 20: it’s 5am, i’m wide awake, and squealing sa kilig. grabe. kinda hate myself from putting off reading this for so long huhu but definitely worth the wait! everything just feels so real and romantic. the characterization is spot on. the slow burn is slow burning. i love the pace. feel mo talaga yung development ng relationship and feelings nila to one another. from being so shy and unsure, to being confident and secure… grabe ;_; i love this so much. thank you for writing and i hope you still continue this when you can hehe i’m so invested na and reading this on rina’s birthday definitely makes the day more special! happy rina day 💙
hiver_pogi
#3
i miss u, balik ka na 😔
lesyeuxderj #4
Chapter 19: miss na po final answer
dork_seulgi_k
872 streak #5
Chapter 20: 🥺
gok3_d
#6
Chapter 20: tinapos ko talaga basahin kahit ano na yun na nga
Eybrelros #7
Chapter 20: Nakakamiss naman na dto. Mag 1yr na silang ldr haba naman ng trial card kelan ba mag expired yan😔
kwinter
#8
Chapter 3: help im still at the restaurant
arisse_ #9
miss u po
kwinter
#10
hello po