I Have A Dream

Basta, Ewan, Kahit Ano: The Podcast
Please Subscribe to read the full chapter

Episode 4

I Have a Dream


 

Nakakatakot 'yung naging panaginip ni Winter. 


 

Napanaginipan niyang nagmamaneho siya ng gabi. Hindi pamilyar sa kanya ang kalsadang binabagtas niya. Kahit na may mga poste naman ng ilaw na nagbibigay liwanag sa daan, iilan lang naman sa mga ito ang gumagana. 


 

Hindi naman siya natatakot dahil sa dilim. Hindi rin siya natatakot dahil hindi niya kabisado ang kalsada. Sanay naman siyang mag-late night drive nang walang kasama. 


 

Pero sa pagkakataong ito, hindi siya mag-isa. 


 

Sumulyap siya sa kanyang rearview mirror at nahagip ng kanyang tingin ang magkatabing sina Gigi at Ning. Hindi niya masyadong marinig ang pinag-uusapan nila dahil sa kantang bumabalot sa sasakyan niya, na agad naman niyang nakilala bilang song #3 sa kanyang late-night-chill-drive playlist. 


 

Linger by The Cranberries. 


 

Una sa lahat, bakit naman may bagong character sa panaginip niya? 


 

Bago pa man siya makapag-isip ng iba, isang mahinhin na tawa ang narinig niya sa kanyang tabi.


 

Agad siyang napalingon sa pinanggalingan nito. Laking gulat niya nang makitang napalitan na ang dating laman ng passenger seat niya. 


 

Si Rina. 


 

Na may mapang-asar na ngiti sa kanyang labi.


 

'Yung ngiting kamukhang-kamukha ng ngiting naka-ukit sa labi nito noong sinusubukan niya itong kuhanan ng candid shots noong shoot. 


 

Pero sa pagkakataong ito, may malaking pagkakaiba. 


 

Dahil kahapon, sa lente ng camera niya ito nakatingin. 


 

Pero sa panaginip niya, sa kanya na. 


 

Napabalikwas siya sa kama nang saktong magtama ang mga mata nila. 


 

Lumabas siya ng kwarto para uminom ng tubig. Kailangan niyang mahimasmasan sa nakita. Nakakatakot talaga. Dumiretso siya sa ref nila para kumuha ng pitsel ng tubig.


 

Tapos napatigil siya. Biglang tumugtog sa utak niya 'yung kantang narinig niya sa panaginip niya kanina. 


 

Ang galing naman ng The Cranberries. 


 

Kasi hindi pa rin mabura sa isip niya ‘yung ngiti ni Rina sa panaginip niya. 


 

It lingers.


 

*****


 

Naabutan niyang busy si Ning sa pagtitingin ng mga litratong kuha niya mula sa shoot sa laptop niya. Buti na lang ay nalipat niya na ang mga ito sa kanyang external drive bago siya tuluyang nakatulog kagabi. Alam naman niyang hindi siya titigilan ni Ning hangga't hindi niya 'yun nagagawa kaya inunahan na niya bago pa man dumating ang sakuna. 


 

“Alam mo, in fairness din talaga sa'yo ha. Ang lakas lang maka-artista ng mga candid shots ko,” proud na sabi ni Ning habang pinagmamasdan ang mga kuha ni Winter sa kanya.


 

“Dahil lang sa lighting 'yan,” pabirong kontra sa kanya ni Winter. 


 

“Epal ka.” 


 

Natawa lang naman si Winter. Hindi naman na bago para sa kanya ang gawing almusal ang overflowing confidence ni Ning. Sa loob ng halos tatlong taong magkasama sila sa iisang bubong, nasanay na rin siya. 


 

Kahit wala namang official ranking, itinalaga na ni Winter ang sarili niya bilang number one supporter ni Ning (pero hindi niya sinasabi, mahirap na).


 

“Grabe naman ‘tong mga shots mo kay Rina. Wala ba ‘tong pangit na angle? Bakit kahit nasaktuhan mong nakanganga maganda pa rin? Napakadaya!” reklamo ni Ning. 


 

“Oh tignan mo, isa pa ‘tong si Gigi, ang ganda rin.” Tuloy pa rin ang sunud-sunod na pag-browse ni Ning ng mga litrato. “Winter ha, sinasabi ko sa'yo halatang-halata na biased ka. Bakit 'yung akin may kuhang nakatirik ‘yung mata?!”


 

“Kasalanan ko bang ganun ka tumawa?” masungit na sagot ni Winter.


 

“Kahit na. Dapat ikaw 'yung nag-adjust. Ikaw kaya ‘yung pumipindot dyan.” 


 

“Delete na lang natin kung ayaw mo,” suggestion ni Winter sa kanya. 


 

Siyempre hindi niya ipapaalam kay Ning na naka-back up na sa personal drive niya ‘yung mga kuha nila kahapon. Kaya kahit pa i-delete nila 'to ngayon, may pang-blackmail pa rin siya kay Ning in the future. 


 

Lamang ang may foresight. 


 

“Talagang i-dedelete ko kahit hindi mo sabihin!” 


 

Nagpigil na lang ng tawa si Winter. Hay, Ning. Kung alam mo lang. 


 

“Uy pero alam mo, worried ako.”


 

Napatigil si Winter sa paghahalo ng kanyang paboritong timpla ng kape.


 

“Bakit?”


 

“Alam mo na, kapag na-release na 'yung video namin…”


 

Nagtataka lang siyang tinignan ni Winter. Hindi siya makasunod sa gustong iparating ng kaharap niya. May hidden agenda ba sa agreement nila na hindi sinabi ni Ms. Irene noong meeting o hindi nabanggit sa kanya ni Ning?


 

“What if mas sumikat ako kaysa sa kanila?” dramatic na pagkakasabi ni Ning, looking very much concerned na baka matabunan niya ang rise to fame nila Gigi at Rina.


 

Akala naman ni Winter kung ano na. 


 

Napailing na lang siya at bumalik sa paghahalo ng kape. “Alam mo, worried na rin ako sa'yo.”


 

“Ha?” 


 

“Hindi na ata nakakatulong na coffee shop owner ka.” 


 

“Ano namang kinalaman ng Coffee, Tea, or Me ko rito?”


 

“Baka sobra ka na sa kape,” natatawang baling ni Winter sa kausap. “Tulog ka rin minsan, Ning. Mahimasmasan ka naman sa sinasabi mo.”


 

Nakatanggap naman ng hampas sa braso si Winter. “Nakakairita ka!”


 

“Nagsasabi lang ng totoo.” Mabilis namang naka-ilag si Winter sa dapat na pangalawang hampas ni Ning.


 

“Wait nga, seryoso muna kasi. What if lang naman eh. Tingin mo? May chance kaya?” 


 

“That won't happen.” 


 

“At bakit naman?” mapanghamong tanong ni Ning kay Winter. 


 

“Una sa lahat, maganda sila,” kibit-balikat na sagot ni Winter sa kanya. 


 

“So sinasabi mong hindi ako maganda?” 


 

“I didn’t say that. Sa’yo na galing ‘yan.” 


 

“Whatever,” irap sa kanya ni Ning bago biglang mapatigil nang tuluyang ma-process ang sinabi ni Winter. “Teka nga.”


 

“Ano?”


 

“Ikaw ha.” Mapang-asar siyang tinignan ni Ning habang may malokong ngiting naglalaro sa kanyang labi. 


 

“Bakit?” nagtatakang tanong ni Winter. “You're scaring me.”


 

“Wala lang. First time mo lang in-acknowledge na maganda sila.” 


 

“Malamang, Ning. Pareho naman natin silang nakita. Kahit sino naman sasabihin 'yun kapag nakita sila.” 


 

“Hmm.” 


 

“I'm just describing what I saw. Professionally,” mariing giit ni Winter. 


 

“Wala naman akong ibang sinabi.”


 

“Kung saan ka masaya.” Parang wala na rin namang sense na makipagtalo pa kay Ning tungkol dito. 


 

Sinabi lang naman niya 'yung naging observation niya doon sa dalawa. Wala namang mali, diba?


 

“Sasama ka ba pala mamaya sa café?” pag-iiba ni Ning ng topic ng usapan nila. Busy na siya ngayong mag-type sa phone niya. 


 

“Probably. Wala naman akong ibang gagawin dito.” Winter gestured her hand around the sala. She likes the peace and quiet most of the time and she can get that in their unit for free.


 

But sometimes, a little change of scenery won't hurt. 


 

Kahit na madalas na rin naman siya sa café ni Ning. At least doon, nakakalibre siya ng food kapag good mood si Ning. 


 

“Mag-oopen ka today?” dagdag na tanong ni Winter sa kanya. 


 

“Malamang. Closed na kaya ako kahapon dahil sa ganap natin. Kailangang kumayod! Kailangang bumawi!” 


 

Winter smiled instantly. She really admires how passionate Ning is when it comes to her business.


 

She sincerely hopes that Ning never loses the spark whenever she talks about the café not just with her, but also with other people she knows and will meet in the future. 


 

“Okay. Alis tayo after lunch,” paalala ni Winter bago siya bumalik sa kwarto niya.


 

*****


 

Winter’s back at her usual seat in the café.


 

Ilang oras na rin ang nakalipas mula noong makarating sila sa café. Hindi naman ganun karami ang customers nila ngayon kaya maliban sa usual na conversational buzz at tunog ng mga coffee machines, kalmado at payapa pa naman ang lugar. Mukhang nasa loob na rin ng kanyang opisina si Ning sa likod, malamang ay abala na sa pag-check ng inventory ng mga ingredients at iba pang mga supplies. 


 

Another item added to the list of things Winter admires about Ning: She's very hands-on when it comes to managing her business. Winter finds that very much understandable because the café is a thriving reminder of her hard work and passion combined into one. 


 

Who wouldn't want the best for that, right? 


 

Winter bears witness to all the time, effort, and tough decisions Ning had to do just to get to where she is right now. And she's more than proud of her for that.


 

Ang dami talaga niyang naiisip kapag nakaupo siya rito. Ito na siguro ang sariling version niya ng thinking chair. 


 

Maliban sa pagiging thought-provoking ng upuan na ito para sa kanya, gusto niya rin ang napaka-strategic na pwesto nito sa loob ng café. 


 

Kung manggagaling ka mula sa front entrance ng café, hindi mo agad ito mapapansin. May divider kasing nakaharang sa view mo rito. Pero kapag nakaupo ka na sa pwestong ito, kitang-kita mo naman lahat ng mga papasok mula sa entrance. 


 

Kaya hindi niya maiwasang hindi mapatingin sa tuwing tutunog ang mga chimes na ikinabit nila ni Ning sa pinto. 


 

And she has always been greeted by the sight of strangers, although faces of some may be familiar, but only because they are regular customers and she recognizes them because she's here most of the time.


 

But not today. 


 

A familiar face entered and Winter immediately recognized her, and it's not because she's been here before.


 

It's actually her first time here. And she's not a stranger for Winter, too. 


 

“Gigi!” 


 

Narinig niyang tawag ni Ning mula sa counter. Excited itong lumapit para salubungin si Gigi. 


 

“Hi, Ning,” masiglang bati ni Gigi habang manghang inililibot ang tingin sa paligid. “Oh, wow. It's so pretty and cozy here.”


 

“Ano ka ba! Na-guest mo na ko, hindi mo na ko kailangang bolahin.” 


 

Natawa na lang si Gigi. Hinila siya ni Ning papasok ng café at dinala papunta sa table na may “reserved” plaque. 


 

Alam niyang pupunta si Gigi? 


 

<
Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
krnmuse
Thank you po sa promotion! Grabe na kayo. ☹️

Comments

You must be logged in to comment
Yashbread
#1
miss u T---T
franzii
#2
Chapter 20: it’s 5am, i’m wide awake, and squealing sa kilig. grabe. kinda hate myself from putting off reading this for so long huhu but definitely worth the wait! everything just feels so real and romantic. the characterization is spot on. the slow burn is slow burning. i love the pace. feel mo talaga yung development ng relationship and feelings nila to one another. from being so shy and unsure, to being confident and secure… grabe ;_; i love this so much. thank you for writing and i hope you still continue this when you can hehe i’m so invested na and reading this on rina’s birthday definitely makes the day more special! happy rina day 💙
hiver_pogi
#3
i miss u, balik ka na 😔
lesyeuxderj #4
Chapter 19: miss na po final answer
dork_seulgi_k
872 streak #5
Chapter 20: 🥺
gok3_d
#6
Chapter 20: tinapos ko talaga basahin kahit ano na yun na nga
Eybrelros #7
Chapter 20: Nakakamiss naman na dto. Mag 1yr na silang ldr haba naman ng trial card kelan ba mag expired yan😔
kwinter
#8
Chapter 3: help im still at the restaurant
arisse_ #9
miss u po
kwinter
#10
hello po