Kulitan at Kabiguan

Ang bias kong bakla

 

Matapos ang dinner ay nagtungo ang EXO at sila President Lee sa sala para mag-usap-usap. Si Chanyeol na tilang nabored at gusto kamustahin ang kakambal ay agad na lumabas sa may backyard at tinawagan ang kakambal. Tila dirediretso lang ang binata at di na tiningan ang paligid sabay kuha sa phone nito at tinawagan ang kakambal.

“WAG KANG GUMALAW!”

“Ba----,” *boogsh*SAPUL ANG BEAUTIFUL FACE!

“Wisheart? Okay ka lang?” Sabay lapag ni Nijin ang kanyang racket na pamatay ng lamok at dinaluan ang binata. “Okay ka lang, Yur?”

“Ah? Okay lang ako ni Nijin.” Sabi ni Chanyeol na halatang mangiyak-ngiyak dahil sa sampal na natanggap niya mula sa racket.

“Anong okay lang? Eh bongga ang marka na nakuha mo mula sa pagkakahampas ko. Sorry talaga!” Sabi ni Nijin habang tinutulungan si Chanyeol na tumayo. Pinaupo niya ito sa bakanteng upuan at inayos ang binata, “Hintay ka lang ah, papakuha ako ng ice pack.” At agad kumapiras ito ng takbo.

Hinawakan nito ang pisngi at ramdam talaga niya ang medyo kirot mula sa pagkakahawak niya. Maya maya ay dumating na si Nijin dala-dala ang ice pack na walang pasintabi na nilapit sa pisngi ng binata.

“ARAY! Nakakadalawa ka na ah!” Simangot ni Chanyeol nang hinawakan ang ice pack.

“Sorry talaga wisheart! Di ko sinasadya!” Sabi ni Nijin na umupo katabi ni Chanyeol. “Ikaw naman kasi, sinabing wag lumingon, lumingon naman!”

“Eh bakit ka ba naglalaro nung racket?” Tanong ni Chanyeol.

“Wala lang, gusto ko lang magpatay ng mga lamok at bangaw, bawal?” Pinagtaasan ng isang kilay ni Nijin ang binata.

“Wala, nagtatanong lang.” Sagot ni Chanyeol at kinapa ang bulsa.

“Nahulog mo.” Binigay ni Nijin ang cellphone na nahulog sa damuhan matapos maka-face-to-face ang racket. “Tinatawag mo pala si RiSeu sunbae.”

“Ah, oo. Kakamustahin lang sila ate.” Sagot nito sabay kuha ng cellphone at tinitigan nito.

“Di mo tatawagan?”

“Mamaya na.”

“Middle child ka ba? Kasi ako middle child.” Biglang tanong ni Nijin tapos tumingin kay Chanyeol, “given na rin ang gap ninyo ni Riseu sunbae.”

 “ Bunso ako kung titignan.” Sagot ni Chanyeol. “Matanda si Riseu sakin ng ilang minuto.”

“Ah, akala ko pareho tayo.” Tango nung dalaga at tumingin sa taas. “Ganda ng langit noh, wisheart?”

“Di ko makita, tinakpan ng bubong nyo ang view.” Pang-gogood time nito na blinangkuhan lang ng tingin ni Nijin at tumingala ulit.  “Bakit mo ba ako tinatawag na wisheart?”

“Kasi bagay yun sayo.” Sagot ni Nijin at tinignan si Chanyeol. “Pangit ba? Pasensya na ah. Mahilig lang talaga ako magbigay ng petname sa mga nagiging bias ko sa mga groups eh.”

“So bias mo ako?” Mahiyain tanong ni Chanyeol.

Tumango si Nijin, “kayo ni Lay, at some point di pa rin ako makaniwalang ang lapit lapit ko na sa inyo.”

“Ah, uhm.. Salamat.” Sagot ni Chanyeol at ngumisi. “Sorry ah, nakaka-awkward lang kasi.”

“No problem.” Ngising sabi ni Nijin tapos tumayo mula sa kinauupuan. “Balik na ako sa loob.”

Papasok na sana si Nijin nang parang may naramdaman si Yeol ng lungkot kung kaya’t agad niyang tinawag si Nijin. “Sandali lang Nijin.”

“Huh?”

“Pwede bang makipagkwentuhan sa iyo?”

 

Nagtatawanan sila Nijin at Chanyeol nang mapansin ni Lay ito mula sa loob. Nakaramdam siya ng selos pero naisip niya kung may karapatan ba siyang magselos. Bumugtong-hininga lang dahil alam niya na wala siyang karapatan at napagkamalan pa siyang bakla ng crush niya.

“Chanyeol, nandito ka lang pala,” sabi ni Yixing at lumapit sa kanila.

“Aalis na ba tayo hyung?” Tanong ng nakakabata at tumingin dito.

“Hinihintay nalang ang van, nasiraan daw sa daan kasi.” Sagot ni Yixing.

“Gusto niyo hatid na naming kayo?” Tanong ni Nijin sa kanila. “Nandyan sila appa, kuya kyung at sila tita para magdrive.”

“Ah, wag na nakakahiya.” Sabi ni Yixing na parang naaalinlangan.

“Asus etong si taba talaga! Kayo endorser ng sabon at airlines nila lolo, dapat lang pagsilbihan.” Sabi ni Nijin at tumayo.

“San ka pupunta?” Tanong ni Chanyeol.

“Bakit? Miss mo na ako?” Natatawang banat ni Nijin na ikinamula ni Chanyeol. “Asus ko wisheart, namumula ka pala sa simpleng banat. HAHAHAHAH!”

Tumingin si Chanyeol kay Yixing at nagkafeeling-awkward ito dahil sa tingin ni Yixing at Nijin. Alam nitong may gusto ang hyung sa dalaga kaya gusto nitong tulungan ang nakakatanda. Nang pumasok na si Nijin ay agad na kinausap ni Chanyeol si Yixing upang iklaro ang lahat.

“Ano hyung, yung kanina wala yun.” Sabi ni Chanyeol at tumingin kay Yixing, “katuwaan lang naming yun ni Nijin.”

“Don’t worry, di ako nagseselos.” Sabi ni Yixing at ngumiti kay Chanyeol.

“Wag kang OA hyung, halata ka kaya.” Komento nito at tumayo, “wag kang mag-alala hyung, para sa iyo itong ginagawa ko.”

“Pano naging para sa akin?” Tanong ni Yixing.

“Nilalakad kita sa kanya.” Sabi ni Chanyeol, sabay pakita ng listahan sa phone, “see?”

“Anong mga ito?” Tanong ni Yixing nang kinuha nito sa cellphone at tinignan ang listahan, “mahilig sa kanin, palakain, extra rice?”

“Mga gusto nung pinapangarap mo. Ayeeeee~” banat ni Chanyeol tsaka kinuha ulit ang phone. “Para di ka na mahirapan.”

 

Ilang segundo ay bumalik si Nijin na nakangisi. “Okay na, sila appa na maghahatid sa inyo.”

______________________________________________

“Tay, pwede kaming sumama?” Tanong ni Shiwon habang hinihintay ang van na niprepare ng driver.

“Diba may sleepover kayo?” Tanong ni Seungheon at tumingin sa bunsong anak.

“Oo, pero pwede kaming sumama?” Pilit ni Shiwon at nilock ang kamay nito sa braso ng ama. “Sige na please? Magpapakabait ako, di ako mag-iingay at magpapakabait ako.” Pagmamakaawa nito hangga’t sa mapilit ang tatay. “Di ako magsasalita hangga’t nasa van pa ang EXO!”

 

“Anong problema niya at di siya nagsasalita?” Tanong ni Chen habang nakatingin sa katabi ni Kyungsoo.

Tumingin si Kyungsoo kay Shiwon na nakatingin lang sa bintana, ‘Nangako ako kay Tatay, dapat magsakripisyo para mawala ang sumpang grounded,’ nasa isip ni Shiwon. Tinabig ang balikat nito at tumingin sa katabi, ‘At bakit sa lahat-lahat ng pwedeng makatabi, si dodong ang pinili ko? is this a reward or a punishment?’ Ngumiti si Shiwon tapos bumalik sa pagtingin sa bintana.

“Himala at behave siya ngayon.” Komento ni Chen kay Kyungsoo. “Baka napipi na?”

“Wag mo na ngang asarin,” pagtatangol ni Kyungsoo sa bata, “sayang gusto ko sana ng makaka-usap.”

Sinilip ni Hanbyul si Shiwon at ngumiti lang tsaka tumingin kay Kyungsoo, “Pasensya na oppa, nakipagdeal yan kay tito na para makasama dapat behave siya.”

“Eh diba nibrebreak niya ang rules kahit wala ang appa niya?” Tanong ni Sehun sa kanya.

“Excuse me, may masunurin ding asal ang best friend ko noh, di kagaya mo.” Sabi ni Hanbyul at tumingin sa harap. Inis nito dahil sa lahat-lahat ng pwedeng katabi, dito pa siya sa pakealamerong maknae ng grupo.

“Okay, sinong sasama sa akin sa white van?” tanong ni Kyuhyun na nasa driver’s seat. Unang pumasok si Kyungsoo at Sehun kung kaya’t dali-daling pumasok si Shiwon sa loob.

“Kami ni Hanbyul!”  Sigaw ni Shiwon at agad tumabi kay Kyungsoo sa likod ng van. Uupo na sana si Hanbyul katabi ni Shiwon pero hinila ito ni Sehun papunta sa tabi niya.

“Pwede rin diyan,” ngising banat ni Sehun nang naupo si Hanbyul sa binti nito dahil sa malakas na pagkahatak sa kanya.

“ERT!” Inis na sabi nito at umupo sa tabi.

 

“Kuya hyun, pwede lumipat diyan sa harap? Ayaw ko dito.” Sabi ni Hanbyul nang lumapit kay Kyuhyun.

“Di pwede byul, umaandar ang sasakyan tsaka di ka na kaysa dito.” Sabi ni Kyuhyun na focus sa pagdradrive. Si Chanyeol at Chen ang nasa tabi nito na mukhang inaantok na.

Napasimangot nalang si Hanbyul nang nagring ang cellphone niya, may nagtext.

“Bias mo pala ako?” Asar ni Sehun sa kanya nang nasilip nito na edited picture nila ni Sehun ang homescreen nito. Namula si Hanbyul at agad pinalitan ng picture nila ni Kai, this time hindi ito edited. Nagtagpo ang mga kilay ni Sehun dahil aside hindi ito edited ay hindi rin ito kinunan kanina dahil sa mga suot nila. “Kelan yan?”

“Pakialam mo?” Mataray na sagot nito at  tinabig si Kris na nasa gilid. “ Excuse me, oppa,”

“Hmmm?” Tingin ni Kris na nasa kabilang gilid, “bakit?”

“Palit tayo, ayaw ko katabi itong pakealamerong ito.” Sabay turo nito kay Sehun. Walang alinlangan ay tumayo ng kaunti si Kris at nang nakapwesto na si Habyul sa gilid ay umupo na ito sa gitna nilang dalawa.

Madaling binuksan ni Hanbyul ang text at tinignan si Shiwon.

“May katext si Tao, pakitingin kung sinong katext ni Kris.”

Kaswal na tumingin ito kay Kris at nakitang wala itong hawak na cellphone. Nang tinaas nito ang tingin ay nakita nitong nakatingin si Sehun sa kanya. ‘Problema nito?’. Agad siyang sumandal sa may bintana at tinext si Shiwon.

“Paranoid, walang hawak na cellphone si Kris.”

“What’s with you and Sehunnie?”

“Please, don’t start me with the brat.”

“oooooooh! Brat, the brat meets the other brat.” Tinignan ni Hanbyul si Shiwon at nakitang nakangisi ang dalaga sa kanya. Inirapan nito si Shiwon at magtetext na sana nang napansin niyang may kinuha si Kris mula sa bulsa nito. Ang cellphone!

Pasimpleng nag-ayos ito para mabasa ng di halata ang text at nakita niya ang pangalan ni Tao.

“Nagtext na si Tao, inaantok na daw siya.”

Binasa ni Shiwon ang text at tinignan si Hanbyul pagkatapos si Tao. Halatang inaantok na ito at tumingin kung anong susunod na hakbang na gagawin ng binata.

Tumingin si Kris at binigay ang bag na dala nito mula kanina, “gamitin mo munang unan, malapit na rin naman tayo.”

Biglang naawa si Shiwon at may binigay ang unan na sinasandalan. “Gamitin mo.”

“Salamat.” Sabi ni Tao at pinatong ang ulo dito.

Si Kyungsoo na inoobserbahan si Shiwon ay biglang ngumiti sa simpleng ginawa ni Shiwon.

Nemen! Naka-one pogi points ang munting bida!

_____________________________________

“Junmyeon, kasama mo ba si kuya?”

“Nasa kabilang van siya nakasakay, past 12 na ah. Matulog ka na.”

“Eh hindi ako makatulog.”

“Gusto mo haranahan kita?”

“Hyung, sinong katext mo?” Tanong ni Baekhyun nang pinagmamasdan si Suho na kanina pang nakangiti.

“Si Yunhee.” Sagot na nakangiting abot langit.

“Naks, buti di ka kinokontra ni hyung pagdating kay Yunhee.” Sabi ni Kai habang nakatingin sa phone ni Suho.

“Ano ba kayo, nagpaalam ako ng maayos sa kanya bago ko ligawan si Yunhee noh. Halos mag-aanim na buwan bago ako pinayagan ni hyung na ligawan yung kapatid niya.” Sabi ni Suho sabay lagay ang cellphone nito pabalik sa bulsa. “Di ako kagaya mo na natotorpe.” Sabay tingin nit okay Kai.

“Ano ba kayo, eh sa taob ako pagdating kay Naru.” Sabi ni Kai dala kamot sa ulo.

“Pero seryosong napakilig moa ng lahat kanina ah! Mismo ako kinilig!” Sabi ni Baekhyun at ginulo ang buhok ni Kai. “Nagbibinata na ang isang maknae natin!”

“Jong In.”

Agad na umayos si Kai sa kakaupo, parang kindergarten student na takot mapalo ng kanyang teacher. “Ano po yun Tita Jaemin?”

“Sigurado ka bang seryoso ka sa Naru namin at wala kang ibang pinapaasa diyan?” Tanong ni Jaemin na nagdradrive sa mga ito. Kasama nito si Haneul na nakikinig lang sa music at ang kapatid nitong si Taemin na parang may sariling mundo.

“Syempre naman po! Simula nung unang punta ko sa bahay ninyo.” Paliwanag ni Kai na ikinamula niya dahil sa hiyawan ng iba.

“NAMAN LOVER BOY!” asar ni Lu Han.

“Love at first sight pala yang sayo eh!”

“Manahimik nga kayo!” Saway ni Kai pero di lang ito pinansin.

“Di ako tutol kung liligawan mo yang pamangkin namin pero oras na nalaman kong pinaiyak mo yan, ihanda mo na yang kabaong mo at di ka titigilan nang tatay nun.” Yun lang ang sinabi ni Jaemin.

“Weh? Kabaong talaga? Napaka-exaggerate naman po yang sinasabi mo Miss Jae.” Sabi ni Baekhyun sabay tawa nila.

“Anong nageexaggerate ako? Seryoso ako.” Poker face na sabi ni Jaemin.

“Wag naman po kayo manakot.” Sabi ni Suho.

“Nung high school si noona sumugod si tito Joong sa SM Academy dahil yung nagpakilalang manliligaw ni noona nang-to-twotime.” Sabi ni Taemin, “Halos di na makalakad si Yunho ‘nun.”

Napalunok naman sila sa pinagsasabi ni Taemin, si Kai naman ay pinagpapawisan.

“Yun ngang senior na si Naru halos di makalapit si Jonghyun kasi nga akala niya papatayin si ni tito dahil inuwi niya one time si Naru na nakainom.” Pagpapatuloy ni Taemin.

“Eh di naman kasalanan yun ni Jonghyun, inaya lang niyang kumain si Naru tapos malay ba niya na alcohol yung nainom ‘nun.”  Pagtatanggol ni Haneul.

“Yang Jonghyun bang ‘yan yung Jonghyun na ex mo?” Tanong ni Baekhyun.

“Hindi noh, Lee  Jonghyun yung naging boyfriend ni Naru.” Sagot ni Haneul.

“Ngayon alam mo na, tatanungin kita ulit. Seryoso ka ba kay Song Naru?” Tanong ni Jaemin.

“Opo. Kahit na balibaliin pa ni Mr. Song ang buto ko.” Sagot ni Kai.

“Mabuti na yang sigurado.” Sambit ni Jaemin at nag-u-turn.

 

“Tita, pwedeng lakasan ko?” Tanong ni Haneul at pinalakasan ang radyo. Kantang Just one day ng BTS ang nakasalang sa radyo ngayon at biglang kinilig ang mag-tita.

“Kinikilig ka rin pala sa edad mong yan mamon?” Tanong ni Minseok na tinignan ng masama ng Jaemin.

“Tumahimik kang monay ka, ibabalik kita sa oven.”

“Joke lang naman.Itong mamon ko, di na pala malambing.” Ngumiti si Minseok kay Jaemin sabay kindat sa mata.

Samantalang may isang batang nagsesenti dahil sa agad na energy level zero matapos napansin na kinilig si crush. Napakagat-labi nalang si Baekhyun sabay tingin sa bintana.

“Wala pa ‘ngang nagawa, broken hearted na agad?” Tanong ni Chanyeol at inakbayan si Baekhyun.

“May boyfriend na siya Yeol.” Bulong ni Baekhyun na mas lalong kinalungkot niya.

“Ano ka ba, magbrebreak din yan sila.” Birong sabi ni Chanyeol pero blangko lang ang mukha ni Baekhyun.

“In love ako, di ako obsess.” Sagot ni Baekhyun at napa-irap sa binata. Broken-hearted nga talaga.

“Pinapangiti ka lang eh.”

 

“Baekhyun, kilala mo ba ang BTS?” Tanong ni Haneul at tumingin kay Baekhyun.

“Napanood ko na sila.” Timid na sagot ni Baekhyun sa dalaga.

“Kilala mo si Taehyun?”

“Di masyado, bakit?”

“Halos magkamukha kayo kasama ni Daehyun ng BAP!” Natutuwang sabi ni Haneul na halatang full of energy. “Love child nyo ba siya?”

Agad na nagbreak si Jaemin at halos nahinto rin ang ginagawa ng lahat dahil sa tanong ni Haneul. Nanlaki ang mata ni Baekhyun at namula sa hiya.

Napatakip naman ng bibig si Haneul at halata rin ang pagkamula. Tumingin it okay Jaemin at Taemin na nakatitig sa kanya.

“Sorry.”

_______________________________________

 Maayos nakarating ang dalawang van sa dorm ng EXO. Isa-isa na nagsilabasan ang sumakay kay Jaemin habang sa kabilang van sasakyan ay dali-daling tumakbo papasok ng building si Shiwon. Kanina pa ito naiihi at di man lang siya nagsalita dahil nga sa seryoso siya sa sinabi nya sa tatay niya.

“Sir, ‘san po ang Girls washroom dito?” Tanong nito sa guard na tumingin sa kanya ng masama.

“Sa bandang kanan po ma’am.” Sagot ng guard na agad pinasalamatan ni Shiwon at kumaripas na ng takbo.

 

“Salamat sa paghatid ninyo sa kanila.” Sabi ng isa sa mga manager ng EXO at sabay-sabay na nagbow sa mga ito.

“Wala po ‘yun.” Sagot ni Jaemin at tumingin sa kanila.

“Baka gusto niyo munang pumasok sa loob Miss Jaemin?”

“Hindi na at baka maabala pa kayo.” Sagot nito sa kanila.

 

 

Papasok na sana si Kris nang tinawag siya ni Taemin.

“Hyung, pwede bang makausap ka?” Tanong ni Taemin at tumango lang si Kris.

“Ano ba iyon?” Tanong ni Kris nang nilapitan ang nakakabata.

“Pwede po bang ligawan Yumi?”

 

“Anong sabi mo?” Mukhang nabinggi ng kaunti si Kris sa pinagsasabi ng binata.

“Nagpapaalam po ako kung pwede ko bang ligawan ang kapatid niyo?” Sabay labas ng malalim na hininga ni Taemin. Kanina pa niya ito gustong itanong at humahanap siya ng magandang tyempo.

“Kayo na nga tapos ngayon magtatanong ka kung pwede siyang ligawan?” Tanong ni Kris na nakataas ang isang kilay.

“Ho?”

“I have my ways. Sinabi sa akin ni Kai ang nangyari nung sa university. Sabi niya sinabi mo dun sa all-time stalker niya na girlfriend mo kapatid ko.” Sa sinabi ni Kris ay tila nawalan ng kulay si Taemin.  

“Pero gusto ko po si Yumi.” Sabi ni Taemin.

“You only met my sister within two weeks time. Sige, sabihin nating may crush ka sa kapatid ko pero a person can’t immediately define na yung crush na yun ay hahangtong  agad sa ligawan with just short notice.”

“Pero seryoso po ako sa kanya.”

“At seryoso rin ako sa sinasabi ko.”

“Papatunayan ko sayong seryoso ako kay Wu Yumi.”

“Aabangan ko.”

 

________________________________________

Mag-aala-una na ng umaga pero gising pa rin ang diwa ni Yunhee. Kanina pa siya paikot-ikot sa kanyang higaan pero di pa rin ito makatulog.

“Ano ba yaaaaaan! May test pa naman ako bukas sa isa kong major subject tapos ganito.”Reklamo ni Yunhee at tumayo papuntang study table. ‘Kung di man lang makatulog, mabuti pang magstudy’ isip nito at nagsimula magbuklat ng libro nang tumunog ang cellphone niya. Agad niya itong kinuha at tinignan ang caller at sinagot.

“Junmyeon, napatawag ka?” Tanong nito habang tinutukan ang libro.

Natutulog ka na ba?” Tanong ng binata.

“Oo.” Pasisinungaling nito dahil kampante naman itong di nakikita ng binata.

“sinungaling.” Nakangising sabi ni Junmyeon habang nakatitig sa kwartong bukas ang ilaw. “Bukas na bukas ang ilaw mo.”

“Huh?” Agad na pumunta sa may bintana si Yunhee at nakita ang binatang kumakaway mula sa harap ng bahay nila.

 

“Anong ginagawa mo dito sa dis-oras ng gabi?” Tanong ni Yunhee nang pagbuksan nito ang binata ng pintuan.

“Binibisita ka.” Ngising sabi ni Junmyeon nang nakapasok sa bahay.

“Tumakas ka sa dorm?” Tanong ni Yunhee at ngumisi lang si Junmyeon. “Sira ka talaga! Wag kang tatakas lalo na sa ganitong oras.”

“Pero para sayo gagawin ko.” Banat ni Junmyeon.

“Ay nako Mr.Kim Junmyeon, bumenta na sa akin yang mga hirit mong yan.” Natatawang sabi ni Yunhee. “Pero seryoso? Ba’t ka nga nandito?”

“Para kantahan kita.”

“Bakit naman?”

“Para makatulog ka.”

“Ba’t di mo gawin over the phone? Di pa yun hassle sa iyo.”

“Kasi gusto ko dito gagawin.”

‘Ang diwa ko kinikilig!’ Pagspa-spazz ni Yunhee sa sarili. Aminin, electrified kilig ang naramandaman niya.

 

Agad naupo si Yunhee sa sofa habang sa sahig si Junmyeon.

“Bakit ka nandyan umupo? Ayaw mo sa tabi ko?” Tanong ni Yunhee.

“Humiga ka na dyan para makatulog ka na habang kinakantahan kita.” Agad naman nahiga si Yunhee.

Sinuklay-suklay ni Junmyeon ang buhok ni Yunhee gamit ng kanyang mga daliri habang tinititigan niya ang maamong mukha. ‘Yunhee, bakit ba kasi ganito ang epekto mo sa akin?’ Ngumiti ito at nang sisimulan na ang pagkanta..

.

.

.

.

.

. zzzZzzzZzzZZZzzZZ

 

Natawa nalang si Junmyeon sa  pag-hilik ng dalaga. Di niya inaasahan na malakas pala humilik si Yunhee.

“Ano ba yan, kakanta na sana ako pero nakatulog ka na agad.” Komento ni Junmyeon at agad na binuhat papuntang kwarto si Yunhee.

Nang nakapasok ito sa kwarto niya, ay agad na nilapag nito ang dalaga sa kama at tsaka hinalikan sa noo. Aalis na sana ito nang nanpansin niya ang gulo ng study table niya. Inayos nya agad ito ang nag-iwan ng note bago umalis.

 

__________________________________________

 

Kinabukasan ay maagang nagising si Yenne. Day off siya ngayon kaya pwede siyang gumala kahit saan pero wala pa siyang naisip na gawin. Lumabas ito sa kwarto at nakita ang kuya at ate kambal niya na parang nagpapaligsahan sa kusina.

“Ba’t para atang nagmamadali kayo?” Tanong nito at umupo sa kitchen counter.

“It’s a weekday, may klase.” Sagot ni Jaemin habang nagluluto ng pagkain.

“Eh 5:30am pa ah, class starts at 8am,” tingin ni Yenne sa wall clock na nakakabit sa dingding ng kusina. “An the kids are still sleeping.”

“I have a meeting with the Student Council for the School Festival and ayaw kong malate.”

“Eh nung high school tayo lagi ka namang late.” Bara ni Gikwang habang umiinom ng kape.

“Di sana ako late kung di dahil sayo!” Titig ni Jaemin kay Gikwang na masayang masaya sa ginagawang pambabara sa kapatid. “Ikaw maghatid dun sa mga kolehiyo. Sasabay sa akin si Shiwon at Hanbyul.”

“Diba tulog pa yung mga yun?” Tanong ni Yenne.

“Ginising ko na. Ayun naliligo na ata.” Sagot ni Jaemin at tinignan si Yenne.

“Ate kambal,” simula ni Yenne at agad na siyang tinitigan nito. “Ba’t ka ganyan makatingin?”

“Alam ko na yang mga ganyan mo. Palambing-lambing pero may kasamang hingi yan.” Sabi ni Jaemin habang kumakain. “Ano yun? Di ko ipagdadamot.”

“Alam ko na yang nasa isip mo.” Ngisi ni Gikwang at tumingin kay Jaemin, “Ikwento mo yung tungkol sa inyo ni monay.”

Agad na nabilaukan si Jaemin dahilan na tawanan at nag-apir ang kambal at bunso nito.

“Alam na!” Ngisi ni Yenne. “May something ba sa inyo aside sa crush ka ni ‘monay’?”

“Di mo talaga ako titigilan no?” Sabi ni Jaemin matapos uminom ng tubig para mahimasmasan.

“So ano na?”

“Crush niya ko, crush ko siya. Mag.MU kami nung coll--,”

“Uso pa ba yang MU sa college?” Sabat ni Gikwang na tinitigan ng masama ni Jaemin. “Sabi ko nga diba,” agad na bawi niya. Takot niya sa mga tutok ng kambal na nakakamatay.

“Mag.MU kami nung college hanggat sa nanligaw siya.” Sabi ni Jaemin at inubos ang pagkain niya at kumuha naman ng panibagong hain.

“kambal, lakas mong kumain ngayon ah.”

“Matagal na.” Sagot ni Jaemin at tumingin kay Yenne, “tatanungin mo kung naging kami?” Tumango lang si Yenne at umiling lang si Jaemin na nakangisi. Ngising mapait.

“Dahil ba kay kuya Jae?” Tanong ni Yenne na medyo tinanguan ni Jaemin.

“Nakapag-move on na ako ‘nun eh. Na-inlove kami ni Minseok sa isa’t isa, pero sinira lang niya yung love story ko.”

 

_________________________________________

“Good Morning Love~!”

“Huh?” Nagising si Ahra at bumugad agad sa kanya ang mukha ni Minho. Agad siyang bumangon mula sa sofa at tumingin sa boyfriend.

“Sino nagpapasok sa iyo dito?” Tanong ni Ahra habang nakaturo kay Minho.

“Yung guard.” Sagot ni Minho na nakangisi.

“Huh?” Nagtataka si Ahra dahil iniisip niya bakit guard at paano nakapasok si Minho sa kwarto niya…

.

.

. Or nasa kwarto ba talaga siya?

Tumingin ito sa paligid at napansin niyang wala siya sa bahay niya. Tinignan nito sa lamesa at tambak ito ng mga paperworks. ‘Nakatulog pala ako dito sa habang nag-oovertime.’ Agad itong lumingon kay Minho at ngumiti. “Kanina ka pa?”

“Kagabi pa.” Sagot ng binata.

“Ka…kagabi?” Gulat na tanong ni Ahra at tumango naman si Minho. “Hinihintay kita sa lobby kahapon pero di ka pa lumalabas, diba sabi ko sayo na susunduin kita since naka-over time ka?”

“Pero sasabay dapat ako kay kuya kagabi?”

“Nagmamadali siya kagabi kasi may hahabulin daw siyang client kaya sabi niya ako na maghatid sa iyo sa bahay.” Pag-eexplain niya at tumingin siya.

Nahihiya si Ahra sa tanong niya pero gusto lang niya malaman. “San ka nakatambay habang hinihintay ako?”

“Dito sa tabi mo.”

‘Anak naman! Pwede ba akong kiligin?’ Isip ni Ahra na agad namula. “Sa tabi ko? Ibig sabihin…”

“Binantayan kita kagabi. Gigising sana kita pero ang sarap ng tulog mo sa lamesa kaya binuhat kita papunta dito sa sofa para di mahirapan ang leeg mo.” Sagot ni Minho at nakapaglinghab sa antok. “Ngayon naman ako ang inaantok.”

“Sino ba naman kasi maysabi sa iyo di ako gisingin? Ayan tuloy, magdamag kang nagbantay.” Kutos ni Ahra dala awa sa ginawa ni boyfriend pero todo kilig pa rin ang diwa nito. “Teka nga lang, diba may game ang team mo ngayong araw?” Tumango lang si Minho. “Eh paano yan?”

“Okay lang, mamayang 4pm pa naman yun. Matutulog ako sa bahay.” Sabi niya tapos tumayo at inilahad ang kamay.

“Ano?” Tanong ni Ahra at tumingin kay Minho.

“Tumawag ako kay hyung, sabi kong bigyan ka ng day-off. Halos dalawang lingo ka nang walang nag-oovertime. Pumayag na siya kaya,” hinila niya si nito sabay kuha ng bag. “Let’s go love.”

Kinuha naman ni Ahra ang susi mula na nakasabit sa may pantalon niya at nakangisi. “Sige love, akong magdradrive sa iyo pauwi.”

___________________________________

Chapter 12 updated! :)

 

Subscribe. Comment. Vote! :)

 

<3 missdauxian

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
uikaxxlockheart
#1
Chapter 16: Nag-backread dahil naaliw!
uikaxxlockheart
#2
Chapter 15: Iisipin ko na birthday gift mo ito saken 'te
uikaxxlockheart
#3
Chapter 15: Wait lang shemay nagbabanyo pa ako emerged ate!!!!! You updated! Hart hart
uikaxxlockheart
#4
Nami-miss ko to. :(
uikaxxlockheart
#5
Chapter 14: Why am I shipping the maknae line with Yunhee? /facepalm.

Pero HeeMyeon talaga.O(∩_∩)O

Eh tapos authentic HunHan! *^o^*

Yaaay napasaya ako ng chap na to. The best!
RiCa1826 #6
Chapter 14: Ang cute ni Yunhee. HAHAHAHA sarap sapakin xD
tapos kinilig ako ng slight nung pinaligiran siya ng maknae line. Wala lang kasi ang cute nung maknae line ang sarap nilang i-squish

Bet ko din yung tandem ng Yunhee+Maknae line since si Yunhee halos kasing edad lang nila, para lang silang magbabarkada at magakakapatid na nagbabangayan lol

Shiwon and Hanbyul why. HAHAHA. gamitin ba naman si Yunhee. pero okay lang keribels naman xD

TaoRis. Alam na this! XDDD
uikaxxlockheart
#7
Chapter 13: okay masungit talaga si Yenne. :))) Bara lang ng bara.

"ano bang nangayari sa buhay mo at ganyan ka nalang kaseryoso?" ---hahahaha madalas itanong to sa akin. :)))))

Pero 2min shipper ako huhuhu.

Shetttttt! may date ang LuYenne :))) <3 <3

Munggago ni Yi Fan lol. selos?

Kamusta ang MiMin. :)))) *eeeh di ako makapag-spazz gawa may YumiXing feels ako.* :))))

Meeeehhhh yung NaKai ang lande ples. :))))


Wuhuuuuuu ChenRa! ChenRa! ChenRa na yan!!!!! *_*

KookJee <3 <3 <3
Paninininini
#8
Chapter 13: love triangle na ituuu
heyitsbabyjoojoo
#9
Chapter 13: ATE APRIL I LOVE YOU!!! Kookie wag na taung mag pa ligoy ligoy pa please tau na oh ahahahahaha cge na!! Legit na eh!! Pede na!


Ahjumma haba ng hair mo sinasabi ko sau!
NaKai♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥ 5ever!

Pastry pa tawagan nmn ptfffahajsgajfoa!!! Kahit kanino na sa Kris oh basta akin c Jungkook mamahalin kita ng lubusan ate april!
bananamilk23
#10
Chapter 13: te, bukas na ako magcocomment... di ko pa nababasa ng buo eh... hehehehehe