Buhay Pag-ibig nga naman..

Ang bias kong bakla

 

“Ang cute naman ng flowers!” Tili nila Shiwon at Hanbyul nang nakita nila ang isa sa mga kaklase nila sa daan. Mula sa university, naisipan ng dalawang kaibigan na gumala muna kung kaya’t napadpad sila sa malawak na district ng Hongdae at nagpakasaya. Habang namamasyal ay nakakita sila ng grupo ng mga lalaki na nakasuot ng panlalaking uniporme mula sa kanilang school. Agad nila itong nilapitan at nakipagkwentuhan.

“Para kanino ba yan?” Tanong ni Shiwon habang nakatingin sa bouquet of tulips na dala ni Bambam, kaklase nila sa English.

Nakangisi ang binata dala himas-himas sa ulo niya.

“Para ba yan kay Shiwon?” Tanong ni Hanbyul sa binata.

“Para kay Ms. Lee.” Nahihiyang sagot ni Bambam na agad sinapak ni Shiwon, “bakit mo ako sinapak?”

“Ang bata bata mo pa para pumorma sa tita ko! Sipain kita diyan ngayon!” Banta ni Shiwon with karate actions na kinatakot agad ng binata.

“Shiwon-ah naman, wag kang ganyan,” isinandal ni Yugyeom ang kanyang braso kay Shiwon na agad namang inalis ang kamay ng binata sa pagkaka-akbay.

“Wag ka ngang maporma, baka makita ako ni Dodong ko at masabihan akong two timer ‘nun.” Saway nito habang patingin-tingin sa paligid.

“Pero seryoso, ganyan ka na ba kadesperado para kay Ms. Lee?” Tanong ni Hanbyul kay Bambam na nakangiti.

“Ouch naman! Ang sakit mo namang magsalita, di ako desperado.” Pangongorek ni Bambam at tumingin sa kalangitan na may dalang pag-asa sa mata. “I’m not desperate, I’m just persisten----ARAY!”

“Kung yang tita ko mawalan ng trabaho dahil diyan sa ginagawa mo, kakainin ko yang matabang pisngi mo!” Saway ulit ni Shiwon sa binata na kinakamot ang ulo.

 

Patuloy sa pagtatalo ang dalawang grupo at halatang di nagpapatalo si Shiwon, salamat sa dugong Song.

“Bakit ka ba ganyan? Ayaw mo ba akong maging tito?” Tanong ni Bambam kay Shiwon.

“Taas ng pangarap mo pre! Upakan kita diyan!” Akmang susugurin na ni Shiwon si Bambam nang may humila nito pabalik sa kanyang pwesto.

“Hep hep hep, kababaeng tao nakikipagbasag-ulo.” Sabi nung lalaking nasa likod niya.

“Eh ano bang paki m----,” nang nakalingon ito sa likod ay agad nanlaki ang mga mata nito at ngumisi nang napakalapad.

“DODONG!”

Wala pang isang segundo ay umakap na ito sa binata at nagtago sa likod nito.

“Naks, close na agad?” Komento ni Chen na tinignan ni Kyungsoo.

“Inggit ka lang!” Asar ni Shiwon na patuloy sa pag-yayakap kay Kyungsoo.

Napahinto naman ang mga binata at ang isa’y nakatingin kay Shiwon.

“Ano yan Shiwon? Harap-harapan tino-two time mo ako?” Sigaw ng matangkad na binata.

Pinagmasdan ni Kyungsoo ang highschooler na halatang may gusto kay Shiwon at nakaisip na mang-asar, ‘Minsan lang naman.’

“Anong two-time na pinagsasabi mo? Bakit? Kelan pa naging tayo?” Tanong ni Shiwon kay Yugyeom.

“Babe, sino siya?” Tanong ni Kyungsoo habang nakatingin sa dalaga.

“h…huh?”

“BABE?!”

“Ano…”

“Suitor ako ni Shiwon, sino ka ba?” Matigas ang highschooler.

“Kela---,”

“Suitor? Tapos?” Nakangisi si Kyungsoo, “Suitor lang pala eh.”

“Bakit? Sino ka ba?”

“Ako? Ako lang naman ang Love niya.”

 

“Ang saya mo ata?” Tanong ni Kyungsoo kay Shiwon habang patuloy silang naglalakad sa daan.

“Pinagtanggol ka ng love mo sa masasamang nilalang, sinong di sasaya diyan?” Di pa rin maalis ang ngiti ni Shiwon sa kanyang mukha simula nung sinabi ni Kyungsoo ang magic word, LOVE.

“Sinabi ko lang iyon para di ka na gambalain nung estudyante,” rason ni Kyungsoo, “sino ba yun?”

“Isang walang kwentang tao.”

“Shiwon!”

“Bakit ba?” Agad tumingin si Shiwon sa likod kung saan si Hanbyul at Chen ay nakasunod sa kanila.

“May pangalan yung tao, at yun ay Yugyeom.” Pangongorekta ni Hanbyul at lumapit kay Shiwon, “you don’t need to be harsh to the guy.”

“Sino si Yugyeom?” Tanong ni Chen na lumapit sa tatlo. “Admirer?”

‘Curious si crush #2!’ agad na isip ni Shiwon habang matalim ang tingin kay Jongdae. Kung titignan, parang walang pakialam si Shiwon kay Jongdae dahil sa:

  1. Busy siya kay Dodong niya
  2. Busy siya sa mga ships na ginagawa niya
  3. Busy siya sa studies niya

At higit sa lahat, balik sa pagiging busy kay Dodong niya ulit.

Pero sa di alam ng karamihan, pwera kay ahjummang magandang si Ahra na lagi niyang tinatawag na Ahjumma pero mahal na mahal niya, may itsy bitsy tiney winey crush ang bunso kay Jongdae. Napaka-vocal nito para kay Kyungsoo pero secretly spazzing din sa isa pang binata. Ayaw niya pahalata, bakit kamo? Kasi ayaw niyang mabintangang two-timer.

“More like stalker, hellooooo~,” komento ni Shiwon sabay flip ng hair na parang nandidiri sa sinasabi. ‘Must keep the cool Shiwon, must keep cool.’ Bulong nito sa sarili.

“Well, bagay kayo.” Sagot ni Kyungsoo na napabreak sa heart niya.

‘Ouch, sagad to the bone marrow!’ nasa isip ni Shiwon ang sakit, ‘Did he just rejected me?’

“Don’t worry Shiwon, feeling ko mas bagay tayo.” Reak ni Jongdae na naging dahilan para sa pagiging tulala niya.

‘OMG! To the rescue si crush #2! Must celebrate!’ Isip naman nito. Pero nga dahil sa dapat cool lang siya, “What makes you think that way Mr. Kim?”

“Sa gandang lalaki kong ito, aayaw ka pa ba?” Ngising sagot ni Chen.

Agad napanganga sila Shiwon, Kyungsoo at Hanbyul sa sinabi nito at iniwan siya sa daan.

“HEY! BA’T KAYO NANG-IWAN? DI NIYO NAKAYANG KAGWAPUHAN KO NO?”

‘Why do I like that guy again?’

____________________________________________________

“Ligawan?” Nagulat si Nijin sa narinig kasi di nito expect na may pagtingin pala sa kanya ang crush niyang artista sa kanya.

“Kung papayag ka,” napakamot ng buhok si Yixing habang nakatingin sa dalaga, “Uhmm… medyo nabigla ba kita?” Tumango ang dalaga, “Sorry.”

“Okay lang yun, pero kasi..” Napakagat labi si Nijin habang nakatingin sa daan. May nakatingin sa kanila, mukhang namumukhaan ang binatang kasama niya.

“Pero ano?” Tanong ni Yixing sa dalaga.

“Sorry talaga Yixing pero pwede bang pag-isipan ko muna?” Nakatingin ang dalaga sa binata habang di maalis ang kaba sa puso niya. Gusto nito ang binata at kung tutuusin, Malaki ang pag-asa para maging boyfriend ito pero dahil sa sikat ang binata, nagdadalawang isip siya sa kung ano mang pwedeng mangyari.

“Okay lang yun Nijin,” nakangiti ang binata, sabay labas ang mga dimples nito na isa sa kinakalokohan ng dalaga, “sana lang bigyan mo ako ng chance para mahalin ka.”

 

 

“Anong kinakamukmok mo?” Tanong ni Jaemin habang ngumunguya ng cheesecake. Tinawagan nito si Nijin at Hanuel na kumain matapos ang meeting nito sa school. Bakante naman ang dalawa dahil patapos na ang mga shift nila sa kani-kanilang internship duties. Nagtagpo ang mga ito sa Coffee Cojjee, isang coffee shop na pinagmamay-ari ng CEO ng Kim Corporations na si Jaejoong. At ngayon naman, kasalukuyang kinukuwento ni Nijin ang nangyaring usapan nila ni Yixing sa labas ng kompanya ng lolo nila.

“Gusto ko siya.” Sagot ni Nijin na umiinom lang ng frappe.

“Gusto mo pala, bakit umayaw ka?” Tanong ulit ni Jaemin. “Takot ka sa tatay mo?”

“Hindi naman, pero kasi takot ako kasi sikat siya.” Nahihiyang sagot ni Nijin, “tapos ako..”

“Oh ano ka naman?” Nakataas ang isang kilay ni Jaemin.

“Isang Song…”

“Isang Song na mula sa isa sa mga mayayaman pamilya ng bansa.” Dugtong ni Hanuel at napatahimik lang si Nijin, “Nijin,  kasikatan man ang pag-uusapan, sure ako na mas nahihiya si Yixing sayo kaysa sa kung paano ka mahiya sa kanya kasi mas sikat ka.”

“Hindi naman estado ang basihan sa usapang love na yan eh. It’s more on the fight between your head and your heart.” Sagot ni Jaemin at nang aabutin na sana niya ang kanyang inumin ay may humablot  nito at uminom.

“Usapang pag-ibig? Sinong inlove diyan?” Tanong ni Jaejoong habang uminom ulit sa frappe ng dalaga. “Gusto mo?” Abot nito sa dalaga pero sumimangot lang ito.

“Mang-aagaw!”  Kutya ng dalaga sabay kuha ng frappe at uminom. ‘Indirect kiss!’

“Hi Tito Jae, long time no see!” Bati nila Hanuel at Nijin sa binata. Umusog si Jaemin sa gilid at umupo naman si Jaejoong sa tabi nito.

“Hi! So sinong inlove? Hmmm?” Tanong ni Jaejoong ulit at tinignan si Hanuel, “Hindi naman siguro ikaw since may boyfriend ka,” tumingin siya kay Jaemin, “Pwede kang ma-inlove pero dapat sa akin la--- ARAY!.”

Sinapak ito ni Jaemin nang malakas dahilan sa napa-aray ang binatang CEO, “Kapal ng mukha mong gurang ka! Kung inlove ako, I don’t think sa iyo.”

Napasimangot si Jaejoong at tumingin kay Nijin, “So, ikaw?”

“Di pa inlove pero papunta na doon.” Ngiti ni Nijin.

“Sino ba yan?” Tanong ni Jaejoong at kinainan ang pagkain ni Jaemin.

“Si Yixing ng EXO.” Sagot ni Nijin.

“Yan ba yung Chinese na may pink hair?” Tanong ni Jaejoong.

“Si Luhan yun, si Yixing yung may cute na dimples.” Ngisi ni Jaemin tapos pinakita ang picture ni Yixing mula sa photoshoot sa airline company nila.

“Kung kinikilig, crush mo?” Tanong ni Jaejoong kay Jaemin na parang nang-gigigil habang nakatingin sa picture.

“Hindi pero yung katabi niyang mukhang siopao, oo.” Kinikilig na sagot ni Jaemin na ikinatuwa nung dalawang pamangkin. Minsan lang nila makita ang tita kambal nilang kiligin o maging bata lalo na kung kasama si tito Jae nila. “Ang cute talaga ni monay ko..”

 “Kung maka-monay ito,.. Going back to Nijin, since sa kanyang moment ito.” Sabi ni Jaejoong na nidivert ang attention mula sa crush ng crush niya, “Anong problema at nakamukmok ka?”

“Kasi Tito, etong si Yixing nagconfess kay Nijin kanina. Tinanong kung pwede ba siyang manligaw tapos sinagot naman ni Nijin na pag-iisipan muna niya.” Sagot ni Hanuel para kay Nijin, “tingin kasi ni Nijin di sila pwede kasi sikat si Yixing.”

“At ikaw hindi?” Agad tumingin si Jaejoong kay Nijin, “Mas sikat ka kaya.”

“Tito naman eh!” Reklamo ni Nijin, “pareho lang kayo ni Hanuel!”

“Wag mong daanin sa estado kasi, ano naman kung sikat siya? Hindi na siya pwedeng magmahal? Dahil ba yan sa mga fangirls niya? Eh kung titignan wala silang magawa kung mahal ka nung bias nila.” Sabi ni Jaejoong.

“Naman Tito! Bumabias-bias na ah!” Kutya ni Hanuel, “naks naman! Nakakarelate na!”

“Syempre, di naman ako ganyan ka-tanda para di alam ang mga ganyan.” Pagmamalaki ni Jaejoong.

“Talaga lang ah!” Nakakalokong ngisi ni Jaemin na nakatingin kay Jaejoong.

“Try me,” kampanteng sagot ng binata.

“Ano ang ibig sabihin ng OTP?” Tanong ni Jaemin.

“OTP? Ano yun?” Tanong ni Jaejoong at napakamot ulo.

Nilapag ni Nijin ang kanyang tablet sa harap ni Jaejoong, “tito, etong tablet, magresearch ka.”

 

______________________________________________

Habang busy sa pagkukulitan ang mag-tita at si Jaejoong, di nila napansin na may pumasok sa coffee shop at tinawag si Jaemin.

“Jaemin!”

Agad namang nagsilingunan ang apat at si Jaejoong ay halatang ayaw ang nakikita ng mga mata niya.

“Oh, Henry, ang aga mo naman ata?” Nakangiting sabi ni Jaemin at tumayo para daluhan ang binata. Pinalapit niya ito sa table kung saan sila nakaupo. “Nga pala, Henry, eto nga pala sila Nijin at Haneul, mga pamangkin ko. Si Haneul ang anak ni kuya Hae tapos si Nijin anak ni kuya Seunghyun.” Nagpakilala naman si Henry ng pormal sa dalawang dalaga na todo kung maka-ngiti.

“Hi, I’m Henry Lau.” Sabay handshake sa dalawa.

“Ikaw ba yung chinese employee ni daddy?” Tanong ni Haneul, inaalala kung siya ba yung sinasabi ng ama nito na bet para sa tita nila.

“Ako nga yun.” Sagot naman ni Henry.

“Tita, sabay pala tayo magiging Chinese!” Tukso ni Nijin na ikinamula nila Jaemin at Henry.

“I don’t think na kailangan ko pa kayong i-introduce.” Sabi ni Jaemin na ang tinutukoy ay si Jaejoong. Parehong umiling ang dalawang binata at nagkamayan.

“Punta na tayo o gusto mo pang mag-chill dito? I don’t mind.” Sabi ni Henry habang nakatingin ni Jaemin na biglang namula ang pisngi.

“Si tita blushing!” tukso ng mga pamangkin na di ikinatuwa ni Jaejoong.

“Ikaw bahala, either way okay lang din.” Sagot ni Jaemin na tinanguan ni Henry, “pero medyo may hinahabol tayong time so I think we should go?”

Aabutin na sana ni Jaemin ang bag niya nang hinarangan naman ito ni Jaejoong.

“Jae, san kayo pupunta?” Tanong ni Jaejoong habang nakatingin kay Jaemin.

“Pupunta ng mall para tumingin ng bagong laptop.” Kaswal na sagot ng dalaga at itinabi ang kamay nito sabay kuha ng bag.

“ Eh paano itong dalawa?” Tanong ni Jaejoong sabay turo sa dalawang pamangkin.

“Ano ka ba, were not babies anymore para bantayan,”

“Time rin ni tita na makipag-date, wag yung parati sa bahay.”

Magsasalita na sana si Jaejoong nang nagsimula nang magpaalam si Jaemin sa kanila.

“Aalis na kami, see you later girls!”

“Mauuna na kami.” Sabi ni Henry na kinayawan ng mga dalaga.

“Have fun!” “Enjoy the rest of the day!” kaway nung dalawa at nung nawala na sila Jaemin at Henry ay agad naman nakatingin sa naiwang matanda sa harap nila.

“Bakit kayo ganyan makatingin?”

“Spill it tito Jae.”

“Spill what?”

“Don’t try to deny, halata kaya ang selos mo kanina.” Kutya ni Haneul at pareha kay Nijin, nakataas ang isang kilay nito.

“Ano bang pinagsasabi niyo, hindi ako--”

“Don’t lie to us tito,”

“I’m not--,”

“Yeah right, we know how you sabotage most of tita’s dates from the past.” Sabi ni Nijin at walang nagawa si Jaejoong kundi magmukmok.

“Halata ba?” Tanong ni Jaejoong at sabay ito tinanguan ng magpipinsan.

“Halatang halata, kung di mo lang siyang ni-friendzone nung nag-aaral kayo, malamang sa malamang happy fiesta na yang diwa mo.” Sabi ni Haneul .

“Baka kasi di kami magtagal kung naging kami.”

“Paano mo naman malalaman iyan?”

“Huh?”

Bumugtong-hininga si Haneul, “tito, takot ka kasi baka magkasiraan kayo, naiintindihan naming yun. Pero ang tanong eh kung paano mo malalaman kung para kayo sa isa’t isa o hindi kung di ka sumugal diba?”

“As much as gusto kita tito para kay tita kambal, parang mas bet ko pa si tito Minseok.” Prangkang sagot ni Nijin.

“Kung ganyan ka nang ganyan, mauunahan ka.”

“Bakit? May nakapila ba?”

“Ay nako tito, pati studyante ni Tita kambal halatang may crush sabi ni Shiwon!”

“Papano nga ba?”

 

____________________________________________

“Bakit tayo nandito?” Tanong ni Sungjee nang napansin niya na nasa Arts department sila ni Jungkook. Nagpasama kasi ang binata since ayaw daw niyang dumugin ng mga fans kung saka-sakali. Aayaw sana si Sungjee pero wala na siyang nagawa kasi nahila na ito mula sa kinakatayuan niya. Matapos nung post ni Jungkook sa SNS na kasama siya, feeling niya anytime ay D-day na niya.

“Nandito kasi sila Namjoon hyung kumuha ng short-term course.” Sagot ng binata.

Naglalakad sila nang biglang nag-ring ang bell, dismissal na kung kaya’t maraming mga estudyanteng nasa hallway.

“Teka, san ba banda yung classroom nila?” Tanong ni Sungjee na halatang tamad maglakad.

“Di ako sigurado--,”

“Naglalakad na tayo dito mahigit sampung minuto pero di mo pala kabisado ang room nila?”

“Di naman sa ganun, minsan lang kasi akong pumupunta dito.” Sagot ni Jungkook, “Uy, galit na ang Miss Muffin ko.”

Aminadong kahit naiinis, kinikilig pa rin si Sungjee dahil sa ‘endearment’ kuno nilang magkaibigan. ‘Ano ba ito! Di kami pero kung makabigay ng petname, parang si Tita Jaemin at Xiumin lang ah!’

Tilang nagkaroon ng sariling mundo si Sungjee dahil sa kilig na nararamdaman, di tuloy niya namalayang may nakabungo siya.

“Uy NOONA!”

“ANO?”

“Nabunggo mo oh, tulungan mo naman.” Sabi ni Jungkook at agad nilang tinulungan yung estudyante sa pagpulot ng mga papel na nasa sahig.

“Eto na yung mga papel mo oh,” sabay sabi ni Sungjee at inabot ang papel sa binata.

“Salamat Sungjee.” Nakangising sabi ng lalaki at natulala naman ang munting bida.

‘OH NO! THIS CAN’T BE! NANDITO SIYA?’ “Ahem.. wala yun,” pa-cool sabay smile ni Sungjee sa binata.

“Sino siya?” Tanong ni Jungkook nang nakalapit kany Sungjee at sa binata, “Noona, pakilala mo naman ako.”

“uhmmm…”

“Hi, ako pala si Jungkook, kaklase ko si Sungjee sa Culinary Arts.” Ngising sabi  ng binata.

“Mark Tuan, Arts Department.” Naka-ngising sagot ni Mark. Nang natapos ang maikling intro ay nagpaalam na si Mark sa kanila at naunang umalis.

 

“Noona, noona?” Kaway ni Jungkook kay Sungjee pero mismong tulala pa rin si Sungjee. “Miss muffin ko, okay ka lang?”

“Jungkook! Kinausap niya ako!” Halatang kinikilig si Sungjee na medyo napakunot si Jungkook.

“Oo, kita ko. Bakit parang kinuryentehan ka ng isang milyong volts ngayon?” Tanong ni Jungkook na nakangisi, “crush mo no?” pabirong tanong nito.

“Higit pa sa crush, first love ko yuuuuun!” Masayang sabi ni Sungjee at nagsimulang nalakad. “Ang saya ng buhay! Nakita ko ang buhay kooo!”

“Tsk.” Nakasimangot na sagot ni Jungkook habang nakatingin kay Sungjee, “mas gwapo pa ako nun.”

“Pero mas matalino naman si Mark oppa.”

 

__________________________________________

“Ba’t parang atat ka at gusto mong makipagkita bigla? Something’s wrong?” Tanong ni Yenne kay Luhan nang nakaupo sila sa bakanteng upunan ng restaurant. Mabuti nalang at patapos na ang trabaho si Yenne nang nagbalak na makipagkita dito. Buti nalang at walang after-work errands ang dalaga at dali-daling nakipagkita sa binata.

“Si Myungsoo, tinanong ako nung nagdinner tayo kasama sila ni Riseu.”

“Anong tinanong?”

“Yenne, nagpapatulong siya sap ag-akyat ng ligaw kay Riseu.”

“Edi madali lang yan, say no.”

Walang imik si Luhan.

Isang minuto..

Dalawang minuto..

Limang minuto…

Limang minutong katahimikan nang di nagsalita si Luhan. Swerte ni  Yenne at nakatagal siya kahit papaano sa katahimikang iyon pero nagtaka naman sa ekspresyon ni Luhan. “Luhan?”

“Ano?”

“Isang tanong, isang sagot. Ni-reject mo si Myungsoo, tama?”

Walang imik na naman. Dahil dito nanlaki ang mata ni Yenne, “PUMAYAG KA?”

Tila parang hotseat si Yenne in an instant at lahat ng mga mata’y nakatingin sa kanya dahil sa sigaw na ginawa niya kanina. Agad na umayos si Yenne at tumingin kay Luhan, “Are you insane?”

“Sinabi ko na, di ko na mababawi?”

“Pero bakit?”

“Dahil kita kong masaya si Riseu kasama si Myungsoo.”

“Yun lang?”

“May iba pa ba dapat?”

“Have you tried confessing?” Tanong ni Yenne ngunit natawa si Luhan ng pilit.

“And why would I do that? Masaya si Riseu kasama nang crush niya-,”

“Pero naisip mo bang baka sasaya rin siya sa iyo?”

“Ayaw kong sumugal.”

“Bakit naman?”

“Kasi ayaw kong alisin ang tiwala niya sa akin.

 

___________________________________

Chapter 15 updated!

 Took me a while to update. Sorry for the short update.

Sana nagustuhan niyo though :)

 

 

<3 missdauxian

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
uikaxxlockheart
#1
Chapter 16: Nag-backread dahil naaliw!
uikaxxlockheart
#2
Chapter 15: Iisipin ko na birthday gift mo ito saken 'te
uikaxxlockheart
#3
Chapter 15: Wait lang shemay nagbabanyo pa ako emerged ate!!!!! You updated! Hart hart
uikaxxlockheart
#4
Nami-miss ko to. :(
uikaxxlockheart
#5
Chapter 14: Why am I shipping the maknae line with Yunhee? /facepalm.

Pero HeeMyeon talaga.O(∩_∩)O

Eh tapos authentic HunHan! *^o^*

Yaaay napasaya ako ng chap na to. The best!
RiCa1826 #6
Chapter 14: Ang cute ni Yunhee. HAHAHAHA sarap sapakin xD
tapos kinilig ako ng slight nung pinaligiran siya ng maknae line. Wala lang kasi ang cute nung maknae line ang sarap nilang i-squish

Bet ko din yung tandem ng Yunhee+Maknae line since si Yunhee halos kasing edad lang nila, para lang silang magbabarkada at magakakapatid na nagbabangayan lol

Shiwon and Hanbyul why. HAHAHA. gamitin ba naman si Yunhee. pero okay lang keribels naman xD

TaoRis. Alam na this! XDDD
uikaxxlockheart
#7
Chapter 13: okay masungit talaga si Yenne. :))) Bara lang ng bara.

"ano bang nangayari sa buhay mo at ganyan ka nalang kaseryoso?" ---hahahaha madalas itanong to sa akin. :)))))

Pero 2min shipper ako huhuhu.

Shetttttt! may date ang LuYenne :))) <3 <3

Munggago ni Yi Fan lol. selos?

Kamusta ang MiMin. :)))) *eeeh di ako makapag-spazz gawa may YumiXing feels ako.* :))))

Meeeehhhh yung NaKai ang lande ples. :))))


Wuhuuuuuu ChenRa! ChenRa! ChenRa na yan!!!!! *_*

KookJee <3 <3 <3
Paninininini
#8
Chapter 13: love triangle na ituuu
heyitsbabyjoojoo
#9
Chapter 13: ATE APRIL I LOVE YOU!!! Kookie wag na taung mag pa ligoy ligoy pa please tau na oh ahahahahaha cge na!! Legit na eh!! Pede na!


Ahjumma haba ng hair mo sinasabi ko sau!
NaKai♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥ 5ever!

Pastry pa tawagan nmn ptfffahajsgajfoa!!! Kahit kanino na sa Kris oh basta akin c Jungkook mamahalin kita ng lubusan ate april!
bananamilk23
#10
Chapter 13: te, bukas na ako magcocomment... di ko pa nababasa ng buo eh... hehehehehe