Kalokohan

Ang bias kong bakla

 

 

“Tita Yenne, a—a—a---anong gina—ginagawa mo dito?” Tanong ni Kai na agad pumuti mula sa pagiging maitim nito. Namutla ang batang choco.

“Crush mo si Naru namin?” Tanong ni Yenne na nakapamewang. “Kaya ba palagi ka sa bahay kung bakante ka?”

“Ano, hi-hi-hindi naman sa ganoon. May hiniram ako kay Taemin.” Utal-utal na sagot ni Kai. Kilala nito ang mga tita nila Naru at Taemin at kahit sinasabi nilang kwela ang mga ito, di siya naniniwala. Kung marinig pa lang ang pangalan ng mga tita nila ay namumutla na ito, paano nalang kung magkaharap sila?

“WAAAAIIIIIIT!” Sigaw ni Sehun na akala mong referee ng isang boxing match. “Pwede pakiexplain muna kung anong nangyayari ngayon?”

Napabugtong-hininga lang si Yenne, di niya madigest ang nangyayari. Di pa nga natatapos ang araw ay puro kaweirduhan na ang nagyayari.

“Magkakilala kayo?” Tumango ang dalawa, “Paano?”

“Ano, siya ang tita nila Taemin hyung at Naru.” Agad sinagot ni Kai. “Kung walang ginagawa ay pumupunta ako sa kanila para makipaglaro ng video games kay Taemin, tapos…”

“Sumusulyap doon kay Naru?” Hulang dugtog ni Baekhyun at agad tumango si Kai.

“So Yenne pala ang pangalan mo?” Tanong ni Luhan at tumingin kay Yenne. “Nice name.”

“Salamat.” Ikling sagot ni Yenne. “Mukhang wala na akong gagawin pa dito kaya aalis na ako. Ipapaabot ko nalang kay Kai itong tshirt .” Paalam ni Yenne at nagsimulang naglakad papuntang pintuan.

“Tita!” Tawag ni Kai at lumingon si Yenne.

“Don’t worry, di ko sasabihin.” Ngiti ni Yenne. “Di ako kagaya nung tatay nun na nangengealam ng love life ng may love life.” Nagwink si Yenne sa binata at lumabas na ng tuluyan.

 

_______________________________________________________________

“Sungjee, nasan sila ate?” Tanong ni Yenne nang makarating sa stall ni Sungjee.

“Naglibot-libot kasama ni Daddy.” Sagot ni Sungjee habang nagliligpit. “Ba’t ka naka-EXO tshirt?”

“Eto ba?” Turo ni Yenne sa tshirt na nakabalandra ang pangalan ni Kris. “May nakabungo ako kanina, namantsahan damit ko.”

“Oh.. So Kris na all the way?” Tawa ni Sungjee.

“Bakit? Suko ka na?” Asar na tanong ni Yenne sa pamangkin. Pareho silang fan ng EXO at pareho nilang bias si Kris. Silang dalawa ang magkaramay everytime may mga balita na sangkot ang kanilang bias.

“Wala na akong pakialam sa kapre na iyon tita! Move on!” Sagot ni Sungjee at nagbigay ng cupcake sa tita niya.

“Talaga? Balita ko galing iyon dito at bumili ng cupcake mo?” Asar ulit ng tita sa pamangkin.

“Ang kulit mo, alam mo yun?”

“Runs in the blood..” Ngiti ni Yenne.

Umupo si Sungjee tabi ni Yenne at huminga ng malalim bago magsalita. “Oo, pumunta siya dito tapos bumili ng cupcakes. Tapos…”

“Tapos ano?”

“Dumating sila Ate Haneul at Ate Nijin na kasama yung lokaret naming pinsan at walanghiyang binigay yung libro na puro mukha nila ni Kyungsoo.”

Tumawa si Yenne nang naalala ang tamemeng mukha ni Kyungsoo. “I saw the book, tameme si Kyungsoo.”

Nanlaki ang mata ni Sungjee. “Talaga?”

Tumango lang si Yenne at walang balak maglihim sa nangyari pwera lang dun sa rebelasyon ni Kai. “Galing akong backstage. Nabunggo ako ni Luhan kanina tapos natapon yung pagkain niya sa damit ko habang hinahabol nung mga fans niya.”Nikwento ni Yenne ang nangyari mula sa pahkabungo hanggang sa pagtanong ni Kyungsoo kung sino yung ‘future niya’.

“Talaga tita? Ang swerte mo!” Tuwang-tuwa si Sungjee para sa tita. “Naaaks! Di lang si Kai ang kilala mo kung ganun.”

Tumango ulit si Yenne. “Pero parang may something eh.”

“Something? Anong something?” Tanong mula sa harap nila. Tumingin ang dalawa at nakita sina Ahra at Minho magkasama.

“Hi Sungjee!” Bati ni Minho kay Sungjee at nagbigay ng cotton candy.

“Wow! Galante! Libre ‘toh ah!” Sabi ni Sungjee matapos abutin ang pagkalaki-laking cotton candy. “Naks Ahjumma! Haba nang hair ah!”

Namula si Ahra pero keri pang makipagsagutan kay Sungjee. “Mamili ka, magpapasalamat ka or ihilamos mo yang cotton candy na yan sa mukha mo?” Umupo sila ni Minho at tumingin ang kay Yenne. “Ano yung something na yan na pinag-uusapan ninyo?”

“Nameet ni Tita si LUHAAAAAAAN!” Excited na pagkakasabi ni Sungjee.

“Talaga? Saan? Paano? Kelan? I need details!” Sunod-sunod na tanong ni Ahra na pigil kilig dahil nasa tabi si Minho.

Nagkwento ulit  si Yenne hanggang umabot sila dun sa libro ni Shiwon.

“Kahit kelan talaga ang kapal-kapal ng mukha nang batang iyon. Di fan ang tawag diyan sa kanya, creeper!” Komento ni Ahra sabay kagat ng burger niya.

Agad naman pinahiran ni Minho ang gilid ni Ahra, doon banda sa labi niya. Nagulat si Ahra at tumingin kay Minho.

“Ano kasi…” Paninimula ni Minho.

“May ketchup ka sa gilid kaya niya ginawa yun. HAAAAAAY NAKU! MGA TAO NGA NAMAN! DUMADAMOOOOVES!” Singit ni Sungjee at tumayo na.

Namula sina Ahra at Minho at napatawa lang si Yenne sa asal ng pamangkin.

“Malapit nang 7pm, tara na Sungjee!” Tawag ni Yenne kay Sungjee habang tinext ang Ate Jaemin niya. “Kayong dalawa tama na ‘yang hiya-hiya ninyo, tayo na!”

 

________________________________________________________________

 

Nakaupo ang pamilyang  Song-Lee sa first row. Syempre, nasa gitna si Joongki at Donghae, ready to cheer sa kanilang mga dalaga habang si Seungheon napagitnaan ng dalawa nitong mga anak. Si Jaemin naman napagitna nila Jaejoong at Henry, pano nangyari yun? Tanungin mo sa tatlong mokong.

“Tay, wala si Tito kambal?” Tanong ni Nijin sa tatay Seungheon niya. Tito kambal at Tita kambal ang petname ng magpipinsan kanila Gikwang at Jaemin dahil sa tawag naman ni Jaemin sa kakambal ay kuya kambal.

“Parating pa. Katatapos lang sa practice nila.” Sagot ni Seungheon. “Bakit?”

“Namimiss ko siya. Minsan lang dumalaw sa bahay eh.” Sagot ni Nijin, sadyang close kasi ito sa tito.

“Tay, ate, shhhhhh!” Saway ni Shiwon sa mag-ama. “Tahimik kasi magsisimula na!”

“Anong magsisimula? Eh may 30 minutes pa bago magsimula ang program.” Sagot ni Nijin sa kapatid. “Masyado ka lang excited!”

“Oo! Si Dodong ko live in action na yan eh!Totoong-totoo na! Susunggaban ko nalang mamaya!” Ngisi ni Shiwon. “Sana nakita niya yung libro na binigay ko.”

“Kitang-kita, natameme pa.” Sagot ni Yenne at umupo katabi ni Shiwon kasama sina Sungjee, Ahra at Minho.

“TULUGULUNGUH!” Gigil ni Shiwon at nagsimulang kiligin.

“Anong libro yan?” Tanong ni Seungheon.

“Photoshop pictures niya na ginawa na may mukha niya at ni Kyungsoo, nicompile at binigay kay Kyungsoo ng EXO.” Sabi ni Yenne kay Seungheon. Napataas ang kilay ni kuya eldest at tinignan ang anak.

“I LOVE YOU TATAY SEUNGHEON! IKAW ANG PINAKABEST INVESTIGATOR SLASH HUSBAND SLASH TATAY SLASH TITO SLASH FRIEND SLASH SANTA CLAUS SLASH IDEAL MAN SLASH PRINCE CHARMING SLA-,” palambing na sabi ni Shiwon sa ama para di mapagalitan pero napahinto lang ito.

“You, me, bahay,later.” Yun lang at tumingin ang ama sa stage.

“LAGOT KA!” Asar nila kay Shiwon.

 

 

“Good evening--!” Bati ni Haneul  as isa sa mga EMCEE ng program pero naputol ito matapos sumigaw ang kanyang five years old slash mental retarded na tatay.

“ANAK KO YAAAAAAN! GO LEE HANEUL!” sigaw ni Donghae with matching banner na walang hiyang niwagayway sa buong madla. Picture yun ni Haneul kasama ang ama na mala-model kung umasta at may nakalagay pang “LEE HANEUL FOR THE WIN!” Napa-facepalm naman ang mga kasama sa ginawa ni Donghae.

“Dad! Nakakahiya ka!” Reklamo ni Taemin sa tatay at agad umalis sa tabi niya.

Namula si Haneul  sa ginawa nang ama at agad tinapos ang line. Nang matapos ito, agad nagpaalam sa madla at pumasok sa backstage.

“H’wag kang tumawa, nakakahiya.” Sabi ni Haneul  nang maabutan si Naru na pumipigil nang tawa.

“HAHAHAHAHAHAHA! OMG! TITO HAE IS THE BEST!” Di nakayanan ni Naru at pinakawalan ang tawang pilit niyang itinatago. Nakaw atensyon ito sa mga crew sa backstage pati na ang guest for the night na EXO.

 

“Ang ganda naman niya hyung!” Sabi ni Baekhyun nang tumingin sa dalawang dalaga.

“Wag si Naru, akin siya!” parang Insidious lang nang nagsalita si Kai malapit kay Baekhyun.

“Saan ba diyan si Naru?” Tanong nila Tao at tinignan din ang dalawang lalaki.

“Yung mahabang buhok na cute na mala-anghel kung tumawa na naka-hyoyeon noona ang porma.” Kampanteng sabi ni Kai at ngumisi ulit, “ang cute niya noh?”

“Tawa ba yan ng anghel? Parang kampon ni Santanas ah!” Side comment ni Baekhyun. Tinitigan lang ito ni Kai at agad na nag-peace sign.

“Ooooohhhh!” Yun lang ang reaksyon ni Tao mula sa kanya.

“Hindi siya yung tinutukoy ko kaya safe siya.” Sabi ni Baekhyun, di pa rin inaalis ang titig sa dalaga. “Yung short hair na maputi rin na naka-maong shorts? Sino siya?”

“Ah, si Haneul  noona?” patukoy ni Kai at nakita nilang lumapit si Taemin at pinapaypayan si Hanuel. “Ate ni Taemin.”

 

“Noona! Ayos ka lang?” Tanong ni Taemin at pinapayan nito ang ate. “Si dad talaga maraming stunt na alam.”

“Okay lang yan ate, at least kitang kita na todo support si tito sa iyo diba?” di mapigilang tawa ni Naru.

Napa-pout lang si Hanuel at umupo sa bakanteng upuan. Tinawag ang dance group ni Naru at agad itong sumalang.

 

“Naru! Naru! Naru! NARU SARANGHAE!” Nakatayo at sumisigaw si Joongki habang nasa tapat niya na sumasayaw si Naru. Kahit na nakangiti at pinapamukha ni Naru na nag-eenjoy siya sa pagsayaw pero alam nila na nahihiya na ito at anytime sasabog na sa kahihiyang dala ng ama.

“Daddy! Umupo ka nga!” Saway ni Sungjee pero di paawat si Joongki, sinabayan pa naman ito nila Donghae at Seungheon. Napaface-palm ang mga anak pati na sina Yenne at Jaemin na nahihiya na sa pinanggagawa ng mga nakakatanda.

“Kahit kailan talaga panira ng moment yang mga kuya ninyo.” Reklamo ni Ahra na tumatawa.

Si Haneul at Taemin na nasa backstage nagtago nalang sa may sulok nang nakita nila ang pinangagawa ng tatay at mga tito nila. Nanood din ang EXO at nakita nila ang ginawa ng tatlong matanda. Kahit sila’y natatawa ay di maalis sa isip nila ang mamangha sa galing ng pag-sayaw ng mga ito.

Huminto si Daddy Joongki sa pagsasayaw at agad kinuha ang bouquet na para kay Naru.Hinila nito si  Sungjee pero di nagpahila si Sungjee. Binitiwan niya ito at nakita si Shiwon na nagtaas ng kamay.

“Tito! Punta ka ng backstage? Sama ako!” Pag-vovolunteer ni Shiwon. ‘Chance ko na makita si Dodong ko!’

 

Nang matapos si Naru sa pagsayaw ay kumaripas ito ng pagtakbo papuntang backstage kung saan nabunggo niya si Kai sa may papasok.

“Ang galing mo!” Sabi ng binata sa kanya pero kaysa ngumiti at nagpasalamat ay nakakunot ang noo nito at di pinansin si Jong In.

 

“CONGRATULATIONS!” Sigaw ni Joongki at sa akmang bibigay na niya ang bouquet ay tinitigan lang ito ni Naru.

“What was that all about?” Tanong ni Naru na nakapulupot ang mga kamay sa bandang dibdib nito.

“I’m just being supportive.” Nakangising sabi ni Joongki sa anak pero tinitigan lang ito. “Okay, sorry na. Eh sa super namangha ako sa galing mong sumayaw.”

Napabugtong hininga lang si Naru at tinanggap ang bulaklak. “Sa susunod na uulitin mo ito,”

“Mas malala pa ang gagawin ko.” Ngising sagot ni Joongki.

“DAD!” Inis na sabi ni Naru at pinalo ang bulaklak sa ama. “I hate you!”

“I love you too!” Patawang sabi ng ama at ginulo ang buhok nito.

 

“Kuya Taemin!” Sigaw ni Shiwon nang nakita si Taemin kasama ang friends nito.

“Uy, anong ginagawa mo dito?” Tanong ni Taemin kay Shiwon habang papalapit ito.

“Sinamahan si Tito Joong. Nasan ang EXO?” Tanong agad ni Shiwon habang palingon-lingon sa paligid.

“Mas hinanap mo pa ang EXO kaysa sa akin noh? Grabe naman toh oh!” Malungkot na sabi ni Taemin.

“Syempre, Dodong is a very important person.” Ngising sagot ni Shiwon.

“Ouch!” Sabay turo ni Taemin sa puso niya. “Mas importante ba ang crush kaysa sa pinsan?”

“UUUUUY! Selos ka noh?” Tulak ni Shiwon kay Taemin at nagtatawa. “Okay lang yan ‘insan.. Sa ganitong panahon, loyal ako kay Dodong ko kaysa sayo. HAHAHAHAHAH!”

 

May nakita si Baekhyun at agad na siniko si Chanyeol na nasa tabi nito. Tinignan ni Chanyeol si Baekhyun at sinundan ang tingin.

“Hyung! Magtago-tago ka na!” Saway ni Chanyeol kay Kyungsoo habang nakatanga lang sila sa backstage.

“Bakit?” Tanong ni Kyungsoo sa nakakabata habang inaayos ang sarili.

“Nandito yung creepy mong fangirl!” Mahinang sabi ni Baekhyun nang nakita na malapit lang sa radar nila si Shiwon na kausap ni Taemin.

Napahinto sa pag-aayos ni Kyungsoo at tumingin sa dalawa. “Itago ninyo ako!” Agad namang hinila ni DO si Xiumin at nagtago.

“Anong problema nun?” Tinuro nung dalawa ang nakitang babae. “Yung highschool fan mo yun diba?”

“SSSSSHHH!” Agad na saway ni Kyungsoo. “Nagmamakaawa ako, itago ninyo ako.”

Agad naman tinawag ng tatlo ang mga kasama para sabihin na may tinataguan si Kyungsoo.

 

“Kuya Taemin, nasan ba siya ah?” Tanong ni Shiwon habang pumapalayo ito at agad habol naman si Taemin sa kanya.

“Ano ba bunso! Bawal ka nga dito.” Saway ni Taemin kay Shiwon pero di ito nakikinig.

“Sige na kuya--, uy! Hi Kuya Jong In!” Kumaway si Shiwon nang nakita si Kai na nag-aayos ng buhok. “Gwapo natin ngayon ah!”

“Hi Shiwon! Ba’t ka nandito?” Tanong ni Kai na patuloy pa rin sa pag-aayos.

“Sinamahan si Tito para batiin si Ate Naru, kuya nasaan si Dodong?” Tanong ni Shiwon at agad reak naman ang buong EXO.

“Sinong Dodong?” Tanong ni Suho na katabi ni Kai.

“Si Dodong ko. Si Do Kyungsoo.” Nakangiti na sagot ni Shiwon habang tinitignan ang buong EXO. “Nasaan siya?”

“Lumabas sandali, nag-CR.” Kampanteng sagot ni Kai sa dalaga.

“Ganun ba?” Parang nanghinayang naman si Shiwon pero ngumiti pa rin.

“Shiwon, tana na sa labas. Kapag ito malaman ni tita Jaemin lagot ka sa kanya.”Hila ni Taemin sa kanya.

“Oo na. Pero sandali lang,” agad may kinukha sa bag si Shiwon at binigay kay Kai. “Kuya, pakibigay kay Kyungsoo ito oh.” May binigay na box sa kanya. “Sige na, alis na ako. Babye!”  Kumaway ito at umalis.

 

“Wala na ba?” Tanong ni Kyungsoo at sumilip sa paanan.

“Umalis na.” Sagot ni Kris at agad nagpatuloy ang mga ito sa pagready. Tumayo si Kyungsoo at huminga ng malalim.

“Traumatic experience ba talaga ang ginawa niya?” Tanong ni Kai sa kanya at binigay ang box. “Kwelang bata si Shiwon at sobrang masayahin. Ano bang ginawa niya at kung makatago ka eh parang isa siyang virus?”

“Dude, wala kang alam sa ginawa niya kanina.” Sabi ni Kyungsoo dito at tinanggap yung box.

“Alin doon? Yung book compilation ninyong dalawa?” Tumatawa nang sabihin ni Kai. Napalingon naman si Kyungsoo sa kanya. “Nakita ko na iyon, thrice ata. Winawagway niya iyon kung may bagong entry siya.”

Namutla agad si Kyungsoo sa sinasabi ni Kai.Malala na ata ang sakit nung batang iyon. Tinignan niya ang box and nagdadalawang-isip na ito’y buksan.

“Buksan mo na hyung, anong laman?” Lumapit ang lahat para tignan kung anong laman ang box.

Nanlalamig ang kamay ng binata, tama ba itong buksan niya? Etoh nah, bubuksan na in 5..4..3..2..

“WAAAAAG MUNA!” May boses babae na sumigaw mula sa kanilang likod at agad sila napatingin, nanlaki ang mga mata niya. Agad nanlamig at namutla ng tuluyan si Kyungsoo.

 

 

Si Shiwon na nakatakas sa mahigpit na hawak ni Taemin ay muling bumalik sa EXO. Nang bumalik ito ay nakita niyang namumutla si Kyungsoo at nanginginig na bubuksan ang kahon na binigay niya. Mas naghumaling ang loka sa binata dahil sa maputlang appearance nito. ‘Ang gwapo pa rin kahit papaano!’

 

“Buksan mo na hyung, anong laman?” Tanong nung isa nilang kasama, si Sehun at agad itong pinalibutan.

Ayan na bubuksan na! Pero ayaw naman nitong may ibang makakita kaya para mahinto ang nangyayari ay sumigaw ito.

“WAAAAAG MUNA!” Sigaw ni Shiwon at agad siya tinignan ng mga ito. Halatang nagulat ang mga ito sa kanya pero walang pakialam si Shiwon at lumapit kay Kyungsoo.

Napalunok si Kyungsoo habang tinitignan si Shiwon na lumalapit sa kanya, Akala ko ba wala na siya? Ba’t pa siya nandito? Debate ng binata sa isip niya habang patuloy ang paglapit ni Shiwon sa kanya.

“Alam kong nabibigla ka. Ako nga pala si Song Shiwon, Senior ng SM Academy. I may not be your #1 fan but you are my #1 idol in my heart.” Ngising sabi ng dalaga sa binata. “May konti lang akong hiling.” Sabay hawak nito sa kamay ng binata at sa box. “Wag mo munang buksan ang box na ito ngayon, mamaya na pagdating sa dorm ninyo. That is for your eyes only.” Hinila niya ito at hinalikan sa pisngi. “Yun lang, babye!” Kaway nito at tumakbo palayo sa grupo.

Natahimik ang lahat, nakatingin pa rin sa kawalan.

“Lakas ng fighting spirit!” Sabi ni Sehun.

“Nalilito ako kung creeper siya o hindi.” Komento ni Chen.

Napa-tap lang ang karamihan sa balikat ni Kyungsoo pero di pa rin makagalaw ang binata na nakahawak sa pisngi nito.

 

 

____________________________________________________

Chapter 4 is done!

Pagpasenyahan kung hanggang ngayon unang araw pa lang ang napag-uusapan, makakaraos din tayo!

Hahahhahaha! xD

Importante kasi ang first meeting kaya konting tiis na lang muna.

 

Subscribe and comment!

 

<3missdauxian

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
uikaxxlockheart
#1
Chapter 16: Nag-backread dahil naaliw!
uikaxxlockheart
#2
Chapter 15: Iisipin ko na birthday gift mo ito saken 'te
uikaxxlockheart
#3
Chapter 15: Wait lang shemay nagbabanyo pa ako emerged ate!!!!! You updated! Hart hart
uikaxxlockheart
#4
Nami-miss ko to. :(
uikaxxlockheart
#5
Chapter 14: Why am I shipping the maknae line with Yunhee? /facepalm.

Pero HeeMyeon talaga.O(∩_∩)O

Eh tapos authentic HunHan! *^o^*

Yaaay napasaya ako ng chap na to. The best!
RiCa1826 #6
Chapter 14: Ang cute ni Yunhee. HAHAHAHA sarap sapakin xD
tapos kinilig ako ng slight nung pinaligiran siya ng maknae line. Wala lang kasi ang cute nung maknae line ang sarap nilang i-squish

Bet ko din yung tandem ng Yunhee+Maknae line since si Yunhee halos kasing edad lang nila, para lang silang magbabarkada at magakakapatid na nagbabangayan lol

Shiwon and Hanbyul why. HAHAHA. gamitin ba naman si Yunhee. pero okay lang keribels naman xD

TaoRis. Alam na this! XDDD
uikaxxlockheart
#7
Chapter 13: okay masungit talaga si Yenne. :))) Bara lang ng bara.

"ano bang nangayari sa buhay mo at ganyan ka nalang kaseryoso?" ---hahahaha madalas itanong to sa akin. :)))))

Pero 2min shipper ako huhuhu.

Shetttttt! may date ang LuYenne :))) <3 <3

Munggago ni Yi Fan lol. selos?

Kamusta ang MiMin. :)))) *eeeh di ako makapag-spazz gawa may YumiXing feels ako.* :))))

Meeeehhhh yung NaKai ang lande ples. :))))


Wuhuuuuuu ChenRa! ChenRa! ChenRa na yan!!!!! *_*

KookJee <3 <3 <3
Paninininini
#8
Chapter 13: love triangle na ituuu
heyitsbabyjoojoo
#9
Chapter 13: ATE APRIL I LOVE YOU!!! Kookie wag na taung mag pa ligoy ligoy pa please tau na oh ahahahahaha cge na!! Legit na eh!! Pede na!


Ahjumma haba ng hair mo sinasabi ko sau!
NaKai♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥ 5ever!

Pastry pa tawagan nmn ptfffahajsgajfoa!!! Kahit kanino na sa Kris oh basta akin c Jungkook mamahalin kita ng lubusan ate april!
bananamilk23
#10
Chapter 13: te, bukas na ako magcocomment... di ko pa nababasa ng buo eh... hehehehehe