Katorpehan

Ang bias kong bakla

 

 

Naglalakad ang mga bata habang nakabuntot naman sa kanila at magkapatid na Joongki at Jaemin. Pinaglalaruan ni Joongki si Jaemin habang si Jaemin naman ay laging reklamo nang reklamo sa pinanggagawa ng kuya.

Bunso ito mula sa unang asawa ng mommy nila, ang eldest ay si Seungheon. Oo, second family na sila ng mommy nila pero di ibig sabihin nun na kabit ang daddy nila. Namatay sa aksidente si Mr.Song, CEO ng SongDae Airline company at nagmamay-ari ng pabrika ng pagkain, noon pagkatapos bumangga ang kanyang sinasakyan sa humaharurot na truck. Akala ng mommy nila na si Mr.Song ang last love na niya at di na tumingin sa ibang lalaki pero matapos ng  ilang taon ay nakilala niya si Mr. Lee, sikat na bachelor sa buong Korea at Japan, tanging tagapagmana ng Lee Industries na nagmamay-ari ng gasolinahan, Air and Land transportation company, Insurance company at isang pabrika ng toiletries. Nagpakasal ang dalawa at nabiyayaan ng apat na supling na sina Donghae, ang kambal na sina Gikwang at Jaemin at Yenne. Di kagaya na nababasa sa mga fairytales, masaya ang pagsasama ni Mr.Lee kanila Seungheon at Joongki at tinuri silang tunay na mga anak. Gayun din ang dalawa sa kanilang step father.

Kahit na magkaibang ama, close ang magkakapatid sa isa’t isa. Laging nagdadamayan sa saya at lungkot at kung may problema ang isa, full force ang lahat para tulungan lang ang kapatid. Ngayon na pare-parehong successful silang magkakapatid ay nandyan pa rin sila ready to assist ang isa’t isa.

 

“Ba’t ka kasi nandito?” Tanong ni Jaemin habang kinakain ang cotton candy na bigay ni Joongki.

“Tumawag si Sungjee last week, kasama daw sila Naru at Hanuel sa presentation ngayon kaya nandito ako. Full force para sa mga babies ko.” Ngisi ni Joongki habang tinitignan si Naru na nakikipag-usap sa isang binata na kasama ni Taemin simula kanina. “Jae, kilala mo ba yung pinapares ni Shiwon kay Naru?”

“Si Kim Jong In?” Tanong ni Jaemin at tinanguan naman ni Joongki. “Protective daddy ang peg?”

“Di naman since payag naman akong magkaroon ng boyfriend sina Naru at Sungjee basta di pinababayaan ang pag-aaral.” Sagot ni Joongki, “So, Kim Jong In pala, san sila nagkakilala?”

“Kaklase niya sa isang subject. Best friend siya ni Taemin pero minsan ko lang nakikitang pumupunta sa bahay.” Sagot ni Jaemin. “Hmmm, ay oo! Kasama siya sa grupong EXO. Sikat sila ngayon na group sa music industries.”

“I see. Di naman kaya sutil yan o ano? Ayaw kong may magpaiyak sa baby girl ko.” Sabi ni Joongki habang tinitignan maiigi ang binata.

“Akala ko ba payag ka? Ba’t overprotective ka ngayon?” Natatawa si Jaemin sa reaksyon ni Joongki. “Kung ako sa iyo, si Taemin ang tanungin mo since sila ang magkaibigan. Nga pala, si Kuya Hae? Ikaw nandito para panoorin si Naru. Si kuya ba may balak suportahan si Hanuel?”

“Sabay sila ni kuya pupunta dito.” Sagot ni Joongki.

“Si Kuya eldest pupunta dito? Bakit?” Tanong ni Jaemin. Di naman sa masamang pumunta ang panganay pero dahil sa siya ay Head ng NBI, magala lang kung makapamasyal at magsaya.

“Nabanggit kasi ni Shiwon na nandito daw crush ni Nijin kaya ichecheck ni Seungheon.” Sabi ni Joongki at nilagay ang isang daliri sa labi. “Pero secret lang natin yun. Walang alam sina Nijin at Shiwon pupunta dito si kuya.” Nakangising sabi niya at ginulo na naman ang buhok. “Teka, si bunso? Nasan siya?”

“Kasama daw si Ahra at Jaejoong oppa sa paglilibot. Di pa nga nagtetext eh.” Sagot ni Jaemin habang tinitignan yung cellphone.

“Si Jaejoong? Ba’t sila magkasama?” Tanong ni Joongki at tumingin kay Jaemin.

“Ewan. Di naman mahilig ng mga ganito yung si Jae eh.” Sagot ni Jaemin habang tumitingin sa paligid.

“First name basis ah!” Tukso ni Joongki sa nakakabatang kapatid. “Mag-iilang months na kayo?”

“Anong mag-iilang months? Di nga kami eh!” Patawang sagot ni Jaemin.

“Uuuuuuy~! Nanghihinayang!” Tukso ulit ni Joongki kay Jaemin. “Binasted mo?”

“Hindi.” Ikling sagot ni Jaemin.

“So, nanliligaw?” Tanong ni Joongki. Saktong sasagot na si Jaemin nang dumating ang pinag-uusapan.

“Hi!” Bati ni Jaejoong nang nakalapit kanila Joongki at Jaemin. “Kamusta?”

“Okay lang.” Ikling sagot ni Jaemin tapos humawak bigla kay Joongki.

“Pre, nanliligaw ka ba kay Jaemin namin?” Agad na tanong ni Joongki.

“Ah..eh.. ano..” Napakamot ang ulo si Jaejoong habang namumula ang tenga.

“See kuya? Kaya wag kang managinip at magsalita ng mga weird things.” Singit ni Jaemin at tumawa. “Pagpasensyahan mo na si kuya Joong Jae, medyo may topak kasi may umaaligid kay Naru ngayon.”

“Ah.. okay lang.” Sagot ni Jaejoong “Ah Jaemin,”

“Ano yun?” Tanong ni Jaemin at lumingon kay Jaejoong.

“Ano, yang.. uhmmm…” Magsasalita n asana si Jaejoong nang may sumingit.

“Jaemin!” Agad may tumawag sa likod at agad napalingon ang tatlo. Lumapit sina Seungheon, Donghae at isa pang lalaki kasama nila.

“Kuya! Nandyan na pala kayo!” Bati ni Joongki, nakangisi ni Jaemin nang nakita ang dalawang kuya.

“Anong nangyari sa kanya?” Tanong ni Seungheon habang tinuro ang katabi ni Jaemin. Nang nilingon ay nakita nilang namumutla si Jaejoong.

“Jae, okay ka lang?” Tanong ni  Jaemin kay Jaejoong.

“O..oo.” Pautal na sagot ni Jaejoong habang nakatingin sa tatlong lalaki. Napataas naman ng kilay si Jaemin.

“Jaemin, may ipapakilala ako sa iyo.” Tuwang sabi ni Donghae at pinalapit ang kaibigang katabi. “This is Henry Lau, kasama ko sa Insurance company.”

“I’m Henry, 24.” Pakilala ni Henry sa sarili at nilahad ang right hand sa harap ni Jaemin.

“Jaemin, 23.” Sagot ni Jaemin kay Henry.” Pwede ka bang kainin?”

“Bakit?” Takang tanong ni Henry.

“Kasi para kang mochi!” Patawang sagot ni Jaemin sa kanya. Natawa ang binata sa komento ng dalaga.

“Ay, si Kim Jaejoong din pala, CEO ng Kim Corporation. Kaklase ko nung highschool at college.” Banggit ni Donghae nang pinakilala nito si Jaejoong kay Henry.

“Henry pare.” Nakipag-kamay ito kay Jaejoong.

“Jaejoong.” Nakipagkamay rin at nagkatitigan. Ang hawak sa kamay ay humigpit.

This is competition’ nagtingin ang tatlong magkakapatid sabay ngisi.

 

____________________________________________________________

“May assignment ka na ba sa English?” Tanong ni Jong In kay Naru habang kasama nila ang mga pinsan nito.

“Yung interview? Oo, ininterview ko lang tito ko since siya kilala kong may koneksyon sa music industry.” Sagot ni Naru.

“Siya lang ba?” Tanong ni Jong In na sumimangot, “Bakit ako? Di mo ako kilala?”

Agad umiling si Naru, “Di naman sa ganoon, di kasi tayo friends.”

“Itong pagsama ko sa inyo, hindi ba ito friends?” Tanong ulit ni Jong In.

“Ano… uhmmmm,” Napaisip sandal si Naru, “teka muna, diba may performance ka ngayon?” Tumango lang si Kai, “Eh bakit ka nandito? Nandoon ka dapat sa back stage.”

Tumingin si Jong In sa paligid at tumingin nang ilang segundo sa mga kasama. Tumingin si Naru sa mga tinitignan at sa di inaasahang dahilan ay nakaramdam siya ng selos. Selos dahil sa nakita niyang tumingin si Jong In sa kanyang pinsan na si Nijin. Agad binalik ni Jong In ang tingin kay Naru na nakangisi. Pinalapit niya ang kanyang sarili kay Naru.

“Tumakas ako.” Ngising sagot ni Jong In.

Kesa tumawa dahil sa kalokohan na ginawa ni Jong In ay di magawa ni Naru. ‘Tumakas ba siya dahil kay Ate Nijin?’ tanong ni Naru sa sarili habang tinitignan si Jong In.

“Ba’t di ka makapagsalita?” Nakangiti pa rin si Jong In habang kinakausap si Naru. Tinignan niya ang dalaga at halatang di masaya ang dalaga, “Uy, galit ka ba sa ginawa ko? Ngayon lang naman eh, ginawa ko ‘toh para maging friends na tayo.”

Di mawala ang ngiti ni Jong In sa mukha niya. Sa mga oras na ito ay dapat lumukso na kahit konti lang si Naru kasi gusto makipagkaibigan ang crush niya. Pero kesa maging masaya ay kabaligtaran ang nangyayari.

Kahit malungkot, pilit niyang ngumiti sa kay Jong In. “Ganun ba? Sige,”

“So tinatanggap mo na ang pagkakaibigan natin?” Tanong ni Jong In.

“Sino bang hindi? Magiging kaibigan ko artista.” Ngumisi si Naru pero basa naman ni Jong In ang kalungkutan sa mga mata niya. Gusto niyang tanungin kung may problema ba ang dalaga dahil pagbabago nito. Di ito nasanay dahil ang Narung nakikita niya palagi ay masayahin at palangisi na dalaga, idagdag pa dito ang madaling magblush. Di niya nagawa dahil sa tinulak siya ni Naru, “Bumalik ka na doon! Mapapagalitan ka ng Manager niyo nyan eh!” Patawang sabi ni Naru.

“Sige, I’ll see you later sa backstage.” Tumango lang si Naru at nagpaalam na si Jong In.

“San punta ‘nun?” Tanong ni Nijin kay Naru.

“Pabalik sa lungga niya.” Sagot ni Naru habang nakangisi. Tumingin ulit siya sa dinaanan ni Jong In at kitang-kita niya ang pagtakbo ni Jong In palayo sa kanila.

‘Gusto mo ba talaga akong maging kaibigan o ginagawa mo lang akong daan para maging close sa kanya?’ Huminga ng malalim si Naru.

“Uy! NAMIMISS NA NIYA SI KAI!” Tukso ni Shiwon kay Naru. Tinukso naman nila si Naru, at tumawa lang si Naru.

“Ano ba kayo! Friends lang kami nun!” Sagot ni Naru habang nakatawa.

“UUUUUUUY! FRIENDS NA SILA!” Tukso ulit ng pasaway na Shiwon.

_____________________________________________________

“Eto muna suotin mo.” Inabot ni Luhan ang isang wolf shirt kay Yenne habang nakaupo ito sa sofa.

Tinignan ni Yenne ang t-shirt, ‘ang laki naman nito!’ reklamo niya at tinignan ang pangalan sa harap. “Kris?”

“Hyung, nasan yung t-shirt ko?” Agad na nagpakita si Kris habang kumakain ng cupcake. “Akin ba yan?” Turo nito sa hawak ni Yenne.

“Wala kasi akong makitang extra eh, sayo lang.” Pakamot na nakangisi si Luhan sa nakakabata. “Pahiram mo na muna Kris.”

Tumingin lang si Kris kay Yenne, Titig naman si Yenne kay Kris. Nagkatitigan ang dalawa na parang huminto ang buong mundo at sila lang ang tao nito..

“eksaktong 15 seconds!” Sigaw ni Chen at agad hiyawan ang madla. Mga lokong walang magawa sa buhay kundi magpagitna at tignan ang titigang ginawa ng dalawa.

Naputol naman ang titigan nila at napatayo si Yenne. “Uhmmm, pwede ko na ba ito hiramin?”

“Sige lang.” Sagot ni Kris kay Yenne at patuloy sa pagkain.

Papunta nang CR si Yenne para magpalit nang natigilan siya at tumingin sa nag-grugrupo sa gitna. “Teka lang, para saan yung 15 seconds?”

“15 seconds ang tagal ng titigan ninyo ni Kris hyung.” Natatawang sagot ni Chen.

“The Glare king meets his queen!” Komento naman ni Kyungsoo. Natawa naman ang lahat. Namula si Yenne at agad pumasok sa CR, agad naman nagkarosy cheeks si Kris at patay-mali na kumakain ng cupcakes.

 

“okay na ‘toh!” Sabi ni Yenne habang tinitignan ang sarili sa salamin. Medyo di niya feel ang sobrang laking tshirt sa kanyang black slux uniform. Pero mas okay na iyon at di siya nakapalda, “Paniguradong mukha akong weirdo kung ganun.” Tumingin ulit siya sa t-shirt na may Kris na nakalagay, automatic nagkablush-on ang mga pisngi nito dahil suot niya ang mismong t-shirt ng bias. “Jackpot! To think, di ito yung nabibili sa online shops at tiangge na wolf shirt.”

Inayos ni Yenne ang sarili at lumabas sa CR, naabutan niyang nagpalibot ang ibang members kay DO na may tinitignan na libro habang ang iba ay tawa lang nang tawa.

“Ahmm, pwede kong makuha bag ko?” Tanong niya at tinignan lang siya nang lahat. Napalunok ito at tumingin sa kanila. ‘This is awkward.’

Nag-give way naman ang iba at nang kukunin niya ang kanyang bag ay nakasilip siya sa librong tinitignan ng mga tao. ‘That book is familiar’, pero binale wala lang niya ito.

“GRABE! LAKAS NANG TAMA NIYAN SA IYO!” Tukso ni Chen kay Kyungsoo habang tulala naman ang inaasar sa mga perfect photoshop photos niya kasama ang misteryosong babae.

“MAY SASAENG FAN KA NA!” Nagpalakpakan sila dala asar sa binata.

“San mo ito nakuha hyung?” Tanong nito kay Kris na nakikipaglambingan kay Tao.

Tinignan ito ni Yenne at kahit nagbabasa siya at nanonood ng mga ay kabog ang feels niya makita ang isang live sa loob ng backstage. Napatingin si Tao sa kanya at kumaway lang. Nailang lang si Yenne.

“Hyung! Pakamot ng likod!” Pa-aegyo na sabi ni Tao at parang wala lang kay Kris na sumunod sa maknae ng EXO-M.

“Teka lang muna, hyung, sagutin mo ako. Saan mo ito nakuha?” Tanong ni Kyungsoo ulit kay Kris.

“Kanina nung bumili ako ng cupcakes. Magpipinsan yun, may isang high schooler na nagbigay nyan. Sabi niya galing yan sa future mo.” Sagot ni Kris na pilit na di tumawa. Napa-isip agad si Yenne nang narinig na high schooler.

“Ehem, Excuse me lang pero pwede tignan yung book na hawak mo?” Request ni Yenne na nasa harap na ni Kyungsoo.

“Bakit?” Tanong ni Yixing na nisca-scan ang libro. “Fan ba siya o ano? Bakit may foreigner na kasali?”

Napataas ang isang kilay ni Yenne. May naiisip siyang tao na pwedeng-pwede gumawa nito pero ayaw muna niya iconclude dahil baka may worst pa dun sa pamangkin niyang yun.

“Kung okay lang? May gusto lang akong iclarify.” Sabi ni Yenne at inabot naman ni Kyungsoo ang libro. Agad niyang tinignan ang bawat pahina nito at lalo lang siyang namumula sa kagagahan ng pamangkin.

“Ba’t umiba ang itsura mo, kilala mo ba siya?” Tanong ni Baekhyun na akmang sumisilip sa libro.

‘Kahit kelan talaga di na narunong mahiya! Manang-mana kay kuya eldest talaga! Humanda kang bata ka!’ Nagsimula nang umitim ang kanyang paningin dahil sa hiya at inis na ginawa ng bunsong pamangkin nito na si Song Shiwon.

“Miss 15 seconds? Kilala mo ba siya?” Tanong ni Baekhyun ulit sa kanya.

“Oo, kilala ko. Kilalang-kilala.” Sagot ni Yenne at binalik ang libro kay Kyungsoo. Napaupo nalang siya nang di oras sa tabi ni Yixing at agad naman nag-change position ang binata para makausap siya.

“Since kilala mo, mind as well tell us kung sino ang ‘future’ ni Kyungsoo?” Tanong ni Yixing na nakacrossed-legs.

“Pamangkin ko, si Shiwon. Senior na sa high school.” Napabugtong-hininga si Yenne at tumitig lang sa kawalan.

 

Agad naming nagbukas ang pintuan para makita si Kai na pawis na pawis pero nakangisi.

“San ka galing?” Tanong ni Suho habang hingal pa ang ang bagong dating.

“Dyan lang, nakipag-usap kay crush.” Sagot ni Kai na di pa rin naaalis ang mga ngisi sa mga labi. “Hyung! Magkasama kami kanina! Nag-usap kami!”

Nahiwagaan ang mga mukha ng mga nakakatandang EXO, sinong mag-aakala na ang bad boy ng EXO ay isa palang torpe? Tanging ang EXO lang nakakaalam nito kung kaya’t mas nagging interesado ang mga hyung nito, pati na ang maknae na si Sehun sa sinabing balita.

“Talaga lang ah? Ano naman pinag-usapan niyo? Ichika na yan!” Tili nila Chanyeol at Lay na agad napatingin si Yenne. ‘Eto ba yung mga kinalolokohan ni Nijin? Bakit parang …’

 “Nag-usap kami tungkol sa assignment.” Napakamot ng ulo si Kai na parang ewan na nahihiya na kinikilig. Natameme naman ang labing-isa.

“Nagtanong ka lang ng assignment?” Di makapaniwala si Sehun “Like, hi, may assignment ka na ba o anong assignment nito, ganyan? Ganun hyung?” Napatango naman ang binata at napapalo naman sa kanya-kanyang mga  noo ang mga hyung.

“Grabe naman! Bilib na talaga ako sa katorpehan mo bro!” Asar ni Minseok. “Ikain mo nalang yan.”

“Ano ba kayo! Think positive naman dyan!” Dipensa ni Luhan. “At least may improvement…”

“Di kagaya mo na lagging naninigas kapag nandyan ni RiSeu? Ganun ba yun?” Asar ni Minseok kay Luhan. “Nagsalita ang tatay ng torpe!”

“Ibang usapan na si RiSeu.” Sabi ni Luhan na nagpalamon sa sofa na inuupuan ni Yenne.

“Kaklase mo na nga, di mo pa maka-usap kahit pakikipag-kaibigan.” Napasandal lang si Kris sa kanyang upuan. “Ano pa?”

“Friends na kami.” Sagot ni Kai na bumalik ang ngiti sa mga labi. “At nagblush siya nung sinabi ko yun hyung!”

“Wow.Congrats.” Sarkastikong bati ni Kris. “Improvement nga yan.”

“Teka nga lang, ano bang pangalan nung kaklase mong crush mo?” Tanong ni Kyungsoo na nakikinig lang kay Kai.

“Ayoko nga sabihin, baka agawin niyo yun!” Sabi ni Kai na aktong may tinatago sa likod.

“Walang agawan, sino ba?” Tanong ni Kyungsoo.

“Humanda ka kung agawin mo siya! Maramot ako!” Sabi ni Kai na parang bata. Si Yenne ay nasa gilid, di napapansin ni Kai dahil sa natatakpan ito ni Yixing.

“Oo nga, walang kukuha nun sayo.” Sabi ni Kyungsoo na naiirita na kay Kai. “Anong pangalan?”

“Si Song Naru ng Journalism Department.” Napangiti si Kai na parang ang pangalang binanggit ay napakafragile.

“MAY GUSTO KA NARU!?” Napasigaw si Yenne at agad na tumayo.

Nanlaki ang mga mata ng binata nang namukhaan ang tita ng crush at kaibigan. “TITA YENNE!”

Lagot na!

 

_________________________

Chapter 3 updated!

Kunyari mabilis akong mag-update..hahahahha!

Yan lang muna. Back to work na eh.

 

Subscribe and Comment!

 

<3missdauxian

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
uikaxxlockheart
#1
Chapter 16: Nag-backread dahil naaliw!
uikaxxlockheart
#2
Chapter 15: Iisipin ko na birthday gift mo ito saken 'te
uikaxxlockheart
#3
Chapter 15: Wait lang shemay nagbabanyo pa ako emerged ate!!!!! You updated! Hart hart
uikaxxlockheart
#4
Nami-miss ko to. :(
uikaxxlockheart
#5
Chapter 14: Why am I shipping the maknae line with Yunhee? /facepalm.

Pero HeeMyeon talaga.O(∩_∩)O

Eh tapos authentic HunHan! *^o^*

Yaaay napasaya ako ng chap na to. The best!
RiCa1826 #6
Chapter 14: Ang cute ni Yunhee. HAHAHAHA sarap sapakin xD
tapos kinilig ako ng slight nung pinaligiran siya ng maknae line. Wala lang kasi ang cute nung maknae line ang sarap nilang i-squish

Bet ko din yung tandem ng Yunhee+Maknae line since si Yunhee halos kasing edad lang nila, para lang silang magbabarkada at magakakapatid na nagbabangayan lol

Shiwon and Hanbyul why. HAHAHA. gamitin ba naman si Yunhee. pero okay lang keribels naman xD

TaoRis. Alam na this! XDDD
uikaxxlockheart
#7
Chapter 13: okay masungit talaga si Yenne. :))) Bara lang ng bara.

"ano bang nangayari sa buhay mo at ganyan ka nalang kaseryoso?" ---hahahaha madalas itanong to sa akin. :)))))

Pero 2min shipper ako huhuhu.

Shetttttt! may date ang LuYenne :))) <3 <3

Munggago ni Yi Fan lol. selos?

Kamusta ang MiMin. :)))) *eeeh di ako makapag-spazz gawa may YumiXing feels ako.* :))))

Meeeehhhh yung NaKai ang lande ples. :))))


Wuhuuuuuu ChenRa! ChenRa! ChenRa na yan!!!!! *_*

KookJee <3 <3 <3
Paninininini
#8
Chapter 13: love triangle na ituuu
heyitsbabyjoojoo
#9
Chapter 13: ATE APRIL I LOVE YOU!!! Kookie wag na taung mag pa ligoy ligoy pa please tau na oh ahahahahaha cge na!! Legit na eh!! Pede na!


Ahjumma haba ng hair mo sinasabi ko sau!
NaKai♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥ 5ever!

Pastry pa tawagan nmn ptfffahajsgajfoa!!! Kahit kanino na sa Kris oh basta akin c Jungkook mamahalin kita ng lubusan ate april!
bananamilk23
#10
Chapter 13: te, bukas na ako magcocomment... di ko pa nababasa ng buo eh... hehehehehe