Pakiramdaman

Ang bias kong bakla

 

Takbo lang ng takbo sina RiSeu at LuHan sa kung saan man pwede nilang mapasukan kaya ang ending, nahiwalay sila sa tatlo.

“Teka lang LuHan! Ang sakit sakit na ng paa ko!” Sigaw ni RiSeu nang bigla itong huminto. Napatigil din sa Luhan at tinignan ang kasama.

Nagmadali itong buksan ang dalang bag at kinuha ang isang bote ng tubig at binigay kay RiSeu. Agad nitong tinanggap ng dalaga at ininom ang laman nito.

“Uy! Nagkiss na tayo!” Asar ni Luhan at agad naman naibuga ni RiSeu ang iniinom na tubig.

“Letche!” Agad na tinapon ni RiSeu ang bote ng tubig at nagsimulang maglakad palayo sa binata.

“Totoo naman Babe!” Sabi ni LuHan habang hinahabol si RiSeu. “Indirect kiss nga lang.” Ngisi nito at tinignan si RiSeu nung naabutan na ito.

“Che! Nakakainis ka talaga!” Reklamo ni RiSeu at di pinansin si LuHan.

“Bakit baa yaw mo sa akin?” Agad na nagdrama si LuHan sa harap ni RiSeu.

“Eh ba’t ka ba buntot nang buntot sa akin?” Inis na tanong ni RiSeu.

“Kasi gusto kita.” Yun lang at agad na kinuha ni Luhan ang kamay ni RiSeu nang makalabas sila sa iskinitang nadaanan nila.

 

Medyo nabigla at nailang si RiSeu sa ginawa ni Luhan, ang pagkasabi na gusto niya ito at paghawak ng kamay. Inisip nalang niya na nagbibiro si Luhan at tsaka pa napansin na sila lang ang magkasama.

“Nasan sila Chanyeol?” Tanong nito nang tumingin tingin sa paligid.

“Nahiwalay sa atin.” Yun lang at agad hinila ni Luhan ang kamay ng dalaga para tumawid sa daanan.

“You don’t really need to do this you know.” Sambit ni RiSeu habang patuloy pa rin sila sa paglakad. “I can walk by myself.”

“But what happens if fans sees us? Alangan ba naman iwan kita dito diba?” May point si Luhan kaya di na ito nakipagtalo.

Naglalakad ang dalawa nang may nakita si RiSeu. Agad nag 1000 megapixels zoom ang mata nito nang makita ang crush niya.

“Luhan, tago mo ako!” Agad na sabi nito at humarap kay Luhan

“Anong meron?” Tanong ni Luhan at tumingin-tingin sa paligid. “Tinataguan mo ang pinagkakautangan mo no?”

“Di ah!” Sapak nito sa likod ng binata. “Si Myungsoo nandito!” Mahinang sabi nito sabay silip kung saan nakita si Myungsoo.

“Talaga?” Titingin na sana si Luhan pero agad na kinuha ni RiSeu ang mukha nito gamit ang mga palad niya dahilan na sila’y magkatitigan.

‘Sheeems~! Anong ginagawa ko?’ Tanong ni RiSeu sa sarili niya habang tinititigan si Luhan. ‘Ang ganda naman ng mga mata ng kumag na ito!’

‘Yung puso ko! Ba’t kahit anong anggulo ang cute niya lalo na sa malapitan?’ Tanong naman ni Luhan sa sarili niya.

Magdadalawang minuto na silang nagkatitigan. Kung titignan sa malayuan, mismo ang mga tao nalulusaw sa ginagawa ng dalawa. Kung di lang nila ang relasyon ng dalawa, napagkamalan na nila itong magboyfriend-girlfriend dahil sa pag.P-PDA sa gitna ng daan.

‘Omg! Ang cute nila!’

‘Ang swerte naman ni girl!’

‘Si guy ang maswerte!’

 

“Luhan hyung?” Agad na nagkaiwasan ng titig ang dalawa at tumingin sa nagsalita. Si Luhan nakangisi, habang si RiSeu parang istatwa.

“Dongwoo! Kamusta?” Kaswal na tanong ni Luhan habang nakikipagkamay sa binata.

“Okay lang hyung.” Ngising sabi ni Dongwoo. “Di naming alam na nandito kayo ah, wala ba kayong mga schedule?”

Kaswal na nakikipag-usap si Dongwoo at Luhan habang si RiSeu ay nakatingin kay Myungsoo na busy sa kanyang cellphone. Sa pagtitig niya nito di niya napansin na kinakausap pala siya ni Myungsoo.

“Noona? Hello?”

“Huh?” Napatingin si RiSeu kay Myungsoo at tsaka pa niya napansin na kanina pa pala ito kinakausap.

“Okay ka lang ba?” Tanong ni Myungsoo sa kanya.

“Oo.” Namula si RiSeu at ang unang nakapansin nito ay si Luhan.

‘Siya? Siya ang gusto ni RiSeu?’ tanong ni Luhan sa sarili habang pinamamasdan nito ang dalawa. Totoong gusto niya si RiSeu at ang pagsabi nito sa kanya kanina ay alam niyang di seseryosohin ni RiSeu kasi nga malabong paniwalaan siya nito.

Kinakausap ni Myungsoo si RiSeu pero ang ginagawa lang ni RiSeu matapos sumagot ay mamula.

“Ang cute mo naman noona!” Agad na singgit ni Sungjong at mas lalong namula si RiSeu.

“Ah? Salamat.” Yun lang at nagtago ito sa likod ni Luhan.

“Ang cute naman talaga!” Ngising sabi ni Myungsoo.

Napatingin lang si Luhan kay Myungsoo. Kahit na ito’y nagseselos ay ngumiti lang ito sa binata.

“Aalis na kami. Hanap na kami ni Manager hyung.” Sabi ni Dongwoo at sila’y tuluyan nang umalis.

 

“Okay ka lang?” Tanong ni Luhan nang tumingin it okay RiSeu.

“Luhannie! Kinausap ako ni Myungsoo!” Sabi ni RiSeu na halatang nasa cloud nine pa.

“Oo. Utal ka lang sumagot. Kahiya ka.” Yun lang at nauna na itong maglakad.

“Pero still! Kinausap niya ako!” Ngising sabi ni RiSeu at hinabol si Luhan sa paglakad. “Since masaya ako, di kita aawayin.”

“Tss..”

“Libre pa kita ng bubble tea.” Sabay kuha nito sa kamay ng binata at agad pumasok sa isang bubble tea store.

‘Eh ako RiSeu? Kelan k aba magblublush dahil sa pinansin kita?’ Napabugtong hininga lang ang binata at pumasok sa bubble tea store.

_________________________________________________________

 

“Ano ba ‘to? Wala bang katapusang habulan ito? Di naman ganito kung lumalabas kami ni tito kambal ah!” Reklamo ni Nijin habang nakikipaghabulan ang mga fans kanila Yixing. ‘Note to self, never date a celebrity.’

Nakarating sila sa may iskinita na di naman nakakatakot kagaya sa mga palabas kung saan may hihila sa iyo anytime soon. Huminto sila sa pagtakbo at nagpaligsahan naman sa paghinga.

“Nasan sila noona at hyung?” Tanong ni Chanyeol nang napansin niya wala si RiSeu at Luhan.

“Baka tinakas ni hyung para makadate.” Biro ni Yixing at tumawa naman si Chanyeol.

“Nakakapagod yun ah!” Reklamo ni Nijin at umupo.

“Nijin right? Sinong tito kambal ang binanggit mo kanina?” Tanong ni Chanyeol sa dalaga. “May kilala kang celebrity kaysa sa amin?” Tumango lang si Nijin, “curious ako, sino?”

“Si..” Pero bago pa man niya ito nasagot ay may humila sa kanya. “Ano ba!”

“Maharot kang babae ka! Tinakas mo si Chanyeol oppa at Lay oppa mula sa amin!” Sigaw na pagkakasabi ng isang fangirl sa kanya.

“Anong maharot? Wag mo nga akong hilain!” Reklamo ni Nijin na naiinis na sa paghila ng buhok niya. Pinagtulungan siya ng mga ito at gumagawa naman ng paraan ang dalawang EXO members para maalis siya sa gulo pero mismo sila ay nahaharass sa mga fangirls nila.

“ARAAAAY!” Sigaw ni Nijin nang may kumalmot sa mukha niya. Bilang anak ng isang high ranking persecutor at black belter ng taekwondo at jujitsu, tingin ni Nijin kailangan na niyang lumaban. Sinimulan nyan pagbali-baliin ang mga kamay at binti ng mga babaeng tumawag sa kanyang maharot at dahil nito napanganga ang dalawang binata sa lakas ng dalaga. Syempre, Nijin is not the average college teen you see, she is Nijin the great!

Sipa dito, suntok doon, ilag dito, ilag doon. At nung sa tingin nya okay na, tsaka sila nakarinig ng siren sa paligid.

“Patay!” Alanganin na sigaw nila Yeol at Lay.

 

“Pangalan?”

“Song Nijin.”

“Edad.”

“nineteen.”

“Saan nakatira?”

“Ah sir, pwede magtanong?”

“Ano yun?”

“Makakaapekto po ba ito sa application for graduation ko?” Tanong ni Nijin sa officer-in-charge. Tapos na ininterview ang dalawa at ngayon turn na niya. Ang kinakatakutan niya ay kung di siya makagraduate dahil sa damay siya sa habulan blues at kapag malaman ng tatay nito.

“Kung matindi ang iyong kasalanan.” Sagot ng pulis habang kinukuha ang mga inpormasyon na kinakailangan. “Number ng magulang mo..”

“Po? Bakit niyo kailangan ang numero nila?””

“Para mareport sa kanila ang nangyari sa iyo.”

“Ah, pwede po iba nalang tawagan niyo? Paniguradong bibitayin ako ni tatay kung malaman niya ito.” Request ni Nijin at napaface-palm lang ang pulis. “Tsaka pwede po akong kumausap?” Napabugtong-hininga ang pulis at binigay ang telepono.

 

“Nijin, okay ka lang?” Nagsitayo ang binata nang bumalik si Nijin sa bench kung saan sila nakaupo. Tumango lang ang dalaga at umupo sa gitna nila.

“Sinong susundo sa inyo?” Tanong ni Nijin sa dalawa.

“Sina manager hyung.” Agad sagot ni Yixing. “Eh ikaw? Tatay mo ba?”

Umiling si Nijin. “Si lolo ang tinawagan ko.”

“Hindi ba mas nakakatakot kung grandparents mo ang makakaalam nito?” Tanong ni Chanyeol sa kanya.

“Cool si lolo, sana di nya ako pagalitan. Nakakahiya naman,” ngising sabi ni Nijin habang hinahawakan ang nakalmot niyang pisngi.

 

“Nijin?” May tumawag sa pangalan niya at agad nilang nakita si Gikwang ng BEAST.

“Tito kambal!”maluha-luha na tinawag ito ni Nijin at agad pumunta ito at hinawakan ang mukha ng pamangkin.

“Sinong may gawa nito sa iyo?” Seryosong tanong ni Gikwang.

“Mga fans po namin.” Sagot ni Yixing. “Sorry po kung nadamay naming si Nijin sir.”

“Magkakilala kayo?” Tanong ni Chanyeol na inaassess pa ang pangyayari.

“Tito ko siya,” sagot ni Nijin.

“Ni di ko nga pinapakealam ng media ang private life ko para di mapahamak ang pamangkin ko tapos ngayon makikita ko siyang may kalmot sa mukha gawa ng fans niyo!” Galit na sabi ni Gikwang habang tinitignan ang dalawa. “Sabihin niyo nga, paano niyo mababayaran yang ginawa nila sa kanya?”

“Ipapagamot namin?” Di siguradong sagot ni Yixing na mas lalong kinaiinisan ni Gikwang.

Agad na nagring ang cellphone ni Gikwang at pinabayaan muna ang tatlong bagets para sagutin ang tawag.

“Nakakatakot pala si Gikwang sunbae kung magalit.” Bulong ni Chanyeol sa dalawa at napangisi lang si Nijin.

“Syempre, love kami niyan eh.” Konpirmado ni Nijin.

Nang bumalik si Gikwang ay tinignan niya ang tatlo. “Kausap ko si dad, sinabi ko ako nang sumundo sa iyo. You’re going home with me. As for the two of you.” agad na tingin ni Gikwang sa dalawang EXO members, “matatagalan pa ang photoshoot ng mga kasama niyo kaya ihahatid ko nalang kayo sa dorm ninyo.”

 

“Nijin, masakit pa ba?” Alalang tanong ni Dongwoon kay Nijin habang pinapahiran ang pisngi nito ng gamot.

“Di na oppa.” Ngising sabi ni Nijin. “Kamusta ang performance?” Kaswal na tanong nito.

“Nabugbog ka na kanina tapos may gana ka pang ngumiti dyan, typical Nijin.” Napangising sabi ni Hyunseung sa pamangkin ng kaibigan.

“So, sino sa inyo ang may dahilan bakit nagkaganito ang pamangkin ko?” Seryosong tanong ni Gikwang at tinignan ang dalawang binata.

Agad na itinuro ni Chanyeol si Yixing sa takot sa matanda habang si Yixing ay napaawang tumingin kay Nijin.

“Di ko naman kasi inaasahan na ganitong mangyayari.” Sabi ni Yixing na di inaalis ang tingin kay Nijin. “Sorry Nijin.”

“Wag mo nang isipin yun, tapos na naman. Wala tayong magagawa.” Sagot ni Nijin at binaling ang tingin kay Chanyeol. “Ikaw Wisheart, okay ka lang ba?”

“Wisheart?” Parehong tanong nila Chanyeol at Yixing habang nakatingin kay Nijin.

“Ay sorry, I mean Chanyeol.” Pagkorek ni Nijin sa sarili. “Okay ka lang ba?”

“Ah, ano.. Okay lang naman ako..uhmmm..Noona.” Nahihiyang sagot ni Chanyeol with matching pamumula sa pisngi kasi tinawag siyang wisheart ng isang babae.

Ligid sa kaalaman ng dalawa, may isang lalaki sa gilid na nagseselos. Habang ang iba naman ay nagsitinginan at nagpupustahan na sa kanilang isip kung sino ang babagay sa dalaga.

 

“Dorm niyo na.” Nipark ng driver ng BEAST ang van sa tapat ng building kung saan naninirahan ang EXO.

“Sorry ulit sa nangyari Nijin.” Paumanhin ulit ni Yixing sa dalaga.

“Galos lang ‘toh, no biggie tabaxingxing!” ngiting pagkakasabi ni Nijin sa binata. Dahil dito nagpakita ang dimples ni Yixing sa kanya.

“Salamat sa hitch! Sa uulitin!” Maligayang sabi ni Chanyeol nang nakababa. “Bye Nijin! Sorry ulit sa abala sa inyo ni hyung.”

“Walang anuman—,” di pa natapos magsalita si Nijin ay agad na isinara ni Gikwang ang pintuan. “I’m not yet done saying goodbye tito.”

“That’s enough already. Aalis na tayo.” Sabi ni Gikwang at agad pinaandar ang sasakyan.

 

Meanwhile sa dalawang binata…

“Hyung, sorry kung naabala ko date ninyo.” Pakamot na sabi ni Chanyeol habang sinusundan si Yixing.

“Di mo naman talaga kasalanan iyon, kung tutuusin nadamay ka pa.” Sabi ni Yixing sa kanya.

“Pero at least ang sweet niya noh? Tinawag ka pa niyang tabaxingxing.” Ngiting sabi ni Yeol at nauna sa elevator.

“Pero mas sweet siya sayo, wisheart ka niya eh.” Bulong ni Yixing sa sarili.

“Anong sabi mo hyung?”

“Wala, tara na.”

 

________________________________________________________________

“Di na ba tayo aalis?” Tanong ni Shiwon sa lolo habang sinusundan sa paglakad.

“No need na. Pinuntahan na ni Gikwang ang ate mo.” Sagot ng matanda sa kanya. “I have a meeting 10 minutes from now.”

“Talaga? So pwede pa rin kaming magstay dito?” Ngising sabi ni Shiwon na gumagawa ng game plan sa pag-aakit kay Kyungsoo.

“Sure Wonnie, just promise me na wala kang gagawing kalokohan while they’re doing their job.” Ngising sabi ng lolo nito sa kanya.

“Sa akin lang? Eh sila ate? Walang pawarning man lang?” Simangot ni Shiwon.

“Sa attitude mo, alam na alam ko ang mga kilos mo.” Pang-aasar na sagot ng lolo at umalis na.

 

“Sungjee right?” Tanong ni Kris nang nakalapit siya sa dalaga na nasa snack table.

“Ako nga, bakit?” Mahinahong tanong ni Sungjee habang pumuputok ang diwa niya. ‘OMG! He remembers my name!’

“Just trying to remember if I got your name right,” ngising sabi ni Kris sa kanya, “ikaw yung gumawa nung angry bird cupcake diba?”

“Ako nga, bakit? Masama bang lasa? Di masarap?” Sunud-sunod na tanong ni Sungjee na lihim na ikinatuwa ni Kris. ‘Di pa nga ako ganap na baker, nakafood poison na ako!’

“Ang cute mong mataranta,” natatawang sabi ni Kris at agad napahinto ang dalaga at namula. “Don’t worry masarap yung cupcakes mo. Actually—,” Napakagat-labi si Kris na agad nakita ni Sungjee.

‘This is sooo wrong! Don’t fall for it Sungjee! Wrong timing naman o!h’ Nasa isip ni Sungjee habang ang mata ay nakatutok lang kay Kris.

“Okay ka lang?” Tanong nito nang uminom ng tubig mula sa water bottle. Nanlaki ang mga mata ni Sungjee nang nakita niya pano binuksan, inangat at ininom ng binata ang tubig mula rito at aminin man o hindi, nanimbalot ang balahibo nito sa sobrang feels.

“Alam mo yung feeling na gusto mo maging water bottle nalang?” Napa-isip si Sungjee habang pinapanood pa rin si Kris.

“Hindi, bakit ko naman gugustuhin maging water bottle?” Agad na sagot ni Kris sa kanya.

Nanlaki ang mata ni Sungjee nang narinig nito ang sinabi ni Kris. “ANO??”

“Kako ba’t ko naman gusto maging water bottle?” Ulit na sinabi ni Kris at tinignan siya. “Ba’t mo naman naisip yun?”

“Ah, wala naman.” Agad lingi ni Sungjee at kumuha ng tubig at ininom nito. ‘Gosh! Muntik na ako ‘dun ah!’

“You’re weird.” Ngising sabi ni Kris sa kanya.

“Hah?” Agad tingin ulit ni Sungjee sa binata. “Weird ako?”

Tumango naman ito at ginulo ang buhok, “Good kind of weird.” Ngiti nito sa kanya, “ah nga pala.. Regarding ulit sa cupcakes, do you take orders?”

“Kung may oorder, bakit?” Tanong ni Sungjee na napakunot noo.

“Gusto ko sanang umorder ng cupcakes mo. Masarap siya, not too sweet, just right. Pwede ba?” Tanong ni Kris sa kanya at tumango lang ito. “Cool, can I have your number then?” Agad kinuha niya ang phone mula sa bulsa at binigay kay Sungjee.

‘This is not against the rule naman din diba?’ Nasa isip ni Sungjee habang nakikipag-usap sa sarili kung kukunin ba o hindi ang cellphone ng binata. “Bahala na!” Agad kinuha ni Sungjee ang phone at nisave ang number nito sa phone niya.

“KRIS! IKAW NA!” Sigaw ng isang manager ng EXO at sumenyas si Kris na papunta na.

“Thanks! I’ll text you tonight!” Ngising sabi ni Kris, sabay gulo ng buhok ni Sungjee at umalis.

Nang nakaalis ay agad nagpakawala ang dalaga ng malalim na hininga at kinabog-kabog ang dibdib.

“Sungjee, nak? Okay ka lang?” Tanong ni Jaemin at hinawakan ang kamay, “sobrang lamig mo ah! Pinagpapawisan pa! Wala ka bang lagnat?”

“Tita, feeling ko lalagnatin ako sa nangyari ah.” Yun lang ang sagot ni Sungjee at agad umupo sa silyang bakante.

____________________________________________________________

“Hi!” Ngising bati ni Shiwon nang gumitna ito kay Chen at Kyungsoo na nag-uusap. Agad naman nanahimik ang dalawa nang nakaupo ito nang maayos. “Ay, ba’t kayo tumahimik? May nagdaan bang anghel?” Agad lingo-lingo nito at tumingin sa paligid. “wala naman ah--,” nang tumingin ito sa dalawa ay halatang di mapigilan ang tawa ni Chen kung kaya’t..

 

“HAHAHAHAHAHAHA!” With matching padyak ng paa si Chen at napatingin lang sa kanya sina Kyungsoo at Shiwon.

“Problema nito?” Tanong ni Shiwon habang turo kay Chen.

“Di ata naimom gamot niya.” Seryosong sabi ni Kyungsoo pero halatang nagbibiro. Nagtawanan ang dalawa sa ginawa ni Chen. “Uhmm, di mo ba pupuntahan mga pinsan mo?”

“Sawa na ako sa mukha ng mga yun kaya okay lang.” Ngising sabi ni Shiwon at tumingin kay Kyungsoo. “HIIIIII~! Ako ulit si Song Shiwon!”

“Hi, Do Kyungsoo.” Pakilala ni Kyungsoo sa sarili. Kung titignan, mukhang normal lang makipag-usap ang binata sa dalaga pero ligid sa kaalaman nila ay nanlalamig na ang diwa nito at any time soon ay mamamatay na ito sa kaba.

“Gusto kong sabihin sayo na ang cute mo!” Walang hiyang-hiya na sinabi iyon ni Shiwon at kinurot ang pisngi.

“Hi! Ako si Kim Jongdae!” Natahimik na si Chen sa kakatawa at naisipan ipakilala ang sarili.

“Walang nagtatanong.” Yun lang at binalik ni Shiwon ang tingin kay Kyungsoo. “Oppa, nakita mo na ba gift ko sa iyo?”

“Hah? Anong gift?” Pagtataka ni Kyungsoo habang kinakamot ang ulo at inaalala ang bigay ng dalaga.

“Di mo natatandaan? Akala ko ba si Yixing tabatchoy lang ang makakalimutin?” Tanong ni Shiwon sa sarili at nag-isip.

‘Hindi ako gaya ni hyung na mas matanda pa ata kay Suho hyung kung makalimot.’ Sagot ni Kyungsoo pero syempre sa isip lang niya yun. “Yun ba yung manyika na malaking mata?”

Ngumisi si Shiwon na napakabungisngis at tumango. “Yun nga! Hindi yun basta manyika lang, ikaw yun!”

Natawa ng lalo si Chen na nakikinig sa usapan at napagulong-gulong sa sahig. “Siya yun?”

“Bakit ba? Anong problema dun?” Inis na tanong ni Shiwon na naiirita sa tawa ni Chen na pagkatakot-takot. Inirapan niya ito at tumingin uli kay Kyungsoo. “Nagustuhan mo ba?”

“Ah..eh--,” di makasagot si Kyungsoo at nag-iisip kung anong magandang isagot sa dalaga. Medyo creepy kasi yung ginawa niyang manyika na may pula-pula pa na nakita sa damit at katawan nito.

“Sana magustuhan mo yun. Nagkasugat-sugat pako ‘nun sa paggawa ko.” Pilit na pinakita ni Shiwon ang kanyang oh-so-pretty-and-lambot-na-may-sugat na pair of hands nito sa binata at agad na lumambot ang puso nito sa kanya. “Wala akong alam sa pananahi, nagpatulong ako kanila tita paano magpasok ng sinulid sa karayom at tamang pagtahi pero halatang fail yun. Nakalambitin ang isang binti eh.”

Kung kanina ay kabado siya at di alam ang isasagot, ngayon ay para siyang nanlambot at tinignan na may halong pagpapasalamat sa dalaga. “Okay lang yun, ang importante naman eh ang effort at oras na inilaan mo para doon.” Sagot nito kay Shiwon at tinapik ang balikat nito.

Natulala si Shiwon at parang nanigas sa kinauupuan nito. Nataranta naman si Kyungsoo sa di paggalaw ng dalaga.

“Alaka Kyungsoo! Anong ginawa mo at nagkaganyan yan?”

“Wala. Nagpasalamat lang ako!” Sagot ni Kyungsoo at niwagyway ang kamay sa harap ng dalaga. “Shiwon, okay ka lang? Uy!” Niyugyog niya ito at agad bumalik sa katinuan ang dalaga.

“OMG! TINAPIK AKO NI DODONG!” Sigaw nito na may halo na kilig at nagtabon ng mukha na parang ewan.

Nagtinginan ang mga tao lalo na ang mga pinsan nito pero wala siyang pakialam. “EEEEE—,”

“No spazzing!” Sigaw ni Sungjee sa kanya.

“No chitchatting!” Sagot nito nang nakita na katabi nito sina Tao at Suho.

At dahil dito nagsimula na naman ang bangayan ng magpipinsan. Sigaw dito, sigaw diyan, Asaran dito, asaran diyan to the extent na pumutok ang Mount Fuji ng Japan.

“MAGSITIGIL NGA KAYOOOOO!” Sigaw ni Naru na kanina pa naaalibadbaran sa sagutan ng dalawa. “Pakihanda nga yung dalawang poste!”

 

“Nakakatakot pala ang crush ni hyung” –Tao

“’wag natin lalapitan, masamang galitin.” –Xiumin

“Eh paano kung sabihin ni Kai na kakausapin natin siya?” –Baekhyun

“Eh di kausapin! Tapos!” –Suho

 

“Kayong dalawa magsitigil nga diyan!” Awat ni Naru sa dalawa at may hawak na tali.

“Ate! I promise! Magpapakabait na ako!” Apila ni Shiwon sabay luhod sa harap ng nakakatanda. “Susunod ako sa lahat ng utos nyo, wag lang itali sa poste habang tinitignan ni Dodong! Nakaka-turn off!”

“Pwes! Diba sabi sayo grounded ka? Kung di ka umalis ng bahay di ka sana nagmamakaawa ngayon.” SAbi ni Naru at tumingin naman kay Sungjee. “At ikaw namang bata ka, mas matanda ka dapat ikaw ang mature! Di ang ganito na kayong dalawa ang premature!”

“Eh ate!” Gustong umapila ni Sungjee pero di ito nabigyan ng pagkakataon.

“Time out kayong dalawa! On both ends!” Utos ni Naru at agad sumunod ang dalawa.

 

“Okay ka lang?” Tanong ni Tao nang nilapitan nito si Shiwon at nag-abot ng pagkain.

“Okay lang ako.” Sagot ni Shiwon at agad kinuha ang pagkain na inabot ni Tao. Nang kunin niya ito agad niyang napansin ang singsing na nasa pingky finger nito. ‘Bakit parang pamilyar?’

“Tao, ikaw na daw ulit ang kukunan.” Sabi ni Kris nang pinuntahan ng malapitan si Tao. Since si Residence CCTV ay laging on duty, may napansin ito kay Kris.

‘OMG! Pareho sila ng singsing at nasa pingky finger pa!’ “Ang cute naman!” Agad sabi ni Shiwon na nakangisi.

“Ang alin?” Tanong ni Kris nang paalis na si Tao.

“Kayong dalawa ni Tao oppa. Pareho kayo ng singsing at nakasuot ito sa pingky finger!” Nakangising sabi ni Shiwon. “ang close niyo talaga ‘noh?”

Agad naman nanigas si Kris sa sinabi at agad na nagpaalam na umalis.

“Problema ‘nun?” Tanong ni Shiwon habang kumagat ng pagkalaki-laki sa sandwich. ‘Pero nakakapanibago ah. Bakit sa pingky finger sinusuot ang singsing.’

“Ate Haneul!” Tawag nito nang makita si Haneul na dumaan.

“Yes Shiwon?” Agad lumapit si Haneul sa kanya. “May kailangan ka?”

“May tanong lang.” Sabay nguya sa kinakain niya. “Anong ibig sabihin kung ang couple rings sinuot sa pingky fingers?”

“Hmmm.. I’m not sure pero ang sabi nila same gender relationship daw.” Sagot ni Haneul dito. “Bakit?”

“Wala lang.” Ngisi sabi ni Shiwon. Umalis na si Haneul at patuloy sa paglamon ang ating little detective.

‘So ganun pala yun? Kung sa pingky fingers sinuot ang couple ring same gender relationship.’ “So since parehong suot nila Tao at Kris ang singsing, magkarelasyon sila. aaaahhh.” Sabay kain at lunok nito sa kinakain. Tapos ilang segundo pa tsaka naregister sa utak niya ang sinabi niya at nanlaki ang mata niya.

 

SI TAO AT KRIS MAY RELASYON?

 

___________________________


Chappy 8 updated! :)

I’m out of words right now.. xD

 

Subscribe, comment and upvote!

 

<3 misdauxian

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
uikaxxlockheart
#1
Chapter 16: Nag-backread dahil naaliw!
uikaxxlockheart
#2
Chapter 15: Iisipin ko na birthday gift mo ito saken 'te
uikaxxlockheart
#3
Chapter 15: Wait lang shemay nagbabanyo pa ako emerged ate!!!!! You updated! Hart hart
uikaxxlockheart
#4
Nami-miss ko to. :(
uikaxxlockheart
#5
Chapter 14: Why am I shipping the maknae line with Yunhee? /facepalm.

Pero HeeMyeon talaga.O(∩_∩)O

Eh tapos authentic HunHan! *^o^*

Yaaay napasaya ako ng chap na to. The best!
RiCa1826 #6
Chapter 14: Ang cute ni Yunhee. HAHAHAHA sarap sapakin xD
tapos kinilig ako ng slight nung pinaligiran siya ng maknae line. Wala lang kasi ang cute nung maknae line ang sarap nilang i-squish

Bet ko din yung tandem ng Yunhee+Maknae line since si Yunhee halos kasing edad lang nila, para lang silang magbabarkada at magakakapatid na nagbabangayan lol

Shiwon and Hanbyul why. HAHAHA. gamitin ba naman si Yunhee. pero okay lang keribels naman xD

TaoRis. Alam na this! XDDD
uikaxxlockheart
#7
Chapter 13: okay masungit talaga si Yenne. :))) Bara lang ng bara.

"ano bang nangayari sa buhay mo at ganyan ka nalang kaseryoso?" ---hahahaha madalas itanong to sa akin. :)))))

Pero 2min shipper ako huhuhu.

Shetttttt! may date ang LuYenne :))) <3 <3

Munggago ni Yi Fan lol. selos?

Kamusta ang MiMin. :)))) *eeeh di ako makapag-spazz gawa may YumiXing feels ako.* :))))

Meeeehhhh yung NaKai ang lande ples. :))))


Wuhuuuuuu ChenRa! ChenRa! ChenRa na yan!!!!! *_*

KookJee <3 <3 <3
Paninininini
#8
Chapter 13: love triangle na ituuu
heyitsbabyjoojoo
#9
Chapter 13: ATE APRIL I LOVE YOU!!! Kookie wag na taung mag pa ligoy ligoy pa please tau na oh ahahahahaha cge na!! Legit na eh!! Pede na!


Ahjumma haba ng hair mo sinasabi ko sau!
NaKai♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥ 5ever!

Pastry pa tawagan nmn ptfffahajsgajfoa!!! Kahit kanino na sa Kris oh basta akin c Jungkook mamahalin kita ng lubusan ate april!
bananamilk23
#10
Chapter 13: te, bukas na ako magcocomment... di ko pa nababasa ng buo eh... hehehehehe