kapalpakan

Ang bias kong bakla

 

 

“Miss Yenne, may naghahanap po sa inyo.” Agad tumayo si Yenne mula sa kanyang cubicle at pumunta sa receiving area ng office.

“Ate Jae, anong ginagawa mo dito?” Tanong ni Yenne nang nakita si Jaemin nakaupo sa may gilid.

“Napadaan lang,” sagot ni Jaemin at binigay ang box na dala mula kanina. “Nagpagawa sila kuya ng pie kaya gumawa ako sakto sa’ting lahat.”

“Eh uuwi naman ako mamaya, nag-abala ka pa.” Ibabalik sana ni Yenne ang pie pero di ito tinanggap ni Jaemin.

“Sige na, pa-snack mo na rin sa mga kasama mo. Siguraduhin mong bigyan sina AhRa at Jaejoong oppa kung ayaw mong magtampo yung mga yun sa iyo.” Ngising sabi ng ate nya.

“Jaemin”, tawag ni Jaejoong mula sa likod. Kasama nito si Shiwon na kung makangiti eh wagas.

“Ano yun?” Sabay tingin ng magkapatid kay Jaejoong.

“Aalis na ba agad kayo?” Tanong ni Jaejoong at napatango naman si Jaemin, “May gagawin ba kayo pagkatapos ninyo dito?”

“Wala naman. Uuwi na.” Sagot ni Jaemin nang humarap ng maayos sa CEO ng kompanya. “Bakit Sir Jae?”

“Kung maka-Sir Jae naman parang di tayo magkakilala ng matagal,” natawang sabi ni Jaejoong at napakamot naman si Jaemin. “Yayayain sana kitang maglunch. That is kung okay lang?”

“Uhmmm..” Bago pa man makasagot si Jaemin at itinulak na ni Yenne ito papalapit kay Jaejoong dahilan sa pagkakaroon ng body contact.

“Oo na agad ‘yan Sir Jaejoong!” Ngising sabi ni Yenne.

“Okay lang sa iyo Shiwon?” Tanong ni Jaemin sa pamangkin.

“Ano ka ba tita! Napaka-awkward naman kung kasama ako.” Ngising sabi ni Shiwon, “ayaw kong maging third wheel sa matatanda noh!” Agad lingon at titig ang tatlo sa batang pasaway. “What I mean is, ayaw kong maging third wheel sa OTP of all generation diba?”

Natameme lang ang dalawa habang pinagtulungan na ng dalawa na makapasok sa elevator.

 

“San tayo kakain?”Tanong ni Jaemin na patingin-tingin sa daan habang nagmamaneho naman si Jaejoong.

“Ikaw? San mo ba gusto kumain?” Tanong ni Jaejoong dito.

“Ikaw? Anong gusto mo kainin?” Tanong ni Jaemin sa kanya.

“Kung anong sayo, yun ang akin.” Ikling sagot ni Jaejoong sa kanya.

“Ganoon? Hmmmm..” Habang nag-iisip si Jaemin di nito maiwasan isipin ang pamangkin na grounded. “Teka muna, paano si Shiwon?”

“Okay lang yung batang yun.” Sagot ni Jaejoong sa kanya. “Malaki na yang pamangkin mo, for sure di niya kailangan na may susubo pa sa kanya kung kakain Jae.”

“Hindi naman yun yung pinoproblema ko ‘eh.” Dahilan naman ni Jaemin sa kanya. “Sir Jae, grounded for two weeks yun nung tatay niyang warfreak. For sure pagnalaman ‘nun na may ginagawa si Shiwon na against sa mga rules niya, sabit ako.”

“Trust me, okay lang yun si Shiwon. Di ‘yun lalabag sa mga rules ng daddy niya.” Kampanteng sagot ni Jaejoong. “So, ano na? Saan tayo kakain?”

 

_______________________________________________________

Nasa labas ng building ang makapatid para manood ng MuBank pero mukhang minamalas ang dalawa.

“Ate, matagal pa ba?” Tanong ni Sungjee habang nakatayo sila sa Information counter ng building.

“Sungjee, next week pa ang schedule ng EXO, BTS at BAP, hindi ngayon.” Sabi ni Naru nang lumingon sa kapatid. “Wrong info ang nasagap mo.”

“Eh yun kasi sabi nung kaklase ko sa HRM eh.” Kamot-buhok si Sungjee. “Anong gagawin natin ngayon? Ayaw ko pang umuwi.”

“Ganun din ako. Hahaiii.” Napabugtong-hininga si Naru at nag-iisip ng gagawin.

Biglang nag-ingay ang paligid. Maraming fangirls ang nagsisigaw ng kung anu-ano sa may pintuan. Napataas kilay ang dalawa at hinintay nalang makapasok ang grupo na kinalolokohan mula sa labas.

“Sungjee, nagugutom ako.” Sabi ni Naru sa kapatid. “Kain nalang tayo.”

“Sige na nga.” Lalabas na sana ang dalawa nang may tumawag sa pangalan ni Sungjee. Agad lumingon and dalawa at nakita ang tito na papalapit sa kanila.

“TITO KAMBAL!” Bati nung dalawa at pumunta palapit sa tito.

“Anong ginagawa ninyo dito?” Tanong ni Gikwang sa mga pamangkin.

“Manonood sana ng MuBank pero ni-isa sa binanggit ni Sungjee wala sa nakaschedule ngayon.” Sagot ni Naru at sumilip sa mga kasama ng kuya. Kumaway ang apat sa kanila at kumayaw rin ito.

“Tapos uuwi kayo kaysa panoorin ang performance ko? Ganun ba yun?” Nakasimangot na tanong ni Gikwang sa dalawa.

“Ganyan na ba talaga yan? Ipagpapalit ninyo ang tito niyo sa mga rookie?” Singgit ni Yoseob sa dalawa.

“HINDI AH!” Defensive na sigaw nung dalawa at natawa ang BEAST sa reaction ng magkapatid.

“Di kasi naming alam.” Yumuko si Sungjee. “Di naming tinignan ang schedule.”

“Gusto nyong manood? May backstage access pa kayo.” Sabay wink ni Doojoon sa kanila.

Nagtinginan ang dalawa sabay ngisi, “SIGE BAH!”

“SAMA AKO~!” Agad na sigaw mula sa may pintuan at tinignan nila kung sino ang sumigaw.

“SHIWON?”

 

“Kapag ito malaman ni Kuya, masasabit ako.” Napailing nalang si Gikwang sa kapilyuhan ng bunsong pamangkin. Gayun din sina Sungjee at Naru.

“Teka lang muna, diba kasama ka ni Tita Jaemin? Nasaan siya?” Tanong ni Sungjee sa kanya.

“Kasama ni Tito Jaejoong, may lunch date sila.” Ngising sabi ni Shiwon. Tinignan lamang siya dahil alam nilang walang hilig sa mga date si Jaemin. “Nangako ako kay Tito Jae na tutulungan ko siyang dumiskarte kay Tita Jae kapag tinulungan niya akong makatakas. Banas lang kasi wala pala si Dodong ko ngayon!”

Natawa naman ang tatlo sa ginawa ng bunso. Mismo si Gikwang na kakambal ni Jaemin ay pabor naman sa pinupush ng pamangkin na OTP pero tahimik lang ito minsan dahil ang magdedesisyon naman talaga kung sino ang gustong idate ni Jaemin ay mismo ang kakambal niya. Kung kaya’t open siya sa fact na magdate ang kakambal like how he date and socialize with other people, ‘wag lang paiyakin. Ang problema lang eh mahiyain at walang hilig nga ang dalaga di kagaya ng bunso nilang always-on-the-go sa pakikipagkilala.

“Himala naman at napapayag mo si Tito Jae.” Natawa laman si Naru sa ginawa ng dalaga.

“Si Tito Jae, eh lahat gagawin ‘nun makasama lang si tita.” Kampanteng sagot ni Shiwon. “Pero mga ‘insan, may balakid sa plano. Sigurong guguho ang 2Jae nito!”

“Asan dun? Yung Henry na pinakilala ni Tito Hae kay tita?”Tanong ni Sungjee sa pinsan.

“Siyang una, may pangalawa.” Sabi ni Shiwon na mala-detective Conan ang boses.

“May bago? Sino naman?” Tanong ni Naru.

“Si Kim Jiwon ng Kim Corporation. Pinakilala ni tito Jae kanina.” Sagot ni Shiwon.

“Kamusta naman?” Tanong ni Sungjee.

“Ayun, maaga pa binantaan ko na. Sinabi ko wala siyang chance sa harap mismo nila tito Jae at tita Jae.” Ngiting tagumpay ni Shiwon pero nawala ito nang sinapak naman siya ng magkapatid. “Ano na naman?”

“Eh di kontrabida ka rin noh?” Sabay irap ni Sungjee. “Nag-iisip ka ba talaga?”

“Dahil sa ginawa mo, oo nabugaw mo nga yung JiWon na yun pero awkward naman sa 2jae.” Napailing lang si Naru at agad pumasok sa dressing room ng BEAST.

 

“Dito kayo umupo.” Bilin sa kanila ni Gikwang nang napunta sila sa set mismo ng MuBank. Medyo may kalakihan ang set at kitang-kita ang dami ng fangirls sa harap ng stage. Pero unlike sa mga fangirls na nagsiksikan sa madla, ang tatlo ay mala-VIP dahil nakapwesto sila sa harap mismo ng stage, nasa second row sila nakaupo na maya-maya ay sasabayan ng grupo ng tito nila.

“Mga special fans?” Tanong ng isang taga-media kay Gikwang  lumapit sa kanila.

“No. Mga pamangkin ko.” Sabay ngiti ni Gikwang sa taga-media.

“Pwede po ba kayong makunan ng litrato?” Tanong nung taga-media sa kanila. Dahil doon, nanlamig ang diwa ni Shiwon. ‘Patay! Kung papayag si tito, dagdag one week ito sa akin!’ . Nakahinga siya nang maluwag nang di pumayag si Gikwang, gusto niya kasi itago ang private life niya sa media kaya walang picture taking na nakuha.

“Hay salamat!” Nakahinga ng maluwag si Shiwon at balik sandal sa upuan nito. Natawa lamang si Naru sa reaksyon ng pinsan at tumingin ulit sa stage.

“Hi Naru!” May tumapik sa balikat ni Naru at napalingon sa likod.

“ Jong In?” Nanlaki ang mata ni Naru nang masilayan ang nakangiting mukha ni Kai. “Anong ginagawa mo dito? Diba next week pa kayo?”

Tumango si Kai at nilapit ang mukha sa dalaga. “Ako at  si Sehun lang nandito since vacant namin ngayon. Manonood kami ng MuBank.”

“Kasama ninyo si Dodong?” Singgit na tanong ni Shiwon. Kanina pa pala nakikitsismis ang dalawa sa isa pang pinupush na OTP ni Shiwon.

“Wala siya, nasa dorm lang.” Sagot ni Kai at balik tingin kay Naru. “Ba’t nga pala kayo nandito?”

“Magpeperform ang BEAST.” Sagot ni Naru at tumingin ulit sa harap. Nakita niyang nakatingin ang tito nito banda sa kanila na nakangisi. Alam ng tito Gikwang niya na may crush ito sa binata, maliban sa kanya wala nang may alam tungkol dito. Pasalamat din siya na di nito pinapagkalat sa kanilang pamilya ang tungkol dito dahil for sure magbabagyo ng tanong at asaran ito lalong lalo na sa kanyang ama.

 

Matapos magperform ang BEAST ay agad silang umupo sa assigned seats nila which is ang first row. Lumipat si Gikwang sa second row para makatabi ang mga pamangkin.

“Grabe tito! Ang galing mo!” Puri ni Shiwon. “Ang galing mo talaga sa hubaran!”

Namula naman si Gikwang sa pinagsasabi ng pamangkin pero tinawanan lang niya ito. “Maloko ka talagang bata ka!”

“Congratulations sir!” Napahinto ang family bonding dahil sa nagsalita. Tinignan nila ito pati ang kasama nitong si Sehun ay nakatingin din kay Kai. “Ang galing nyo po sir!”

Ngumiti si Gikwang at nagpasalamat sa binata. “Thank you.”

“Ako nga po pala si Kai ng EXO, kasama ko po si Sehun ng EXO rin.” Lakas loob na pagpapakilala ni Kai sa sarili at inilahad ang kamay para makipag-handshake. Napatingin lang ang magpipinsan  at umiling lamang ang nakakatanda sa kanila.

“Nice to meet you, Kai.” Tinanggap ni Gikwang ang kamay at nakipaghandshake. Napangisi lamang ito habang nakatingin kay Naru na nanlalaki ang mata at namumula sa kahihiyan.

Nang lumingon na ulit si Gikwang sa harap ay siniko naman ni Sehun ang kasama. “Wais ka rin hyung! Meet the family agad trip mo?”, sabi nito nang pabulong.

“Diskarte tawag mo diyan maknae.” Ngising sagot nito na nakitingin lang sa nagpeperform sa stage.

 

_________________________________________________________________

Naglalakad sa Hongdae sina Nijin at Yixing nang may nakita si Yixing na pamilyar na tao.

“Hyung!” Tawag ni Chanyeol na tumakbo agad papunta sa kanila. Kasama nito ang kakambal na si RiSeu at si Luhan na di kasama sa plano.

“Uy Yeol, anong ginagawa ninyo dito?” Tanong ni Yixing na nakangisi nang nakaabot ang tatlo sa kanila.

“Brother-sister bonding dapat eh kaso may asungot,” sagot ni RiSeu sabay irap kay Luhan na kanina pa nagpapapansin sa kanya.

“Ayaw mo ba makasama ako kahit ngayon lang RiSeu? Paminsan-minsan nga lang tayo lumalabas.” Paglalambing ni Luhan kay RiSeu pero di ito pinansin ng dalaga.

“Ayaw, at wala namang nag-aya sa iyo na sumama ka sa amin ah!” Galit na sagot ni RiSeu na nakakunot ang mga kilay.

“Meron! Inimbitahan ako ni Yeol dito.” Ngising sabi ni Luhan sabay akbay sa donsaeng. Patuloy sa iringan ang dalawa nang naubo si Yixing. Nang huminto ang dalawa tsaka naman pinakilala ni Yixing ang kasama.

“Ah, Si Song Nijin nga pala, ECE student ng Seoul University.” Nakipagkamay si Nijin sa tatlong bagong mukha. Di maalis sa isip ni Nijin ang katangkaran ng isa pa niyang bias na si Chanyeol pero di naman ito nahalata.

“Hi! Ako si Park Chanyeol, ito nga pala ang kakambal kong si RiSeu noona at si Luhan.” Pinakilala ni Chanyeol ang mga kasama samantala ang dalawa tumingin lang sa kanya.

“Wow. Pwede naman akong magpakilala sa sarili ko.” Komento ni RiSeu sa kapatid tsaka tumingin kay Nijin. “Nice to meet you! You look familiar though. San ka naghigh school?”

“Sa HaeSung girls school.” Sagot ni Nijin habang nakipagkamay kay RiSeu.

“Dun din ako grumaduate!” Sagot ni RiSeu na agad naman tinanguan ni Nijin.

“If I’m not mistaken, kaklase mo si Ate Haneul, school salutatorian sa batch ninyo.” Tumango naman si RiSeu sa information. “Sunbae, diba ikaw ang class valedictorian ng batch ninyo diba?”

“Oo, ako nga. Pero konti lang nakakaalam.” Ngising sagot ni RiSeu. “So you’re one of Haneul’s cousins then. Kamusta na sya?”

“She’s doing great.  Graduating na rin sa Business Administration.” Agad na sagot ni Nijin samantala ang tatlong lalaki ay nakatingin lang sa kanila.

“So magkakilala kayo kung ganun?” Tanong ni Yixing.

“Ang humble mo naman babe! class valedictorian ka pala!” Sabay akbay ni Luhan sa kanya na agad naman sinikmuraan ng dalaga.

“Babe babe ka dyan, hindi ako biik!” Irap ni RiSeu at 180 degrees na nagchange attitude nang kaharap ulit si Nijin. “Ikaw ba yung anak nung tatay na nakapartner ng Xingxing namin?”

Tumango si Nijin habang namumula ang mukha. Nahihiya pa rin ito sa ginawa ng ama. “Ako nga yun.”

“Ang ganda mo pala sa malapitan! No wonder ikaw ang nakita agad ni Yixing!” Puri ni Luhan na naging dahilan sa lalong pamumula ang dalaga. Napairap lamang si RiSeu habang iniisip niyang nakikipag-flirt ang kasama.

“Nak? Ikaw ba yan?” Tanong mula sa malapitan. Lumingon ang lima, lalong lalo na si Nijin. Nakangising Persecutor Seungheon ang umambag sa kanila na gwapong gwapo sa kantang coat and tie.

 

“So Mr.Zhang, san ka ba talaga galing? Halatang di ka Korean,” tanong ni tatay Seungheon habang iniinom ang kanyang kape. Nasa coffee shop sila ngayon sa may Hongdae pa rin habang naghihintay ng kasama ng ama sa trabaho.

“China po sir.” Sagot ni Yixing sa ama ng kadate.

“And your friends?” Tanong naman nito habang nakatingin sa tatlo.

“Ako po Chinese rin, pero silang dalawa hindi.” Sagot ni Luhan na medyo natatakot rin ama ng dalaga. Nakatingin ito sa kambal at kitang kita na nakangisi ito.

“Kaklase ni Ate Haneul si RiSue sunbae nung high school tay.” Agad inform ni Nijin sa ama at napatango lang ito.

“Nag-aaral ka ba? Saang university ka nag-aaral? Anong course at year mo ngayon?” Sunod-sunod na tanong ng ama at wala nang ginawa si Nijin kundi napa-facepalm sa ginagawa ng ama.

 

“Anong oras matatapos ang date niyo?” Tanong ni Tatay Seungheon habang nakatingin ito sa wristwatch. Natapos na ang pag-iinterrogate ng ama sa binata at ngayon ay nakatungaga lamang ito.

“Tay, kakaumpisa pa nga lang naming tatapusin niyo na agad?” Simangot ni Nijin sa harap ng ama. Samantala ay tahimik lang apat na umiinom ng kani-kanilang inumin.

“Nagtatanong lang. Susunduin ko kayo ni Shiwon ngayong gabi para umuwi sa atin. Namimiss na kayo nang nanay ninyo.” Simpleng sagot ng ama.

“Ah sir, pwede po bang magtanong?” Tanong ni Yixing na agad naman tumingin si Tatay Seungheon at tumango. “ Wala po ba kayong trabaho ngayon at parang pagala-gala lang kayo?”

Nanlaki naman ang mata ni Nijin sa tanong ni Yixing at agad na napakagat-labi.

“Tingin ko wrong question ang tinatanong mo.” Bulong ni Chanyeol sa kaibigan.

Bago pa mabawi ni Yixing ang tanong ay inayos ni Tatay Seungheon ang pagkakaupo at inayos ang necktie. “Actually I’m on field right now.” Ngiting sagot nito at patuloy sa pag-inum.

“Anong ibig sabihin ng on-field?” Tanong na naman ni Yixing.

Napaface-palm ang lima at napataas ang kilay ni Tatay Seungheon. Sumagot nalang si Nijin para di na mainis ang ama.

“Ano, uhmmm.. Bumibisita si Tatay sa kung saan-saan para mag-imbistiga o kaya makipagkita sa mga client pero naka-on duty pa rin siya.” Sagot ni Nijin habang tumintingin mula sa ama at kay Yixing.

“Ah..” Napatango naman si Yixing at napabugtong-hininga lang ang mga kasama.

“Diba by pair kayong lumalabas kung naka-on field kagaya ng mga nasa palabas?” Tanong ni Chanyeol sa persecutor. Napatango naman si Seungheon dito.

“Oo nga, sino ba partner mo ngayon tay?” Pasegway na tanong ni Nijin sa tatay,

“Si Officer Park.” Sagot ni Seungheon at parang on-cue dumating naman ang isang napakagandang babae na agad pumunta sa kanila.

“Persecutor Song, we need to go now.” Agad napalingon ang Officer sa katapat ng superior. “Good afternoon Nijin.”

“Hi Officer Park!” Bati ni Nijin with matching smile sa kanya. Napanganga naman ang apat sa kasama ni Persecutor Song.

“I need to go now.” Agad tumayo si Tatay Seungheon at nag-abot ng pera kay Nijin. “Ikaw na magbayad. I’ll see you tonight at your titas’ house.” Nang umalis na ang dalawa ay tumingin ulit si Nijin sa mga kasama at naabutan nalang niya ang mga ito na nakanganga pa rin.

“Napano kayo?” Natawang tanong ni Nijin habang nakatingin sa apat.

“Parang gusto ko na rin maging persecutor.” Agad nasabi ni Chanyeol habang nakatingin pa rin sila sa may pinto.

 

“Ilang taon na ba yung si officer Park?” Tanong ni Luhan kay Nijin habang naglalakad sila sa daan ng Hongdae. Ang simpleng date ay naging group date dahil sa tatlo.

“Di ko alam ang exact, pero she’s on her early forties.” Ngising sagot ni Nijin.

“WHAAAAAT?” nabigla naman sa reaksyon si Nijin mula sa mga kasama.

“But she looks very young on her age! Sigurado kang kwarenta na yun?” Tanong ni RiSeu sa kanya at tumango lang ito.

“She’s married to a fine Commander General ng Airforce and has two teenage kids.” Sagot ni Nijin. “Your reactions are mainstream already kaya di na ako mashoshock.” Natawa lang ito sa mga ito at patuloy sa paglakad.

“OMG! Diba si Yixing ng EXO yun?” Agad tanong ng isang random stranger sa kapwa niyang random stranger. Napahinto agad ang lima at parang namasid na rin sa daan.

“Mukha nga, tapos diba sina Luhan at Chanyeol yung kasama nila?” Biglang bulong-bulungan sa mga tao sa paligid nila. Natinginan ang lima at akmang parepareho ang gagawin. Maya-maya may sumigaw sa paligid nila.

“NANDITO ANG EXO!” Nagtinginan pa ang mga tao habang silang lima ay naghihintay ng hudyat para tumakas. Nang nakita ni Yixing ang sumigaw ay nagka-eye-to-eye contact ito sa kanya. “OMG! NAGTITIGAN KAMI NI LAAAAAAY!” sabay turo sa pwesto nila.

‘Ganito ba talaga ang feeling kung kasama mo artista?’ tanong ni Nijin sa sarili nang hinawakan ni Yixing ang kamay niya at hinatak siya palayo sa mga tao.

 

____________________________________________________________

“Hay sa wakas natapos rin!”Tumayo at nagstretching ng kaunti si Haneul habang ang mga kasama niya ay nagliligpit ng gamit.

“Thank you ulit President Lee na paunlakan ang request naming na ma-interview ka.” Sabi ni Hara, kaklase at kagrupo ni Haneul sa sa kanilang feasibility study.

“Not a problem, it was a pleasure chatting with you also.” Ngiti ni President Lee at agad na silang umalis sa board room.

“So, ano nang plano?” Tanong ni Hyunsik habang pababa sila sa building.

“Uuwi na ako, nakakapagod kaya ang mahigit dalawang oras na interview.” Agad na sagot ni Sohee.

“Ako rin. Let’s call this a day then?” Tanong ni Hara na lider nila sa grupo. Agad sumang-ayon ang mga ito at agad na hinatid ni Haneul sa may lobby. Matapos hinatid palabas ang kagrupo ay agad na bumalik sa taas si Haneul para tumambay sa office ng president ng kompanya, ang kanilang lolo.

 

“Dapat ba kasama tayo?” Tanong ni Baekhyun nang papasok ito kasama ibang miyembro ng EXO pati na ang dalawang manager nila.

“Syempre. Kayo ang bagong endorser ng Toiletries ng Lee Group kaya dapat nandito kayo.

“Pero wala naman yung iba.” Reak na naman si Baekhyun. Nakasimangot ito, pano naman kasi eh ang gusto niyang gumala kagaya nung iba pero nahila ito nila Kris na sumama sa kompanyang kumuha sa kanila para mag-endorse. Sa ngayon ay wala sa mood si Baekyun dahil may isang rason para gumala siya at yun ay kahit sa slightest possibility ay makita ang new found crush na emcee nung nasa Seoul University sila.

Di ito tumitingin sa daan kundi sa sahig lang kung kaya’t nakabunggo ito ng tao.Nahulog ang kanyang sombrero at cellphone pero agad itong pinulot ng nakabungguan.

“Sorry miss, di ko sinasa---,” di makatapos na magsalita si Baekhyun dahil ang nasa harap ay ang matagal na niyang hinahanap.

“Hi! Uhmmm, nahulog mo ito oh.” Sabay abot ni Haneul sa binata at ngumiti ito.

“Sa—sala—salamat.” Nabulol sa pagkakasabi ni Baekhyun at agad na nag-bow ang babae sa kanya. Nang aktong aalis na sana ang babae ay pinigilan niya ito at muling nagsalita. “Ms.Emcee?”

“Hmmmm?” Agad tumingin si Haneul sa kanya

 

“So ikaw pala si Haneul, nice to meet you.” Pagpapakilala ni Baekhyun sa sarili. “Pasensya ka na, Miss Emcee lang talaga ang alam kong tawag sayo eh.” Napakamot ito ng ulo at tumawa lang si Haneul.

“Wala yun,” rastang sagot ni Haneul at muling ngumiti.

‘O Lord, thank you sa chance of a lifetime na makilala ko and aking other half… or the other way around.’ Napangiti lang si Baekhyun sa di makalimutang kaganapan sa kanyang teenage life: ang masilayan ang maamong mukha ni crush.

“Okay ka lang?” Tanong ni Haneul habang iniwagayway ang kamay nito sa natamemeng Baekhyun.

“Huh? Ah..Oo.” Naman oh! Para akong timang nito! “I’m Byun Baekhyun ng EXO.”

“I know. Kilala kong grupo niyo.” Ngiting sabi ni Haneul sa kanya.

‘Ito na nga ba! Kilala ako ni crush!’ Masayang-masaya ang mukha nito na abot ngiti. “Ikaw, anong name mo Miss Emcee?”

“Miss Lee!” Sasagot na sana si Haneul pero naputol ito dahil sa tawag ng taga-information desk. “Pinapatawag po kayo ni President sa office niya.” Napasimangot ang binata dahil sa sumingit na empleyado.

“Okay.” Ngising sabi ni Haneul. “I think I need to go. See you guys around!” Nagbow at nagwave ito palayo sa kanya. Ngumisi ito at agad lumingon sa mga kasama pero nung lumingon ay wala na ang mga ito.

“Ano ba yan! Nakita nga si crush, nawala naman sila!” Napakamot ito at nagpatuloy sa paglakad.

 

 

Nasa may malaking room ang natitirang EXO para sa photoshoot ng bagong toiletry product nang pumasok ang President at apo nito sa room. Nakasalang ngayon ay si Tao habang ang iba ay nakahandusay lang sa mga silya. Nagkukulitan ang mga ito pero sadyang natigil dahil sa pagbisita ng president.

“This is President Lee of Lee Group and her grand-daughter, Lee Haneul.” Pakilala ng secretary ng president sa dalawang managers ng EXO. Nakipagkamay ang mga ito sa kanya. Pinakilala din nila ang boys na present ngayon sa president.

“Sayang naman at wala dito ang iba kong mga apo.” Ngising sabi ng president na ikinatuwa ng EXO at mga manager nito. “Fan pa naman ni Shiwon itong si Kyungsoo, diba Haneul?”

Nanlaki agad ang mata ni Shiwon sa pangalan na binanggit at natameme rin ang iba pwera lang sa dalawa, Si Tao na busing-busy sa pagpopose at si Baekhyun na nakikipagdate sa eyeliner niya

“Okay lang naman din ata ‘lo kasi di sila kompleto.” Sagot ni Haneul at ngumiti sa kanila.

 

 

“President, you have a meeting by two,” paalala ng secretary sa president at tumango lang ito. Tumingin ito kay Haneul para magpaalam at pinahintulutan na magstay sa photoshoot.

“Ate, tulungan ko na kayo.”Boluntaryo ni Haneul at agad kumuha ng brush at blush-on para makatulong sa pag-reretouch sa mga models.

“Nako Miss, wag na.” Sabi nung isang make-up artist pero nagpumilit ang dalaga. Walang magawa ang mga make-up artist kundi sumunod nalang kaysa magtampo ang dalaga.

Lumapit ito kay Baekhyun at ngumiti. “Hi, I’m Haneul, at ako ang make-up artist mo for today!”

“No, okay na ako sa eyelin--,  HI!” Agad na nilapag ni Baekhyun ang eyeliner nang tumingin kay Haneul. “Make-up artist ka dito?”

Ngumiti si Haneul at nagsimula na maglagay ng foundation sa binata. “Di naman, freelancer pwede mong tawagin.”

“Mga ilang taon ka na nagmamake-up?” Tanong ni Baekhyun, trying to make have a conversation with his crush.

“Hmmm, since tinuruan ako ng mommy ko.”Normal na sagot ni Haneul. “Hmmmm.. Wait lang.” Tumigil ito sa pag-aapply ng make-up at pumunta sa isa pang makeup artist.

Nakangisi lamang si Baek at nang tumingin sa mga kasama ay umiiling lang ang mga ito. ‘Problema nito?’

“Sorry kung natagalan, may tinanong lang ako kanila unnie.” Agad namang nagtrabaho si Haneul sa mukha ni Baekhyun.

“Ilang taon ka na?”

“Twenty-one.”

“Magka-edad pala tayo.” Ngising sabi ng binata. “Nag-aaral ka pa?” Tumango lang ang dalaga. Agad naman binatukan ni Baekhyun ang sarili.

“Okay ka lang?” Agad na tanong ng dalaga sa ginawa nito sa sarili.

“Oo naman.” Nakangisi lang si Baekhyun pero panay mura sa sarili niya. ‘Tanga ka ba? Kaya nga siya yung emcee nung gabi nay un!’“Anong course?”

“Business Administration.” Sagot ni Haneul. “Uhmmm, okay na ba yang make-up mo?”

Tumingin si Baekhyun sa salamin at nakita ang perfect face niya na masterpiece ni Haneul. ‘Kung sasabihin kong okay na, aalis na siya at ma-makeupan ang iba! Di dapat mangyari yun!’ Agad tumingin si Baekhyun kay Haneul. “Pwede pakidag-dag dito?” Sabay turo sa magkabilang pisngi. Inasikaso naman ito agad ni Haneul.

“Okay na?” Tanong nito.

Tingin sa salamin, kunot-noo at tingin kay Haneul. “Dagdagan pa. Medyo di pantay sa kaliwa.”

Dagdag na naman ang dalaga. “Ayan?”

“Konti pa sa kanan.” Dagdag na naman.

Tingin, iling, dagdag. Tingin, iling, dagdag. Medyo napupuno na si Haneul sa kaartehan ng binata pero sige pa lang ito.

 

“Baek, magphophotoshoot tayo ng sabon, hindi clown sa children’s party.” Agad sabi ni Minseok at namulat ang mata ni Baekhyun. Umiling lang si Minseok at tumingin sa make-up artist, “napasobraan nyo a---, Miss Lee! Ikaw pala yan!”

Napatingin si Baekhyun sa kasama at sa dalaga. Nakita ng iba pa nitong mga kasama kung kaya’t napagtawanan siya.

“Anong nangyari sayo?” Tanong ni Tao habang tumatawa.

“Eh kanina ko pa po siya inaawat, ayaw magpaawat.” Napakamot si Haneul sa buhok at nilapag ang make-up. Nagbow ito, 90 degrees na ikinabigla ng EXO.

“Miss Lee, sorry sa pag-aabala pero wag niyo pong gawin yan.” Sayaw ni Kris at nagbow sa kanya, gayun din ang iba pa nitong kasama.

“Anong nagyayari? Bakit ganyan ang mukha mo Baekhyun?” Tanong ng manager ng EXO-K.

“Napasobra kop o sir. Sorry.” Paghingi ng anumanhin ni Haneul at nagbow sa mga manager. Nabigla ang managers at nagbow ulit sa kanya.

‘Teka, ba’t sila humihingi ng sorry sa kanya? Ba’t sila nagbobow?’ Tanong nito sa sarili at naisipan na rin sa wakas na magsalita. “Ba’t kayo sorry ng sorry? Kilala niyo si Haneul?”

Agad sinapak ni Suho ang ulo nito at umiling lang ang iba. “Siya ang isa sa mga apo ng presidente ng kompanya ugok!”

Nanlaki ang mata nito at tumingin kay Haneul na napangisi lang sa kanya.

 

____________________________

Done with Chappy 6.. Medyo nadisgrasya ako sa last part.

Sorry..

 

Subscribe, comment and upvote!

 

<3 missdauxian

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
uikaxxlockheart
#1
Chapter 16: Nag-backread dahil naaliw!
uikaxxlockheart
#2
Chapter 15: Iisipin ko na birthday gift mo ito saken 'te
uikaxxlockheart
#3
Chapter 15: Wait lang shemay nagbabanyo pa ako emerged ate!!!!! You updated! Hart hart
uikaxxlockheart
#4
Nami-miss ko to. :(
uikaxxlockheart
#5
Chapter 14: Why am I shipping the maknae line with Yunhee? /facepalm.

Pero HeeMyeon talaga.O(∩_∩)O

Eh tapos authentic HunHan! *^o^*

Yaaay napasaya ako ng chap na to. The best!
RiCa1826 #6
Chapter 14: Ang cute ni Yunhee. HAHAHAHA sarap sapakin xD
tapos kinilig ako ng slight nung pinaligiran siya ng maknae line. Wala lang kasi ang cute nung maknae line ang sarap nilang i-squish

Bet ko din yung tandem ng Yunhee+Maknae line since si Yunhee halos kasing edad lang nila, para lang silang magbabarkada at magakakapatid na nagbabangayan lol

Shiwon and Hanbyul why. HAHAHA. gamitin ba naman si Yunhee. pero okay lang keribels naman xD

TaoRis. Alam na this! XDDD
uikaxxlockheart
#7
Chapter 13: okay masungit talaga si Yenne. :))) Bara lang ng bara.

"ano bang nangayari sa buhay mo at ganyan ka nalang kaseryoso?" ---hahahaha madalas itanong to sa akin. :)))))

Pero 2min shipper ako huhuhu.

Shetttttt! may date ang LuYenne :))) <3 <3

Munggago ni Yi Fan lol. selos?

Kamusta ang MiMin. :)))) *eeeh di ako makapag-spazz gawa may YumiXing feels ako.* :))))

Meeeehhhh yung NaKai ang lande ples. :))))


Wuhuuuuuu ChenRa! ChenRa! ChenRa na yan!!!!! *_*

KookJee <3 <3 <3
Paninininini
#8
Chapter 13: love triangle na ituuu
heyitsbabyjoojoo
#9
Chapter 13: ATE APRIL I LOVE YOU!!! Kookie wag na taung mag pa ligoy ligoy pa please tau na oh ahahahahaha cge na!! Legit na eh!! Pede na!


Ahjumma haba ng hair mo sinasabi ko sau!
NaKai♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥ 5ever!

Pastry pa tawagan nmn ptfffahajsgajfoa!!! Kahit kanino na sa Kris oh basta akin c Jungkook mamahalin kita ng lubusan ate april!
bananamilk23
#10
Chapter 13: te, bukas na ako magcocomment... di ko pa nababasa ng buo eh... hehehehehe