Pagpapakilala at shipping

Ang bias kong bakla

“Wu Yi Fan?” Natameme si Sungjee sa pagkakita sa kanyang on-off bias.

“Ako nga, you can call me Kris,” Binigyan ng matamis na ngiti ni Kris si Sungjee. “Ano nga ulit sasabihin mo?”

“Ano…Ahhhh…ehhhhh…” Nauutal man, sumagot pa rin si Sungjee para di mahalata ni Kris ang kaba niya. “After 5minutes po sir, gagawin ko na. Ilang order?”

“Okay. Isang order nung pulang ibon tapos, dalawa nitong mga chibi characters.” Sabi ni Kris at nagbigay ng bayad.

“Sige po. Ah, umupo nalang muna kayo while waiting.” Sabi ni Sungjee tsaka kumuha ng colored icings para sa ibon.

“Okay lang ba dito nalang ako? Gusto ko kasi tignan kung paano mo ginagawa yung cupcakes.” Napakamot sa ulo si Kris habang nakangiti sa kanya.

‘Anak ng tokwa! Ano ba naman ito, Kapre naman eh! Not now, not later, not this year!’ reklamo ni Sungjee sa sarili habang pakunwaring busy sa paggawa ng cupcake. “Ano kasi..”

“ATE SUNGJEE! PALIBRE!” Agad napatingin si Sungjee sa harapan na sinundan naman ni Kris. ‘Patay!’

 

 

Agad na lumapit sina Shiwon, Nijin at Hanuel sa stall ni Sungjee at tumingin sa kapreng nasa harap nila.

“OHMYGAAAAAAD!” Napatili sina Nijin at Hanuel nang nakita si Kris ng EXO na kaharap ni Sungjee.

“Ano ‘toh? Bakit siya nandito?” Tanong ni Shiwon at akmang ni-head-to-foot ang binata. Pokerface lang ito at maiiging tinutukan pa ang binata.

“Wag mo ngang ganyanin ang customer ko!” Saway ni Sungjee kay Shiwon at tumingin kay Kris. “Pagpasensyahan niyo na po ang mga pinsan ko, lalong lalo na yang lokaret sa harap niyo. Ngayon pa yan nakalabas ng kweba.”

Natawa lang si Kris at sinabing okay lang sa kanya iyon. Nang matapos si Sungjee sa ginagawang cupcake, agad niya ito binalot at binigay sa kanya. Akmang aalis na ang binata, walang hiya-hiya, agad hinawakan ni Shiwon ang manggas nito para humarap ito sa kanya.

“Ano yun?” Tanong ni Kris kay Shiwon

“Excuse me Mr. Wu YiFan aka Kris, pwedeng humingi ng favor?” Tumango lang si Kris at agad may inabot na libro si Shiwon sa kanya.  “Pwedeng pakibigay itong libro kay D.O? Kung magtanong kanino galing pakisabi galing sa future niya.”

“Oh sige. Meron pa bang ibang pahabol?” Tanong ni Kris at tumingin sa kanilang apat.

“Mahirap ibigay kay Yixing ang halik ko kaya wag nalang.” Pabirong sabi ni Nijin kay Kris.

“Pakisabi kay Baekhyun at Tao na ayusin nila ang performance nila mamaya.” Sabi naman ni Hanuel.

Tumingin si Kris kay Sungjee pero umiling lang ang dalaga. Nagpaalam ang binata at nang assured na wala na sa kanilang mga radar ito ay agad nilang kinorner si Shiwon.

“Ikaw’ng bata ka! Kahit kailan wala ka talagang hiya!” Nakatikim ng kurot sa braso si Shiwon mula kay Sungjee. “Mismo customer ko hinarass mo!”

“Ano ka ba! Dugong daddy Seungheon eh!” Sagot ni Shiwon na proud pa sa ginawa.

“Teka, ano ba yung libro na pinabibigay mo? Tungkol saan yun?” Tanong naman ni Hanuel.

“Ah, yun ba? Ano… compilations ng lahat nung mga niphotoshop kong pictures naming ni Kyungsoo.” Kampante lang sumagot si Shiwon na may halong kilig at ngiti pero sinapak naman siya mula sa likod. “Ano ba!”

“Creeper ka rin noh?” Kaswal na sambit ni Nijin. “Humanda ka pagdating nila Tita Jaemin.”

“Alaka wait! May mali ako dun!” Sigaw ni Shiwon at agad sila tumingin kay Shiwon. “Yung picture naming ni Papa Tom Hiddleston!”

Agad na naman nasapak ng tatlong kamay si bunso. “Aray! Masakit ah!”

 

___________________________________________

“Tita! Papicture ako dito!” Request ni Naru habang akay-akay ang kaibigan nitong Wu Yumi. Pumwesto ang dalawa sa gitna ng freedom board at gumawa ng peace sign.

‘Click!’ “Okay na!” Thumbs up ni Jaemin at pinakita sa dalawa ang pictures nila.

“Ang cute natin!” komento ni Naru sa latest picture na kinuha ng tita niya.

“Wow! Ang galing mo naman kumuha Miss Jaemin!” Puri naman ni Yumi sa mga litrato na kuha nito. “Sana nag-photographer nalang kayo!”

“Lakas mo rin pala mambola, pero salamat!” Ngisi ni Jaemin sa dalawa. Medyo pagod na ito sa kakalakad dahil mula ng dumating ito sa university ay walang hinto ang palakadlakad nito kasama ang dalawa. “Dun muna tayo sa stall nila Sungjee, pahinga muna tayo.”

 

Naabutan nila ang mga pamangkin nito sa stall ni Sungjee. Nagtipon ito sa isang mesa at kitang-kita nila ang mukha ni Shiwon na nakasimagot.

“Anong meron at nakasimangot yan?” Tanong ni Naru nang lumapit sila sa mesa.

“Tita Jaemin!” Agad na tawag ni Shiwon sa tita na mukhang iiyak na.

“Anong nangyari?” Tanong ng tita nang sila’y nakaupo na. “Ba’t parang kulang nalang ipagtabi kayo ni chucky para umiyak ka?”

“Eh paano kasi, kanina nga may customer itong si Sungjee, di lang bastang customer. Si Kris ng EXO, parang ewan at tinutukan siya. Nang umalis naman ay may ipinaabot ito sa kanya na ibibigay kay DO, compilation nung mga niphotoshop niyang pictures nila DO.”

“Eh sa gusto ko na makita niya yun eh! Gusto ko malaman niya ang pagmamahal ko sa kanya!” Depensa ni Shiwon sa sarili.

“Alam mo, di ko alam kung matatawa ako o magagalit sa ginawa mo. Ang sigurado ko lang ay sasabihin ko kay Kuya Seung ‘yang pinanggagawa mo. Tara Ni Jin, punta tayo sa NBI  at hanapin ang tatay ninyo.” Akmang tatayo na sana si Jaemin para bumili ay agad namang lumuhod si Shiwon at inakap ang mga binti ng tita at ate niya.

“Tita ‘wag! Wag mo akong isumbong!” mahigpit na pag-yayakap ni Shiwon kay Jaemin. “Tita! Di ko na uulitin! Ate Nijin, makikinig na talaga ako!”

“Kasi wala nang chance na uulitin mo yun.” Saway ni Nijin sa bunsong kapatid. “Alis nga dyan!”

 

“Tapos na ang drama?” Putol ni Naru sa eksenang mag-kapatid at tita. “Good. Guys, pakikilala ko sana sa inyo, kaklase ko at friend ko from the Journalism Department! Her name is Wu Yumi.”

“Wu Yumi? Kaano-ano mo si Wu Yifan?” Tanong ni Sungjee sa kanya.

“Ehem! Gelato!” Parinig ni Shiwon na nakarecover na sa luhuran scene niya.

“I’m just asking. Tss..”  Irap ni Sungjee sa comment ni Shiwon.

“Patabi!” Agad na may tumabi at umupo sa tabi ni Hanuel. “Hi Noona!”

“San ka galing?” Tanong ni Hanuel kay Taemin, ang nakakabatang kapatid nito. Kasama niya ang kanyang bestfriend na si Kim Jong In, or mas kilalang Kai ng EXO.

“Diyan lang, kasama sila Jonghyun hyung.” Sagot ni Taemin tapos tumingin kay Yumi. “Sino siya?” Tanong nito na parang bata.

“Ano.. Little sister siya ni Kris ng EXO, si Yumi.” Ngiti ni Naru sa kanila. Namula naman si Yumi nang nakita si Taemin. “Yumi, tita ko si Tita Jaemin, mga pinsan ko: Si Ate Nijin, Ate Hanuel, Sungjee at Shiwon. Si Taemin pala kapatid ni Hanuel, Si Nijin at Shiwon magkapatid.. Uhmmm, tapos si Kai, yung kaklase natin.”

“Hi! Ako si Yumi, kapatid ni Kuya Yifan. Matanda nga lang si Kuya Yifan ng limang taon sa akin. Tapos may bunso kami, si Yunhee first year college pero nasa ibang department.” Sagot ni Yumi sa kanila. “Pumunta pala dito si kuya?”

“Oo, bumili nung cupcakes ko.” Sagot ni Sungjee.

“Ah. Kainis na kapreng iyon oh! Di man lang nag-aya manlibre.” Simangot ni Yumi na agad naman kinabigla nila Naru. Dahil dito ay nagtawanan sila. “Alaka, may nasabi ba ako?”

“Kala ko sila noona lang may tawag ng kapre sa kanya, pati rin pala ikaw. I like you!” Sagot ni Taemin in behalf of his cousins at tita.

Namula naman ang pisngi ni Yumi sa sagot ni Taemin. Ano ba! Kinikilig ako!’ bulong nito sa sarili.

“Si Ate Yumi nagblush! UUUUUUUY! MiMin!” Sigaw ni Shiwon.

“Anong MiMin?” Tanong ni Taemin kay Shiwon.

“YuMi at TaeMin. MiMin. Bago kong ship!” Dahil dito, mas namula si Yumi at namumula naman ang pisngi ni Taemin.

“The Noona approves!” Agad sabat ni Hanuel para sa kapatid.

“AY WAIT! May isa pa akong ship!” Sigaw ni Shiwon. “NAKAIIIIII~!” Namula naman ngayon sina Naru at si Jong In.

“The daddy approves!” Sigaw mula sa kabila. Nagtinginan naman ang lahat sa likod.

“DADDY?!”  Sigaw ni Naru na may halong kaba at excitement nang makita ang tatay Joongki nito na nakangiti in his office suit. ‘Pambihirang buhay to!’

_______________________________________________________

 

“Thank you sa paghatid kuya!” Masiglang pasasalamat ni Ahra sa kuya niya. Bubuksan na sana nito ang pintuan nang hinawakan ito ng kuya niya sa braso. “Ano?”

“Sinong may sabing ihahatid ko lang kayo?” Trying hard na pinataas ni Jaejoong ang kanyang kilay.

“Kuya, pwede di trying hard? Di mo mapapataas yang isa mong kilay na di kasama ang isa.” Natawa naman si Yenne na nasa backseat sa komento ni Ahra sa kanya.

“Wait lang, so ibig sabihin ba nito sasama ka sa amin sa loob?” Tanong ni Yenne kay Jaejoong.

“Yun na nga.” Sagot ni Jaejoong at inalis ang seatbelt at lumabas ng kotse. Nagtinginan sina Ahra at Yenne.

“May sinabi ka ba kay Sir Jaejoong at parang may namumuong confidence level 150?” Tanong ni Yenne kay Ahra. Simula ng sinabihan nito na tapusin before 5pm ang mga paperworks, nagtaka na ito kasi bihira lang ganyan ang boss unless may urgent na nangyayari. “Hoy Ahra! May sinabi ka ba sa kuya mo kaya napaaga ang out natin?”

“Well, sabi ko ilalakad natin siya kay Ate Jaemin kung pumayag siya. Naexcite siguro kaya ganyan.”Sagot naman ni Ahra sa kanya.

“Talagang ginamit mo pa ang ate ko para dito noh?”

“Eh ano naman? Halata naman kay kuya na may gusto siya sa ate mo -,”

“Pero wala namang gusto si ate kay kuya Jaejoong.” Putol ni Yenne kay Ahra. As much as gusto rin niya ang boss nito para sa ate niya, alam niyang may probability na malabo itong mangyari.

“Wala PA, mahahanapan ng paraan yan. Tiwala lang ang kailangan.” Kampanteng sagot ni Ahra, isang attitude niya na namana sa kuya niya.

Kinatok sila sa salamin ng car door at nakita ang kuya nitong nasa labas. Binuksan nila ang pintuan at bumaba mula sa sasakyan.

“Ang bagal niyo namang bumaba.” Komento ni Jaejoong habang nilock ang sasakyan.

 

 

“Ate Yenne! Anong oras ba magsisimula yung mini-concert?” Tanong ni Ahra habang naglalakad sila sa daanan ng Seoul University. Maraming booths at palamuti na nagpyepyestahan sa daan, gayon din ang mga tao na ubod ng rami.

“Sabi ni Naru 7pm sa may soccer field.” Tipid na sagot nito.

“Darating ba si Jaemin?” Tanong ni Jaejoong.

“Kanina pa siya dumating kasama ni Shiwon. Di ko lang alam kung nasan sila ngayon, nagtext na ako pero wala pang reply. Nandito lang yun.” Sagot ni Yenne kay Jaejoong.

“Wait lang.” Huminto si Ahra at agad naman ding huminto sina Yenne at Jaejoong.

“Bakit? May problema?” Tanong ni Jaejoong at tumingin sa kung saan tumitingin si Ahra. Nanliit ng mga mata niya. “Bakit siya nandito?”

“Ano kasi, kuya. May usapan kasi kami ni Minho na magkita dito.” Kilig na sagot ni Ahra at nag-ayos ng sarili. “Maganda na ba ako?”

“Matagal ka nang maganda, ang tanong kung maayos ka lang ba tignan.” Biro ng kuya nito sa kanya. Tinignan lamang ito ni Ahra. “Fine.Punta lang ako sa mga Guild of Music na booth, mangangamusta ng mga kakilala. At hahanapin si Jaemin na rin.” Umalis ang kuya nito at iniwan silang magkakaibigan.

 

“Grabe kuya mo, vocal sa nararamdaman kay ate.” Komento ni Yenne habang papalapit sila sa crush/manliligaw ni Ahra na si Choi Minho, ng captain ng soccer team nung nag-aaral sila na ngayon ay isa sa mga kilalang soccer player ng Seoul ng Choi Soccer Camp at isang licensed engineer.

“Alam mo naman yun. Sadyang head over heels kay ate Jaemin.” Sagot ni Ahra kay Yenne.

“Good Evening ladies!” Bati ni Minho kanila Ahra at Yenne sabay abot ng flowers kay Ahra.

“Dapat talaga may ganito?” Tanong ni Ahra habang tinitignan ang bouquet.  

“For a gorgeous lady? Hindi.” Sagot ni Minho at agad napasimangot si Ahra. “Kasi higit pa diyan ang nararapat sa iyo.”

Halata man o hindi, kinuryente sina Ahra at Yenne ng kilig. Di makata o walang hilig si Minho sa mga pick-up lines pero once in a while ay bumabanat ito.

“Kilig ka ‘noh?” Siniko ni Yenne si Ahra na halata ang ngiti na abot tenga.

“Maiksi, corny pero oo te.” Agad na sagot ni Ahra na nakapoker face, manang mana talaga sa kuya.

“So, saan tayo? Gusto niyong kumain, maglakad-lakad-,”

“Pass ako dyan, ayaw kong maging third wheel.” Sagot ni Yenne kay Minho. “Nagtext si Hanuel, nasa stall sila ni Sungjee.”

“Sige, text ka nalang mamaya kung nasa soccer field ka na.” Nagpaalam si Yenne kanila Ahra at agad hinanap ang stall ni Sungjee.

 

_____________________________________________________

 

Habang pahanap-hanap ng cupcake stall, may nakabungo si Yenne at sa kasamaang palad ay namantsahan ang blouse nito.

“Naman oh! Kapapalit ko pa nga lang, mansta na agad?” Malungkot na sabi ni Yenne habang tinitignan ang blouse.

“Sorry miss, di ko talaga sinasadya.” Hingal na sabi ng lalaki. “Papalitan ko nalang yan.”

“Di dapat ito pinapalitan, dapat ikaw ang maglaba nito!” Reklamo ni Yenne, tapos tumingin sa lalaki.

“Sige.Akong maglalaba pero for now tumakbo na tayo.” Sabi agad nung lalaki na di pa niya nasisilayan ang mukha dahil sa paghatak nito sa pagtakbo.

 

“Okay ka lang?” Tanong nung lalaki kay Yenne. Humihingal pa rin ito at napaupo sa may sofa sa gilid.

“Namantsahan ang uniform ko, nagkasira-sira ang takong ng sapatos ko na akala ko matutuluyan na akong masprain at mukha na akong si the grudge sa gulo ng buhok ko tapos ngayon magtatanong ka kung okay ako? OKAY KA LANG? SINO KA BA?!” Napasigaw si Yenne at tumingin sa lalaki. Pero kaysa magalit ay agad siyang napanganga sa kausap. Tumingin siya sa paligid: lights, make-ups, crews at EXO na nakatingin sa kanya.

“Sorry!” Nagpeace sign ang baby face na mala-badboy ang mukha at nginitian siya. “I’m really sorry. Yung mga fans kasi hinahabol ako. I’m Lu Han by the way at ako,” tinuro ang sarili, “ako ang bahala sayo~!”

 

______________________________________

Chappy 2 updated!

Lubusin ang update habang pwede pa. HAHAHAHAH! :)

 

Subscribe and Comment!

 

<3missdauxian

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
uikaxxlockheart
#1
Chapter 16: Nag-backread dahil naaliw!
uikaxxlockheart
#2
Chapter 15: Iisipin ko na birthday gift mo ito saken 'te
uikaxxlockheart
#3
Chapter 15: Wait lang shemay nagbabanyo pa ako emerged ate!!!!! You updated! Hart hart
uikaxxlockheart
#4
Nami-miss ko to. :(
uikaxxlockheart
#5
Chapter 14: Why am I shipping the maknae line with Yunhee? /facepalm.

Pero HeeMyeon talaga.O(∩_∩)O

Eh tapos authentic HunHan! *^o^*

Yaaay napasaya ako ng chap na to. The best!
RiCa1826 #6
Chapter 14: Ang cute ni Yunhee. HAHAHAHA sarap sapakin xD
tapos kinilig ako ng slight nung pinaligiran siya ng maknae line. Wala lang kasi ang cute nung maknae line ang sarap nilang i-squish

Bet ko din yung tandem ng Yunhee+Maknae line since si Yunhee halos kasing edad lang nila, para lang silang magbabarkada at magakakapatid na nagbabangayan lol

Shiwon and Hanbyul why. HAHAHA. gamitin ba naman si Yunhee. pero okay lang keribels naman xD

TaoRis. Alam na this! XDDD
uikaxxlockheart
#7
Chapter 13: okay masungit talaga si Yenne. :))) Bara lang ng bara.

"ano bang nangayari sa buhay mo at ganyan ka nalang kaseryoso?" ---hahahaha madalas itanong to sa akin. :)))))

Pero 2min shipper ako huhuhu.

Shetttttt! may date ang LuYenne :))) <3 <3

Munggago ni Yi Fan lol. selos?

Kamusta ang MiMin. :)))) *eeeh di ako makapag-spazz gawa may YumiXing feels ako.* :))))

Meeeehhhh yung NaKai ang lande ples. :))))


Wuhuuuuuu ChenRa! ChenRa! ChenRa na yan!!!!! *_*

KookJee <3 <3 <3
Paninininini
#8
Chapter 13: love triangle na ituuu
heyitsbabyjoojoo
#9
Chapter 13: ATE APRIL I LOVE YOU!!! Kookie wag na taung mag pa ligoy ligoy pa please tau na oh ahahahahaha cge na!! Legit na eh!! Pede na!


Ahjumma haba ng hair mo sinasabi ko sau!
NaKai♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥ 5ever!

Pastry pa tawagan nmn ptfffahajsgajfoa!!! Kahit kanino na sa Kris oh basta akin c Jungkook mamahalin kita ng lubusan ate april!
bananamilk23
#10
Chapter 13: te, bukas na ako magcocomment... di ko pa nababasa ng buo eh... hehehehehe